Saturday, October 5, 2013

go o gown?

excited pero medyo kabado rin ako kanina.

magpapatahi na sana kami ng gown ko sa kakilala ni tin na designer sa divisoria.

eto ang aking napaka-generous na kaibigan, si tin ocenar!


so nag-meet kami ng mga 1030 am sa v mapa lrt station. pagdating namin sa divisoria, nagtanghalian muna kami sa 168. dinala ako ni tin sa food court at inirekomenda ang isang stall doon na ang specialty ay mga chinese food. sobrang nasarapan ako sa pansit at siomai nila!

siyempre ako ang nagbayad ng tanghalian. nakakahiya kay tin, anuber.

side story muna.

si tin ay na-meet ko sa isang volunteer work sa philippine children's medical center. nasa call center pa siya nang panahon na 'yon, ako yata ay freelance-freelance pa rin ever. tapos di na nahinto ang ugnayan namin mula noon. inirekomenda kong mag-lira siya dahil mahilig pala siyang magsulat. doon niya nakilala at naging ka-close si mars na kaibigan ko rin ngayon. anyway, pagkatapos ng call center ay sinubukan ni tin na magturo kasi passion niya ang pagtuturo. sobrang aktibo siya sa volunteer work. itinatag niya ang i love pinoy, isang volunteer org na ang advocacy ay nasa kabataan at edukasyon. di siya masyadong nagtagal sa pinasukan niyang eskuwelahan dahil sa sistema ng pasahod. bumalik siya sa call center. after some time, napasok siya sa SWS at na-assign sa Mindanao. nang magkita kami ni tin kanina, fresh from mindanao pa ang lola.

sa zamboanga kasi siya na-assign kaya medyo may konting tensiyon ang naranasan niyang trabaho doon. pero naging ligtas naman daw siya at ang team niya sa mga warla-warla (na pakana pala ni enrile!).

so ano ang weight nito sa pangha-hunting namin ng gown ko?

mamya ko sasabihin.

pagkatanghalian, nagpunta kami sa 1188 mall. andoon daw si paul, ang kakilala ni tin na couturier. si paul daw ang gumawa ng evening gown ng mama niya noon at haping hapi daw ang kanyang inay sa resulta. so doon na rin kami magpapa-quote ni tin.

dala ko ang print out ng design ng aking gown, simple lang ito kung tutuusin at walang masyadong telang magagamit. wala itong trail. light lang ang tela at hindi masalimuot ang disenyo.

kaharap na namin si paul. nakapalibot sa amin ang mga gown na gawa niya. bongga-bonggahan ang mga ito. parang cake na matatayog. palagay ko, mamaniin lang niya ang gown ko.

tsika-tsika muna kami, tapos ipinakita ko na ang gown ko kay paul. nasa likod niya ang isang assistant na babae. idinrowing niya sa isang malinis na bond paper ang interpretation niya sa gown ko. ang ganda. mahusay ang kanyang kamay!

humirit na ang kaibigan ko.

tin: paul, wag masyadong mahal, ha? magkano 'yan?
paul: siyempre 'yong tamang price lang.
tin: magkano nga?
paul: eto?
tin: oo.

tensed na tensed ako. humirit ako. itinuro ko ang gown na naka-display sa likod ko.

ako: magkano po ang gown n'yo na ito?
paul: 'yan? P35,000 'yan.
ako: ha?

anak ng... alam na!

ako: e, eto po, 'yong mas simple?
paul: mahaba ang trail niyan. P45,000 'yan.

errrr.... nagso-short circuit na utak ko. 5 digits na, kanina pa. patay.

tin: e, eto? 'yong design niya? magkano?
paul: eto? yong kay bebang?
tin: oo
paul: wag kang mag-alala. bibigyan ko kayo ng discount.
tin: oo, kasi pati 'yong gown ko, sa 'yo ko na rin ipapagawa.
paul: sige
tin: wag mong mahalan, ha, paul?

nang mga panahon na ito, di na ako mapakali. parang tinitimbang na ako ni paul. tinitingnan ang kakayanan ko/namin magbayad at hindi talaga 'yong cost ng damit ang sasabihin niyang presyo sa amin.

tin: magkano nga?
paul: eto? 12k

pakshet. 12k? no way. ang mahal nun, para sa akin. divisoria na nga yun, e! tiningnan ko si tin. mainit na tingin. tin, tin, wag ka papayag, sabi ng eyelashes ko.

tin: sagad na yan, paul?
paul: oo. saka kumpleto na sa accessories 'yon. saka eto ang gagamitin kong tela diyan, mamahalin, tienes,tienes, tienes.

wah. kahit na. wala akong balak gumastos ng 12k para sa isang damit lang. kung puwede nga lang akong magdamit na lang ng basahan sa araw-araw e gagawin ko.

di ako makahirit. kasi baka ma-offend si tin so di na lang ako nagsalita. baka sabihin niya, ako na nga itong nireregaluhan, ako pa ang maarte?


tin: o sige na nga. siya na lang ang babalik sa yo rito, ha? kasi wala ako. babalik ako sa work, sa probinsiya.
paul: ok no problema.

nagtinginan kami ni paul. yark. di talaga ako nakakapagsalita nang time na iyan.

pinasukatan na ako ni tin. chest, bewang, likod, at iba pa. mayamaya ay inilabas na ni tin ang laptop niya, do'n naka-store ang design ng kanyang gown. hiwa-hiwalay pa ang photos ng dream niyang damit kaya sige sa pagdedescribe si tin. sige naman sa drowing si paul.

after that, ganun uli. nagkatanungan uli. wala pang price, tumatawad na si tin. wag mong mahalan ha, paul. oo naman nang oo si paul.

ang ending, magkano ang quote niya sa gown ni tin? 30k.

ke horror. 30k? so 42k lahat kasama ang gown ko? wah. di kinaya ng konsensiya ko ang lahat ng pumasok na pagtitimbang sa akin kanina. si tin, calm and composed pa rin. nagpasukat na siya sa assistant.


then nagkapalitan ng contact details, piniktyuran namin ang drowing ni paul tapos ay nagpiktyur-piktyuran pa uli tapos nagpaalam na kami rito.


pero hindi pa kami agad umalis sa floor na yon. sa pag-iikot-ikot namin sa ibang bridal shop, nalaman namin na halos ganon din ang presyo ng mga gown doon. e, shocked ako. ganun na pala ngayon sa divisoria! soshal na.

naglakad na kami pabalik sa sakayan. sabi ko kay tin, sobra akong namamahalan sa turing ni paul. buti na lang at ganun din ang feel niya. ang 30k daw sa internet ay rate na ng isang maayos na fashion designer. at kasama pa niya ang designer sa araw ng kasal para bihisan siya. si paul, hindi sure kung makakapunta sa araw ng kanyang kasal.

sabi ko kay tin, im sure, may mahahanap pa akong gown na mura lang talaga.

sabi niya, ano ka ba? 15k nga ang budget ko sayo.

sa loob-loob ko, watda... 15k? sobra sobra na yun a! by this time, di ko na alam ang ire-react ko kay tin. di ko akalaing may ganitong tao na willing na gumastos para sa isang kaibigan?! sa isang bagong kaibigan! (im sorry guilty ako hahaha si eris di ko naman ata ginastusan ng 15k! best pwen ko na yun sa lagay na yun)i feel so blessed. and at the same time, nahihiya talaga ako. di ako sanay na ginagastusan ako hahaha

sabi ko na lang, may mahahanap pa tayo, tin. basta... magpapa quote ako sa iba.

(di ko na sinabi ang totoo, nanghihinayang ako sa perang gagastusin niya na 12k para sa akin. aba, dugo't pawis niya sa mindanao 'yon, ha? kaya dapat lang na well spent kada sentimo nun. )

naisip ko rin ang designer ni madam rio. si farley castro. dati ko na itong na-search sa internet at ang ganda ng fitting niya sa kanyang mga kliyente. very secured ang mga damit kapag suot na ng mga babae. sabi ko kay tin, magpapa-quote na lang ako ng design niya kay farley. medyo malayo lang si farley, nasa malabon, at technologically challenged! walang fb, walang website, walang twitter or whatsoever, word of mouth lang sa mga forum. pero kung malaki naman ang matitipid ni tin, why not?

sa daan pauwi, nagkuwentuhan pa kami tungkol sa kasal, sa mga partner namin (sobrang stable ang partner ni tin, feeling niya, konti pa lang ang naa-accomplish niya kumpara sa guy), sa honeymoon, wala pa silang naiisip, kami naman kako ay baka sa batanes. yan e kung me pera at makapag book kami nang maayos hahaha sa buhay, sa trabaho, sa common friends namin. masarap makipagkuwentuhan nang ganun katagal at ganun ka-intimate.

bihira na lang mangyari 'yon sa buhay ko nowadays. hi, hello, k thanks bye na lang ako ngayon, e.

laging on the go ;(

bakit nga ba? teka, teka. anong meron, te bebang? gusto mo bang mag-go o mag-gown?

























No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...