Nami-miss ko ang bahay sa Kamias.
Mas madaling puntahan ng mga kaibigan.
Ang dami ring pinatuloy ng bahay na iyon.
Ang ka-batch ko sa unang UP Writers Workshop na nasalihan ko, si Amibel. Ngayon ay lawyer na si Amibel.
Si Vivian na assistant ni Amibel, ngayon ay nasa Norte si Vivian, happily married na.
Si
Wasi
na kaklase ko sa ilang writing subject noong college, ngayon writer na sa GMA 7. Ang mga taga-LIRA. Minsan pa kaming nakapag-workshop doon. At bisita namin si Sir Rio.
Batch ko sa LIRA, si Ronald at ang jowa niyang high school bff ko na si Eris, sina Wasi, Dai, Beng, Tabby at Nikka.
Ang mga nagli-LIRA noon na sina Rem, taga- Batangas, Rey na taga-Lolomboy, Dagupan, at Ka Pilo na taga-Alitagtag. Sa girls ay sina Alev na taga-Infanta, Pangasinan, at si Guia na taga-Laguna.
Ang officers na sina Tata, En, Mao, Pam, nang gawin namin ang By Laws ng LIRA overnight.
Minsang din na nagdiwang doon ng kaarawan ang LIRA na si James sa pangunguna ng batchmates at kaibigan niyang sina Ina, Phillip, Debbie at iba pa.
Ang Hilakboters na sina Wennie, Rita, Haidee, Mar at Jing. Nakalikha kami ng limang libro kaka-workshop sa bahay na iyon. Overnight-an. Latagan lang ng banig, laban na. Nagmu-movie marathon pa kami, saka cook off, iyong pagalingan magluto. Siyempre, tagakain lang ako, hahaha.
Tuwing birthday ni Ej, sa bahay kami nagse-celebrate. Kahit bumabagyo, tuloy. Naalala ko pa nang mag-brownout habang kumakain ang mga bisita. Minsan, kasama ang nanay ko, mga kapatid at pamangkin. Minsan, kasama ang mga kaklase ni Ej. Dinadayo kami ng mga kaibigan ko, tulad nina Claire Agbayani kasama ang anak niyang si Gide at Claire Madarang.
Dumadalaw din doon sina Adam, Chingbee, Ken at Anna, noong baby pa sina Dagat at Ayin.
Nang mga nakaraang taon ay ang mga taga-PRPB naman. Sina Kuya Doni, Jayson Vega at Jayson Fajardo, Ronie, Clare, Ella, mag-asawang Azee at Juan, Ingrid, Po, Berto, Jhive,
Ma Erika
at marami pang iba. PRPB members ang nagbalot ng puting papel sa mga libro na ginawa naming mga table centerpiece para sa wedding namin ni Poy. Sa bahay namin lahat ito ginawa. Para kaming pabrika. I think more than 500 books ang binalot nang maghapon at magdamag na iyon. Sa dami ay kinailangan naming magrenta ng hiwalay na sasakyan para lamang madala ang books sa venue ng reception. Mabuti at katuwang namin ang PRPB sa pagbabalot. Kung hindi, walang dekorasyon ang aming mga mesa noong kasal. Nakapag-birthday din sa bahay ang isang PRPB member, si Biena. Sa Kamias din kami nagki-Christmas party at nagbu-book discussion, kapag wala kaming makuhang venue at malapit na ang book event. Nakasama namin sa aming bahay sina Noringai, Lourd (na taga kabilang kanto lang kasi), Mam Felice, at Carlo Vergara. Naka-meeting ko roon ang writers na sina Orly, Nash, Phillip, Arvin. Madalas kong niyayaya na lang ang ka-meeting ko sa bahay kaysa magresto o coffee shop. Para mas tipid. Saka one to sawa ang oras.
Nakapag-hold din ng meetings sa bahay na ito ang Freelance Writers Guild of the Philippines at ang Gantala Press.
Nag-iimbita rin ako ng students na gustong mag-interbyu. Dalawa rito ang MA students na sina
Palmera Alvarez-Isles
at Mayluck Malaga
ng PUP. Naalala ko, nagpangakuan pa kami ni Mayluck na iti-treat ang isa't isa ng baldeng spaghetti pag natapos ang MA. Nagpi-PhD na ngayon si Mayluck hahaha! Ako, di na nakausad. Hay.Minsan na ring nag-meet doon ang mga kaklase ko noong high school.
Kayrami ko pang di nabanggit. Wala, matanda na ako't maraming nalilimutan.
Sana, naaalala nilang lahat ang bahay. Gaya ng pag-alaala ko rito ngayon: may sigh-long. Pinaghalong saya at lungkot.
No comments:
Post a Comment