Saturday, January 17, 2009

ronald everywhere!

Napapalibutan ako ng mga Ronald.

Hindi ko napansin ito hanggang dumating siya sa buhay ko.

One. Ang pangalan ng dati kong bespren ay Ronald. Well, kaibigan ko pa rin ang Ronald na ito hanggang ngayon, pero hindi na kami magbespren. Kasi bespren ko rin ang asawa niya. Si Eris. In fact, dahil sa akin kaya nagkakilala silang dalawa. Magbespren kaming tatlo. Pero magmula nang magkarelasyon sila’t eventually ay ikasal, hindi na kami naging super close ni Ronald.

Ayos lang naman. Hindi naman sa talagang nag-iwasan kami pero ethics na rin siguro iyon. Kasi nga, may asawa na siya at bespren ko pa ang napangasawa niya. Baka kapag nagsarah's kami o maglakwatsa sa sulok-sulok ng Luzon, Visayas, Mindanao at may makakita, mapag-isipan pa kami nang masama. Saka sa totoo lang, parang hindi naman namin sinasadyang lumayo sa isa’t isa. Nawalan lang yata kami ng pag-uusapan. Nag-uusap na lang kami pag organisasyon namin ang paksa. Bago ako ay siya ang pangulo namin.

E, ngayon, di siya masyadong aktibo sa org, kaya di na rin kami nakakapag-usap.

Two. Yung parang tumatayong bespren ni Jowa ngayon ay Ronald din ang pangalan. Taga-Bataan naman 'to. Kapatid ng isang mayor doon. Masayahing tao ang Ronald na 'to. Magaan kasama. Laging nasa shop ni Jowa kahit hindi naman magda-dive. At nag-Mason pa, dahil sa impluwensiya ni Jowa.

Three. Four. Five. Six. Sa faculty room, may apat na Ronald:

Si Paguts, na ka-close ko ngayong 2nd sem dahil lagi kong kasabay maglunch. Di naman kaming dalawa lang, ano? Kasama namin lagi sina Sir Mak, Mam Cora, Sir Benj, Sir Bob at Karen. Econ teacher si Paguts na, yes it’s a small world, dating estudyante ni Sir Mike Coroza sa southridge. Mahusay daw tumula itong Ronald na ito sabi ni Sir Mike. I'm yet to discover hahaha... Matangkad at patpatin itong si Paguts, na siyang dahilan kung bakit me naaalala akong ibang Ronald kapag nakikita ko ang kanipisan niya.

Si Sir Manalo na teacher sa Math at medyo cute ang height. Taga-Cavite rin!

Si Sir Ronnie na Econ teacher (din) at payat na payat (din). Parang pang-grade 5 ang katawan. Unfortunately, ganon din ang height.

At si Sir Fernandez na Computer course naman ang itinuturo. Yummy este matipuno ang katawan niya.

Kapag me napadayong estudyante sa faculty room at nagtanong ng “andiyan po ba si Sir Ronald?” Ang ibinabalik naming tanong ay

Anong size? Large? Medium? Small? O extra small?

Common nga yata talaga ang pangalan na 'yan.

RONALD.

Seven. Sabay ng kasagsagan ng problema ko sa pag-ibig ay ang tulawikaan event ng aming org. At parang joke talaga ng tadhana dahil ang assistant ni Mam Madrunio, ang chair ng departamentong tumulong sa aming org para maisakatuparan ang tulawikaan event, ay Ronald ang pangalan.

Lagi kong kausap noon pa man itong si Sir Ronald. As in first day ng pagtuturo ko pa lang sa Uste noong 2007. Siyempre hindi ko rin napansin na Ronald ang pangalan niya! Siguro nasanay akong may sir ang tawag sa kanya.

Dahil assistant siya ni Mam Madrunio at ako ang contact nila sa org namin, lagi kaming magkausap. Sir Ronald, Sir Ronald, kako. Minu-minuto.

Agosto yan. Kasagsagan ng bagyo. Sa puso at sa career.

Hay.

At ang Ronald na dahilan ng blog entry na ito?

Ay isang kaibigan na nakilala dahil sa trabaho ko noon sa panitikan.com.ph. Nagre-research ako tungkol sa mga pampanitikang samahan at ibinigay ni Sir Vim ang cel no. niya. Isa siya sa pinakamabilis na nagreply nang humingi ako ng mga detalye tungkol sa org nila. Nagmeet pa kami para maipaliwanag niya ang mga sagot sa tanong ko tungkol sa kanilang org, ang Cavite Young Writers Organization kung saan siya ang pangulo.

2005 iyon. At hindi ko akalaing magtatagal at lalalim ang ugnayan namin sa isa’t isa. Akala ko nga, dahil maraming nanghuhulang ikakasal ako last year, ay talagang tadhana na itong pagkikita namin. Akala ko rin, sign pa ang pagkakaroon niya ng pangalang iyan, na pangalan nga ng asawa ng bespren ko at pareho pa sila ng pinanggalingang lugar: Cavite.

Iyon pala, narealize ko, na marami ang nanghuhulang ikakasal ako ay dahil panahon na para ikasal ako. 29 na ako. Natural lang na tuksuhin nang tuksuhin ng kasal ang mga nasa ganyang edad, ano? At yung kapangalan niyang bespren ko ay coincidence lang talaga. Patunay pa ngang common ang pangalang iyan ang nasa listahang ito.

Gayumpaman, ang partikular na Ronald na ito ay isa sa mga ipinagpapasalamat kong dumating sa buhay ko.

Dahil sa kanya, I have learned to see things in a different way.

Salamat uli ha, Poy.

4 comments:

sarah said...

nakainuman ko siya. at ibang klase kung umiyak! hindi halata!

babe ang said...

sarah!

Abigail Amorin said...

Si Sir Ronnie na Econ teacher (din) at payat na payat (din). Parang pang-grade 5 ang katawan. Unfortunately, ganon din ang height.

hahahaha sir cabs. Hi ma'am bebang kamusta po :)

babe ang said...

Hello, Abijco, shhh...wag mo ko sumbong hahahahaha

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...