naimbitahan akong magsalita sa southern luzon state university-tiaong campus!
at ito ay sa kabutihang loob at pagsusumikap ng Traviesa Publications na kinakatawan ni Jord Earving. (siya iyong naka-berde. si ara naman ang babaeng naka-blue, future girlfriend ni jord.)
the night and the madaling araw bago ang punta ko sa tiaong, kasagsagan ng isang signal number two na bagyo. hulaan nyo kung asan ang sentro ng bagyong ito?
tama!
sa quezon!
kaya di namin alam kung tutuloy ba kami o hindi. ang iniisip ko, kawawa kung pipilitin pa ng mga batang um-attend. alangan namang lumusong sila sa baha para lang sa seminar na ito? no, no, no. sabi nga ng family planning expert sa quezon city hall, safety first.
so text ako nang text kay jord kung tuloy ba. tuloy daw. tuloy na tuloy. wala raw suspension ng klase sa kanila (sabado yun! baka wala talagang suspension? hahaha) so bumangon kami ng 5am, naghanda na kami para maglakbay.
ang kulimlim at ang malakas-lakas din ang ulan sa kamias. worse comes to worst, walang makikinig sa akin. babalik na lang ako sa ibang araw para ulitin ang seminar na ito. aba, sayang, e!
buti at kasama ko si poy. di ako marunong pumunta doon! so siya ang naging gabay ko sa pagsakay ng bus. e, sa tabi lang pala ng jollibee edsa kamias ang sakayan hahaha!
sabi ni jord, mga 1-1.5 hrs lang daw ang biyahe. asa pa ano? e sa edsa pa lang kaya yun? mga 10am na kami nakarating sa SLSU tiaong.
pero di ako nainip sa biyahe. dahil walang trapik. at paglabas ng maynila, dyeggeng... walang ulan. nada. eto ang mga nadaanan namin...
eto lang naman ang bumungad sa akin. ang ganda-ganda. mt. banahaw
weee!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment