habang nagba bike ako papasok sa work, napabaliktanaw ako nang kaunti sa 2022. nagpasalamat ako sa mabungang 2022 at sa mga raket na aming natanggap ni papa p.
nagpasalamat din ako na malusog ang aming pamilya. walang nagkakasakit sa amin, pati mama ko, mga kapatid ko.
sumagi sa utak ko na mabuti na lamang at walang pumapanaw sa aming pamilya. kako baka alam ng diyos na hirap na hirap akong harapin ang dalamhati.
na sa totoo lang, di pa ako naka get over sa pagkamatay ni dadi noong 1995. more than 20 yrs na ang nakakaraan, iniinda ko pa rin ito. masakit pa rin, apektado pa rin ang kaloob looban ko.
hindi ko alam, na darating ang kamatayan nang pebrero.
No comments:
Post a Comment