Monday, June 5, 2017

Resorts World Lone Gunman Kuno

I am not buying the story of Resorts World Manila lone gunman.

Ilang araw ko na itong sinusubaybayan. Ang hatol ko: scripted ito.

Heto raw ang nangyari ayon sa mga report ng pulis at media.

1. May pumasok na lalaki, na mukhang foreigner, sa RW.
2. Walang nakapigil na security officer sa kanya.
3. Pagkapasok, saka niya inilabas ang armalite at pinaputok ito patungo sa kisame.
4. Dumiretso siya sa isang room na puro casino table, wala nang mga tao roon.
5. Niliyaban niya ang dalawang mesa.
6. Nagpunta siya sa taguan ng casino chips at nanguha ng chips.
7. Nagpunta sa hagdan (fire escape nga ba ang tawag dito, e ba’t walang tao, samantalang may sunog sa casino?).
8. Nakipagpalitan ng putok. Natamaan sa binti ang lalaki.
9. Nagtanggal ng maskara, umakyat pa more, umupo sa hagdan, paharap sa CCTV.
10. Umakyat sa 5th floor, pumasok sa room 510.
11. Nagbuhos ng gas, nagbalot ng kumot, niliyaban ang kumot at saka binaril ang sarili.
12. Beyond recognition ang natagpuang bangkay sa room 510. Beyond recognition dahil sa sunog na sunog ito.
13. Samantala, 37 ang patay dahil sa suffocation.
14. Sabi ng pulis, si Jessie Javier Carlos daw ang gunman, isang ex-employee ng Department of Finance, lulong sa sugal, napatalsik sa trabaho, baon sa utang.
15. Inilabas ang kanyang picture.
16. Inilabas ang kanyang magulang, na nag-sorry pa sa mga pamilya ng mga namatay.
17. May suspect, patay ang suspect, nagsori ang pamilya ng suspect. Magbabayad ng P1M ang RW sa pamilya ng bawat biktima. Tapos ang problema.

Pero ako, duda sa ipinapalabas na kuwento.

Ito ang mga naiisip ko:

1. May nagplano nito, at malamang ay hindi ito iisang tao, hindi si Jessie Javier Carlos.
2. Si Jessie ay either inakit ng pera, o tinakot na papatayin, pati na ang sarili nitong pamilya. Pero, definitely, siya ay nabayaran.
3. Siya ang nasa hagdan. Siya ang nagtanggal ng maskara.
4. Posibleng siya ang pumasok sa Room 510.
5. Pero ang natagpuang bangkay na beyond recognition ay hindi siya. RIP sa tao na binaril at sinunog ng mga nagplano ng kagaguhan na ito.
6. Si Jessie ay buhay at nagtatago somewhere. Iniisip niya kung paano ipapaliwanag sa mga anak ang lahat ng ito.
7. Ang bangkay na beyond recognition ay hindi nagsunog ng sarili bago nagbaril. Nauna ang baril bago ang sunog. Patay na ito bago nasunog. Dahil naniniwala ako na likas sa tao ang kumilos habang siya ay nasusunog. Hahakbang iyan, gagapang, definitely hindi mananatili sa iisang posisyon.
8. Ang natagpuang bangkay ay nakahiga, nakapatong ang armalite sa bandang dibdib. Wow, solemn ang kanyang kamatayan. Ganon?
9. Bakit magsusunog sa sarili ang suspek? Kasi ayaw niyang makilala siya. Pero bakit nagtanggal siya ng maskara sa hagdan? At paupo-upo pa siya roon? Dahil nagpapa-ID siya sa CCTV. Sadya iyon.
10. Bakit alam niya kung saan nakatago ang casino chips? Dahil may nag-tip sa kanya. Ang scriptwriter ng black comedy show na ito. Imposible ang sinasabi ng iba na dahil matagal na siyang nagka-casino doon ay nakabisa na niya ang taguan ng casino chips. Kung normal sa lahat ng regular casino goer ang makabisa o kahit man lamang malaman ang taguan ng casino chips, regular ang nakawan o attempt ng nakawan sa mga casino sa Pilipinas.
11. Pero may good news naman ako. Hindi sinasadya ng scriptwriter na may inosenteng madadamay. Nagulat sila na may mamamatay sa suffocation. At ang dami pa, 37. They instructed the gunman very well. “Wala kang babarilin na tao, wala kang papatayin. Magsusunog ka lang, para matakot ang mga tao at sila mismo ang lalayo sa iyo. Tatakas na ang mga iyan palabas ng casino. Then, follow the rest of the instructions.” Ang problema, marami pala ang mata-trap. Hindi ito na-foresee ng scriptwriter.

Palagay ko, a scriptwriter was hired to do this. A script that will serve as distraction sa mga nagaganap ngayon, particularly sa Mindanao. Maraming nagaganap doon na human rights violation, dulot ng kung sino-sino, mula sa gobyerno, rebelde at iba pang grupo.

Imbes na na-distract lang ang mga Pilipino, nagalit sila. Because they want justice. Justice that the body beyond recognition cannot bring forth. Justice that Jessie Javier Carlos story cannot deliver.

In short, akala ng scriptwriter, tanga ang lahat ng Pilipino, at agad na maniniwala sa kanilang kuwento.

Well, dear scriptwriter and your team, congratulations. Thirty seven, actually thirty eight, (isama na natin si beyond recognition guy), ang nasayang na buhay.

I am one of those who can tell the process of your writing.

Okey na sana, kaso, kulang sa research ang script. Katawa-tawa na nakalimutan ninyong sa Pilipinas, hindi sineseryoso ang mga fire safety and evacuation drill. Kaya marami sa atin ang hindi alam ang gagawin, marami ang natataranta, marami ang namamatay, kapag nariyan na ang tunay na sunog.

Sana tinanggal na lang sa script ang pagsusunog ng mga casino table. Sa pagpapaputok pa lang ng armalite ay tatakbo na ang mga tao. At proven naman na laging huli ang pagresponde ng awtoridad. Kaya may sunog man o wala sa casino area, aabot pa rin ang bida ng script ninyo sa room 510 at magbe-beyond recognition pa rin sa pagkatusta ang inilagay ninyo roon na bangkay.

endangered species

may ipinost ako sa FB wall ko tungkol sa sitwasyon ng Pilipinas at ang propriety ng pinakamataas na opisyal ng bansa. dinagsa ng haters ang aking wall. hindi ko ito inaasahan. akala ko ay marami sa FB friends ko ang pareho ko ng pananaw. at di ko man kapareho ay at least, matalino at may respeto ang pagpapahayag ng pagsalungat sa aking binitawang mga salita.

pero, hindi. nakakagulat ang naging batuhan ng salita: tanga ka, bobo ko, dutertards ka, dilawan ka, bayaran ka. at sari-saring mura.

nang panotoryus nang panotoryus ang mga salita, nagdesisyon akong ipatanggal sa wall ko ang aking post. yes, ipatanggal dahil hindi ako marunong mag-unpost, haha. ang ginawa ni papa p ay ginamit niya ang setting na only me, para ako na lang daw ang makakakita niyon. ito ang naging desisyon ko dahil nae-expose ako at ang aking pamilya sa haters, at... sa mga panganib.

baka bigla akong matokhang. o kahit sinong miyembro ng pamilya ko, dahil lang sa post na iyon.

mahirap na.

panahon pa naman ngayong cheapangga ang buhay.

Thursday, June 1, 2017

commute from cavite

mula nang manirahan kami rito sa bacoor, sari-sari nang paraan ang natuklasan ko para makarating ng CCP. ang pinakamahaba ay 2.5 hrs, limang sakay. ang pinakamaikli ay 1.5 hrs, 2 sakay lang.

noong tuesday, 5 hours ako sa kalsada. 2.5 hours sa umaga, umalis ako ng bahay nang 7am, nakarating ako sa fairmont hotel nang 10am. um-attend ako ng launch ng national ip strategy of the philippines, event ng IPOPHL. natapos ito nang 5:30pm. umalis ako sa hotel, 5:45 pm, nakarating ako sa bahay nang 8:45 pm. umulan pa nang pagkalakas-lakas, bandang alas-otso.

imagine, ano, 5 hours sa kalsada. siyempre pagdating ko sa bahay gusto ko na lang humilata sa pagod. dahil hindi naman tuloy-tuloy ang biyahe na yun, palipat-lipat, patayo-tayo, palakad-lakad, pahabol-habol kaya. tas dagdag din sa pagod yung init.

mas malayo ang anonas sa ccp pero nakahanap ako ng paraan para mapabilis at maging convenient ang commute ko mula anonas pa-ccp. average travel time is 1 hr and 15 mins. rush hour yan sa lagay na yan ha.

itong galing sa cavite, tinutuklas ko pa. sabi ng mga opismeyt ko na taga cavite rin, ang tanging paraan to cut the travel time is to leave early. as in 5am daw ang alis sa bacoor. potah, 5am? bakit, sa batangas ba ang punta ko?! di ko talaga matanggap. 5am? seryoso? hay. there must be another way!

napansin ko na sobrang puno na ang mga bus na pa-lawton at baclaran pagdating sa bacoor. so kung sasakay ako ng bus, tatayo ako, makikisiksik ako at mahihipuan ako at magagalit ako sa kapwa ko pasahero hanggang sa baclaran. mga 40 minutes din yan ng buhay ko. pagdating sa baclaran, mababawasan ang mga pasahero pero malamang na nakatayo pa rin ako sa sobrang dami naming nakatayo. sa libertad na ako makakaupo. pero useless na rin kasi malapit na ang bus niyon sa ccp. P25.00 nga pala ang pamasahe, cheap, di ba?

kaya ang ginagawa ko ngayon, para maiwasan ko ang nakakagutay-gutay na sitwasyong pangkababaihan ay sumasakay ako ng baby bus (P9.00) sa tapat ng bukana ng perpetual village 8 (ito ang 2nd starting point, ang tunay na starting point ay ang bahay namin, sasakay ka ng P10 na pedicab mula sa bahay hanggang sa bukana ng perpetual village 8, bahagi ito ng brgy habay ng bacoor). so baby bus mula sa habay hanggang zapote or zapote kabila. yes as in dumadaan ang baby bus sa palengke! nakakaasar kasi sobrang sikip dito pero mas maigi na ito kasi sa baby bus, ako ay nakaupo at halos wala nang laman ang baby bus pagdating sa area na yun. minsan nga, ako na lang ang pasahero. and i like that.

pagdating sa zapote, minsan, sumasakay ako ng dyip pa-baclaran coastal P15.00 ang pamasahe. minsan, ang dyip ay ume-exit agad sa may zapote patungong coastal road. bawas, 30 minutes sa biyahe yun! pero kadalasan, ang dyip ay pumapasok pa ng las pinas. meaning, dadaan ng pulanglupa, bamboo organ (teritoryo ni tisay!) at kabihasnan ng paranaque. sa kabihasnan siya lalabas patungo sa coastal road. sa rutang ito, mula zapote hanggang baclaran ay 50 minutes. natitiis ko ito kasi nakaupo ako the whole time. so puwede akong matulog, magdasal, magmuni-muni etc.

pagdating sa baclaran, maghahagilap na ako ng FX o bus na pa-lawton. kung FX, P15 hanggang CCP. mahirap makipagbalyahan sa mga sumasakay ng FX. fierce sila ineng. so let them be na lang. mas preferred ko ang bus na galing ng alabang/las pinas kasi P12 lang hanggang CCP at madalas ay may upuan nang bakante ang mga ito (nagsisibabaan talaga ang mga utaw sa baclaran, it's the cubao mrt station of the south, laging pinakamarami ang bumababa diyan). mga 25 minutes ang biyahe mula baclaran hanggang ccp.

so medyo bangenge na ang lola pagdating sa work. lagi kong complaint ito nowadays. hindi ako makapaniwala kasi na magiging buhay ko ito araw-araw. No! hindi ko kaya. parang ngayon pa nga lang gusto ko nang sumuko. ang mahal, physically ang hirap, aksaya sa oras, ang commute mula bacoor to ccp.

pasensiya na, antagal-tagal kong walang blog entry tapos rant pa sa aking pagbabalik! hay, i just have to let this out. im sorry, my friend. this too shall pass. sana.



Service Charge

matagal ko nang alam ang service charge na ipinapataw ng restaurant sa mga customer. lagi kong nakikita iyan sa mga resibo at menu. dahil naging waitress ako noon, noong college days ko, natutuwa ako kapag ang isang restaurant ay nagpapataw ng service charge mula sa customers para sa mga empleyado nito.

pero recently, napag-isip-isip ko na isa na naman itong scheme ng mga kapitalista (mga may ari ng restaurant) para makaiwas sa pagbabahagi ng kanilang kita sa sariling empleyado. so imbes na kunin mula sa kanilang profit ang dagdag na kita para sa kanilang empleyado ay ipinapataw nila ito sa customer. intact ang profit ng may-ari ng restaurant. ang nagdurusa ay ang customer. samantalang, duty ng isang restaurant at ng mga empleyado nito ang magbigay ng magandang serbisyo sa customer. given iyon, given ang magandang serbisyo.

isa pang reason kung bakit hindi maganda na may service charge ang isang restaurant ay dumadaan pa sa may-ari ng restaurant ang perang kinukuha niya sa mga customer na dapat ay para naman sa mga empleyado nito. so naiipon ang pera na iyon sa kaha ni restaurant owner. at ang me hawak ng mga computation diyan ay ang restaurant owner dahil puro resibo naman ang pinag-uusapan (sa resibo nagre-reflect ang service charge, dito makikita ang amount na kinuha sa customer na siyang amount na dapat ay mapunta sa mga empleyado). so kung magkano ang compute ni restaurant owner as service charge, kung magkano ang ideklara niya, iyon ang ipapamahagi niya sa mga empleyado.

e, paano kung hindi siya honest? paano kung gahaman siya? which i think tama, as in gahaman siya, kasi ayaw nga niyang magalaw ang profit niya e kaya ipinapataw niya ang service charge sa customer. di ba? so, ano na? magkano ang tunay na nakakarating sa mga empleyado mula sa mga ibinabayad na service charge ng customer?

hay, ang mga kapitalista nga naman, kung ano-ano ang naiimbentong paraan para mapalagong lalo ang salapi. At kapangyarihan.

Monday, May 22, 2017

Panayam para sa Pagsasaling Pambata

Ang Tagasalin bilang Manlilikha:

Bibliyograpiya at Panunuri ng mga Saling Pambata sa Filipino

Isang Disertasyon para sa PhD Filipino Major sa Pagsasalin

Wennielyn F. Fajilan, PhD Fil: Salin

Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas

Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman

0948-4409502/wenniefajilan@gmail.com

TALATANUNGAN PARA SA MGA TAGASALIN
Magandang araw! Pakisagutan po nang buong katapatan ang sumusunod na tanong para sa binubuong pag-aaral ukol sa pagsasaling pambata sa Filipino. Maraming Salamat!
PANGALAN: BEVERLY SIY
TRABAHO/OPISINA: SENIOR CULTURE AND ARTS OFFICER, INTERTEXTUAL DIVISION, CCP

I. Background sa Pagsasalin
1. Paano ka nabigyang-pagkakataon na magsalin ng akdang pambata?
Nagkaroon ng call ang Anvil Publishing para sa translators para sa mga nobela ni John Green. At ng iba pang nobelistang Amerikano na nagsusulat ng YA. Isa ako sa mga tumugon at nagpakita ng interes dito, kinontak ko si Mam Ani ng Anvil at sabi niya, proyekto daw ito ng National Book Store. Nagpadala ako ng sample na salin at natuwa naman sila kaya pinapili na ako ng nobela ni John Green. Pinili ko ang Paper Towns dahil magkakaroon ito ng pelikula at naisip ko na makakatulong iyon sa sales ng librong salin sa Filipino.
2. Gaano ka na katagal sa gawaing ito?
2006 pa lang ay nagsasalin na ako. Pero karamihan ay teknikal na mga akda ang isinasalin ko. Nang mabigyan ako ng pagkakataon na makapagsalin ng mga profile ng Ramon Magsaysay Awards recipients, mas nahasa akong magsalin na ang target market ay kabataan. Kasi ang target reader ng salin ng RM awardees profiles ay kabataan at guro.
3. Ano-ano ang mga preparasyong teknikal o akademiko gaya ng mga workshop, training o kurso na dinaanan mo bilang tagasalin?
Marami na akong napuntahan na mga seminar tungkol sa pagsusulat ng akdang pambata at YA, hindi ko na matandaan ang lahat. Pero mas pokus ako sa pagsusulat, hindi sa pagsasalin. Noong kolehiyo ako ay may subject akong pagsasalin. Marami akong natutuhan doon. Sa LIRA workshop (na nilahukan ko noon), may talk na tungkol lamang sa pagsasalin ng tula. May mga aklat din ako tungkol sa pagsasalin, na binasa ko maski noon pa, bago pa ako magsalin ng YA na akda.
Nitong nakaraan ay sumali ako sa Seminar sa Pagsasalin ng Komisyon sa Wikang Filipino. Batayang antas pa lamang daw iyon. Magpapatawag daw sila para sa susunod na level.
I believe, mas umuunlad ang kakayahan ko sa pamamagitan ng patuloy na pagsasalin. Hindi ako tumitigil sa pagtanggap ng mga teknikal na salin, at nagsalin din ako ng mga literary-historical na sanaysay ni Ambeth Ocampo. Para sa akin, mas mabigat ang mga iyon kaysa sa mga seminar o training o kurso.
4. Bahagi ka ba ng isang grupo ng mga manunulat o tagasalin? Ano-ano ang mga ito?
Manunulat, FILCOLS, FWGP at LIRA. Tagasalin, hindi.
5. Bukod sa pagsasalin ng akdang pambata, nagsasalin ka rin ba ng ibang uri ng panitikan o babasahin?
Oo.
6. Ano-ano ang mga ito? Aling mga wika?
Leaflet na nasa loob ng kahon ng gamot.
Biography o profile.
Sanaysay.
Rules and regulations para sa isang unyon.
Ingles patungong Filipino lamang.
7. Bahagi ng aking pananaliksik ang pagbuo ng annotated bibliyography ng mga aklat pambata na isinalin mula sa Ingles patungong Filipino. Maaari po kayang ilista ang inyong mga aklat upang mailagay sa kauna-unahang talaang ito? Pakitukoy po ang pamagat, awtor, taon ng publikasyon.
Ang Paper towns pa lang ang napa-publish. Ang salin ko ng Ambeth Ocampo book ay hindi pa inilalabas ng Anvil.
Siy, Beverly W. at Verzo II, Ronald V., Paper Towns, Salin sa Filipino ng Paper Towns ni John Green, National Book Store, Mandaluyong City, 2015.
8. Para sa iyo, ano ang kahulugan ng pagsasalin?
Ang pagsasalin ay pag-unawa at pagpapahayag sa isang akda mula sa pinagmulang wika patungo sa target na wika.
9. Ano- ano mga katangian ng isang mahusay na tagasalin?
Matiyaga, masipag, mabusisi, malikhain, determinadong matapos ang pagsasalin, bukas sa kultura ng isinasalin, mahusay sa kultura ng target na wika, sensitibo sa pangangailangan ng readers
II. Karanasan sa Pagsasaling Pambata
1. Sa tingin mo, mayroon bang pagkakaiba pagsasaling pambata sa ibang gawain ng pagsasalin? Bakit?
Mayroon. Ang target audience. Siyempre, iko-consider mo ang kakayahan nilang umunawa. Factor ang edad dahil hindi pare-pareho ang kakayahan ng bawat age group ng mga bata.
2. Bakit kailangan ng pagsasaling pambata?
Dahil napaka-specific ng needs para dito.
Importante rin na dumami ang nagsasalin ng pambatang akda para mas marami ang makatawid na mga akda mula sa iba’t ibang kultura. Mas maraming akda na nagmumula sa ibang kultura, mas maganda. Mas nagiging tolerant ang mga reader, nagiging sensitive sila sa culture ng iba.
3. Ano ang layunin ng publikasyon na kinabilangan mo at paano nakaambag ang iyong saling pambata dito?
Sa tingin ko, isa sa mga layunin ng nobelang Paper Towns ay ang ipadama sa reader na normal ang mga isipin at usapin na tinalakay dito: halimbawa, identity crisis, pagtatapos ng high school life, kababawan ng mga tao, superficiality ng society, etc. Normal lang na pag-isipan ito ng kabataan, normal lang na malungkot siya sa kanyang mga natutuklasan. At hindi dapat tinatalikuran ang mga ito. Bagkus, dapat nga ay hinaharap ang mga iyan, sino-sort out. Tulad ng ginawa ng mga bida ng nobela.
Palagay ko, nakatulong ang salin ko sa nobelang iyan na maipakita sa mga mambabasang Pinoy na hindi naman masyadong naiiba ang issues natin sa issues ng mga teenager na Amerikano. Na mabababaw din ang mga Amerikano, mukha lang hindi hahaha!
(Sa totoo lang, isa yan sa dahilan kung bakit ako nagpasyang isalin si John Green. Gusto kong huwag nilang diyusin si John Green at napakababaw lang din minsan ng mga dialogue ng characters niya, ‘no? Andami kayang bayag-bayag doon sa original. As in betlog, betlog ganon. Sa Ingles kasi, balls at scrotum ang tawag, parang sosyal at the same time, scientific hahaha.
4. Bilang tagasalin, ano ang iyong layunin sa pagsasalin ng akdang pambata?
Maipakita na kaya ng ating wika na maging carrier ng kaisipan/insights ng ibang kultura.
Maipakita na kapag isinalin ang ilang akda, ang akda sa ibang bansa ay hindi naman pala superyor, gaya ng unang impresyon natin doon.
Maipakita sa mambabasang Filipino na napakalaki at lawak ng mundo, kailangan ay may sense din siya ng mundong ito. para di naman siya mabalagoong sa kung ano lang ang nakikita niya sa kapaligiran.
5. Ano-ano ang mga prinsipyo sa pagsasalin na naging gabay mo sa iyong pagsasaling pambata?
a. huwag isalin lahat. Sa paper towns, may eksena doon na napapansin ni Q, ang bida, ang lahat ng pisikal na bagay sa gf ng kanyang bespren. Umabot na sa punto na napakaseksuwal ng pagkaka-describe niya sa girl. Ang ginawa ko, binawasan ko iyon, ang pagka-sensual at sexual, kasi naisip ko, hindi mahalaga iyon sa pinakakuwento ng nobela. Siguro nga, manyak si Q kasi 18 yrs old guy siya at napakaganda ng gf ng kanyang bespren, pero additional na isipin lang ito for the reader. Masyado nang complicated ang sitwasyon ng mga tauhan, kaya di ko na isinama ang “pagkamanyak” ni Q. Ginawa ko itong mas tame.
Example, pag talon ni Q papasok sa van, sumubsob siya sa kandungan ng girl (original)
Pag talon ni Q papasok sa van, sumubsob siya sa paanan ng girl (salin)
6. Ano-ano ang iyong karaniwang hakbang sa pagsasalin ng akdang pambata?
Basa muna ang buong nobela. At least twice (binasa ko ang Paper towns nang mga 15x before and during the translation)
I-check ang iba pang nobela ni John Green (wala lang, para lang makita ang style ng writer).
Consult with publisher. Itinatanong ko na lahat ng puwede kong itanong.
Google John Green. Check feedback of young readers all over the world about Paper Towns.
Salin. Nasa tabi ko ang mga dictionary, naka-open din ang internet ko.
Nag-i-skip ako kapag di ko maisalin ang isang word or isang line. I ask Poy to do it kung kaya niya. Kung hindi, binabalikan ko siya after na ng buong nobela.
After salin, isang pasada ko, kasama na riyan editing.
After isang pasada at editing, isa pang basa.
After isa pang basa, proofreading naman.

Then usap kami ni Poy to settle any challenging words or phrases.
Then type uli, encode lahat ng changes, print and another pasada!
I-encode ang mga iwinastong mali.
Print.
Submit.
7. Mayroon ka bang sinusunod na mga teknikal na kahingian gaya ng haba ng salin, antas ng wika at anyo ng mga pahayag? Bakit?
Wala. Hindi ko sinasanto ang haba ng pangungusap o ng talata. Isasalin ko ang isang sentence sa paraan kung paano ito sinasalita. Conversational, iyon ang sinusunod ko.
Sa idioms, ang una, hanap ng katumbas dito. Kung wala, isalin o as is tapos ilalagay na lang sa baba ng pahina ang meaning ng original na idiom.
Sa idioms, ang kinokonsulta ko ay si Poy at ang ate niya. Very familiar sila sa American lit kasi. So alam na alam nila ang mga idioms ng Americans.
8. Ano-ano ang mga hamon at balakid na naranasan mo sa iyong pagsasaling-pambata?
Idioms tulad ng sleep with the fishes. Ayon sa researc h ko, new idiom daw ito. Ang hirap, nahirapan kami sa pagsasalin nito.
Tula ni Walt Whitman, shet ang haba niyon. Ang naging solusyon ay di namin ito isinalin. Kasi dapat ibang bayad na iyon para isalin namin. At isa pa, American literature naman ang ipino-promote ng Paper Towns so let the readers feel and hear the said poem.
Sa America, importante sa kanila ang pag-aari sa isang bagay. Kaya tadtad ng salitang my ang buong nobela.
Example: She went through my window, rolled over my floor, hopped on my bed, etc. etc.
Hindi ko sinunod diyan ang sobrang paggamit ng my. Mawiwirdohan lang ang reader sa bida (siya yung nagsalita sa example ko).
9. May papel ba ang awtor sa proseso ng iyong pagsasaling pambata?
Unfortunately, hindi ko nakausap ang awtor na si John Green. Pero sobra kasi ang online presence niya. May blog siya at may videos, so parang nakakausap ko na rin siya kahit paano kasi ni-research ko siya nang maigi at binasa ang mga link na may kinalaman sa kanya at sa Paper Towns.
Kung makakausap ko siya, magtatanong ako siyempre.
Noong isinasalin ko ang libro ni Ambeth Ocampo, hindi ko kinausap si Sir Ambeth. Once lang, at thru publisher pa iyon. Na hindi rin naman nasagot ang tanong ko.
10. Bago mo ipasa ang salin sa editor, paano mo tinitimbang ang iyong salin?
Ipinapabasa ko kay Poy. Pinapasadahan namin ito nang maraming ulit. As in, mga 5. Ipinabasa naming kay EJ ang Paper Towns kasi graduating din siya nang time na iyon, katulad ng mga bida sa nobela. Gusto naming malaman kung makaka-relate ba si EJ sa mga tauhan.
Binabasa ko rin nang malakas ang salin ko para ma-check ang cadence ng mga pangungusap lalo na ang mga dialogue.
11. Bukod sa editor, mayroon pa bang ibang taong sangkot sa pagtanggap ng kaangkupan ng iyong saling pambata?
Oo, si Poy ang resident editor ko.
12. Tumatanggap ka ba ng kaparehas na bayad at royalty sa pagsasaling pambata gaya ng mga awtor at ilustrador? Hindi.
Kung hindi, ilang porsyento ang pagkakaiba ng iyong bayad?
Outright payment ang sa amin. One time payment. Walang royalty. 30k after ng submission ng lahat.
Sang-ayon ka ba sa pagkakaibang ito? Bakit?
Actually, mas malaki nga ang bayad dito, e. kasi kapag ikaw ang author ng libro mo, kikita ka lang thru royalty, ibig sabihin, hihintayin mo muna ang libro mo na mabili ng madlang pipol bago ka kumita. E, paano kung hindi ito naging mabili? Dito sa rate nila sa translators, kahit hindi pa nalalathala ang libro, may bayad na agad sa iyo. Ang problema ko lang dito ay ang usapin ng copyright. Dapat, intact ang copyright ni tagasalin at dapat ibigay ito sa kanya.

III. Mga Pananaw ukol sa Pagsasaling Pambata sa Filipino
1. Sa iyong palagay, makabuluhan bang laging isalin sa Filipino ang mga akdang Ingles na isinulat ng mga Pilipinong manunulat pambata? Bakit?
Oo, para mas malaki ang market. Parehong reader sa Ingles at reader sa Filipino.
2. Nakatutulong ba ang pagdami ng salin ng mga orihinal at muling pagsasalaysay na mga aklat pambata sa pagsusulong ng panitikang pambatang Filipino? ng wikang Filipino? Bakit?
Oo naman, kasi mas dumarami ang publikasyon o edisyon ng iisang materyal. Mas marami din ang subjects (English at Filipino) na puwedeng paggamitan ng akda kung may salin ito. Kapag mas maraming reader, mas marami ang posibleng maging manunulat balang araw. Kumbaga, parang investment itong pagpaparami natin ngayon ng publikasyon o libro. At kapag marami ang manunulat sa isang lipunan, mas malaki ang tsansa na makagawa ng matataas pang kalidad na mga akdang pambata para sa Pinoy.

Tungkol sa wikang Filipino, siyempre, dapat may balance din. Dapat ang mga akda sa Ingles, isinasalin din sa Filipino. Ang mga akda sa ibang rehiyon, isinasalin din sa Filipino. Nakakatulong ito sa pagsulong ng wikang Filipino dahil nagiging tulay ang wika para makakilala tayo ng iba’t ibang kultura. At dahil nagiging tulay ito, nakikita ng reader ang halaga nito. Hopefully, magiging kaisa ang reader sa pagtataguyod ng wikang Filipino. Siyempre, mas exposed ka sa isang wika, mas likely na gamitin mo ito at mahalin mo ito.
Isa pa, ang bata, kapag exposed sa isang wika, natututo siyang mag-experiment gamit ang wikang ito. So nagiging kakambal ng haraya niya ang nasabing wika. So sana ay ganito ang mangyari sa wikang Filipino kasabay ng pagdami ng mga publikasyong nagtatampok ng salin, para sa kabataang Filipino.
3. Ano ang palagay mo sa di paglalagay ng pangalan ng tagasalin sa mga pabalat at kahit sa copyright page ng mga aklat pambata?
Mali iyan, kasi ang salin (lalo na ang akdang pampanitikan) ay isang creative expression. May karapatan ang tagapagsalin sa kanyang salin, may karapatan siyang makilala bilang tagasalin dahil creative expression niya ito. So... dapat ilagay ang pangalan ng tagasalin sa mga pabalat at sa copyright page. Maaaring naipagbenta na niya ang economic rights niya so wala na siyang karapatan na kumita mula sa kanyang salin pero ang moral rights (isa roon ay ang makilala bilang tagapagsalin) ay forever! At dapat nire-reflect ng copyright page ito!
4. Naniniwala ka ba sa palagay ng ilang kritiko na kapag sinusuri ang isang salin, dapat bigyang-pansin ang papel ng tagasalin lalo na sa mga akdang pambata? Bakit?
Yes! Kasi inuunawa ang akdang pambata batay sa salin. Ibig sabihin, may sining din at likot ng imahinasyon ng tagasalin ang mahahalo sa salin. Kailangang i-acknowledge ito: ang sining at talino ng tagasalin na mababakas sa salin.
Maganda rin na tingnan ang background ng tagasalin. Kasi nakakaapekto rin ito sa pagsasalin niya. Ako, halimbawa, mulat ako sa karapatan ng kababaihan. Doon sa ibinigay kong halimbawa tungkol sa pagka “manyak” ni Q... Kaya hindi ko na isinama sa isinasalin ko ang very subtle na pagkamangha ni Q sa mga bahagi ng katawan ng gf ng kanyang bespren kasi hindi naman importante sa buong nobela at palagay ko, mas nakakasama pa ito sa images ng babae na ipino-portray sa panitikan.

5. Kung magkakaroon ng isang samahan para sa mga tagasaling pambata, bukas ka bang maging bahagi nito? Ano-ano ang tingin mong nararapat na unahing proyekto ng mga ganitong uri ng inisyatiba?
Oo!
Kung may mga akdang pambata ang mga national artist for literature natin, iyon ang unahin. Kasi iilan pa lang ang National Artist natin na nagsusulat sa wikang Filipino. Karamihan pa rin sa mga NA for Literature ay nagsulat sa Ingles. Ito ay isang baul ng kayamanan na dapat nating tuklasin at ibahagi sa marami.

Magkaroon ng sarbey tungkol sa pagbibigay ng rates, para Makita natin ang minimum at maximum amount ng kapwa natin tagapagsalin.
Magdaos ng mga seminar, workshop, at events tungkol sa karapatan. Unahin ang karapatan. Overflowing na tayo sa talento, huwag na muna iyan ang unahin.
Maglabas ng best practices.
Maglabas ng guidelines para sa mga publisher. Tungkol ito sa pakikipag-transact with translators ng mga akdang pambata. Kasama sa guidelines ang paglalagay ng pangalan ng translator sa cover at copyright page ng book, and at least one compli copy, etc.
Establish network with other publishing professionals, and govt agencies such as NBDB, KWF, CCP Intertextual Division, NCCA, IPOPHL Copyright Bureau, DepEd, CHED, etc.
Establish ties with ASEAN counterparts para mas dumami pa ang mga akda mula sa mga bansang ito sa wikang Filipino.
6. Sa pangkalahatan, may pangangailangan para sa propesyonalisasyon ng pagsasalin sa bansa, ano ang tingin mong maiaambag ng pagsasaling pambata para sa pagsusulong nito?

Dahil sa particular na pagsasalin na ito, mabibigyang-pokus ang mga pangangailangan sa at ng mga tagapagsalin ng akdang pambata.

Mas magiging sensitive ang mga tagasalin sa particular market na ito: ang mga bata. Mas magiging specific ang pagtugon sa mga pangangailangan nito.

Mapapayaman nito ang mga koleksiyon at library ng mga pagsasalin. Kumbaga, ma-expand ang repertoire, pati pambata ay kasama na.

Makakatulong ito para makapag-forge ng network ng writers ng children’s literature at ng mga tagasalin.




7. Ano pa ang inyong ibang mga obserbasyon at karanasan ukol sa pagsasaling pambata na maaari mong maibahagi?
Bata pa ito, sana ay makatulong ang lahat sa pagsusulong nito. Sana ay bigyan din ito ng puwang sa mga liteary, creative writing and translation conferences, workshops at iba pang venue.

Friday, May 19, 2017

Mula sa mambabasang si Sharmaine Baldrez

Pagtapos na pagtapos ko mabasa nang buo ang 'It's raining mens', sabi ko kailangan ko mailabas ang 'feels' ko ukol dito as soon as possible kasi hindi na naman ako nito makakatulog at isa pa, kailangang madaliin dahil baka makalimutan ko yung mga gusto kong sabihin. But I doubt I'll ever forget this feeling.
Also, this one's long. Maybe too much but I hope you'd read this ma'am.

Okay, so nasa NBS kami noon ng kaklase ko para mamili ng gagamitin sa project nang pinauna ko na siya dahil parang magnet na inakit ako ng mga libro sa bukana pa lang. At isa pa, mas trip kong magbasa ng mag-isa dahil nalulunod ako habang ginagawa iyon. Ayokong maistorbo.

Dumeretso ako sa hanay ng Phil Lit. Bumubuklat ng random na pahina sa random na libro. Naghahanap ng pupukaw sa interes ko.

Hanggang sa madako ang tingin ko sa librong may titulo na 'It's A Mens World'. Naintriga ako. Napataas din ang kilay. Marubdob kong isinusulong ang gender equality. Feminist din ako in some ways. At naalala ko rin dito ang libro ni Lualhati Bautista na 'Dekada '70'. Kaya binasa ko. Unang kabanata lang. Natawa ako. "May something," sabi ko. May sequel din ito. Binuklat ko iyong sequel. Hindi ko binasa. More like scan lang. Nang may mahagip ang mata ko. EHEADS. Binuklat ko ulit. Kailangan ko iyong mabasa. Eraserheads ang pinakapaborito kong banda. As in. Ultramega. Kahit na di ko 'to naabutan at wala pa ako sa mundo nang una silang sumikat. Kahit na 2 years old pa lang ako, disbanded na sila. Yung feeling na nakita mo yung keyword na tumutukoy sa idolo mo? Hindi ka mapapakali hanggat hindi mo nalalaman ang nilalaman niyon.

At nang nahanap ko na, binasa ko siyempre. Dalawang bagay matapos kong basahin. Una, nainggit ako kasi hindi ko naabutan yung documentary ng i-witness. Feeling ko, nasayang kalahati ng buhay ko. Pangalawa, natutuwa. Dahil hindi lang pala ako ang nakakaramdam ng ganito. Yung kakaibang dulot ng kanta nila. Nostalgic. Di maipaliwanag at alam ko pong ito ay naiitindihan ninyo.

Pero wala akong pera. Nagmental note ako sa sarili na dapat mabili ko iyon. Tinanong ko rin kay Papa kung saan yung 70s Bistro. At nang magkaroon ng time, pumunta ako doon. Malapit lang naman samin ang Anonas. Pero sa labas lang ako. Di naman ata pwede minor sa loob diba? Tuwang-tuwa ako ewan ko ba. Nalulungkot din at the same time kasi di ko naabutan ang Eheads. Pero tulad ng sinabi mo, hindi sila kukupas at maluluma. Tulad mo, nakatatak na sa puso ko ang kanilang mga awitin, at sila mismo.

Kaya heto rin ako, gusto na ring sumama.
*cue Alapaap*.

Anywaaays, after a month, may nakilala akong friend from the internet. Birthday ko nun at nagbiro ako na gusto kong makatanggap ng libro as a gift. Pero sineryoso niya. Tinanong niya ako kung ano raw gusto ko. Unang pumasok sa isip ko, yung akda niyo po. So ayun, pinadala niya sa bahay ng kapitbahay. (Lol ayoko magbigay ng address ko buti na lang pumayag yung kapitbahay na sila magreceive since lilipat na rin naman sila).

Ayun, laking pasasalamat ko sa kanya dahil nagkaroon ako nito. Estudyante pa lang po kasi ako kaya hindi ko mabili sa sarili ko*sigh*.

Sobrang excited na akong basahin pero hinintay kong magbakasyon. Gusto ko pag binasa ko, walang interruption.

Aaaand, andito na nga po ako sa point na ito kung saan tapos ko na siyang basahin physically. But emotionally? Never.

May pagkaSPG pala ito. Tipong bawal sa 16 pababa. Pero malawak naman ata pang unawa ko kaya ayos lang. Di pa ako nagkakaboypren pero nasaktan ako nang husto sa Rabbit Love at Birhen. Para akong naaliw sa bawat non-fiction mong isinasalaysay. Kung papaanong ang sapin sa paa ay naiugnay sa buhay at lablayp(?), napahalakhak sa Upa, na-touch sa Tanghaling Tapat at Thing to Do, nagising sa Sizzling Sisid, Hikaw at Ako, naloko ng Proposal at naiyak sa Silent Movie at A Love Story.

Nakakatuwa ring isipin na pareho tayong nahuhumaling sa wika at mga salita. Nagkaroon rin ng ideya kung sino si Alvin at gaano kahalaga ang parte ni Poy. Natawa ako dun sa 'maraming salamat po(y)'. Kileg :">

Marami pa akong gustong sabihin. At alam kong di pa rin magiging sapat no matter what. Ang precious lang ng librong ito.

Maraming maraming salamat po dahil isinulat niyo ito. Ibinahagi ang inyong buhay at mga paniniwala na kinapulutan ko ng aral. Feels!! As in feels talaga. I loved it. Sa ngayon, nag iipon ako ng para may pambili ng iba pa ninyong akda.

Salamat po ulit. More power. God bless. Thank you for reading.

Thank you rin sa liham na ito na nakakapag-init ng puso! Salamat, Sharmaine, I hope to meet you in person.


Ang liham na ito ay ipinost sa blog nang may permiso mula kay Sharmaine.

Saturday, April 29, 2017

Hinggil sa librong Ang Pag-ikot ng Salapi sa Panahon ni JLC ni Andrian Legaspi


Ang nobelang ito ay serye ng maiikling kuwento tungkol sa isang
lumang-luma at naaagnas na bente pesos.

Sadyang iniwasan ng manunulat nitong si Andrian Legaspi ang
conventional na plot, isang eksperimentasyong napapanahon para
maunawaan ang napakabilis na pagbabanyuhay ng kanyang teritoryo: ang
lalawigan ng Cavite.

Matalino ang pagpili ng mga detalye at pop culture references. Nariyan
ang pang-umagang sinag ng araw sa bayan ng Dasmariñas, arinolang
lagayan ng pera, pangalan ni John Lloyd sa Tabing-ilog, aircon bus na
puro galing sa Hollywood ang palabas, wall clock na may mukha ni
Congressman, iced tea na pangontra sa pangangamoy ng paa, Good Morning
towel sa pridyider, rice cooker sa motorsiklo ng Bumbay, pawis sa leeg
ng lalaking kumalabit sa gatilyo, at ilang piraso ng sumabog na utak
at bungo sa lupa. Matalino sapagkat eye-opener ang bawat imahen.
Kayrami nitong sinasabi tungkol sa atin, lalong-lalo na sa political
situation ngayon ng Pilipinas. Matalino dahil dokumentasyon din ito ng
mga aspekto ng buhay nating mga Filipino na unti-unti nang naglalaho
dahil sa pikit-mata nating pagyakap sa mga first world na pangarap.

Nagpokus si Legaspi sa kamalayan ng kanyang mga tauhan. At inilantad
ng technique na ito ang esensiya ng buhay nina Ryan the Virgin,
ex-komadronang Manang Agripina, magdyowang Bekbek at Ferdie,
magkaibigang Epoy at Darren (mga gasoline boy), carinderia-owner na si
Aling Fe at ang anak na si Joy (adik sa Kpop), ang Bumbay na si Rafi,
Johnson the hired killer, ang Itang si Honey Faye, si The Sword
Swallower, ang artistang si Kaye Abad, at marami pang iba.

Ang nobelang ito ay behikulo ng awtor para ipakita ang pagmamahal niya
sa Cavite. Ang kanyang mga kuwento ang nag-uugnay sa kanya sa
teritoryong ito. Ang kanyang mga kuwento ang nag-uugnay sa mga
modernong Caviteño sa isa’t isa. Ang kanyang mga kuwento ang
nag-uugnay sa mga mambabasa sa diwang Filipino na nakabaon nang
malalim na malalim sa ating mga pagkatao.

Sa umpisa’y madidiliman ka at mabibigatan sa pinaghalo-halong kulay sa
obrang ito. ngunit sa pagtatapos, garantisadong gagaan ang bawat kulay
at magdadala ito ng liwanag sa iyong isip.

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...