Thursday, December 7, 2017

Ang Spotter

i have this very, very unusual skill. napakabilis kong maka-spot ng pera sa kalsada.

kaninang 7am, habang naglalakad ako mula sa bukana ng perpetual village, habay hanggang sa 711 na nasa kanto ng aguinaldo hi-way (outer part ng mariche motel), nakapulot ako ng anim na barya. sa magkakahiwalay na pagkakataon. grabe, anim. memorable sa akin ito dahil ito ang highest number of pulot sa tanang buhay ko. ang barya ay from 5 cents to 25 cents. ang saya-saya ko, so naikuwento ko ito sa office. sabi nina marj, sabay po kami sa inyo pauwi! baka makapulot kami ng 500! sabog ang tawanan namin. dahil a few months ago, sa isang spoken word event ng division namin sa intramuros, nakapulot ako ng barya, mga limang barya, sa iisang araw. ang suwerte di ba? at ang pinakahuli kong napulot sa pagtatapos ng araw na iyon ay P500 na buo. as in.

so, anyway, okey na ako sa anim na barya.

pero ansabe ng tadhana? wait, there’s more.

noong naglakad na ako pauwi kanina, around 11:50 ng gabi, same stretch, same street, same day, nakapulot naman ako ng limang barya! sa tatlong magkakaibang lokasyon. omg. a total of 11 coins in one single day.

ako na. ako na ang reyna ng barya.

ikukuwento ko na rin ang iba ko pang memorable pulot-pera moments:

1. isang valentine’s day noong magboypren pa lang kami ni poy, nagkasundo kaming gawin ang isang 500-peso challenge valentine’s date. challenge kuno pero ang totoo, wala kaming kapera-pera nang february 14 na iyan. nag-umpisa ang araw namin sa pag-attend sa isang event ng buddhist temple sa san juan, nagme-meditation class kasi kami doon noon. free! pagkatapos ng event, nagtig-isang slurpee kami para hindi mauhaw sa paglalakad papuntang greenhills shopping center. pagdating doon ay kumain kami sa KFC, iyong pinaka-cheap nilang meal. nakalimutan ko na ang iba pa naming pinagkagastusan that day. basta ang ending, nagpasya kaming maglakad mula sa mall na iyon hanggang edsa para sumakay ng MRT sa Ortigas Station dahil pang-isang sakay na lang ng dyip ang natira sa aming P500. may MRT card naman kaming dalawa, so bababa lang kami sa GMA Kamuning MRT Station at makakapagdyip pa kami hanggang sa bahay. paglabas namin ng mall, naglakad kami sa bangketa sa may connecticut street para makarating ng ortigas. anong bumungad sa amin sa bangketa? isang tower ng piso. twenty-nine lahat! sinurvey namin ang paligid at baka sa street children iyon o kaya sa mga sidewalk vendor, pero kami lang ang nasa vicinity. ang pinakamalapit na tao ay isang traffic enforcer na nakatayo sa kanto ng ortigas. kaya kinuha na lang namin ang mga barya, ipinamasahe namin ang sixteen pesos papuntang edsa, at itinago namin ang natira. ang coins na iyon ang ginawa naming aras sa aming kasal.

2. noong malapit na akong manganak kay ayin, isang umaga ng september 2016, sumubok akong sumakay mula sa cubao papuntang work sa ccp. umaambon noon, katatapos lang ng magdamag na ulan, napakaputik ng mga kalsada. habang hinahanap ko ang terminal ng FX na biyaheng Cubao-Buendia, patawid-tawid ako sa mga kalsada along aurora boulevard. napakaraming tao sa cubao kahit alas-sais pa lang. sa isip-isip ko, di na ako uli sasakay dito. stressful. tapos, bigla, sa gitna mismo ng kalye, may napansin akong orange na papel na puro putik. yumukod agad ako para pulutin ito, akala ko kasi, bente. ay hindi, P500 pala! ang saya-saya kong pumasok ng office. agad ko itong ikinuwento kina sir hermie, mam bing at sir nes. tuwang-tuwa kaming lahat. siyempre, nanlibre ako ng lunch sa buffeteria.

3. this year naman, isang gabi ay nanood kami ni papa poy ng wonder woman sa sm bacoor. walking distance lang ito sa bahay namin kaya nang pauwi na, sabi ko ay huwag na kaming mag-sidecar. sayang lang ang benteng pamasahe sa sidecar. pagtapat namin sa napakadilim na bahagi ng tirona hi-way, sa tapat ng sarado nang tindahan ng tiles, huminto ako sa paglalakad. may nakita kasi akong piso sa kalsada. sabi ni poy, bakit? sabi ko, ayan o, piso. yumukod siya. ha? asan? itinuro ko, ayan, o. mas malapit ang piso sa paa niya. asan, sabi ni poy. wala talaga siyang makita kaya ako na ang yumukod at pumulot. saka lang niya nakita ang piso. sabi ni poy, nakita mo yon? ang dilim-dilim. ‘yan ang wonder woman! tawa kami nang tawa hanggang makarating sa bahay.

4. noong october 2017, may spoken word performances ang division namin sa intramuros, bahagi ito ng isang cultural event na inorganisa ni carlos celdran. bago ako mag-intramuros, nag-talk ako sa PNU. doon kami nag-meet ng kaibigan kong si emeng , tapos sinamahan niya ako hanggang intramuros. hapon pa lang, napansin na ni emeng na lagi akong nakakapulot ng barya. piso sa loob ng baluarte de san diego sa intramuros. tapos noong nagpunta kami sa ccp para kunin ang compli copies ng Ani para sa spoken word performers, nakapulot naman ako ng bentsingko along vito cruz, malapit sa bakod ng bangko sentral. naikuwento ko tuloy na lagi talaga akong nakakapulot ng pera kakatingin ko sa kalsada. ikinuwento ko ang P500 noong buntis ako. anong tawa ni emeng. akala niya yata, nagjo-joke ako. during the event sa intramuros, nakita ko ang friend kong si joshel. after the event ay ayaw pang umuwi ni joshel, si emeng ay libre din. ako naman, uwing-uwi na pero ayaw ko namang iwan si joshel kay emeng dahil hindi naman magkaibigan ang dalawa. naglakad-lakad kami sa malate, naghahanap kami ng lugar na makakainan at matatambayan. nakapulot na naman ako, diyes. tawa na naman si emeng. na-amuse na talaga siya. naikuwento ko na rin kay joshel ang pagiging reyna ko ng barya. tawa rin si joshel. nang makakita kami ng mapag-iiwanan kay joshel, isang place na may ino-offer na promo sa kanilang menu, umalis na kami ni emeng para ibalik ang ibang libro sa ccp, saka kami bumiyahe uli pa-malate para kay joshel. pagbalik, umaatikabong kuwentuhan, tapos inom nang konti, tapos mamya ay kape na. nakadalawang kape ako. sinusulit ko ang promo. pero biglang lumapit sa amin ang manager at ang sabi ay may limit daw ang kanilang promo. asar na asar ako kasi nang kuwentahin namin ay napamahal pa kami! e, ako ang nangakong magbabayad dahil treat ko iyon kina joshel at emeng, sinamahan kasi nila ako buong gabi sa intramuros. tumulong din sila sa egress at sa pag-asikaso sa mga performer. anyway, di na kami nakipagtalo sa manager tungkol sa deceiving nilang pakiyeme. let’s call it a day, sabi na lang namin. uwian na, tutal naman medyo late na nang time na iyon, around 2am. paglabas namin, idinaan na lang namin sa joke ang kaengotan namin sa promo. halos isumpa namin ang establishment at ang manager. habang nagtatawanan kami at naglalakad along mabini street approaching quintos street, may namataan akong kalat sa kalsada. parang sachet ng coffeemate. isang hakbang pa, mas malapit na ako, aba, hindi kalat! agad ko itong itinuro kina emeng at joshel. Uy, P500, sigaw ko. yuko agad si joshel sabay pulot. P500 nga. sabog ang tawa namin sa kalsada. aba, bawi agad ang nagastos ko! umuwi silang masaya. umuwi akong nalulunod sa pagkamangha.

college ko na-pick up ang habit ng pagpupulot ng barya sa kalsada. ang kaklase kong si dennis ortega ang nagpayo sa akin nito. “pulutin mo ang barya sa kalsada, bebang. ke maliit ang halaga, ke malaki, pulutin mo. ang bawat barya ay ituring mong opportunity. kung di mo pupulutin, may ibang pupulot niyan” sabi ni dennis. nang time na iyon, working student si dennis. estudyante sa araw, tutor siya ng piano sa gabi. halos wala siyang time sa ibang bagay, wala kasi siyang tinatanggihan na tutorial. mula nang marinig ko iyon sa kanya, naging habit ko na ang magpulot ng pera sa kalsada.

mula nang lumipat kami sa cavite, nilalakad ko araw-araw ang haba ng kalsadang nabanggit ko kanina papunta sa sakayan at pagkababa ng bus
pauwi sa amin. would you believe, araw-araw din akong nakakapulot ng barya? minsan isa, minsan dalawa. pinakamarami ay lima, as in limang magkakaibang pagkakataon. kasabay ko papasok noon si bianca, ang pamangkin kong 6am ang klase. di siya makapaniwalang andaming perang ppakalat-kalat lang sa kalsada. at kahapon nga, iyan na ang record-breaking. siyam na magkakaibang pagkakataon/lokasyon. total of eleven coins. in one single day.

dati, inihuhulog ko lang ang napupulot kong barya sa bag ko. kasehodang madumi 'yan, sige, shoot lang sa bag. pero ngayon, ibinabalot ko na muna ang barya sa tiket ng bus para hindi madumihan ang iba pang laman ng bag ko. siyempre, galing sa kalsada, e di napakarumi nga niyan. alikabok, putik, dura, tae. so, ganito ang nagiging routine ko araw-araw: maglalakad ako, pupulot ng barya, maghahanap ng tiket ng bus, ibabalot ang napulot na barya sa tiket ng bus, saka ko isisilid sa bulsa ng aking bag.

pero lately, binago ko ang routine ko. palagay ko kasi, mas tama ito: bago pa ako maglakad, may hawak na akong mga tiket ng bus.

2 comments:

Louise Vincent Amante said...

Ang husay nito! :-) Ipunin ninyo sa fishbowl lahat ng baryang mapulot ninyo.

Anonymous said...

Miss Bebang. tawang-tawa po ako! Nai-imagine ko kayo talagang nagsasalita, mas naaaliw ako. Nakakatuwa po ang mga sulat nyo pero nakakatulala din pagkatapos. <3 Miss ko na po kayo makasalubong sa CCP. Ako po yung babaeng crew sa EVE last year lang yon. Yung nagpapanood sa inyo po sa MKP nung Cinemalaya(bawal po talaga yun kaso nadaan nyo po kami sa charm kaya pumayag na kami. CHOS!) Lumipat na po ako kasi nagtatandaan na po mga kasama ko dun hindi naman sila nireregular. so malamang ganun din ako. haha! :D Magpapapirma po ako ng mga libro nyo kapag nagpunta ako sa CCP ha. :) -Lilay

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...