Minsan, hindi talaga usapin ng copyright ang isang bagay.
Monday, November 20, 2023
Hindi copyright, pero usapin pa rin ng karapatan ng manunulat
Friday, October 13, 2023
Philippine School of Begging
more than a decade ago, nagpunta ako ng china. kasama ko ang mga co faculty sa ust college of commerce and business administration.
first time ko sa shenzhou, china. doon ko naranasan ang malapitan ng chinese na pulubi. hindi lang ito isang beses nangyari. lalapit sila sa iyo, kulang na lang ay yakapin ka sa sobrang lapit nila sa iyo. tapos nakalahad ang kanilang palad at dudunggulin nila nang paulit ulit ang iyong braso o kaya likod.
shookt ako. at medyo naalarma. baka kako manakit, o magnakaw.
kahit anong iling ko at sabi ng no, sorry, no, hindi sila umaalis, hindi lumalayo. matatag. hihingi at hihingi. feeling ko tuloy, binubully ako hanggang sa mapilitan akong magbigay ng pera.
nagsumbong ako sa chinese na tour guide. sabi niya, they are really like that. just ignore. let them go.
ang sagot ko, our beggars don't do that.
for the first time in my entire life, nakadama ako ng matinding pride. at take note, sa harap pa ng chinese, at sa lupain ng mga chinese.
nagtuloy tuloy ako sa pagsasalita.
our beggars are not rude and they will go away just say it or show it with your hand. taas noo kong sinabi kay kuyang tour guide, your beggars should learn from our beggars. they should come to the philippines!
di alam ng tour guide kung tatawa ba siya o maaawa, hahaha!
pero ano nga kaya kung mayroon tayong eskuwelahan para sa mga pulubi?
proposed name: Philippine School of Begging, Center of Excellence in the global arena
proposed location: Manila Bay Malate/Pasay area, dapat urban area para sa proximity nito sa mga taong hihingian ng limos, dapat din malapit sa tubig, para makapag training ang mga estudyante na sumalo ng limos habang sila ay nasa dagat. ang isa sa magiging goals ng school na ito ay makapag produce ng pulubi na puwede sa lupa puwede sa tubig
tuition: libre, dapat subsidized at suportado ito ng gobyerno, kailangang i finance ng department of education, ched, department of tourism at pnp, pnp dahil mababawasan ang krimen if ma convert nating pulubi ang mga magnanakaw. lipat career ba
proposed freshman kit: lata at karton na mahihigaan, may bayad ang dorm pero libre na ang karton
proposed curriculum:
introduction to begging, parang begging 101, tatalakayin ang scope ng buong course
principles of begging
behavioral science/filipino psychology
geography with sessions in climate change, dapat makabisa ang mga lugar na maraming nagbibigay ng limos gaya ng quiapo, baclaran, basically, mga lugar na malapit sa simbahan kasi nakakatuwa sa konsensiya ng katoliko ang mag abot ng barya sa pulubi, gumiginhawa ang konsensiya nila
music, with voice lessons, para sa beggars na nais gamitin ang arts and entertainment
public speaking
marketing, paano mo ipopromote ang paglilimos, paano mo mahihikayat ang mga tao na magbigay ng pera
clothing technology, paano mapanatili ang mga butas sa damit, paano gumawa ng mga lawlaw na kuwelyo, paano gagawa ng perpetually marumi tingnan na damit,
philippine history of begging,
begging in the ASEAN region
financial management , paano pagkakasyahin ang limos sa bawat araw, projection ng kita kapag christmas season, how to budget kapag lean months
ethics with conflict management sessions
online begging with specialization in digital mode of payment
PE 1: running
PE 2: swimming
elective: special topic, women and children
elective: foreign language (japanese, korean, chinese)
elective: local language (bisaya, ilokano, kapampangan)
begging in the philippine arts, will include film showings: pamilya ordinario
ojt:
Sanaysay para sa Leadership and Management Course ng CODE
Beverly Wico Siy
CCP
Intertextual Division
Which
topic(s) in the session struck you the most? Why?
Ang pinakapaborito
kong bahagi ng session ay noong binigyan kami ng worksheet na nagtatanong kung ano
ano ang best qualities of a leader para sa amin.
May numbers
ito na 1 to 5. Ang inilagay ko ay ito: may vision, flexible, tuwid, produktibo,
with appropriate network. Sunod sunod iyan according to 1 to 5.
Actually,
ang 5 ko ay hard worker. Pero binura ko kasi kapareho lang naman ito ng
productive.
Moving on…
Ang next na
pinagawa sa amin ng speaker ay pinamarkahan sa amin kung ano ang pinaka
importante para sa amin na quality ng isang leader.
Medyo napatigil
ako doon. Hindi ko na alam kung ano ang pipiliin ko. Lahat kasi, for me, ay mahalaga.
Pero bigla rin akong napatanong sa isip kung gaano kaimportante ang may vision
as a quality ng leader. Iyon kasi ang number 1 ko.
Pero iyon ba
ang una kong hahanapin, if a leader is being introduced to me?
Hindi.
The word
that I marked was TUWID.
Para sa
akin, ito ang pinakaimportante. Kailangan, matino muna ang isang tao bago siya
maging leader. Delikado kung magiging leader ang isang tao na hindi tuwid,
hindi matino.
Mahalaga rin
ang iba ko pang inilagay na quality ng leader. Pero secondary na lamang ang
lahat ng iyon.
Ang next na
tanong ng speaker: alin diyan sa mga quality na iyan ang mayroon ka?
Nyah! Lalo akong
napatigil. Self assessment nang bonggang bongga ang nangyari.
Tuwid ba ako?
Hmm… May vision ba? Hmmm…
Shocks, ang
hirap sagutin.
Flexible ba?
Produktibo at may appropriate bang network? Itong huling tatlo lang ang nasagot
ko nang mabilis.
Yes!
So, sa
ngayon, I am willing to learn more about myself, and do the necessary correction
and redirection, para naman masagot ko na ang unang dalawang tanong: tuwid ba ako?
May vision ba ako?
Wednesday, June 28, 2023
12 things i learned after a year of bike commuting
1. kung sa cavite ka pa umuuwi mulang NCR, aralin mo ang padyak o takbong cavite.
ano 'yan? meaning, wag kang humahataw o nakikipagkarera sa daan. dahil 'apakalayo pa ng destinasyon mo. kung tulad kong taga sm bacoor, laging plus 17 kilometers (from CCP and nearby areas) ang biyahe para lang makaluwas at makauwi. save your energy!
2. kung may takbong cavite, meron ding hingang cavite. ano 'yan? wag kang humihinga sa bibig. mapapagod ka lang. hihingalin ka. nakakaubos ng energy iyan. hinga sa ilong. EVERY. SINGLE. TIME.
3. lumingon bago kumabig sa kaliwa o kanan. kahit akala mo ay mag isa ka lang sa daan. lingon, lingon, beh. libre naman. iwas aksidente.
4. laging may bastos na lalaki sa kalsada. minsan, sasabayan ang takbo mo sa bisikleta. minsan, susundan ka. minsan, tatanungin o kakausapin ka, kahit ayaw mo. minsan, sisigawan ka pa. wag matakot. makibaka. banggain mo sila. de, joke. tawagin mo sila sa tunay nilang pangalan. ganito: ba't mo tinatanong kung saan ako papunta, LAKUP?
5. ang tunay na source ng panganib for bikers ay motorsiklo at mga drayber nito. it is because of the combination of their speed and small size. nakakalusot kahit saan sa mabilis na mabilis na paraan. sila rin iyong madalas na manakop ng bike lanes. kung kaya mong umiwas sa mga kalsadang maraming motor, go. find another route.
6. mabagal ka sa mga kalsadang dinadaanan ng dyip dahil sa bike lane nagbababa at nagsasakay ng pasahero ang mga dyip. maya't maya ka nilang haharangin. kaya, go find another route. jeepless as much as possible. check mo ang mga side street.
7. matipid ang bike commute. mula enero hanggang disyembre 2022, nasa 11,000 pesos lang ang gastos ko patungkol sa aking bike. kasama na riyan ang mismong bike (na nabili ko sa halagang 8,500 pesos). pumapatak na 916 pesos per month ang cost ng bike commute ko.
mula enero 2023 hanggang ngayong araw na ito, 1050 pesos pa lang ang aking nagastos. included na riyan ang pagpapahangin ng gulong, pagpapagawa ng pulley plus labor, at ang pinakamahal kong binili: ang bike rack, ito ay ang patungan ng gamit sa likod. 600 pesos kasama na ang pagpapakabit.
kada buwan, ang pamasahe ko via pedicab/bus/dyip/van at iba pa ay nasa 3,000 to 4,000 pesos.
8. predictable ang oras ng commute ko kapag ako ay nakabisikleta. alam ko kung anong oras ako makakarating sa aking paroroonan. kahit trapik!
9. angels in disguise ang mga manong sa vulcanizing shop. kapag may sasakyan ka, kahit ano pa iyan, 2 wheels,3 to 4 wheels, matututo kang mag appreciate ng mga vulcanizing manong sa tabi tabi!
10. laging magdala ng kapote at plastik bag. nasa pinas ka. biglang umuulan. KAHIT. SUMMER. at laging magdala ng fully charged na ilaw, kahit sa tingin mo ay di ka gagabihin sa daan. dahil kung taga cavite ka na gaya ko, LAGI. KANG. GAGABIHIN. SA. DAAN.
11. wag na wag magse cellphone sa daan. bike ka lang. posibleng mahablutan ka ng mga nakasakay sa motor. anlalakas ng loob nila, simply because mas mabilis sila sa bisikleta. on that note, wag na wag dadaan sa madidilim na lugar. (although noong nahablutan ako ng cellphone noong July 2022, ito ay nangyari sa tapat ng isang malaki at maliwanag na bahay sa quirino avenue, paranaque, makalampas ng kabihasnan!). basta, kung hindi maiiwasan ay siguruhing may kasabay kang magbibisikleta rin sa madidilim na daanan.
12. nakakapagod mag bike commute. i am 42 years old, i bike an average of 30+ kilometers per day. hindi siya biro. lately, may mga araw na ayaw ko nang sumampa sa bike ko. kasi alam kong pagod ang katapat nito. pero no choice, e. mas malala ang public transpo! lalo na sa bacoor.
inirerekomenda ko ba ang bike commute sa kapwa ko babae?
although medyo empowering siya dahil mas hawak mo ang oras mo, hindi ka na tatakbo takbo para lang maghabol ng dyip, hindi ka na mahihipuan o mamamanyak sa siksikan na mrt o bus, hindi ka na mahoholdap sa loob ng van, malabnaw ang rekomendasyon ko sa mode of transportation na ito.
NAPAKAMAPANGANIB pa rin ng kalsada natin. and unfortunately, DOBLE ANG PANGANIB SA SOUTH.
bakit? dahil napakaraming motor dito. at ambibilis magpatakbo, laging nagmamadali. paano'y mga tagamalayo pa sila, imus, dasma, gen tri, silang, amadeo, tanza, naic. madalas ay wala na silang paki sa mga kasabayan nila.
isa pa, maraming limitasyon ang bike commute. deliks at hindi ka puwedeng magbisikleta, kung
a. pagod ka,
b. nahihilo ka,
c. lasing ka,
d. may dala kang sanggol, (kahit anong sabihin ng iba diyan na may upuan na maganda at puwedeng ikabit sa bisikleta, it is a no for me)
e. may dala kang pet, (kahit anong cute ninyong mag amo, dahil di mo hawak ang utak ng pet mo, it is a no for me)
f. may dala ka na bulky, at maraming plastic bag,
g. pamilya kayong bibiyahe,
h. marami kang iniisip,
i. malayong malayo ang destinasyon mo,
j. bumabagyo, (although naranasan ko ang hagupit ng bagyong si paeng nang maabutan ako nito sa kalsada)
k. injured ka or bago kang opera,
l. at bagong panganak ka.
lahat ng binanggit ko sa itaas, kaya mong gawin at mas ligtas via public transportation (bus dyip mrt van pedikab).
kaya naman bago ko ipush ang bike commute sa inyo, my friends, i am all for, and i advocate public transportation for the karaniwang filipino.
SANA ANG MGA NAKAUPO NGAYON, AT ANG MGA NASA DEPARTMENT OF TRANSPORTATION, GUMAWA NA NG AGARANG SOLUSYON.
PARA MAGING MAGINHAWA NAMAN AT ABOT KAYA ANG BIYAHE NG MASA.
unfortunately ay hindi...
hindi totoong sa ikauunlad ng bayan, bisikleta ang kailangan.
Sunday, June 25, 2023
Paunang Salita ng CCP Safe Space Handbook
Ang tagal bago ko naisulat ang Paunang Salita sa CCP Safe Space Handbook.
Saturday, May 20, 2023
plot twist ng 2023
Ilang tala sa Asia Pacific Committee Meeting ng International Federation of Reproduction Rights Organization (IFFRO).
Noong April 12 to 14, 2023 ay dumalo ako sa Asia Pacific Committee Meeting ng International Federation of Reproduction Rights Organization (IFFRO).
Tuesday, May 16, 2023
Character development (sanaysay)
Noong Sabado, May 13, 2023, nagdesisyon akong isuot ang damit kong pula. Luma na ito, regalo sa akin ng bff kong si Eris more than a decade ago. Mahaba, plain, gown ang peg.
Sa pagdalo ko sa National Book Awards 2023 sa Manila Metropolitan Theater, pinili ko ito for one major, major reason.
I wore the dress for the first time noong November 17, 2012. National Book Awards din ang okasyon. Pero sa National Museum siya ginanap. Kaka-resign ko lang that time sa National Book Development Board, ang main organizer ng patimpalak. Nominated at finalist ang libro kong It’s A Mens World. Nonfiction sa Filipino ang category. I had to resign as editorial consultant of the NBDB, dahil ayokong may sabihin sa akin ang mga tao manalo man o matalo rito ang libro ko.
Noong araw ay sa mismong event malalaman kung sino ang winner at sino ang uuwing luhaan. So, on the awarding night, nagpunta ako bilang guest. Bilang finalist. Kasama ko ang jowa kong si Poy Verzo, ang anak kong si EJ Siy, at ang aking nanay.
Si Tisay.
Sobrang kapal ng mukha kong mag-assume na mananalo ako. Nag-make up ako’t nagbihis ng maganda, long gown na pula, kuntodo perlas pa ako at bagong sapin sa paa.
Pagkatapos ay kinaray-karay ko ang nanay ko sa awarding night na iyon. Gusto ko siyempre na naroon si Tisay kapag nanalo ang kauna-unahan kong libro na may pangalan ko as byline. Gusto kong naroon ang tao na nagturo sa aking kumilala sa mga titik, ang tao na nagturo sa akin kung paanong magbasa, na siyang dahilan ng pagiging mapagmahal ko sa libro, na siyang dahilan kung bakit ako naging manunulat.
Sa aking pagtatagumpay, gusto kong naroon ang aking nanay.
Si Tisay.
Kaya imagine kung paano akong binagyo ng panlulumo nang ibang libro ang tawagin sa entablado.
What were you thinking, Bebang?
Door stopper ang nanalo. Samantalang kulangot ang libro ko. Magkaibang magkaiba rin ang paksa ng mga ito.
Nakakaloka.
Nakakaawa, rather. Na nakakahiya. Lalo na kay Tisay.
Karay-karay the nanay pa more.
Hindi namin pinagkuwentuhan ito ni Mami Tisay pagkatapos ng awarding night. Ang naalala ko’y masaya na siya na makakain sa pa-buffet ng NBDB at Manila Critics Circle. Happy rin siya na makilala in person si Jullie Yap Daza, isa sa mga Pinoy author na dumalo sa National Book Awards 2012. Iyan lang ang kanyang mga bukambibig. Never niya akong tinukso sa aking pagkatalo, kahit na may star awards siya sa field ng pang-aasar.
Kaya ngayong National Book Awards 2023, after eleven years, I decided to wear the same dress on that fateful night. Kako, sa wakas ay makakabawi na rin.
Muli ay kasama ko sina Poy at EJ. Dumalo ako hindi bilang contestant o finalist.
Dumalo ako bilang judge.
Para sa kategoryang nonfiction, sa Filipino.
Taas-noo, bumulong ako sa langit.
“O, Ma, nandito tayo uli. Same time, same dress, same event. Nahuli lang nang kaunti, ito na ang ating pagwawagi. Happy Mothers' Day.”
Wednesday, February 1, 2023
LITERATURE PROGRAM NG PASINAYA 2023
LITERATURE PROGRAM NG PASINAYA 2023
Pagkatapos ng tatlong taon na pagdaraos sa online na paraan, muling nagbabalik ang Pasinaya Festival!
Sa Pebrero 4 – 5, 2023 ay magkakaroon na uli ng face to face Pasinaya workshops, performances, film screenings, exhibitions, art market, at iba pa! Ito ay mangyayari sa loob ng Cultural Center of the Philippines Complex at selected museums sa Metro Manila.
Narito ang detalye ng literature program ng Pasinaya Multi-Arts Festival 2023.
Para sa literary workshops ngayong Pebrero 04:
Sa ganap na 8:30 n.u. hanggang 9:00 n.u. ang Storytelling Workshop ni Teacher Mars Mercado kasama ang Art Session ni Teacher Ann Millendez sa Tanghalang Ignacio Gimenez, Parking Tiangge.
Sa ganap na 11:00 n.u. hanggang 11:30 n.u. ang Kuwento, Dula, at Relikya Workshop ng Aklat Mirasol sa Liwasang Kalikasan, Tent 1.
Sa ganap na 11:30 n.u. hanggang 12:00 n.t. ang Creative Reading of Barako, Baraking Storybook workshop para sa Southern Voices Printing Press sa Liwasang Kalikasan, Tent 1.
Sa ganap na 3:30 n.h. hanggang 4:00 n.h. ang Book Talakayan ng Alon at Lila, kasama ang Pinoy Reads Pinoy Books (PRPB) Book Club sa Tanghalang Ignacio Gimenez, Parking Tiangge.
Para sa literary performances:
Pebrero 04 2023
Sa ganap na 10:00 n.u. hanggang 10:30 n.u. ang LIRAhan: Pasinaya poetry reading ng grupong Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo sa National Museum – Fine Arts, ito ay para sa kabataan at matandang manonood.
Sa ganap na 11:00 n.u. hanggang 11:30 n.u. ang Palaisipan ng mentalist performer na si Justine Piñon sa National Museum – Fine Arts, ito ay para sa kabataan at matandang manonood.
Sa ganap na 11:00 n.u. hanggang 11:30 n.u. ang LILA Poetry Reading, kasama ang mga makatang LILA sa Philippine Women’s University - SFAD Gallery, ito ay para sa kabataan, matanda, at kababaihang manonood.
Sa ganap na 1:00 n.t. hanggang 1:30 n.t. ang The Reddest Rose Unfolds ng theater actress na si Bianca Louise Gabon at Milflores Publishing sa National Museum – Fine Arts, ito ay para sa kabataan, matanda, at kababaihang manonood.
Sa ganap na 1:00 n.t. hanggang 1:30 n.t. ang Booklatan at Bahaginan storytelling ng National Book Development Board – Philippines sa Museo Pambata, ito ay para sa mga batang manonood.
Sa ganap na 2:00 n.t. hanggang 2:30 n.t. ang Booklatan at Bahaginan storytelling ng National Book Development Board – Philippines sa Museo Pambata, ito ay para sa mga batang manonood.
Sa ganap na 2:00 n.t. hanggang 2:30 n.t. ang Luna Writers poetry reading ng mga manunulat ng Luna Literary Journal at Good Intention Books sa National Museum – Fine Arts, ito ay para sa kabataan at matandang manonood.
Pebrero 05 2023
Sa ganap na 2:00 n.t. hanggang 2:30 n.t. ang Tindig, kasama ang Sining Tanghal Laboratoryo (SINTALAB), at Kapisanan ng mga Mag-aaral na Manunulat sa Filipino (KAMMFIL) mulang Quezon sa CCP – Liwasang Kalikasan, ito ay para sa kabataan at matandang manonood.
Sa ganap na 5:30 n.h. hanggang 6:00 n.h. ang Dapat Ba o Hindi Dapat Pagtiwalaan ang Social Media bilang Daluyan ng Impormasyon ng PNU Balagtasan/Kadipan sa CCP – Vicente Sotto, ito ay para sa mga bata, kabataan, at matandang manonood.
A total of 4 literary workshops and 9 literary performances! Kaya siguradong may isa kang matitipuhan diyan.
Ang ticket? 50 pesos lang as suggested donation for every session.
Hatid ng Intertextual Division sa patnubay ng CCP Cultural Content Department, ang literature program ng Pasinaya 2023 ay naglalayon na:
1. magtampok ng iba’t ibang uri ng pagtatanghal ng panitikan;
2. at makahikayat sa sari-saring uri ng manonood na patuloy na tumangkilik at magbasa ng libro.
Tara na at i-tag ang iyong kasama sa Pasinaya!
(katuwang na manunulat ng press release na ito si Ricci Joy Santos)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...