Friday, May 31, 2019

2nd draft Introduksiyon para sa Lila, Antolohiya ng mga Tula

Nagsimula ang pagbuo sa LILA noong 2013. Iminungkahi ko kay Phillip Kimpo, Jr. na maglathala kami ng isang kalipunan ng mga tula ng babaeng kasapi ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA). Si Phillip ang pangulo ng LIRA nang taon na iyon. Kasi naman, iilan lang ang babaeng kasapi na nakakapaglabas ng sariling koleksiyon. Sa organisasyong ito, puro lalaking kasapi ang nagkakalibro ng tula.

Maraming salik kung bakit ubod ng dalang ang babaeng kasapi o babaeng makata na nakakapaglabas ng isang buong koleksiyon ng tula. Sa karanasan ko, nanay muna ako bago empleyado/trabahador bago manunulat bago org person o taga-LIRA. Nanay duties first, before anything else. Ako lang ang magulang ni EJ. Iyong sperm donor kaya nabuo si EJ ay nanatiling sperm donor na lamang up to the present times. Ang iba pang salik ay kakaunti noon ang babaeng kasapi, at kakaunti na nga ay bihira pang maging aktibo sa organisasyon. Ibig sabihin ay bihirang makapagpabasa at makapagpa-workshop ng sariling akda at bihirang makapunta sa taunang workshop para sa mga baguhang makata kung saan may oportunidad upang makapagsuri ng tula ng iba.

Ang laki din naman kasi ng oras na kinakain ng mga workshop at meeting ng organisasyon: Saturday at Sunday, 8am to 5pm, for six months, ang opisyal na workshop. Puwera pa riyan ang mga espesyal na pagtatagpo, halimbawa ay ang kaswal na inuman sa Sarah’s pagkatapos ng palihan, book launching ng mga kaibigang makata na ilang beses din sa isang taon, pag Marso ay kaarawan ng tagapagtatag ng LIRA na si Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan, pag Agosto (Agosto noon, ngayon ay tuwing Abril na) ay ang National Writers’ Congress at Gawad Balagtas Awarding Ceremony ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (o UMPIL kung saan miyembro ang LIRA bilang isang sektor), at bertdeyan ng mga mentor o senior member sa sari-saring sulok ng Metro Manila, minsan sa Bahay-Bulawan ni Sir Rio sa San Miguel, Bulacan.

Ang mga taga-LIRA ay kadalasang nag-aaral o nagtatrabaho o sabay na nag-aaral at nagtatrabaho. At kung babae ay kadalasang nag-aaral o nagtatrabaho o sabay na nag-aaral at nagtatrabaho, at namamalengke at nagluluto para sa asawa, at nag-aalaga ng kapatid, at nagbabantay ng tindahan at ng ulyaning lola, at naghahatid-sundo ng panganay na nasa Grade 3, at naghuhugas ng garapon para i-recycle bilang lalagyan ng suka na may sili, at nagbubukod at nagpapatuyo ng mga buto ng kalamansi para muling itanim ang mga ito’t maging puno, at nagsusulsi ng nalaslas na ecobag, at nagba-budget ng sahod para makapaggroserya nang pang-isang linggo, para makabili ng bagong bra pamalit sa tastas at sampung taong gulang nang bra, at para makabili ng pangarap na libro ng tula, kahit isang beses man lang sa anim na buwan o sa isang taon. At nagpapatakbo ng tahanan. At nagpapatakbo ng mundo.

Nakakalunod ang mga at, ano?

Sa dami ng responsabilidad na nakaatang sa mga babaeng LIRA, at sa mga babae, in general, bihira na kaming magkaoras para tumula at magsuri ng tula. Nakakatula, oo, pero bibihira. Kaya paisa-isa ang aming output.

Okey. Payn. Paisa-isa, it is.

Kaya isinilang ang LILA. Itinalaga ko ang sarili bilang coordinator, at kinausap ko noong Mayo 2013 si Mam Rebecca Anonuevo kung puwede siyang maglingkod bilang editor nito. Siya ang pipili ng ilalathala mula sa mga submission. Pumayag agad siya, salamat, salamat, at anim na buwan kaming nag-anunsiyo, nag-promote, nanghikayat.

Layunin ng koleksiyon na maipakita ang husay sa panulat ng mga babaeng kasapi ng LIRA, maipakita ang estetika ng mga babaeng makata, maibahagi sa publiko ang pinakahuling obra ng mga babaeng tumutula sa kasalukuyan, makapag-ambag sa panitikang kinatha ng kababaihan, at higit sa lahat, makapag-ambag sa panitikang Filipino.

Ang tatayog ng layunin, ano? At positibo akong magaganap ang lahat ng iyan, kahit na paisa-isa lamang tumula ang babaeng LIRA. Nasa pagtitipon sa mga paisa-isang tula ang kaganapan. Nasa pagbubuo ng koleksiyon.

Ang orihinal na plano ay ilathala ang digital at printed editions ng LILA sa ilalim ng Aklat LIRA at ilunsad ang mga ito sa ika-30 anibersaryo ng organisasyon na idinaos noong Disyembre 2015.

Kaya tuwang-tuwa ako noong Agosto 24, 2013, nang matanggap ako ng isang submission sa email. Limang tula mula kay Mary Gigi Constantino. Lalo akong ginanahan, this is it pancit!

Pero sa kasawiampalad ay iyon na pala iyon. Isa. Wala nang ibang nagsumite kundi si Gigi. Naghintay pa kami nang ilang buwan, nag-extend pa kami nang maubos ang orihinal na palugit na anim na buwan, pero, iyon na talaga. Hindi na ito nadagdagan pa.

Anong lungkot namin, siyempre. Ipinaliwanag ko kina Mam Becky at Gigi ang nangyari at naunawaan naman nila ito. Walang koleksiyon na mailalathala dahil hindi sapat ang bilang ng materyal. Pansamantalang nabaon sa limot ang proyekto.

Pero ito iyong proyekto that haunts you even in your sweetest dreams. Kutkot nang kutkot sa isip ko ang ideya na may nagpasa sa LILA: isa. Kahit isa lang iyan, isa pa rin iyan. Isang babae na may mga tula at gustong maglathala.

Kaya noong Hulyo 2017 ay muli kong ibinato ang vision at mga layunin ng proyekto sa dalawang miyembro ng LIRA na sina Louise Adrienne Lopez at Roma Estrada. Bukod sa parehong aktibo sa spoken word at poetry performance communities ang dalawa, aktibo rin sila sa zine publishing. Sila ang nagbigay ng ikalawang buhay sa proyektong LILA.

Nagdaos kami ng mga meeting, nag-usap, face to face, email, group chat at Messenger. Nagkaisa kami na ang kukuning editor ay si Grace Bengco, isang mahusay na makata at tagapagsalin, pero nuknukan ng pagkamahiyain, kaya di napapansin. Pumayag naman si Grace, kahit sobrang abala siya bilang tagasalin sa Komisyon sa Wikang Filipino. Kinausap namin si Aldrin Pentero, ang presidente ng LIRA (nang taon na iyon, at hanggang ngayon), at excited din siya para sa LILA. Kinausap namin ang Aklat LIRA kung game pa rin itong maglathala. Ngunit may nakapila pa pala rito kaya hindi na nito maa-accommodate ang LILA. Pero hindi ako natinag. Ngayon pa ba? Ang sabi ko kina Louise at Roma ay saka na namin problemahin ang publisher kapag nariyan na ang koleksiyon. Sa isip-isip ko, worse comes to worst, nariyan naman ang Balangay Productions, isang munting production company ng asawa kong si Ronald Verzo. Makakatanggi ba siya sa akin?

Naglabas ng mga anunsiyo sina Louise at Roma tungkol dito at naging aktibo ang panawagan sa social media. Todo suporta si Aldrin. Hinalukay ng grupo ang mga directory ng LIRA para sa contact details ng mga babaeng miyembro mula sa mas maagang mga batch. Isa-isa naming kinausap, inemail, chinat, piniem ang mga babaeng miyembro. Nagpatulong kami sa mga lalaki at matatandang kasapi na makipag-ugnayan sa mga babaeng kasapi na malapit sa kanila, upang hikayatin ang mga ito na magsumite. Mega campaign, daig pa ang national election.

Sa wakas, dumagsa na ang submissions. Nagkaroon pa nga ng dalawang batch ang submission. Pinasadahan namin nina Louise at Roma ang mga ito, at nagbigay kami ng rekomendasyon sa editor na si Grace. Ang isa sa mga tuntunin namin sa pagpili ng irerekomendang akda ay dapat may representative na tula ang bawat isa sa mga nagsumite. Ang isa pa naming ikinonsidera ay ang representasyon ng persona sa buong koleksiyon. Sinikap naming hindi nauulit o bihirang maulit ang persona ng bawat tula. Gusto naming mag-accommodate ng marami at sari-saring persona. Dahil gayon ang maging babae, marami at sari-sari, rolled into one. Di ba ganon kapag nagpapatakbo ng mundo?

Nagpasya rin ang grupo na pumili mula sa mga tulang nalathala ni Maningning Miclat. Miyembro siya at dangal ng LILA ang makasama sa koleksiyon ang kanyang tula. Napagpasiyahan din ng grupo na humiram ng likhang sining ni Maningning upang itampok bilang cover artwork ng LILA. Ang napili namin mula sa website na maningning.com ay ang The Tree is Awakened by the Memory of Her Leaves. Pumayag ang kaniyang pamilya sa pamamagitan nina Mam Alma Cruz-Miclat at Banaue Miclat-Janssen nang ihingi namin ng permiso ang mga napili naming tula at ang nasabing artwork.

Tumagal nang ilang buwan bago namin na-finalize ang mga irerekomendang tula kay Grace. Kaya lamang ay hindi nakapamili si Grace sa sobrang kaabalahan niya sa trabaho. Ilang buwan pa ang lilipas nang magpasya kaming tatlo nina Louise at Roma na kami na ang magsisilbing editor ng koleksiyon, tutal ay narito kami sa buong proseso mula sa konseptuwalisasyon, pangangalap ng akda, hanggang sa pagrerekomenda ng ilalathalang mga tula. Si Louise Lopez ang initial na layout at larawan ng artwork ni Maningning. Si Ronald Verzo ng Balangay ang nagsapinal ng layout. At buong akala namin ay mailalabas na ito nang 2018.

May humabol pang problema!

Nang kausapin ko si Ronald na ilathala na lamang namin ito sa pamamagitan ng kanyang Balangay, natural, umoo siya. Dahil sa ganda ng koleksiyon. At dahil sa pangungulit ko. Tuwang-tuwa sina Louise at Roma nang ibalita ko ito sa kanila. Ang naging estratehiya ng Balangay ay maglalathala muna ito at magbebenta ng isang manipis na libro na pang-young adult. Si Joshelle Montanano ang writer, ako ang ilustrador. Ang kikitain dito ay siyang ipang-iimprenta namin ng LILA.

Ayun, awa ng Diyos, nag-flop ang Biyak. At naantala na naman ang production schedule ng LILA.

Ang hindi namin alam ay 2019 pala ang tunay na taon ng LILA. Imagine, six long and challenging years after the first attempt? Mula sa isa ay mayroon na itong 31 makata na galing sa sari-saring background. Mula sa initial na limang tula, mayroon na itong 76 na tula (+ 4 na tula mula sa unang nagsumite na si Gigi) sa sari-saring anyo at himig mula sa sari-saring persona ukol sa sari-saring paksa at sari-saring kultura.

Ang librong ito ay iniaalay namin sa lahat ng babaeng tumula, tumutula at gustong tumula. Ako, personally, iniaalay ko ito kay Gigi. Sa iyo ang unang kopya, kapatid.

At para sa lahat ng Gigi sa mundo ng pagtula at panitikan, submit lang nang submit. Laging may uuwiang tahanan ang ating mga tula, laging may tahanan ang mga pangarap na hindi nilulubayan.

summary ng portfolio ko sa stock market

8 stocks –lahat red,
Range ng loss ay 1.94% to 54.17%
Loss in terms of pesos-227,000
Puhunan ever since nagstart ako magcol until now- 946,000

BUT HERE'S THE SURPRISE, I am still able to earn kahit na laging red ang mga stocks ko.

2019 Earnings from january to may- 53,700

awesome! pero wait, ewan ko kung makaka-earn pa rin ako from buying and selling kapag di na ako magpapasok ng fresh puhunan.

around 54k na lang ay tapos na ang aking 1m in stock market challenge. so papaikutin ko na lang ang pera from that point onwards.

let's see.

Wednesday, May 29, 2019

Playwrights Fair during Virgin Labfest

Mayroon po tayong Playwrights Fair during Virgin Labfest.

Ang fair ay gaganapin sa June 29 sa CCP Dream Theater at Little Theater Lobby. Magbibigay tayo ng libreng table at time slot para sa mga playwright na gustong magbenta ng kanilang mga akda at serbisyo, mayroon ding airtime sa entablado para makapag-promote ng akda o proseso ng paglikha at iba pang bagay na may kinalaman sa pagsusulat ng dula.

Bukas po ito sa lahat ng playwright, lalo na sa mga nagse-self-publish ng stage plays. Hinihikayat ang lahat, lalo na ang mga nasa labas ng Metro Manila, at ang mga nagsusulat at naglalathala ng mga stage play tungkol sa bata o para sa bata, LGBT, kababaihan, manggagawa at iba pang marginalized na sektor.

Makipag-ugnayan sa Fair Coordinator na si Ariane Sagales sa FB o sa email niyang sagalesarianesae@gmail.com.

#parasapanitikanparasabayan
#labanFilipino

Tuesday, May 28, 2019

getting a umid id

last week, kakapa-register ko pa lang para makakuha ng UMID ID ko. Sabi kasi ng HR namin, nagbigay daw ng notification ang GSIS. Bakit daw hindi pa ako nag-a-apply ng UMID. Ako na lang daw ang walang UMID.

Hindi ko naman alam na required pala ito. Isa pa, may GSIS number na ako. I think sapat na iyon. Ikatlo, ang daming backlog ng GSIS dito, naalala ko sa kuwento ng mga kaibigan na matagal nang nagtatrabaho sa gobyerno, ilang taon na silang nag-apply nito pero di pa nila natatanggap ang kanilang mga UMID card.

so, anyway, sumunod ako. antakot ko lang sa HR namin. napakabilis at napakaganda ng serbisyo sa GSIS main, na malapit sa CCP. nakakatuwa, parang wala ka sa govt agency, hahaha!

ano-ano ang mga kinuha sa aking information?

mukha ko (picture)
finger print ng kanan at kaliwa kong hinlalaki at hintuturo (ini-scan)
signature ko (pinapirma ako sa isang gadget)
pangalan ko
address ng bahay namin
pangalan at address ng opis ko
contact numbers ko (cell at landline)
email ko
tin
pangalan ng tatay ko
pangalan ng nanay ko noong single pa siya (note: ito yung sagot sa security question ng mga bangko)
birthday ko
civil status ko
tangkad at timbang ko
pangalan ng mga anak ko
pangalan ng asawa ko
contact details niya

imagine, mapunta ang lahat ng impormasyon na iyan sa di kanais-nais na entity?

imagine, mapunta ang lahat ng impormasyon ng lahat ng may UMID ID sa di kanais-nais na entity?

imagine, mapunta ang lahat ng impormasyon ng bawat filipino sa di kanais-nais na entity?

#hellophilippinegovernment2019nabawaltanga
#pakiprotektahannamanmgainfonatin
#pakiprotektahannamanmgaislanatin
#pakiprotektahannamanmgabuhaynatin

chinese in the pilipins

matagal nang alam ng malalaking negosyante ang pagdating ng maraming chinese sa pilipinas. tingnan ninyo ang moa area, prepared na prepared. ilang taon na simula nang mag-umpisa silang i-develop ang lugar na ngayon ay pugad ng mga condo at office buildings, five years, seven, ten? hindi naman biglang naipatayo ang mga iyan. di bababa sa sampung taon iyan: pag-negotiate at pagbili sa lupa, pag-assemble ng mga trabahador, pagbungkal ng lupa, pagbubuhos at pagpapatatag ng pundasyon, pagpapatayo ng mga gusali.

dati ko pang iniisip kung sino ang target market ng mga condo at building doon. ang dami kasi at ang mahal. definitely, kako, hindi pinoy dahil nga, malayo sa realistikong presyo na kaya ng karamihan sa atin. akala ko, mga turistang foreigner. kasi malapit sa airport, shopping-shopping, nood ng cultural events sa ccp, picture-picture sa mga luma nating simbahan at sa intramuros, ganyan.

maling akala. ito, mga chinese pala. nagrerenta sila doon ngayon. ang iilang property na for rent na nadadaanan ng van na sinasakyan ko papasok sa trabaho ay nakasulat sa wikang chinese. may mga building na puro chinese resto ang ground floor. mas malaki pa ang chinese characters kaysa sa alphabet sa signages nila. may mga shop at tindahan na halatang sila rin ang target market dahil bukod sa weird ang ingles na pangalan (tulad ng u-need) ay nakasulat din sa chinese ang signages nito.

ok lang kung bilang turista ang pagpunta nila sa pilipinas, pero narito sila para magtrabaho. ang iba ay construction worker, ang iba ay gaming facility attendants. ano pa ba ang ginagawa nila rito? isang mababang building sa tambo ang nagluluwa ng daan-daang chinese sa hapon at gabi. naka-t-shirt, maong at rubber shoes. pag babae, naka-blouse, pants at casual shoes. bakit ko napagkakamalang employed? lahat sila, may lanyard, may ID. may mga puting van pa na tinted ang bintana ang nag-aabang sa mga ito. huling daan ko sa area na iyon ay higit sa 10 ang nakaparada sa kalsada.

ok lang ito kung sobra-sobra ang trabaho dito sa atin. filipinos helping chinese, ganern. kaso, hindi. kaso andaming walang trabaho. andaming nagpapakaalila sa ibang bansa dahil walang matinong trabaho dito, walang matinong sahod dito.

tapos, aagawan pa tayo ng mga chinese na ito sa sarili nating bayan?

pinapatay tayo ng sarili nating gobyerno. witness ang malalaking negosyante and they don't care. they even benefit from it.

earnings for may part 2

yahoo kumita ako ng 1,100 (net) ngayong may hahaha!

ecp 1300 shares sold at 11.56

sa wakas, may nai-register din as earnings ngayong mayo. akala ko talaga ay isa lang!


250k loss

best time to buy MBT (Metrobank) and JFC (Jollibee). sobrang parehong bagsak-presyo. blue chip ito meaning matatag na kompanya kaya siguradong aangat.

Saturday, May 25, 2019

notes tungkol sa klase ko sa pup about copyright, literary publishing and editing

notes:
1. masaya ang klase namin. aktibo ang mga estudyante at nagdadala ng pagkain para sa lahat ang mga late :)

2. masarap ang sisig sa labas man o sa loob ng pup. consistent! kanina, 55 pesos lang, sizzling sisig with rice and soup ang tanghalian ko.

3. umulan nang bonggang-bongga pagkapananghali ko't naglalakad na sa teresa. pag deliberate mong iniwan ang payong mo at may dala kang mabibigat na libro, asahan mo ang ganitong ulan. matik iyan.

4. may napakagandang speech lab ang pup. parang call center ang set up! doon kami nagklase kanina. sana ay ginagamit din iyon kapag filipino ang subject.

5. nakakatuwa na nanatiling affordable ang nga pagkain at serbisyo sa paligid ng pup kahit ito ay highly commercial na area. maunawain ang mga local na negosyante sa mga estudyante. mabuhey!

6. pag naglakad ka papasok ng gate at wala kang id, sisitahin ka ng guard. pero kung nakapedicab ka, hindi na. so, magpedicab na tayong lahat.

7. may chapel pala sa pup. bakit di naging banal anak ko?

8. topic namin kanina sa klase: komura book fair, publication team at editing/editorship. nagworkshop din kami ng dalawang tula. i really, really pray magkaroon na ng ba publishing studies na kurso. publications are here to stay. ba't di natin seryosohin?

Friday, May 17, 2019

realizations

hi, blog, how are you? im here again!

lately nagkaka-soul searching kiyeme ako. lagi akong nasa tahimik-coz-isip-senti mode. napapaisip ako tungkol sa hirap ng buhay, sa existence, sa pananatili sa mundo, sa buhay itself, sa politika, sa pilipinas, sa sitwasyon natin at iba pa. so, after some time, ito ang mga na-realize ko:

1. i am experiencing depression. matinding kalungkutan. ever since na-diagnose si dagat with autism. i have to acknowledge na nalungkot ako nang bongga at na-depress. at nag-ooperate man ako sa araw-araw, nakakapaghatid-sundo ng bata sa eskuwela at therapy center, nakakatulog, nakakakain, nakakausap, nakakapasok sa trabaho after lunch, nakakapirma ng mga papeles sa opis, nakakapag-hold ng klase, nakakapag-talk, nakakapag-workshop, nakakapagsulat, ako pala ay nasa auto-pilot mode lang. because of depression.

matagal na rin akong di nalulungkot nang ganito kalungkot. ngayon na lang uli. kaya di ko siya agad na-detect, di ko napansin.

realization: parang gulong talaga ang buhay, may ups and downs talaga. di mo maaalis ang lungkot sa buhay mo dahil lagi mong goal ang maging masaya. it is just fair. di puwedeng forever kang masaya. bakit? kasi ganon talaga ang natural na cycle at order ng buhay. may birth, may death. may maayos, may magulo. may taas, may baba. may maliwanag, may dilim.

2. mababait talaga ang mga pilipino. lately, napansin ko, nakakatanggap ako ng maliliit, random na mga biyaya:

a. libreng 1 hour play time sa isang parang balloon arcade sa tagaytay-- kasi ayaw ng sariling anak niya ang maglaro e hindi na maire-refund, ibinigay niya sa amin nang walang kaabog-abog ang 1 hour na iyon. nakatipid kami!
b. ang dyip na sm bacoor kaliwa ay usually hanggang sa may tapat lang ng sm. isang araw, tinanong kami ni manong driver kung hanggang saan kami. sabi namin, sa may perpetual po. doon siya huminto para mag-u-turn. ang laking bagay nito sa amin dahil di na kami maglalakad sa initan kasama ang mga bata. usually ay 11 am to 12 noon ang biyahe namin mula imus therapy center hanggang sa may perpetual. luto talaga ang anit namin sa init!
c. sa isang karinderya sa ternate, nagtanong kami kung magkano ang pansit dahil gutom na kami at inisip naming kumain muna bago sumakay ng pa-bacoor, almost 3 hours kasi ang biyahe. hindi sumagot ang babaeng tinanong namin. inulit ko ang tanong (si papa p ang unang nagtanong), hindi pa rin ito sumagot. inulit ko ang tanong sa ibang tindera, hindi rin ito sumagot. nagkatinginan kami nina papa p at bianca. ano ba iyon, mga bingi? isang lalaki ang lumabas mula sa isang pinto sa gilid. kinausap siya ng dalawang tinderang napagtanungan namin, umiling ito. sabi sa amin ng unang tindera, sori po, hindi na po puwede ang pansit. sasakit lang po ang tiyan ninyo.

filipinos are kind.

3. pero hindi natin ikauunlad ang pagiging kind. we need another thing to be successful and to be prosperous as a country. we need... discipline.

hindi ko alam kung paano ito mai-instill sa mga filipino. kapag nasa ibang bansa naman, sumusunod sa mga batas up to the street batas. bakit sa sariling bayan, hindi? bakit marami ang di tumatawid sa tamang tawiran? bakit marami ang nagpa-park sa kalsada? bakit marami ang nagbebenta sa bangketa? bakit maraming tamad sa gobyerno? bakit makalat ang mga kalsada natin?

if we want to succeed as a country, we need to have discipline. ito palagay ko ang sagot sa ating kahirapan.

kung may disiplina tayo, mas madaling magkaisa dahil pare-pareho ng behaviour sa labas ng bahay ang mga tao. mas madali ring makapagpatalsik ng mga corrupt dahil walang disiplina ang mga corrupt at magnanakaw kaya sila tiwali at nagnanakaw.

4. overwhelming ang buhay. kakatapos mo lang sa pinasan mong challenge, kaka-graduate lang ni ej, eto na, na-diagnose si dagat na may autism. asan naman ang katarungan diyan, ano? ano, walang katapusang paghihirap at pagdurusa ba ang nasa palad ko? wala man lang pahinga?

pero... dahil dito, na-realize ko na, hindi pala ganito ang buhay. hindi iyong uy tapos na ang big project na ito, next chapter, happy-happy na. hindi pala ganyan. you live everyday, you breath every second, ke may ga-graduate o wala, ke may mangyayari o wala. and then, you celebrate little things along the way.

ang lapad at ang dami ng bogambilya ng kapitbahay namin, pink na pink. samantalang iyong amin, puro dahon lang. tuyot na tuyot ang mga sanga. kaya nang minsang may sumulpot na kakapiranggot na bogambilya, pink din, sa dulo ng isang sanga namin, anong saya ko. parang may pumutok, parang fireworks isang hapon ng mayo. gusto ko pa ngang ibalita kay papa p ito, kaso pagtatawanan ako niyon. pero hey, it's a message from the universe: you don't do it with big things. you celebrate upon receipt of small, good things. ganito pala dapat dinadanas ang buhay, ipinagdiriwang ang maliliit na bagay. they are the ones that make up the big things, the whole things. you are on the lookout every single day. every single breathe. ang mangyayari, magiging mindful ka. lahat ng bagay, pinag-iisipan mo na. lahat, ipinapasok mo na sa lahat ng senses mo. then, little things eventually become big, good things.

Sunday, May 12, 2019

coinsidence na naman

jgh

at ano ang una kong ginawa? piniktyuran ko ang mga napulot kong barya sa kalsada. 15 lahat, watdapak, di ba?

record-breaking!

11 lang yung dati. eto, 15!

sa ccp ko natagpuan ang 9 coins. sa kalsada mula entrance/exit ng mismong ccp hanggang sa kanto ng roxas blvd. para akong batang nagpipiyesta. sabi ko, bakit andaming barya dito? baka kako itinatapon ng street children at ng mga batang nagbebenta ng sampaguita kapag iyon ang inililimos sa kanila, 10 cents ba naman at bebentesingkuhin. siyam agad ang napulot ko, buti at mga 1am na, walang gaanong dumadaan. ang ibang barya kasi ay nasa kalsada talaga, daanan ng sasakyan, posibleng masagasaan kamay ko, ganong uri ng lokasyon.

tapos sa kanto ng roxas blvd at vito cruz ay nakasakay agad ako ng van na pa-imus. maginhawa ang biyahe dahil ilang lang ang sakay at dadalawa lang kami sa hilera ko, di masikip, tas wala na ring trapik, mabilis akong nakarating ng cavite. pagbaba ko sa kanto ng tirona at aguinaldo highways, inisip ko kung magsa-sidecar (25 pesos) na ba ako mula doon o trike (40 pesos) kasi meron akong tatlong bag na dala. isa doon ay sangkaterbang libro na nabili ko nang sale sa upper shelf (bookstore ng UP Press).

so, habang nag-iisip ako, napayuko ako sa tapat ng 7-11. may bentesingko! agad ko itong pinulot. pangsampu na ito, a. ginanahan ako. sabi ko, aba, baka ma-beat ko ngayon ang record ko na 11 na barya sa isang buong araw.

di na ako nag-sidecar o nag- trike. nagdesisyon akong lakarin ang haba na iyon, na ka-parallel ng buong sm bacoor plus one tile center sa dulo nito. shet, ambigat ng mga bag ko, pero tingnan ko nga kung may pa-mother's day ang tadhana.

at nakapulot pa nga ako! bentesingko uli. pang-11. wow. napulot ko ito pagkalampas ko lang ng burger machine. aba, kako, laban. mabe-break na ang record. isa na lang.

kaso lumampas na ako't lahat sa parking lot ng sm, sa bpi, at sa dalawang motel, wala na akong nakitang barya. tinangka ko pang ilabas ang cel ko para ipang-ilaw sa tinatapakan kong kalsada at bangketa kaso ayaw nang gumana ng flashlight dahil 3% na lang ang baterya nito.

pagdating ko sa bukana ng perpetual, wala nang sidecar papasok ng subdivision. hala, sabog na balikat ko sa bigat ng mga bag. di ko na kayang magbuhat. di ko na kayang maglakad. so kailangan kong maghintay, kung may darating pa nga na sidecar.

may isang babaeng nakatayo malapit sa poste ng ilaw. mukhang naghihintay din siya pero hindi ng side car kundi ng dyip o baby bus dahil nakaharap siya sa tirona highway. naglakad ako sa direksiyon niya para doon maghintay ng sidecar, sa may liwanag. sa paghakbang-hakbang ko, napatingin ako sa malaking lubak na malapit sa babae.

guess what?

may tatlong bentesingko! na naka-blend na sa lupa na gray, talagang di mo mapapansin kung di ka mahiligin sa barya na nasa crater ng isang bulkan, na dormant. mabilis kong ibinaba ang mga dala ko. nagulat ang babae. nagkatinginan kami. tas di ko na siya uli pinansin. yumukod ako at pinulot ko ang tatlo! pag-angat ko ng ulo, nakatingin pa rin sa akin ang babae. nakangiti kasi ako the whole time. aba, pa- mother's day ng universe ang record-breaking moment na ito. 14 coins.

but... wait... there is more... is more!

so, umupo na ako sa parang sementong taniman ng halaman sa bangketa, karay karay ko ang mga bag ko at pinakakakalog ang mga barya. weee! ang saya! pero wala pa ang sidecar, nompetsana. 2am na. tulog na ang sangkabacooran, hello. so i waited some more, some more.

habang tinetesting ng mga lamok kung babaon ang mga pantusok nila sa mga braso ko at binti, naisip kong silipin na rin ang maliit na lubak sa tabi ng malaking lubak, na palagay ko ay mag-ina.

so, lumapit uli ako sa mother lubak. (wala na ang babae, tumawid na siya ng kalsada, napagod sigurong maghintay ng masasakyan sa tirona). pagdating ko sa tapat ni mother lubak, ang sinilip ko ay ang baby lubak.

lo and behold, there was my 15th coin. aye, aye, woho!

isang bentesingkong nakukulapulan ng lupa, wala nang kinang. and yet, it made me the happiest person on earth! my 15th! super-duper-record-breaking, aye, aye!

thank you, universe. alam mo talaga kung kelan malapit na akong mabuang sa mga nangyayari sa akin at sa aking paligid, nagpapadala ka agad ng blessings. sa kalsada. at sa bangketa!

happy mothers' day sa lahat ng nanay! abangan ang regalo sa inyo ng universe. lakihan ninyo ang inyong mga palad, they come in fifteens.

Friday, May 10, 2019

earnings ng may

kumita ako ng mga 800 net para sa 8000 shares ng IRC na binili ko ng 1.68 at nabenta kanina sa halagang 1.8

hay. jusko, ambagal ng pera.

ang plano ko ay ibibili ko ito ng PLC na nasa 0.69 ngayon. wala pa akong hulog ng april at may. dalawang buwan na ang utang ko sa road to 1m in stock market.

277k loss hay

Wednesday, May 8, 2019

sanaysaya

last may 6, nag-lead ako ng sanaysaya memoirs a selfie from the past writing workshop. masterclass series ito ni claire agbayani na ginanap sa sgd coffee, isang napakagandang coffee shop sa maalalahanin cor mahiyain st. tuwa ako sa place kasi medyo challenging hanapin pero nahanap ko agad and it turned out it was the house of grace nono before. nice! at katabi niya ang dating bahay na tinuluyan ng eraserheads noon (ayon kay claire).

there were 8 participants including claire agbayani and claire miranda, the organizers.

i started with a story about how its a mens world came to be, then binasa ko ang talk ko about cnf 101. babasahin ko pa sana ang talk ko about humor writing kaya lang 2.5 hrs na agad ang lumipad e 1-5pm lang kami sa venue so feeling ko magkukulang kami sa oras. gusto kong ma-workshop ang lahat ng akda ng participants.

before we all met, may group chat kami. doon ko binigay ang assignment para sa aming face to face session. ang assignment ay write an essay or a short paragraph or a list about the worst gift you have ever received.

so these are the participants' names and a short description of the assignment that they have submitted:

yen- a very short anecdote about receiving a pair of plain white socks during a kris kringle event. maganda ang pagkakasulat at dama ko ang lungkot ng batang yen nang mabuksan ang pambalot. sabi niya sa anecdote, tumingin pa siya sa nanay at lola niya, hinihintay ang kanilang reaksiyon sa uri ng regalo na natanggap niya hahaha. unforgettable sa work niya ay: it was a pair of socks. it sucks.

walang problema ito sa grammar i think, marunong mag-convey ng damdamin, may structure ang work, marunong maglaro ng salita.

yen came all the way from davao, grabe. hanga ako sa babaeng ito! seryoso sa pagsusulat.

arlene- a short anecdote as well about receiving a smart dishwashing paste during a mothers' day event of their church. maganda rin ang pagkakasulat at dama ko rin ang lungkot lalong lalo na sa ending niya na isang tanong, "bakit naman reregaluhan pa kami ng bagay tungkol sa isang gawaing-bahay na araw-araw na nga naming ginagawa't pinagdurusahan?" nagustuhan ko ang feminist tendencies kung magiging full blown essay ito. gusto ko ang tone ng akda dahil malumanay siya but very biting ang dating. this work has so much potential kaya lang, mukhang hindi ito nare-realize ng author. para sa kanya, i think it was a simple, motherly pagsusurot sa "uncreative" na regalo sa kanilang mga nanay nang araw na iyon. i really really hope na matapos niya ang akdang ito.

arlene is the eldest sister of claire. sabi niya when i asked them to introduce themselves, i want to write about my life so my grandchildren will have something to read about me and my life.

jhoana- a list of the concepts that were related to the worst gift that she has received. it turned out her answer was nothing. there was an exchange gift event and the person who was supposed to give her something refused to give her anything. at all. in short, pinahiya siya ng giver sa harap ng buong class. sa list niya, natuhog niya ang basic structure ng kanyang naratibo. beginning, middle, end agad. kita ko nang buo na ang kanyang akda. all she has to do is palamanan ng mga paragraph ang bawat item sa listahan na iyon.

erls- si erls naman ay isang retired prof sa ust. she now stays in pampanga. ang work niya ay combination ng work nina yen at jhoana. she wrote one short paragraph that was very accessible ang structure at ang wika. sabi nga ng isang participant, puwedeng maging isang akdang pambata ang gawa niya. tungkol ito sa kanyang medyas na isinabit sa grills ng bahay tapos pagdating ng umaga, walang laman ang kanyang mga medyas! it was a very promising work. it turned out, napaka-local ng kuwento. it has something to do with how kapampangans celebrate christmas. halimbawa, napakatagal ng gift-giving sa kanila, hanggang 3 kings jan 6! so anytime from september until jan 6, puwede kang makatanggap nang makatanggap ng regalo. at ang namimigay ng regalo sa kanila ay ang 3 kings, hindi si santa. the essay ended with a sad note. bakante ang medyas. pero sa kuwento ni mam erls, that morning, may naawa sa kanya kaya may natagpuan siyang coins sa kanyang medyas noong kakailanganin na niya ang medyas.

joel- teacher sa pangasinan, ang isinumite niya ay bullet points ng semi sentences. ang kuwento niya ay kakaibang kaso naman. ang worst gift na natanggap niya ay isang pares ng tsinelas na ayon sa estudyanteng nagbigay ay mamahalin kaya dapat lamang na magbigay din siya ng regalo dito. in short, he was bullied by the student. at nagpa-bully nga siya. napilitan siyang magregalo ng sombrero.

tinulungan siya ni mam erls na magpaliwanag. setting ay probinsiya, where everybody knows everyone, kaya napakahirap tumanggi sa mga batang ito dahil tukoy ka agad ng estudyante at mga magulang nila. sabi rin ni joel, napakaraming matapang sa eskuwelahang iyon. ganon daw talaga ang mga bata doon. matapang at demanding.

karen- isa siyang journalist, her work was a short narrative, complete with dialogues. i liked her work because i felt that her best friend and i had a lot in common. karen's work talked about a casette tape of eraserheads gifted to her by her best friend. alam na alam ng bespren na ito na di iyon ang type na music ni karen. in short, nang-aasar lang! imagine, kung anong tawa ng dalawa na ito habang nagkukuwentuhan tungkol sa ngayon at sa nakaraan.

claire agbayani- ito ibang klase, while we were undergoing workshop, nagsusulat si claire sa kanyang notebook. then tinayp niya ang output and sent them all out through messenger. it turned to be one of the strongest pieces that afternoon. tungkol ito sa mga ipit sa buhok na natanggap niya mula sa isang babae na "kaibigan" ng kanyang tatay. the title was greek mythology and the last line was about receiving a gift from a traitor is like being gifted with a trojan horse. the piece was about Claire's family's struggle while living with a philandering husband/father. akmang-akma ang title sa mga naganap at purpose ng essay. medyo naluha si arlene sa nabasa niya. di na raw niya maalala kung ano ang iniregalo sa kanya that time. sabi ni claire noong kami na lang dalawa sa room, si arlene daw ay malamang na wala na sa bahay nila noong magbigay ng regalo ang babae sa mga anak, kalaunan ay naging stepmother nilang lahat ang babaeng iyon.

sana ay makatapos ang lahat sa kani-kanilang sanaysay. excited na ako sa batch na ito. matalino at ang ganda ng diversity nila sa paksa, estilo,danas at iba pa.

Friday, May 3, 2019

courses related to publishing studies

ito ang mga naiisip kong i-take up sa pup class kong seminar sa copyright, editing at publishing

copyright

literary productions such as independent publishing, mainstream publishing

digital publishing -its processes and products, reviewing and evaluating digital products, management of social media and digital rights, understanding of e-business models and the digital economy, and deployment of analytics, keywords, SEO, metadata and XML.

literary contests like palanca, sba, pbby

literary workshops

publication management-work flow, strategic, operational, risk, financial and HR management, sample ay ani publications, vlf books, na folio

Editorial Practice and Content Creation- includes conceptualization of books, magazines, journals, and digital products, management of authors and intellectual property resources, and editorial workflow, including practical skills of project management and text preparation (copyediting and proofreading).

literary and publication events management such as book launches and performatura

international publishing management -global business of publishing, including growth strategies and financial management for publishing, international book fairs, literary agents

book discussions

activities

bisita sa ipophl, if possible, interview key people
bisita sa isang publishing office like anvil or visprint or centralbooks, if possible, interview key people
bisita sa nbdb, if possible, interview key people
bisita sa isang bookstore, nbs or kwago
interview sba founder
paggawa ng isang class blog
lectures
online discussion
literary workshop
join bltx or other indie press fairs
join a book discussion
national library of the philippines

final output
essay about one particular learning during the course (all output must be put up in the blog)
one book project
one book proposal
compilation of best practices

Adam david- bltx, independent publishing, zine making
Mina esguerra- romance novels, romance class, international deals, publishing through amazon, being published in other countries
Haliya publishing- Mervin malonzo- komiks creation and indie publishing
Honey deperalta- international publishing, distribution,b ook marketing
Louise lopez- ortograpiyang pambansa, editing
Mam Leila and mam libertine dela cruz- interview re: EPA creation
Visprint- tour
National bookstore –tour
Nbdb
Kwf

blog ni sir rene villanueva

at mantakin mo, nahanap kong muli ang blog ni sir.

dito nakasulat ang mga akdang huli niyang ginawa bago siya pumanaw noong december 2007:

http://renevillanueva.blogspot.com/2007/09/

mi armor

Sunod-sunod ang dagok sa trabaho.

1. noong umpil congress, 7am dumating ang co-organizer naming na si lj sanchez. Nagpm siya sa akin, ang mga naroon pa lang ay upuan. Asan na ang stage, bakit walang set up. Kahit walang emoticon ang mga pm niya ay ramdam ko ang gigil niya. Hindi ako puwedeng magtaray-tarayan, kahit sobrang asar ko sa tono niya. Akala mo may alila. Hello, ushering lang ang babayaran nila, hindi ang kinabukasan ko. Co-organizer kami, hindi utusan ng umpil. At wala siya sa mga meeting, bakit, anong k niya para sitahin kami nang gayon, at kay bastos.
Pero nagtimpi ako. kay aga, mag-uumpisa pa lang ang araw naming saksakan ng haba. Intro, dalawang forum, tanghalian, awarding at cocktails pa ang dadaanan naming na magkasama. Higit sa lahat, pumayag ako sa ideya nina Marjorie na magpa-set up na lang sa mga tech nang umaga nang mismong event. Which I think is a wrong wrong parang major major na move. At pinakahigit sa lahat, hindi ko alam ang estado sa ccp. Nasa daan pa lang ako, dahil as usual, madaling araw na naman akong nakauwi the day before this event. Hindi nagsasasagot sa pms ko sina diday marj at tase at kuya jeef. wala pa ba sila doon? 6am ang call time nila. Baka maunahan pa sila ng mga intern.
But of course the whole event went well. Mag-uumpisa sana kami nang 9am kaso mo bebente ang laman ng venue. As usual, palpak na naman in terms of audience. Langaw talaga kapag literary event. Dumating pa naman si sir chris at nagbigay ng talk nang 1pm. Na awa ng diyos dumami naman kahit paano ang audience nang time na iyon.

2. Nagpm nang marami sa akin si mildred contaoe, galit na galit siya. Ibibigay pa raw ba ang honorarium nila, 6 months na raw, asan na? bigla akong napaisip. 6 months, pero di pa nababayaran? Patay tayo diyan. Di ako makapagtaray, di ako makahirit ng kahit ano. As usual, di ko alam kung saang financial process na ang inabot ng payment sa kanya. Di ko alam kung nasaan na ang papeles niya. I had to consult marj 1st. I pmed mildred that ill get back to her asap. At pinakisuyo ko ito sa isa sa mga intern, ang pagtatanong sa cashier kung may check na ang name na mildred contaoe. Haleluya, meron na. nang hingin ko ang bank details ni Mam mildred, nagtaray na naman ang lola mo. Naibigay na raw niya ito noon pa. so sabi ko, sige hintayin kong makapasok sa trabaho ang taong naka-assign sa ganitong detalye. Kaso di pala makakapasok si marjo. Mukhang me bulutong. Eeek. So anyway, warla mode si ate. Pinakalma ko sarili ko at hingi ako nang hingi ng paumanhin. Gobyerno ka, kasalanan mo bakit yan na-late. Saka ko siya sinagot ng: mam, dalawang reason ng delay ay ang wrong spelling ng name nyo. Pumirma po kayo sa kontratang mali ang spelling na nakasaad. Ang isa ay hinintay naming na makapag-apply kayo ng bir documents para di na kayo kakaltasan ng tax. Nabinbin ang papeles at ayun nga ang cause ng delay. Kaya pala inabot din ito ng 6months. Natahimik lang si warla the goddess of war noong nagppm na ako ng photo ng deposit slip at photo ng bir document.

3. So may comments and suggestions ang ccp vp naming na sir chris sa national artist folio. I immediately sounded them off to the na folio team led by sir boy martin and sir Mervin. Nagreply sila agad, ayaw nilang sundin ang mga sinabi ni sir chris. Kinokontra nila ang mga naiisip ni sir chris. So ngayon, di ko na alam kung sino ang dapat sundin sa dalawa. Masyadong manipis ang ego nina sir boy at sir Mervin. Akala mo nakataya doon ang buong buhay nila kung ipagtanggol nila ito. E pano iyan, wala na kaming oras.

Nagma-mature ako nang bongga sa trabaho. imagine, di ka puwedeng magtaray. wala kang k dahil kahit papaano at fault ka rin. pero hindi naman solely iisang tao lang ang maysala kung bakit napapunta ka sa sitwasyon na iyan. produkto ito ng napakaraming maliliit na kapalpakan at kapangitan sa buong sistema. na embedded, calcified na. parang fossil. Ang hirap din talaga ng nasa receiving end ng pagtataray. ang hirap din mag-demand ng mabilis na pagtatrabaho sa mga kaopisinang mabagal na sa edad at pagod na sa kanilang mga ginagawa. Di mo rin kontrolado ang lahat ng proseso, pero ikaw ang nakakatikim ng lahat ng buwisit ng artist, speaker, writer, emcee, performer, simply because ikaw ang nag-hire sa kanila.

Nag-mature ako kasi pinipili ko na lang ang mga gusto kong patulan. Dahil kung papatulan ko silang lahat, ako lang din ang mapapagod. Ako lang ang mabubuwisit. I always think: hey, it can’t be personal. Ganyan ka lang talaga: rude. Let me help you be your natural self. Unleash your rudeness to the world. Assist pa kita.

Pag nakaarmor ka, balewala ang pinakamatatalas mang salita.




how are you?

iyan ang lagi kong tanong-sagot kay dagat kapag binabati niya ako ng hello.

pero diyan na rin natatapos ang sagutan namin kasi wala nang maibalik na mga salita si dagat sa akin.

nalasing ako after ng beyond craft. ano ba iyon, mourning, weeping stage towards acceptance?

ang una kong sinabihan ay si anna, nilapitan ko siya pagdating ko kasi nasa likuran din siya. nakita ko si adam at si chingbee, busy sa event.

sagot ni anna sa akin, di ako nagulat, napagkuwentuhan namin, kasi parang may iba sa behaviour ni dagat, sabi niya. na-shock ako. inoobserbahan na ng mga tao ang anak ko. kasama namin si dagat noong christmas party sa bahay nina chingbee. dumating doon si anna.

kinumusta rin ako ni tin lao sa beyond craft at nabanggit niya na naikuwento raw sa kanya ni mia tijam ang sitwasyon ni dagat. nagulat na naman ako. well, bakit hindi? hindi ko inaasahan na ikukuwento ni mia si dagat sa mga kaibigan. anak ko naman iyon at di pa kami masyadong kampante na ikuwento sa iba ang nangyayari sa amin ngayon. pailing-iling pa ang kaibuturan ko, e. still dealing with it. di pa tanggap, ganern. now, we have to deal with questions, with queries, with biglaang attention sa amin as parents, sa aming parenting style, sa mga ginagawa namin bilang pamilya. yay, ang dami. overwhelming na, baka di ko na kayanin.

sobra akong nalasing, naka 6 akong heineken. tapos wala akong barya, 500 at 1k lang ang nasa bulsa ko. then i told adam and chingbee after everyone went home that i can go alone, i can get to cavite alone. so, mag-isa nga ako haha along maginhawa. nahihiya akong sumakay ng tricycle at baka sapakin ako pag nagbayad ako ng 500. so, naglakad ako kahit hapong-hapo na ako at 11pm, dahil wala pa akong tulog. kinabahan ako as usual the night before the beyond craft. kaya di na ako nakatulog.naglakad ako hanggang sa di ko na kaya napaupo ako sa gutter tapos padura dura ako dahil feeling ko magsusuka na ako. buti at di natuloy.ang sarap naman kasi ng heineken, ng mga kakuwentuhan at katawanan. na-miss ko ang ganon. na-miss ko ang pakiramdam na mga barkada lang kasama mo, na magtatawa at mag-iinom ka lang buong gabi. na uuwi kang walang kailangang alalahanin. na-miss ko ang dating ako, iyong bebang noong college. ang sisimple ng problema.

bebang, hello. how are you?

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...