noong january 31, 2020, inimbitahan kami ng ccp film broadcast and new media division sa reception at screening ng king of belgians, ang unang sine sa ilalim ng proyektong europelikula. ito ay in cooperation with european union delegation to the philippines. hanggang december ay magpapalabas sila ng euro films dito sa ccp, free and open to public. sana ay magpunta kayo!
anyway, during the opening ceremony, nagsalita ang ambassador ng belgium. siya ang nagpakilala sa pelikula. sabi niya, funny film daw ito. ikinuwento niya ang plot, tapos sinabi niya na ang message dito, karaniwang tao lang din ang mga hari. at ang mga belgian, we don't take ourselves seriously, we always break the protocol.
medyo tahimik ang audience all through out the film. panaka-naka ang tawa, isa o dalawang beses ang pagtawa nang malakas.
meaning, di kami masyadong natawa sa pelikula. i think there are so many humorous scenes, kaya lang, dahil di kami taga-belgium, or taga-europe, di namin nage-gets ang mga reference ng mga eksena. halimbawa ay ang pagpapakita sa paa ng isang mayor ng isang probinsiya ng european na bansa, ang paghahabol ng security ng turkey sa buong grupo ng hari, at ang mga kakaibang tao na nakita nila sa isang bansa, naka-hairy na costume ang mga ito.
pero nagandahan ako sa pelikula! maganda at simple ang plot. napakahusay ng lead actor na peter van den begin, ang gumanap na hari ng belgium. siya ang nagdala sa pelikula.
plot
bumiyahe sa labas ng bansa ang hari ng belgium, nagpunta siya sa turkey kasama ang isang film maker na nagdodocument ng kanyang day to day existence, at ang kanyang maliit na grupo: ang chief of protocol, ang secretary at ang butler. biglang nagkagulo sa isang isla sa belgium dahil nagdeklara ito ng independence (gaya ng ginawa ng mindanao noon). kaya mula sa turkey ay kailangang bumalik ng hari sa belgium. ngunit ayaw siyang payagan ng security head ng turkey. binantayan siya nito nang maigi. gumawa ng paraan ang kanyang grupo para makabalik sa belgium. imbes na mag-eroplano, sila ay nag-disguise bilang indigenous singers at dancers at nag-bus papunta sa isang border. in short, ito ay road and water trip ng monarch. water dahil mayroong bahagi na tumawid sila ng dagat sakay ng isang napakalumang bangka.
marami silang naranasan like dumaan sila sa bansang bulgaria, napadpad sila sa isang lugar na walang sasakyan, nakulong sila sa albania. a resident had to borrow an ambulance to move them out of that area. nagpanggap silang tv production team para makatawid sila sa mga border. nakipag-inuman sila sa isang retired na sniper at sa pamilya nito. nalasing. nawala ang mga passport (naiwan sa bahay ng sniper). at iba pa.
brilliant para sa akin iyong part na kailangan nilang itago ang tunay nilang identity para makausad sila, para magawa nila ang gusto nila. which is kabaliktaran ng kanilang normal na buhay. dati, nagagawa nila ang gusto nila dahil sila ang hari at team ng hari ng belgium. pero dahil sa complications ng sitwasyon, hindi sila makakilos because of the same reason. kumbaga naging weakness nila ang kanilang strength.
acting
very very effective para sa akin ang acting ni peter van den begin, ang gumanap na hari ng belgium. parang lagi siyang in pain at discomfort. parang hindi siya masaya sa nangyayari sa kanya at sa pagtrato sa kanya, lalo na kapag ipinapaalala ng kanyang team na ang bawat kilos niya ay nagre-represent ng monarkiya at ng belgium. pinipilit niyang maging masaya, independent at authoritative, pero dahil sa mga protocol para sa hari, hindi niya magawa-gawa ang ilang bagay. halimbawa, isang hapon,may nais siyang i-comment sa mga simpleng bagay, na-capture iyon on cam. pinaulit ng kanyang asst na babae ang pag-film sa hari, at doon sa second take, wala nang ikinomento ang hari. as in wala siyang sinabi. iyong poker face ng aktor doon, ang galing. di ba, nakakainsulto na nakakatawa iyon at the same time? pero dahil hari siya, dapat di siya magpakita ng anumang emosyon na posibleng maka-offend sa iba. isa pang halimbawa ay ang facial reaction ng hari kapag sinasabi ng kanyang chief of protocol na ang anumang ilalagay niya sa kanyang speech ay dapat na paaprubahan sa prime minister ng belgium. aburidong-aburido na ang hari dahil sinisilensiyo na naman siya at ang kanyang mga opinyon. pero poker face siya uli. dead serious siya sa pagdadagdag ng mga linya sa kanyang speech, na first time niyang ginawa. he was fed up kasi na lagi na lang pinaiikli ang kanyang speech, napaka-bland ng mga ito, at di sumasalamin sa kanyang personalidad.
the actor is tall, hindi guwapo, pero may camera presence. nagpapayat din siya at nagpa-haggard towards the end of the film dahil sa dulo ay harassed na harassed na sila, halos wala nang makain at walang mahingian ng tulong, doon sa pelikula. bagay na bagay ang itsura niya sa kanyang role.
the rest of the actors, ok naman ang acting i suppose. hindi naman super notable. they were very believable sa kanilang mga pino-portray.
cinematography
i like it, dahil na-reveal sa akin ang iba't ibang bahagi ng europe na tingin ko ay di pinupuntahan ng mga turista. like yung mga bukid-bukid sa bulgaria, mga karaniwang bahay at maliliit na kainan sa mga probinsiya at liblib na lugar ng europe. nagustuhan ko rin ang handheld camera effect, dahil nga supposedly documentary ito tungkol sa buhay ng hari. gusto ko rin iyong madalas na close up sa hari para i-magnify ang emosyon niya. kasi nga, poker face siya, so nasa close up ng mukha niya ang maliliit na paggalaw ng dusa at pighati, at siyempre ng ligaya, sa mga bago niyang karanasan.
characters
nagustuhan ko iyong gagawin lahat ng hari para lang makauwi siya sa belgium, para ayusin ang gusot doon. he could have prioritized his safety, his comfort, pero hindi, talagang pinush niya ang team na makauwi sila agad. ang linaw ng goal.
script
i like the speech that the king was trying to finish during the entire "trip." nandoon iyong mga mensahe ng pelikula sa manonood (na presumably ay belgians). gusto ko rin iyong part na nagtatanungan ang hari at ang kanyang team members tungkol sa kahulugan ng monarkiya. kung taga-belgium ako, mapapaisip din ako ng bakit nga ba may hari pa kami? aandar pa rin ba ang aming bayan kung walang monarkiya? ano ang essence ng kaharian, ng mga posisyon na ito? at maiisip ko rin na naiisip din pala ito ng mga hari at reyna at iba pang miyembro ng royal family!
gusto ko ang set of characters na nakaka-engkuwentro ng team sa iba't ibang pagkakataon. lagi akong nasusurpresa! may grupo ng indigenous singers, retired na sniper, isang grupo ng mga bulag na bata na judge pala sa isang kontes sa baryo! o di ba, kakaiba!?
isa nga pala sa natutuhan ko rito ay ang bigkas sa pangalan na sofia. it is pronounced as sof-ya pala.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment