Saturday, February 8, 2020

lunes pagkatapos ng therapy

ito ang mga ginawa namin ni dagat noong lunes pagkatapos ng kanyang therapy:

nagpunta sa palengke ng imus para magpagawa sana ng bag strap, sandals at magbayad ng meralco sa lbc. wala akong makitang lbc, pero nakakita ako ng logo ng meralco sa sanglaan na cebuana. pagpasok namin, napakahaba ng pila,kaya lumabas din kami agad. alam kong maiinip si dagat.

tapos nakita ko ang imus terminal mall. umakyat kami at bumungad sa amin ang mga motorsiklong pambata na narerentahan ng 20 pesos for 5 mins. sakay agad si dagat at dinala kami ng babaeng bantay sa ride sa gilid ng mall. aba, ang laki pala ng bakanteng space doon, tiles pa ang sahig. dadalawa ang grupong naroon, parehong nanonood ng nagche-chess na matatandang lalaki.

paikot ikot doon si dagat sakay ng motorsiklo. napagod ako sa kahahabol sa kanya dahil tumatakbo ako nang nakayuko at awat-awat ang likuran ng motorsiklo. kaya after 5 mins, ako na mismo nag-guide kay dagat papunta sa ate na nagbabantay. isinoli na namin ang motorsiklo.

pumasok kami sa main mall. walang masyadong makikita kundi cellphone accessories shops at mga damit. sa gitna ng mall ay playground na nababakuran ng plastic fence. pinapasok ko agad si dagat, saka ako nagtanong sa ate na bantay ng playground. 60 pesos daw ang 30 mins.

iisa lang ang bata sa playground at di sila masyadong naglaro ni dagat. di kasi nakakapag-communicate pa si dagat. naghagis-hagis siya ng mga plastic ball,sumakay sa plastic na see saw na hugis buwaya, nagslide sa plastic na maliit na plastic slide, at magbukas-sara ng plastic na fence, iyong bahagi na nabubukas-sara.

after 30 mins, lumabas na kami at naglakad pa kami ni dagat palalim sa mall. napatigil kami sa isnag food court. nakakita kasi siya ng potato corner. fries daw, sabi niya. pero inilabas ko na lang ang spanish bread na binili namin sa bakery sa may therapy center niya. paborito iyon ni dagat. iyon na lang ang ipinakain ko, kasi mahirap na pagkamayin si dagat doon. baka makakain pa siya ng virus. ang tinapay naman ay ibinalot ko sa tisyu kaya di niya nakakamay.

nang makakalahati ng spanish bread ay pinainom ko na ng tubig si dagat at naglakad uli kami, sa dulo pala ay pure gold. sa kaliwa ay... isa na namang playground! ang laki laki nito. lumapit ako't nagtanong. aba, 60 pesos lang din ang 30 mins. pero kailangan daw ay may bantay si dagat kasi below 6 yrs old ito, kaya napilitan akong bumili ng medyas na bente.

mas nag-enjoy siyempre si dagat dito. nag-slide siya sa mataas na slide, nag-swimming sa mga plastic ball, umakyat sa mga foam na hagdan, tumawid sa beam na nasa gitna ng mga tali, umakyat-baba sa tube na gawa sa lubid, naghagis ng mga dice na gawa sa malaking foam, nagpagulong ng mabigat na barrel, nanggulo ng mga foam sa shelves, nag-swing, sumakay sa merry go round.

ako, napagod, siyempre.

pero ok lang. dalawa lang kaming magkasama nang maghapon, at ang mga pinuntahan namin that day ay walang masyadong tao.picture lang din ako nang picture. at naoobserbahan ko ang anak ko.

1. mahilig siya sa physically challenging na parts ng playground. natuwa siya nang malaman na mabigat ang barrel. binabalik balikan niya ang tube na gawa sa lubid. naalala ko sa ironman race niya, hindi siya natakot sa final at isa sa pinakamahirap na parte ng race, ang pyramid na gawa sa lubid. inakyat niya ito nang walang tulong, nakababa din siya nang mag- isa. ang tapang.

2. minsan, di pa rin niya kayang magsabi ng gusto o ayaw. hihiyaw lang siya sabay tulak kapag may nais paalisin na bata. que horror nang gawin niya ito sa dalagitang nakasakay sa merry go round. napa-sorry tuloy ako.

3. gustong-gusto niya nang may ginugulo o pinababagsak. may isang bahay bahayan na puwedeng lagyan ng bata ng bricks na gawa sa foam. makakabuo ng pader ang bricks na ito. tyinaga kong buuin ang pader habang si dagat ang tagaabot ko ng bricks. right after kong matapos ang pader, sinalya ito ni dagat at tumawa siya. natuwa siyang nasira ang pader. pagkatapos niyon, umakyat si dagat sa bahay bahayan. dumapa siya sa bubong, na eye level ko lang. doon na kami sinita ng mga ate na bantay. binuhat ko si dagat at muling ibinalik sa parang maze na structure ng playground.

nagpa extend ako ng 30 mins pa. akala ko ay gusto pa ni dagat na maglaro doon. pero pagkaraan na palitan ko siya ng diaper at shorts (tumagos ang wiwi sa shorts niya), nagyaya nang lumabas si dagat. mag-isa itong nagpunta sa exit at hinanap ang sapatos niya. pinigilan siya ng mga ate na tuluyang makalabas. nasa loob pa kasi ako, binubuhat ang sariling bag at bag ni dagat.

after that ay pumasok kami sa dry goods section ng palengke ng imus. naghahanap ako ng pagawaan ng sapatos para sa aking sandals. actually, naturingan na iyon sa palengke ng binakayan. 200 pesos daw dahil bukod sa tatahiin ay papalitan na ang suwelas. namahalan ako dahil kung bibili ng bago ay baka 100 lang ang sandals kong iyon, hahaha. so nag imus ako sa pag-asang baka mas mura ang repair dito. kaso wala naman kaming makitang shoe repair shop. ang nakita ni dagat ay isang ternong sando at short na lightning mcqueen ang disenyo.

aru,kahit anong distraction na gawin ko kay dagat ay ayaw nang umalis nito sa tapat ng terno. marami pang bagong damit sina dagat, mga regalo noong pasko, kaya ayaw ko sanang bilhan pa siya ng bago na namang damit. nag-ingit na at nag-inarte si dagat lalo na nang lumapit ang babaeng muslim na nagtitinda niyon. agad kong pinababa ang terno,at nang mahawakan ito ni dagat ay di na ito binitawan.

180 ang turing.tawad ako ng 150. sabi ng babae, hanggang 170 lang. sabi ko, 160 po. 170, ang giit ng babae. titig na titig si dagat sa drowing na lightning mcqueen.so, babae wins.

pagkabayad ay ipinasuot ko na ang terno kay dagat. ang saya ng anak ko. akala mo ay ngayon lang nagkaroon ng bagong damit. naglakad kami palabas ng palengke, papunta sa lotus mall. sabi ko, tiyak, may lbc dito.

nagtanong agad ako sa guard ng entrada ng mall. oo daw, meron, sa may pagkaliwa lang namin. ayun nakita ko agad ang lbc, nasa kaliwa nga. at ano ang nasa kanan?

arcade at kiddie rides!

sumakay agad si dagat sa merry go round na tren ang disenyo. hinila ko siya palayo para makabili muna kami ng mga token sa vending machine. inabot ko sa kanya ang bente at siya ang nagpasok nito sa vending machine. siya rin ang kumubra sa inilaglag na tokens ng machine.

ang sinakyan niya ay ang tren- tren, isang kotseng dilaw at isang pabilog na sasakyan na paikot-ikot at umaalog. isa pang bente ang nagastos namin doon at naglaro kami ng mga claw games. wala kaming nakuha kahit man lang payat na kendi o tsokolate. scammer talaga ang mga game na iyan, peste.

all the while, pasulyap-sulyap ako sa lbc. napakaraming tao sa loob nito. at nang maubos na ang tokens namin, pumasok na kami sa lbc. sabi ko sa teller na babae, puwede ba kaming magbayad ng meralco dito? opo, sagot nito. ang tuwa ko. napahawak agad ako sa zipper ng bag ko para buksan ito at kunin ang bill at pambayad. pero quarter to 6 na po, cut off na kami, sundot ng teller.

ek. mission abort, abort mission. labas kami ni dagat at naglakad uli paloob ng mall. mas diverse ang mga paninda rito kaysa sa naunang mall, dito ay may damit, furniture,school suplies (may pandayan bookstore!), sapatos. may salon din. nagtanong ako sa guard kung may groserya doon. oo raw, waltermart. ayun, sigurado akong may business center ito na parang sm supermarket, tatanggap ng pagbabayad ng bills. pagbaba namin sa basement, ayun, may bayad center nga sa tapat ng entrada ng waltermart. anak ng tipaklong, ang haba naman ng pila. siguro, 15 ang nakapila.

sigurado akong maiinip si dagat, masasayang lang ang pagpila namin. hihilahin ako niyon kung saan-saan. kaya nag-decide akong huwag na doon magbayad. pero sa exit ng mall sa bandang iyon, may nakita akong mr quickie!

agad kaming nagpunta doon ni dagat. inilabas ko ang bag strap ko at tinanggap naman ito agad. ambilis ng staff at trabahador! napalitan ang isang buckle ng bag strap ko at natahi ito in less than 10 mins. 100 pesos. i like it!

inilabas ko na ang sandals ko at ipinakita sa kanila. ang turing? 230 pesos. mas mahal kaysa sa turing sa binakayan. so sa isip isip ko, sa binakayan ko na talaga iyon ipapagawa. suki ko naman ang sapatero doon. at hindi ito kumpanya, gaya ng mr quickie. naisip ko rin na ipapagawa ko pa rin iyon kahit mas mahal dahil ayokong basta na lang itong itapon. dadagdag lang ito sa basura ng mundo. might as well repair it, then use it.

bumalik kami sa loob ng mall at umakyat sa lbc at arcade at um-exit sa lugar kung saan kami pumasok. pag -exit namin ay may nakita akong fountain sa tapat na kalsada, sa likod nito ay signage na terminus plaza ang sabi. tumawid kami at nagpicture picture. sa gilid nito ay... cebuana lhuillier! na kakaunti ang tao. na-excite ako! makakabayad na kami ng meralco.

pagpasok namin ay binigyan agad ako ng number ng guard. 13. umupo kami ni dagat habang inaasikaso ng isang teller ang naunang customer sa akin. hinanda ko ang pera ko at bill.

ang pakshet. short ako ng around 60 pesos. kakaloka. sabi ng teller, 13, 13. sabi ko, teka po. binilang ko na lahat ng barya ko, wala. di talaga aabot. at aabot man ay paano naman kami uuwi? alangan namang mag 1,2,3 kami ni dagat ? looord. nakakahiya. tinitingnan na kami ni kuyang guard. paulit ulit ako ng bilang sa mga barya ko. putcha baka kinaaawaan na kami. hagardo verzosa na ako, maputim na ang bagong terno ni dagat.

suko na.

tumayo ako at nagsabi,kuya di na po kami makakabayad. nagkulang na ang pera ko. isinoli ko ang 13 sa guard, na nakatingin lang sa akin. mukha namang wala siyang judgment sa akin. sabagay, sanglaan iyon. malamang na sanay na siyang makakita ng napapahiyang mukha, mukha ng nagkukulang sa pera, mukha ng gipit, mukha ng napa-overspend!

paglabas namin ng cebuana ay naglakad na kami papunta sa aguinaldo highway. pero naisip kong bumili ng pasalubong. tutal naman, hindi na ako makakapagbayad ng meralco nang araw na iyon! might as well spend some money. bibili kami ng something para kina papa p at sa pamilya nito na naroon sa cavite that weekend, dahil nagpunta ng sementeryo para sa pagdiriwang ng birthday ng kanilang haligi ng tahanan.

pumasok kami sa tindahan na simply chef, walang tao doon kundi isang babaeng cashier na naka-mask at nakasumbrerong pang-chef. bumili ako sa kanya ng dalawang tasty (buy 1 take 1 kasi) at isang naka plastic na tinapay na nabubudburan ng keso at ube bits. 200 something. tapos naglakad na kami ni dagat papunta sa sakayan ng dyip. para makauwi na. pagsakay namin ng dyip ay saka ako nagpm kay papa p. nag aalala pala ito, halos awayin na ako. akala kasi niya ay natuloy kami ni dagat sa binakayan. bakit daw antagal namin doon. takot na takot pala si papa p, at baka magka-corona kami sa binakayan. andami kasing chinese sa island cove, na napakalapit sa binakayan. oo nga naman. namamalengke rin ang mga virus.

o, ayun lang. what a day, ano? nakakapagod. pero sulit naman. sana laging ganito ang mga day off ko.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...