Pagtapos na pagtapos ko mabasa nang buo ang 'It's raining mens', sabi ko kailangan ko mailabas ang 'feels' ko ukol dito as soon as possible kasi hindi na naman ako nito makakatulog at isa pa, kailangang madaliin dahil baka makalimutan ko yung mga gusto kong sabihin. But I doubt I'll ever forget this feeling.
Also, this one's long. Maybe too much but I hope you'd read this ma'am.
Okay, so nasa NBS kami noon ng kaklase ko para mamili ng gagamitin sa project nang pinauna ko na siya dahil parang magnet na inakit ako ng mga libro sa bukana pa lang. At isa pa, mas trip kong magbasa ng mag-isa dahil nalulunod ako habang ginagawa iyon. Ayokong maistorbo.
Dumeretso ako sa hanay ng Phil Lit. Bumubuklat ng random na pahina sa random na libro. Naghahanap ng pupukaw sa interes ko.
Hanggang sa madako ang tingin ko sa librong may titulo na 'It's A Mens World'. Naintriga ako. Napataas din ang kilay. Marubdob kong isinusulong ang gender equality. Feminist din ako in some ways. At naalala ko rin dito ang libro ni Lualhati Bautista na 'Dekada '70'. Kaya binasa ko. Unang kabanata lang. Natawa ako. "May something," sabi ko. May sequel din ito. Binuklat ko iyong sequel. Hindi ko binasa. More like scan lang. Nang may mahagip ang mata ko. EHEADS. Binuklat ko ulit. Kailangan ko iyong mabasa. Eraserheads ang pinakapaborito kong banda. As in. Ultramega. Kahit na di ko 'to naabutan at wala pa ako sa mundo nang una silang sumikat. Kahit na 2 years old pa lang ako, disbanded na sila. Yung feeling na nakita mo yung keyword na tumutukoy sa idolo mo? Hindi ka mapapakali hanggat hindi mo nalalaman ang nilalaman niyon.
At nang nahanap ko na, binasa ko siyempre. Dalawang bagay matapos kong basahin. Una, nainggit ako kasi hindi ko naabutan yung documentary ng i-witness. Feeling ko, nasayang kalahati ng buhay ko. Pangalawa, natutuwa. Dahil hindi lang pala ako ang nakakaramdam ng ganito. Yung kakaibang dulot ng kanta nila. Nostalgic. Di maipaliwanag at alam ko pong ito ay naiitindihan ninyo.
Pero wala akong pera. Nagmental note ako sa sarili na dapat mabili ko iyon. Tinanong ko rin kay Papa kung saan yung 70s Bistro. At nang magkaroon ng time, pumunta ako doon. Malapit lang naman samin ang Anonas. Pero sa labas lang ako. Di naman ata pwede minor sa loob diba? Tuwang-tuwa ako ewan ko ba. Nalulungkot din at the same time kasi di ko naabutan ang Eheads. Pero tulad ng sinabi mo, hindi sila kukupas at maluluma. Tulad mo, nakatatak na sa puso ko ang kanilang mga awitin, at sila mismo.
Kaya heto rin ako, gusto na ring sumama.
*cue Alapaap*.
Anywaaays, after a month, may nakilala akong friend from the internet. Birthday ko nun at nagbiro ako na gusto kong makatanggap ng libro as a gift. Pero sineryoso niya. Tinanong niya ako kung ano raw gusto ko. Unang pumasok sa isip ko, yung akda niyo po. So ayun, pinadala niya sa bahay ng kapitbahay. (Lol ayoko magbigay ng address ko buti na lang pumayag yung kapitbahay na sila magreceive since lilipat na rin naman sila).
Ayun, laking pasasalamat ko sa kanya dahil nagkaroon ako nito. Estudyante pa lang po kasi ako kaya hindi ko mabili sa sarili ko*sigh*.
Sobrang excited na akong basahin pero hinintay kong magbakasyon. Gusto ko pag binasa ko, walang interruption.
Aaaand, andito na nga po ako sa point na ito kung saan tapos ko na siyang basahin physically. But emotionally? Never.
May pagkaSPG pala ito. Tipong bawal sa 16 pababa. Pero malawak naman ata pang unawa ko kaya ayos lang. Di pa ako nagkakaboypren pero nasaktan ako nang husto sa Rabbit Love at Birhen. Para akong naaliw sa bawat non-fiction mong isinasalaysay. Kung papaanong ang sapin sa paa ay naiugnay sa buhay at lablayp(?), napahalakhak sa Upa, na-touch sa Tanghaling Tapat at Thing to Do, nagising sa Sizzling Sisid, Hikaw at Ako, naloko ng Proposal at naiyak sa Silent Movie at A Love Story.
Nakakatuwa ring isipin na pareho tayong nahuhumaling sa wika at mga salita. Nagkaroon rin ng ideya kung sino si Alvin at gaano kahalaga ang parte ni Poy. Natawa ako dun sa 'maraming salamat po(y)'. Kileg :">
Marami pa akong gustong sabihin. At alam kong di pa rin magiging sapat no matter what. Ang precious lang ng librong ito.
Maraming maraming salamat po dahil isinulat niyo ito. Ibinahagi ang inyong buhay at mga paniniwala na kinapulutan ko ng aral. Feels!! As in feels talaga. I loved it. Sa ngayon, nag iipon ako ng para may pambili ng iba pa ninyong akda.
Salamat po ulit. More power. God bless. Thank you for reading.
Thank you rin sa liham na ito na nakakapag-init ng puso! Salamat, Sharmaine, I hope to meet you in person.
Ang liham na ito ay ipinost sa blog nang may permiso mula kay Sharmaine.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment