Thursday, February 27, 2020

sent!

omg, natapos ko na ang pag-compile ko sa mga tula ko for submission sa lira.

38 na tula since 2003. hinati ko sa 6 na kategorya.

may mga di ako isinama dahil sa tingin ko pangit talaga hahaha namely sinauna, kontra-ruta at tula ng apat na bata. di ko rin makita ang buhay ay tulad ng padulasan. so out na muna iyon.

hay, sana matanggap for publication ito. kailangan ngayon pa lang nag-aasikaso na ako ng mailalabas na manuskrito this year.

one book a year. keep your eye on that goal, bebang.

laban.

Wednesday, February 26, 2020

podcast about bebang siy

mapapakinggan dito ang unang episode ng booklaban.

ang booklaban ay isang podcast na pinangungunahan ng mga kaibigan kong sina gege sugue at shani tan. they are book lovers and booklaban is about love for literature, reading communities, writing and all sorts of things that are related to books. ang saya, di ba? o, without further ado, heto, makinig na!

https://booklaban.com/?fbclid=IwAR3RRGBvobYSbJVZuHpOK_KBfkLnOvPBgP8o_rRIIDsakE0H9b5qYS9TJXE

overwhelming day

papunta pa lang ng work, stressed na ako. nakatayo ako sa bus!

ipinagsiksikan ko talaga ang sarili ko sa loob at nang makakita ng hagdan, kahit may nakapatong na gamit, nakiupo talaga ako. More than 1 hour ang biyahe, ayokong tumayo the entire time!

buti na lang at umabot ako sa flag raising ceremony. so may maganda namang nangyari.

next na bad thing ay nabasa ko ang email nina ms tessa at ms august, key people sa wpip. nag-email kasi si marjorie sa kanila na hindi makakarating ang pera sa performers before the event. which i thought ay malinaw sa kanila lalo na kay ms tessa dahil lagi naman niyang sinasabi na ang mga performing group na lang daw ang maghahanap ng mga pondo. ang helobung na lang daw ang kailangan naming mabigyan ng pera dahil nga hindi yata ito makahanap ng pera para makapunta rito.

nakaka-high blood ang email. pabayani ang tessa! jusko e samantalang hindi nga siya nagsa-submit ng mga requirement na kailangan namin for contracts. pinadidiretso niya kami sa mga performer! so paisa-isa ang bigay, paisa-isa ang hingi. ok na iyong magalit sila dahil talagang wala kaming magagawa, late sila nagbigay ng mga info, late ding magagawa ang mga kontrata, late ding mari-release ang mga tseke.

gumatong pa itong si august. as usual, hindi na naman sila nag-usap-usap nina tessa. hindi yata nire-report ni tessa ang mga hindi niya nagagawa for this project.

sumasakit na nga ulo ko rito. hindi naman kanila ang pondo namin. humingi na nga lang kami sa ibang proyekto, gaganituhin pa kami.

nakakalito rin ang mga pinagagawa sa aming mga kontrata. sinunod namin ang production grants na kontrata ni ms nikki, ayun, di pala ubra kina mam liebei. kasi for liquidation ang mga ito. hindi kami nagpapa-liquidate ever. so, sabi ni mam liebei, baka magkamali kami sa mga hihingiin na document sa performers. baka mapasobra ang gastos nila tapos neto pala ng amount ang matatanggap nila. so eto, consult uli kami sa budget. di na pumayag ang budget, dahil nabanggit na raw dati na for liquidation na ang lahat. o di sige, larga na ang mga naunang documents.

anyway, ngayon namang gabi, ako ay naghahalungkat ng mga tula. marami pala akong tula na wala akong kopya. kung saan-saan ko pa hinanap. sa blog, sa gmail, at sa printed na kopya na ibinigay ko kay teacher fiona noon. natuklasan kong nag-eemail pala ako sa sarili ko ng mga tula ko. buti na lang. pero natuklasan ko rin na hindi reliable ang finder box ng blog. kasi kahit anong search and find ko sa salitang tula, hindi lumalabas ang lahat ng tula ko. so, kailangan ko yatang isa-isahin ang lahat. 700+ entries.

nahalungkat ko rin sa mga dati kong email ang mga rejection sa akin. ang mga application kong hindi nakapasa. ang mga proyektong hindi natuloy. dagdag lungkot. sad feelings.

gusto kong magsumite sa lira ng koleksiyon ng mga tula. alam kong mare-reject na naman ako rito pero, sayang naman kasi. at for the first time, natipon ko ang mga tula ko, puro nga lang maiikli. eto 30+ na pala. may isa pa akong tula na hindi ko makita ang kopya. ang title nito ay ang buhay ay tulad ng isang padulasan. alam ko, korni hahaha pero nalathala ito sa isang religious na publication thru jophen baui. piniem ko na siya, tinanong ko kung may naitago siyang kopya. sana meron.

sige, saka na ako mag-blog uli. ita-type ko pa ang iba kong tula.

profile ni Bebang Siy

nakakatawa itong profile na isinulat ng highschool classmate kong si jun borre para sa website na para sa aming section noong 4th year, ang Calla Lily.

Ms. Beverly W. Siy
"Bebang"
Ikaw ba'y nalolongkot, walang magawa sa bohay at namro-mroblema? Well too bad for you, but I should say that you banged-in to the right person and that is bebang.Because she can surely make your day by letting you laugh and forget your problems for awhile. She can amaze you with her stories and funny acts that will surely leave you with tons of gas in your stomach and your throat-off, trying to laugh it all out..

Ironically, this Fil-Chi girl can oftenly be mistaken as a very sweet, mahinhin and a soft spoken girl. But wait until you hear her talk; 'coz more often than not, the first impression they had, could just be considered a big mistake. But hey... don't misjudge her yet, 'coz inspite of being so vocal and loud, bebang is really a cool companion, a true friend and a very mature person once you get to know her better. Though at times, she may sound offensive in delivering jokes, but she makes it a point that it is all for "fun's-sake" and nothing personal.
Aside from being the Class Comedian, bebang is also a very creative person in which she expresses by her writings. No wonder she is into Creative Writing or Malikhaing Pagsulat in UP. It doesn't surprise everybody 'coz she's one heck of a great writer or "powet" wayback high school specially with her famous work "The Class Prophecy". And until college, she proves to excel on her field by winning numerous literary contest citing "Kaset" as one of them which is featured in the CoOL-iTz section together with the klas propesi. ( I guess maam borja is proud of u now!).

Surely she is a work of art. From what world, that I do not know. But there is one wish that we have... sana ingatan mo na ang cellphone mo!

PLUG: Bebang would like to thank those who watched her movie, "Kampanerang Kuba 2" and "Who's feet is it ?". Thanks for your support!

matatagpuan ang profile na ito dito:
http://callayaan.20m.com/index.html

makikita rin diyan ang class picture namin at ang isinulat kong class prophecy noong graduating na kami sa highschool. mababasa rin ang profile ng iba pa naming mga kaklase. nostalgia!

Tula ng Apat na Bata

2002 ko naisulat ang mga tula na ito. Ito ang entries ko sa unang workshop na aking nadaluhan: UP National Writers Workshop 2003. May isa pang tula ito sa dulo, tula ng isang taong grasa. Dinelete ko na ang pangit na pangit ako, hahaha.



Tula ng Apat na Bata


Introduksiyon

Doon po sa amin, bayan ng Maralita,
Apat na bata ang naging makata.
Pagka’t doon po sa amin, bayan ng Maralita,
Ang sumbong ay naidadaan na lamang sa tula.











Tula ni Ningning

Ang sabi po ni Kuya,
maglalaro lang kami.
“Taguan,
hanapan
ng susi.”

Pagtalikod niya’y
inupuan ko ang susi
para hindi ito makita.

Kinalabit ko siya,
“geym na!”

Una po niyang hinawak-hawakan
ang aking batok.
Sinalat-salat
ang aking dibdib.
Tinapik-tapik
ang aking tiyan.
Saka kinapkapan
ang aking katawan.

“Nasaan ang susi?” anya,
habang hinihila
ang aking palda.

Ang pawisan niyang kamay
sa una’y marahan,
bigla pong gumaspang.

Sinubukan kong
tumadyak
tumayo
tumakbo

pero

pero
tulad po ng dati,
walang imik, walang silbi
ang aking mga binti.



Nakasara ang bulaklak
Ibubuka ang bulaklak
Pinuwersa ng hari
Bum-tiyaya-bum-tiyaya-bum-yeye
Kabum!





































Tula kay Inday

Hay, Inday,
kay hirap ng iyong buhay.

Kapalit ng
kalahating tasa ng sabaw,
isang pugot na tuyo
at sangmangkok ng tutong,
ilang maghapon kang maglilinis
ng bahay ni Aling Ines.

Kapalit ng
kupas na kamiseta,
lawlaw na salawal
at tsinelas na di magkapares,
ilang magdamag kang mag-aalaga
ng anak ni Aling Ingga.

Hindi lapis kundi walis ang hawak.
Hindi papel kundi mantel ang iniimis.
Hindi libro kundi kaldero ang inaasikaso.

Inday, Inday
Sa balitaw.
Dulang nakahapay,
Sandok nakasuksok,
Siyansi nakabaluktot,
Palayok nakataob
Sinigang na matabang
Katumbas ay isang batok.

Hay, Inday,
kay hirap ng iyong buhay.
Para kang isang aliping namamahay.
Inumid pa ng langit ang iyong dila.
Lahat ng iyong pagdurusa, tuloy ay naging luha.







Tula ni Balong

Mama, mama, namamangka,
Pasakayin yaring bata
Pagdating sa Maynila
Sa sindikato, ipagbenta.

Sabik na sabik akong makarating sa Maynila noon.
Masaya raw dito
At hindi tulad sa nayon,
na magigising ka sa tiririt ng ibon,
maaaliw ka sa lagaslas ng tubig,
makakatulog ka sa huni ng kuliglig.

Dito sa Maynila,
magigising ka sa bus na bubusi-busina,
maaaliw ka sa motorsiklong umaarangkada,
makakatulog ka saliw ng radyong de-baterya.

Ngunit lahat pala ng ito’y panaginip.

Kung sa nayon:
tilaok ng tandang,
unga ng baka.
Sa Maynila naman:
silbato ng pulis,
batuta ng guwardiya.

Pisong limos,
pisong mamon
para sa maghapon.

Sa tulad kong walang nakikita,
mas madilim sa Maynila
kaysa sa nayon.









Tula ni Pipo

Helmet ko ang butas na arinola.
Kinakalawang na tubo ang aking espada.
Isa akong mandirigmang prinsipe
(na may tahimik na buhay).
Bilad ang katawan
sa maghapong pakikipaglaban.
Ang palasyo ko’y gumigiyang na kariton.
Matibay na matibay ito
pumarito man o pumaroon.
Galising aso ang kapalit ng tapat na kabayo.
(Kailanma’y di ito kumahol).

Isa akong mandirigmang prinsipe.
Bulto ng langaw ang aking kawal.
Sa basurahan ako matatagpuan
pagkat dito iniwan ng hari at reyna
ang kayamanan ng aming angkan.

Marangya lagi ang aking hapag-kainan
(Walang ingay akong dumudulog.)
isang matigas na pandesal sa agahan,
tinik ng tilapya sa tanghalian
at bulalo menos ang sabaw sa hapunan.

Isa akong mandirigmang prinsipe.
Maliksi ako,
lalo na sa paghahanap ng bunton ng basura.
Matapang ako,
lalo na sa iba pang maton na mandirigma.
Matalino ako,
lalo na sa pagbebenta ng kapaki-kapakinabang pa.

Biyabo ka nang biyabo
Umakyat ka sa mabolo
At tanawin mo si Pipo
May hila-hilang kariton.

Ako nga pala si Pipong bingi,
Pinakatahimik ang aking buhay
Sa lahat ng mandirigmang prinsipe.








Ang mga bahaging naka-italics ay sinipi ni B. W. Siy mula sa aklat na Arimunding-munding Isang Century Book Mga Awit at Tulang Bayan sa Daantaong Tagalog ng mga Di-kilala (Anonimo) na tinipon ni Alberto S. Florentino. Ang ilan sa mga bahagi ng sinipi ay binago ni Siy.

2002


Thursday, February 20, 2020

warning sa mga manunulat na may acceptance letter mula sa mga publisher

warning sa mga manunulat na may acceptance letter mula sa mga publisher:

kung sinasabi ng publisher na ilalathala nila ang inyong manuskrito, tanungin kung kailangan mong mag-isyu ng official receipt para sa kahit na anong uri ng transaksiyon mo sa kanila. huwag munang pumirma ng kontrata hangga't hindi ito malinaw sa iyo at sa kanila.

kung wala kang o.r., huwag kang pumayag na iimprenta nila ang iyong manuskrito.

kung wala kang o.r., huwag ka munang pumirma ng kontrata.

ito kasi ang possible scenarios...

maiimprenta ang manuskrito mo at magiging libro pero hindi ka makakatanggap ng anumang kabayaran dahil ire-require nilang mag-isyu ka muna ng o.r. para sa kanila.

sila kumikita, ikaw hindi.

a big no, my friends.

ingat-ingat po tayo.

mahirap pong kumuha ng o.r. mahirap din pong manghiram ng o.r. kaya kailangan ninyo ng panahon para makakuha niyan sa BIR.

INUULIT KO: paghintayin ang publisher kung wala ka pang o.r. na maibigay sa kanila.

living document re benjamin p. pascual

ang manunulat na si benjamin p. pascual ay isinilang sa tondo, maynila.

mula kay bb. Lualhati Bautista:

Liwayway siya. Matagal siyang staff do'n. At sumusulat din. Nung magresign na siya, naging editor ng Valentine Romances. Ako ang nagrekomenda sa kanya kay Benjie Ocampo na publisher. Mahusay na writer at edutor si Ben, underrated lang

Di konmatandaan mga nobela niya pero karamihan, sa Liwayway nalathala. Naroon na siya nung una pa man akong magsulat, 1963, at umalis, o nagretire, mga 1986 na

You're welcome senyong dalawa. Kumpare ko yon kaya medyo me alam ako. Pero matanda siya nang malaki sa 'kin ha. 17 ako nung unang magsulat, staff member na siya ng Liwayway. First reader ng mga kuwento. Taga-reject

sumakabilang-buhay early 90s.

note: living document ito, meaning, as soon as makahanap ako ng mga reliable pang source ay idadagdag ko nang idadagdag dito.

Wednesday, February 19, 2020

a very unforgettable writing workshop

nangyari ang workshop noong sabado, pebrero 15, 2020, sa de la salle university manila. it was called akdaan 2020.

maliit lang na workshop. lima ang panelists. mga 8 ang fellow. may ilang kaguruan at mga estudyante ng filipino department.

akala ko'y simple lang ang palihan na ito.

pero dahil sa naranasan ko sa pagharap sa isang napakakomplikadong akda, napagtanto ko na, ito na yata ang pinakamahirap na writing workshop na napuntahan ko.

the work and its content and the author, and the situation were so complicated, napapabuntong-hininga ako hanggang ngayon.

ambigat-bigat sa dibdib.

naibuhos ko ang lahat ng naipong talino ng neurons ko sa lahat ng workshop na napagdaanan ko before. ganon katindi.

nasurot din ang budhi ko. bigla akong nagising sa katotohanan na ang pagpapakabuti bilang tao at manunulat ay napakakomplikadong bagay. di siya simple, di siya madali.

ang cryptic ba nitong post ko na ito? kasi di ko pa yata kayang isulat, e.

shocked pa yata ako. and at the same time, napapaisip pa rin ako hanggang ngayon.

naka-pm ko ang ilan sa mga fellow, ang isa sa kanila, napapaisip din. ang isa sa kanila, tulala pa after the workshop. ang isa ay nakasabay ko sa bus pauwi. mabuti at napagkuwentuhan namin ang mga nangyari dahil hindi ko kayang iproseso ang mga nalaman ko nang mag-isa.

kakapraning!

i just wish that the heavens will not allow me to be under anyone, tipong sana wag dumating sa punto ang buhay ko na iaasa ko ang mga bagay-bagay sa ilang tao. because i am cutting ties talaga. i deserve better people as friends.

god help me.

Tuesday, February 11, 2020

Valerio Nofuente


Enero 28, 1947- Abril 10, 1981

Si Valerio Nofuento ay isang aktibista, guro at iskolar. Kilala siya sa palayaw na Lerry.

Siya ay naging miyembro ng UP Writers Club at nagtapos ng kursong AB Political Science noong 1968 sa UP Diliman. Naging Resident Assistant siya sa Filipiniana section ng University (Main) Library noong 1969-1971. Ang kanyang tesis para sa kursong MA Pilipino sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ay Ang Paghihimagsik ni Alejandro G. Abadilla sa Tradisyon ng Panulaang Tagalog. Bilang assistant professor, siya ay nagturo ng PI 100, Tradisyon ng Panulaan sa Pilipinas/Panitikang Pilipino, malikhaing pagsulat at iba pang kaugnay na subject sa nasabing departamento na nasa patnubay ng noo'y College of Arts and Sciences sa UP Diliman. Ang inclusive years nito ay 1972-1974. Kasabayan niyang naging guro doon sina Pamela Cruz-Constantino, Lilia Quindoza-Santiago at Rosario Torres-Yu. Naging estudyante ni Lerry sa UP ang ilan sa mahuhusay na manunulat at mandudula ngayon gaya nina Joaquin Sy, Reuel Aguila, Chris B. Millado, Amante del Mundo at Oliver Teves.

Ayon kay Dr. Teresita "Tet" Maceda ng UP Filipino Department sa interbyu ng guro din doon na si Schedar Jocson, naging miyembro si Lerry ng Cultural Research Association of the Philippines kasama siya (Mam Tet), Sir Bienvenido Lumbera, at iba pa. Siya rin ang naging editor ng publication nito na Cultural Research Bulletin. Si Lerry ay naglingkod bilang tagapayo ng Kapisanang Pampanitikang Pilipino o KPP noong 1974-76.

Siya ay isa ring makata. Nalathala ang kanyang mga tula sa Collegian Folio 1975-1976, at sa Kamao, Mga Tula ng Protesta, na inilathala ng Cultural Center of the Philippines (CCP). Isa siya sa mga tinawag ng manunulat at kritikong si Bienvenido Lumbera upang bumuo ng unang isyu ng Diliman Review na lumabas noong Oktubre-Nobyembre 1978. Kasama niya rito ang mga manunulat na sina Ricardo Lee, Aida Santos, Flor Caagusan, Jesus Manuel Santiago, at Rene O. Villanueva. Si Lerry ay naging business manager ng Diliman Review. Noong 1981, makalipas ang 14 issues at kasagsagan ng batas militar, noong siya ay pa-resign na sa nasabing post at tine-train na ang manunulat na si Herminio Beltran, Jr., siya ay brutal na pinaslang.

Nang panahong iyon, si Lerry ay aktibong tumutulong sa unyon ng isang malaking pabrika ng sigarilyo sa Marikina. Si Lerry ay pinatay sa loob ng sariling sasakyang Beetle, nilaslas ang kanyang leeg. Ang pinaghihinalaan ay ang caretaker ng kapitbahay na nakiangkas lamang sa kanya. Iniwan ang Beetle at ang bangkay ni Lerry sa ilalim ng isang tulay. Hindi nalutas ang kaso na ito. Kapapanalo pa lamang noon ni Lerry sa patimpalak sa tula ng Surian ng Wikang Pambansa, karangalang-banggit para sa tulang Haplusan ang Lungsod ng Sinag ng Takipsilim. Nasa kotse pa ang kanyang tseke.

Isang awit ni Heber Bartolome ang pinamagatang Lerry at ito ay alay sa kanyang alaala. Isa sa mga nagbigay ng pagpupugay sa kanya ay ang Concerned Artists of the Philippines.

Naulila ang kanyang asawang si Evelyn at dalawang anak na lalaki.

Narito ang tentatibong listahan ng mga akda ni Valerio Nofuente:

Awit sa Agila-tula
Sa Makati at Dibisorya, Denims ang Hanap Nila- sanaysay
Ang buhay at Panahon ni Alejandro G. Abadilla-meron sa Filipiniana library ng UP Diliman
Ang Paghihimagsik ni Alejandro G. Abadilla sa Tradisyon ng Panulaang Tagalog- tesis niya sa masters, meron sa Filipino Department, UP Diliman at sa University Archives nito
Haplusan ang Lungsod ng Liwanag ng Takipsilim -tula, nalathala sa Kamao, Mga Tula ng Protesta, CCP
Kailangan ko pa bang sagutin -tula, nalathala sa Kamao, Mga Tula ng Protesta, CCP
Sa Gabi ng Paglisan -tula, nalathala sa Kamao, Mga Tula ng Protesta, CCP
Saglit na Gunita sa Isang Namayapang Makata - tula para sa kapwa aktibistang si Lorena Barros, nalathala sa Kamao, Mga Tula ng Protesta, CCP, nalathala din sa Collegian Folio l975-1976
Alisin 'Ka Mo ang Dyipni? -mukhang sanaysay, nalathala sa magasing Sagisag noong 1978 o 1979, mahahanap din ito sa internet, lalo na ang Ingles na version nito, sino kaya ang nagsalin?
Ang Epikong Labaw Donggon - buod ng epiko, mga guide question para sa pag-unawa sa teksto
“Portrayals of Life and Reality in Radio and Television Drama” in Philippine World-View. Virgilio G. Enriquez, ed. Trans. Christopher Gonzaga. Singapore: Institute of Southeast Asian Studies, 1986
Ang Tulang Pasalaysay sa Panahon ng Amerikano, 1898- 1928." Ito ay nalathala sa Nationalist Literature: A Centennial Forum. Ed. E. A. Ordonez. Quezon City, Philippines: U of Philippines P and Panulat, 1995

Ang larawan ay mula kay Evelyn Nofuente sa pamamagitan ni Dr. Reuel Aguila.

Saturday, February 8, 2020

lunes pagkatapos ng therapy

ito ang mga ginawa namin ni dagat noong lunes pagkatapos ng kanyang therapy:

nagpunta sa palengke ng imus para magpagawa sana ng bag strap, sandals at magbayad ng meralco sa lbc. wala akong makitang lbc, pero nakakita ako ng logo ng meralco sa sanglaan na cebuana. pagpasok namin, napakahaba ng pila,kaya lumabas din kami agad. alam kong maiinip si dagat.

tapos nakita ko ang imus terminal mall. umakyat kami at bumungad sa amin ang mga motorsiklong pambata na narerentahan ng 20 pesos for 5 mins. sakay agad si dagat at dinala kami ng babaeng bantay sa ride sa gilid ng mall. aba, ang laki pala ng bakanteng space doon, tiles pa ang sahig. dadalawa ang grupong naroon, parehong nanonood ng nagche-chess na matatandang lalaki.

paikot ikot doon si dagat sakay ng motorsiklo. napagod ako sa kahahabol sa kanya dahil tumatakbo ako nang nakayuko at awat-awat ang likuran ng motorsiklo. kaya after 5 mins, ako na mismo nag-guide kay dagat papunta sa ate na nagbabantay. isinoli na namin ang motorsiklo.

pumasok kami sa main mall. walang masyadong makikita kundi cellphone accessories shops at mga damit. sa gitna ng mall ay playground na nababakuran ng plastic fence. pinapasok ko agad si dagat, saka ako nagtanong sa ate na bantay ng playground. 60 pesos daw ang 30 mins.

iisa lang ang bata sa playground at di sila masyadong naglaro ni dagat. di kasi nakakapag-communicate pa si dagat. naghagis-hagis siya ng mga plastic ball,sumakay sa plastic na see saw na hugis buwaya, nagslide sa plastic na maliit na plastic slide, at magbukas-sara ng plastic na fence, iyong bahagi na nabubukas-sara.

after 30 mins, lumabas na kami at naglakad pa kami ni dagat palalim sa mall. napatigil kami sa isnag food court. nakakita kasi siya ng potato corner. fries daw, sabi niya. pero inilabas ko na lang ang spanish bread na binili namin sa bakery sa may therapy center niya. paborito iyon ni dagat. iyon na lang ang ipinakain ko, kasi mahirap na pagkamayin si dagat doon. baka makakain pa siya ng virus. ang tinapay naman ay ibinalot ko sa tisyu kaya di niya nakakamay.

nang makakalahati ng spanish bread ay pinainom ko na ng tubig si dagat at naglakad uli kami, sa dulo pala ay pure gold. sa kaliwa ay... isa na namang playground! ang laki laki nito. lumapit ako't nagtanong. aba, 60 pesos lang din ang 30 mins. pero kailangan daw ay may bantay si dagat kasi below 6 yrs old ito, kaya napilitan akong bumili ng medyas na bente.

mas nag-enjoy siyempre si dagat dito. nag-slide siya sa mataas na slide, nag-swimming sa mga plastic ball, umakyat sa mga foam na hagdan, tumawid sa beam na nasa gitna ng mga tali, umakyat-baba sa tube na gawa sa lubid, naghagis ng mga dice na gawa sa malaking foam, nagpagulong ng mabigat na barrel, nanggulo ng mga foam sa shelves, nag-swing, sumakay sa merry go round.

ako, napagod, siyempre.

pero ok lang. dalawa lang kaming magkasama nang maghapon, at ang mga pinuntahan namin that day ay walang masyadong tao.picture lang din ako nang picture. at naoobserbahan ko ang anak ko.

1. mahilig siya sa physically challenging na parts ng playground. natuwa siya nang malaman na mabigat ang barrel. binabalik balikan niya ang tube na gawa sa lubid. naalala ko sa ironman race niya, hindi siya natakot sa final at isa sa pinakamahirap na parte ng race, ang pyramid na gawa sa lubid. inakyat niya ito nang walang tulong, nakababa din siya nang mag- isa. ang tapang.

2. minsan, di pa rin niya kayang magsabi ng gusto o ayaw. hihiyaw lang siya sabay tulak kapag may nais paalisin na bata. que horror nang gawin niya ito sa dalagitang nakasakay sa merry go round. napa-sorry tuloy ako.

3. gustong-gusto niya nang may ginugulo o pinababagsak. may isang bahay bahayan na puwedeng lagyan ng bata ng bricks na gawa sa foam. makakabuo ng pader ang bricks na ito. tyinaga kong buuin ang pader habang si dagat ang tagaabot ko ng bricks. right after kong matapos ang pader, sinalya ito ni dagat at tumawa siya. natuwa siyang nasira ang pader. pagkatapos niyon, umakyat si dagat sa bahay bahayan. dumapa siya sa bubong, na eye level ko lang. doon na kami sinita ng mga ate na bantay. binuhat ko si dagat at muling ibinalik sa parang maze na structure ng playground.

nagpa extend ako ng 30 mins pa. akala ko ay gusto pa ni dagat na maglaro doon. pero pagkaraan na palitan ko siya ng diaper at shorts (tumagos ang wiwi sa shorts niya), nagyaya nang lumabas si dagat. mag-isa itong nagpunta sa exit at hinanap ang sapatos niya. pinigilan siya ng mga ate na tuluyang makalabas. nasa loob pa kasi ako, binubuhat ang sariling bag at bag ni dagat.

after that ay pumasok kami sa dry goods section ng palengke ng imus. naghahanap ako ng pagawaan ng sapatos para sa aking sandals. actually, naturingan na iyon sa palengke ng binakayan. 200 pesos daw dahil bukod sa tatahiin ay papalitan na ang suwelas. namahalan ako dahil kung bibili ng bago ay baka 100 lang ang sandals kong iyon, hahaha. so nag imus ako sa pag-asang baka mas mura ang repair dito. kaso wala naman kaming makitang shoe repair shop. ang nakita ni dagat ay isang ternong sando at short na lightning mcqueen ang disenyo.

aru,kahit anong distraction na gawin ko kay dagat ay ayaw nang umalis nito sa tapat ng terno. marami pang bagong damit sina dagat, mga regalo noong pasko, kaya ayaw ko sanang bilhan pa siya ng bago na namang damit. nag-ingit na at nag-inarte si dagat lalo na nang lumapit ang babaeng muslim na nagtitinda niyon. agad kong pinababa ang terno,at nang mahawakan ito ni dagat ay di na ito binitawan.

180 ang turing.tawad ako ng 150. sabi ng babae, hanggang 170 lang. sabi ko, 160 po. 170, ang giit ng babae. titig na titig si dagat sa drowing na lightning mcqueen.so, babae wins.

pagkabayad ay ipinasuot ko na ang terno kay dagat. ang saya ng anak ko. akala mo ay ngayon lang nagkaroon ng bagong damit. naglakad kami palabas ng palengke, papunta sa lotus mall. sabi ko, tiyak, may lbc dito.

nagtanong agad ako sa guard ng entrada ng mall. oo daw, meron, sa may pagkaliwa lang namin. ayun nakita ko agad ang lbc, nasa kaliwa nga. at ano ang nasa kanan?

arcade at kiddie rides!

sumakay agad si dagat sa merry go round na tren ang disenyo. hinila ko siya palayo para makabili muna kami ng mga token sa vending machine. inabot ko sa kanya ang bente at siya ang nagpasok nito sa vending machine. siya rin ang kumubra sa inilaglag na tokens ng machine.

ang sinakyan niya ay ang tren- tren, isang kotseng dilaw at isang pabilog na sasakyan na paikot-ikot at umaalog. isa pang bente ang nagastos namin doon at naglaro kami ng mga claw games. wala kaming nakuha kahit man lang payat na kendi o tsokolate. scammer talaga ang mga game na iyan, peste.

all the while, pasulyap-sulyap ako sa lbc. napakaraming tao sa loob nito. at nang maubos na ang tokens namin, pumasok na kami sa lbc. sabi ko sa teller na babae, puwede ba kaming magbayad ng meralco dito? opo, sagot nito. ang tuwa ko. napahawak agad ako sa zipper ng bag ko para buksan ito at kunin ang bill at pambayad. pero quarter to 6 na po, cut off na kami, sundot ng teller.

ek. mission abort, abort mission. labas kami ni dagat at naglakad uli paloob ng mall. mas diverse ang mga paninda rito kaysa sa naunang mall, dito ay may damit, furniture,school suplies (may pandayan bookstore!), sapatos. may salon din. nagtanong ako sa guard kung may groserya doon. oo raw, waltermart. ayun, sigurado akong may business center ito na parang sm supermarket, tatanggap ng pagbabayad ng bills. pagbaba namin sa basement, ayun, may bayad center nga sa tapat ng entrada ng waltermart. anak ng tipaklong, ang haba naman ng pila. siguro, 15 ang nakapila.

sigurado akong maiinip si dagat, masasayang lang ang pagpila namin. hihilahin ako niyon kung saan-saan. kaya nag-decide akong huwag na doon magbayad. pero sa exit ng mall sa bandang iyon, may nakita akong mr quickie!

agad kaming nagpunta doon ni dagat. inilabas ko ang bag strap ko at tinanggap naman ito agad. ambilis ng staff at trabahador! napalitan ang isang buckle ng bag strap ko at natahi ito in less than 10 mins. 100 pesos. i like it!

inilabas ko na ang sandals ko at ipinakita sa kanila. ang turing? 230 pesos. mas mahal kaysa sa turing sa binakayan. so sa isip isip ko, sa binakayan ko na talaga iyon ipapagawa. suki ko naman ang sapatero doon. at hindi ito kumpanya, gaya ng mr quickie. naisip ko rin na ipapagawa ko pa rin iyon kahit mas mahal dahil ayokong basta na lang itong itapon. dadagdag lang ito sa basura ng mundo. might as well repair it, then use it.

bumalik kami sa loob ng mall at umakyat sa lbc at arcade at um-exit sa lugar kung saan kami pumasok. pag -exit namin ay may nakita akong fountain sa tapat na kalsada, sa likod nito ay signage na terminus plaza ang sabi. tumawid kami at nagpicture picture. sa gilid nito ay... cebuana lhuillier! na kakaunti ang tao. na-excite ako! makakabayad na kami ng meralco.

pagpasok namin ay binigyan agad ako ng number ng guard. 13. umupo kami ni dagat habang inaasikaso ng isang teller ang naunang customer sa akin. hinanda ko ang pera ko at bill.

ang pakshet. short ako ng around 60 pesos. kakaloka. sabi ng teller, 13, 13. sabi ko, teka po. binilang ko na lahat ng barya ko, wala. di talaga aabot. at aabot man ay paano naman kami uuwi? alangan namang mag 1,2,3 kami ni dagat ? looord. nakakahiya. tinitingnan na kami ni kuyang guard. paulit ulit ako ng bilang sa mga barya ko. putcha baka kinaaawaan na kami. hagardo verzosa na ako, maputim na ang bagong terno ni dagat.

suko na.

tumayo ako at nagsabi,kuya di na po kami makakabayad. nagkulang na ang pera ko. isinoli ko ang 13 sa guard, na nakatingin lang sa akin. mukha namang wala siyang judgment sa akin. sabagay, sanglaan iyon. malamang na sanay na siyang makakita ng napapahiyang mukha, mukha ng nagkukulang sa pera, mukha ng gipit, mukha ng napa-overspend!

paglabas namin ng cebuana ay naglakad na kami papunta sa aguinaldo highway. pero naisip kong bumili ng pasalubong. tutal naman, hindi na ako makakapagbayad ng meralco nang araw na iyon! might as well spend some money. bibili kami ng something para kina papa p at sa pamilya nito na naroon sa cavite that weekend, dahil nagpunta ng sementeryo para sa pagdiriwang ng birthday ng kanilang haligi ng tahanan.

pumasok kami sa tindahan na simply chef, walang tao doon kundi isang babaeng cashier na naka-mask at nakasumbrerong pang-chef. bumili ako sa kanya ng dalawang tasty (buy 1 take 1 kasi) at isang naka plastic na tinapay na nabubudburan ng keso at ube bits. 200 something. tapos naglakad na kami ni dagat papunta sa sakayan ng dyip. para makauwi na. pagsakay namin ng dyip ay saka ako nagpm kay papa p. nag aalala pala ito, halos awayin na ako. akala kasi niya ay natuloy kami ni dagat sa binakayan. bakit daw antagal namin doon. takot na takot pala si papa p, at baka magka-corona kami sa binakayan. andami kasing chinese sa island cove, na napakalapit sa binakayan. oo nga naman. namamalengke rin ang mga virus.

o, ayun lang. what a day, ano? nakakapagod. pero sulit naman. sana laging ganito ang mga day off ko.

Wednesday, February 5, 2020

rebyu ng pelikulang the king of belgians

noong january 31, 2020, inimbitahan kami ng ccp film broadcast and new media division sa reception at screening ng king of belgians, ang unang sine sa ilalim ng proyektong europelikula. ito ay in cooperation with european union delegation to the philippines. hanggang december ay magpapalabas sila ng euro films dito sa ccp, free and open to public. sana ay magpunta kayo!

anyway, during the opening ceremony, nagsalita ang ambassador ng belgium. siya ang nagpakilala sa pelikula. sabi niya, funny film daw ito. ikinuwento niya ang plot, tapos sinabi niya na ang message dito, karaniwang tao lang din ang mga hari. at ang mga belgian, we don't take ourselves seriously, we always break the protocol.

medyo tahimik ang audience all through out the film. panaka-naka ang tawa, isa o dalawang beses ang pagtawa nang malakas.

meaning, di kami masyadong natawa sa pelikula. i think there are so many humorous scenes, kaya lang, dahil di kami taga-belgium, or taga-europe, di namin nage-gets ang mga reference ng mga eksena. halimbawa ay ang pagpapakita sa paa ng isang mayor ng isang probinsiya ng european na bansa, ang paghahabol ng security ng turkey sa buong grupo ng hari, at ang mga kakaibang tao na nakita nila sa isang bansa, naka-hairy na costume ang mga ito.

pero nagandahan ako sa pelikula! maganda at simple ang plot. napakahusay ng lead actor na peter van den begin, ang gumanap na hari ng belgium. siya ang nagdala sa pelikula.

plot
bumiyahe sa labas ng bansa ang hari ng belgium, nagpunta siya sa turkey kasama ang isang film maker na nagdodocument ng kanyang day to day existence, at ang kanyang maliit na grupo: ang chief of protocol, ang secretary at ang butler. biglang nagkagulo sa isang isla sa belgium dahil nagdeklara ito ng independence (gaya ng ginawa ng mindanao noon). kaya mula sa turkey ay kailangang bumalik ng hari sa belgium. ngunit ayaw siyang payagan ng security head ng turkey. binantayan siya nito nang maigi. gumawa ng paraan ang kanyang grupo para makabalik sa belgium. imbes na mag-eroplano, sila ay nag-disguise bilang indigenous singers at dancers at nag-bus papunta sa isang border. in short, ito ay road and water trip ng monarch. water dahil mayroong bahagi na tumawid sila ng dagat sakay ng isang napakalumang bangka.

marami silang naranasan like dumaan sila sa bansang bulgaria, napadpad sila sa isang lugar na walang sasakyan, nakulong sila sa albania. a resident had to borrow an ambulance to move them out of that area. nagpanggap silang tv production team para makatawid sila sa mga border. nakipag-inuman sila sa isang retired na sniper at sa pamilya nito. nalasing. nawala ang mga passport (naiwan sa bahay ng sniper). at iba pa.

brilliant para sa akin iyong part na kailangan nilang itago ang tunay nilang identity para makausad sila, para magawa nila ang gusto nila. which is kabaliktaran ng kanilang normal na buhay. dati, nagagawa nila ang gusto nila dahil sila ang hari at team ng hari ng belgium. pero dahil sa complications ng sitwasyon, hindi sila makakilos because of the same reason. kumbaga naging weakness nila ang kanilang strength.

acting
very very effective para sa akin ang acting ni peter van den begin, ang gumanap na hari ng belgium. parang lagi siyang in pain at discomfort. parang hindi siya masaya sa nangyayari sa kanya at sa pagtrato sa kanya, lalo na kapag ipinapaalala ng kanyang team na ang bawat kilos niya ay nagre-represent ng monarkiya at ng belgium. pinipilit niyang maging masaya, independent at authoritative, pero dahil sa mga protocol para sa hari, hindi niya magawa-gawa ang ilang bagay. halimbawa, isang hapon,may nais siyang i-comment sa mga simpleng bagay, na-capture iyon on cam. pinaulit ng kanyang asst na babae ang pag-film sa hari, at doon sa second take, wala nang ikinomento ang hari. as in wala siyang sinabi. iyong poker face ng aktor doon, ang galing. di ba, nakakainsulto na nakakatawa iyon at the same time? pero dahil hari siya, dapat di siya magpakita ng anumang emosyon na posibleng maka-offend sa iba. isa pang halimbawa ay ang facial reaction ng hari kapag sinasabi ng kanyang chief of protocol na ang anumang ilalagay niya sa kanyang speech ay dapat na paaprubahan sa prime minister ng belgium. aburidong-aburido na ang hari dahil sinisilensiyo na naman siya at ang kanyang mga opinyon. pero poker face siya uli. dead serious siya sa pagdadagdag ng mga linya sa kanyang speech, na first time niyang ginawa. he was fed up kasi na lagi na lang pinaiikli ang kanyang speech, napaka-bland ng mga ito, at di sumasalamin sa kanyang personalidad.

the actor is tall, hindi guwapo, pero may camera presence. nagpapayat din siya at nagpa-haggard towards the end of the film dahil sa dulo ay harassed na harassed na sila, halos wala nang makain at walang mahingian ng tulong, doon sa pelikula. bagay na bagay ang itsura niya sa kanyang role.

the rest of the actors, ok naman ang acting i suppose. hindi naman super notable. they were very believable sa kanilang mga pino-portray.

cinematography
i like it, dahil na-reveal sa akin ang iba't ibang bahagi ng europe na tingin ko ay di pinupuntahan ng mga turista. like yung mga bukid-bukid sa bulgaria, mga karaniwang bahay at maliliit na kainan sa mga probinsiya at liblib na lugar ng europe. nagustuhan ko rin ang handheld camera effect, dahil nga supposedly documentary ito tungkol sa buhay ng hari. gusto ko rin iyong madalas na close up sa hari para i-magnify ang emosyon niya. kasi nga, poker face siya, so nasa close up ng mukha niya ang maliliit na paggalaw ng dusa at pighati, at siyempre ng ligaya, sa mga bago niyang karanasan.

characters
nagustuhan ko iyong gagawin lahat ng hari para lang makauwi siya sa belgium, para ayusin ang gusot doon. he could have prioritized his safety, his comfort, pero hindi, talagang pinush niya ang team na makauwi sila agad. ang linaw ng goal.

script
i like the speech that the king was trying to finish during the entire "trip." nandoon iyong mga mensahe ng pelikula sa manonood (na presumably ay belgians). gusto ko rin iyong part na nagtatanungan ang hari at ang kanyang team members tungkol sa kahulugan ng monarkiya. kung taga-belgium ako, mapapaisip din ako ng bakit nga ba may hari pa kami? aandar pa rin ba ang aming bayan kung walang monarkiya? ano ang essence ng kaharian, ng mga posisyon na ito? at maiisip ko rin na naiisip din pala ito ng mga hari at reyna at iba pang miyembro ng royal family!

gusto ko ang set of characters na nakaka-engkuwentro ng team sa iba't ibang pagkakataon. lagi akong nasusurpresa! may grupo ng indigenous singers, retired na sniper, isang grupo ng mga bulag na bata na judge pala sa isang kontes sa baryo! o di ba, kakaiba!?

isa nga pala sa natutuhan ko rito ay ang bigkas sa pangalan na sofia. it is pronounced as sof-ya pala.


Tuesday, February 4, 2020

iso the sign, the exit sign

sa wakas!

iso certified na ang ccp! yehey!

kanina during the flag ceremony ginanap ang turn over ng certification namin. it was led by mr. renato navarete of certification international and ccp president nick lizaso.

actually, dec 19 pa lang daw ay certified na kami, pero ngayon lang nagawa ang formal turn over ng certificate para nga naman masaksihan ito ng lahat.

nakaka-proud, haha!

then nagbigay ng mensahe si mr. navarete. limang bagay lang ang naalala ko:

1. ang iso ay hindi para pahirapan ang institusyon o organisasyon o kumpanya. ito sana ang magpaalala sa inyo, during tough times, ng mga tunay na dahilan kung bakit ninyo ginagawa ang inyong ginagawa. in short, customer satisfaction. ibig sabihin, ang inyong mga ginagawa ay para talaga sa manonood, sa mga recipient ng artistic services at productions ng ccp.

2. ipinaalala sa inyo ng iso ang risk based management. ibig sabihin, lagi kayong mag-iisip ng plan b sa lahat ng bagay mula ngayon. and from that, mate-train kayo to see the opportunities behind the risks, behind the plan b.

3. ang iso ay documentation para sa susunod na henerasyon at para din makita ng susunod na henerasyon ano pa ang mga dapat ma-improve doon sa mga prosesong ginagawa natin ngayon.

4. tinitingnan ng iso kung ang sistema ninyo ngayon ay ang best at most efficient system para mismo sa inyong institusyon/organisasyon/kumpanya.

5. and lastly, ang iso ay tumutulong sa inyo para mapanatili na integrated ang inyong pagkilos. minsan, sa tanda ng isang institusyon/org/kumpanya, nagkakaroon ng tendency na magkanya-kanya ang bawat unit. sa iso, ipapaalala nito ang iisang direksiyon ng lahat para sa sabay-sabay nitong pagsulong.

ang dami kong natutuhan sa iso-iso na ito, sa totoo lang. at bilang baguhan dito sa ccp (kumpara sa mga 20-30 years nang naglilingkod dito), naging malinaw sa akin ang kalikasan ng ccp, ang mga proseso, at ang tunguhin nito. so, irerekomenda ko ba ang iso sa lahat ng katulad naming institusyon, iyong arts and culture ang slant?

oo! mahirap sa umpisa, pero once na in place na iyan, madali na ang lahat.

ang mga con lang na naranasan ko ay:

1. earlier speakers namin na walang idea sa artistic at cultural work
2. paiba-iba ng format, iba-iba ang itinuturo sa amin per set of speakers
3. auditors na wala ring masyadong idea sa artistic at cultural work
4. kapag di idineklara ng isang institusyon/organisasyon/kumpanya ang isang proseso, walang lalabas na dokumento patungkol dito. therefore, hindi siya malalaman ng iso certifying body dahil undeclared nga. di ito masa-subject into auditing. so, kung ano lang ang ideklara mo, iyon lang ang titingnan nila. kapag palpak ang proseso na di mo idineklara, di iyon mache-check.

habang nagsasalita si sir navarete, bigla kong naisip na parang gusto kong mag-apply as auditor ng isang certifying body. im sure, wala o napakakaunti ng artist o cultural worker sa mga iso certifying body. samantalang kailangan na kailangan sila sa mga institusyon gaya ng ccp.

at bilang pagtatapos, nais kong bigyan ng karampatang recognition ang isa sa mga miyembro ng core team na sa palagay ko ay naghirap nang bonggang-bongga. ito ay walang iba kundi si clifford colubio ng ccp internal audit dept. isa-isa niya kaming pinupuntahan at tinuturuan noong hirap kaming intindihin ang mga konsepto ng quality management system na ito. siya ang taga-post sa balagtas integrated database namin para maging gabay ang mga ginawa namin na document sa iba pang unit ng ccp. siya rin ang nagmo-monitor ng mga natapos na at di pa natatapos na documents (napakahirap nito dahil andami-dami naming department at division sa ccp. puwede palang per process ang pagpapa-certify, so ito ay tip sa mga magpapa-iso, hindi kailangang lahat ng proseso ang ipa-certify nang isahang buhusan lang. puwedeng paisa-isa ang serbisyo o prosesong ipapa-certify). siya rin ang taga-follow up sa amin, lalo na kung malapit na ang auditing ng 3rd party. siya rin, for god's sake, ang napagbuntunan ng inis ng mga head sa mga di kaaya-ayang pagkakataon. yes, naranasan niya ang masigawan sa harap ng mga head ng ccp units. nagkakainitan minsan ng ulo dahil sa time constraint, marami ang di nakakaabot sa deadline, dahil sa mali-maling content ng mga dokumento, at dahil sa pressure na magawa ang lahat.

kung pagpaparti-partihan ang iso certificate ng ccp, malaking pilas ang para kay clifford. mabuhay ka, clifford!

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...