Ang panayam na ito sa akin ay isinagawa ni Kerubin Batoc kasama ang kanyang mga kagrupo para sa kanilang klase sa PUP Manila. Naganap ang panayam noong 31 Agosto 2013 sa Ateneo de Manila University kasabay ng Gawad Balagtas Awarding Ceremony ng UMPIL.
CRITIC-O: Are you a fan of Classic Literature? Why or why not?
>Hindi masyado. Kasi ganito ang nangyari sa akin, mahilig akong magbasa pero hindi ko alam ‘yong category ng mga binabasa ko. Kung ano-ano lang, basta babasahin siya, binabasa ko siya nang binabasa. Ngayon na malaki na ako, ‘tsaka noong nasa college na ako, noon ko lang na-realize na parang kulang na kulang ako sa pagbabasa ng classic literature. Kaya ang ginawa ko, ‘yong mga pinapabasa ng teacher ko, binabasa ko na at hinahanap ko ‘yong mga kaugnay na panitikan ng mga ito.
CRITIC-O: What is the first story that gave an impact to you?
>Naku! Ang hirap naman! ‘Yong una, di siya libro, ‘yong unang babasahing may malaking impact sa akin ay Xerex, ‘yong bastos sa tabloid. Unfortunately, ‘yon ‘yong una kong exposure sa panitikan kasi napaka-creative ng handle nito sa wika. Dahil sa Xerex, na-curious akong magbasa nang magbasa ng iba-ibang akda. Sunod niyon, mga novena, ganyan ang mga binabasa ko, andami kasi sa bahay namin. Di ko alam kung bakit. Tapos, Impeng Negro, mga classic Filipino Lit.
CRITIC-O: When did you start reading and writing literary pieces?
> Nakabasa ako ng isang tula ng pinsan ko na Chinese tapos ang sinulat niya Filipino na tula. Tapos na-publish sa isang libro sa school nila, siyempre may pangalan niya. Sabi ko, gusto ko nito, gusto ko rin magkaroon ng ganon kaya sumulat ako ng tula. Parang tungkol sa puno, nagpapasalamat ako sa puno. Sumulat ako tapos parang nakatatlo yata akong tula, ipinasa ko sa school paper noong elementary pa ako. Pagka-submit ko, aba nakita ko sa diyaryo namin na may na-publish na dalawang tula na may pangalan ko. Pero di akin ‘yong tula! Sabi ko, saan napunta ‘yong tula ko? Hanggang ngayon, hindi ‘ata nila itinama ‘yon, basta may na-publish na tulang sa akin nakapangalan pero hindi ako ang sumulat.
> Noon ang paboritong paksa ko, mga sapatos, puno, noong bata pa ako. Pagdating ko ng highschool, di ako makapasok sa campus paper. Sabi ko, bakit kaya di ako ma-publish, marunong naman ako at may kaalaman sa English? Kaya ayun, nagrebelde ako. Ini-spoof ko ang campus paper namin. Nagsulat ako sa wikang Filipino at puro joke ang inilagay ko doon. Jinoke ko ‘yong mga teacher namin, ‘yong mga gawain nila, habit, mannerism. Jinoke ko ‘yong mga estudyante, director, lahat. Puro joke ‘yong laman ng buong spoof campus paper. Tapos, ni-lay out ko ‘yon, phinotocopy ko at binenta ko sa halagang dalawang piso. Walang bumibili. ‘Yon, do’n ako nag-start, do’n ako nagsimulang magsulat.
CRITIC-O: What was the feedback of those who availed the paper?
>Wala nga e, wala ngang bumili. Pero ‘yong mga kaklase ko, sabi nila, nakakatawa, Bebang. ‘Yon lang. Tapos ako ‘yong sumulat ng class prophecy namin, so di ko pa alam na ako ay magiging isang writer. Kasi do’n sa class prophecy namin, ang nilagay ko, isa akong guwardiya. Nagkaroon ng department store ‘yong guard namin sa school at ako ‘yong guard sa department store niya.
CRITIC-O: We have read from your blogs that taking up BA Malikhaing Pagsulat was not your first choice and that you chose it only by tossing a coin. Was it the turning point for you to take the path of literature?
>Oo, wala talaga sa isip ko. Kasi pagpasok ko sa UP, nakapasa ako sa any non-quota course. BS Agriculture, mga ganun, Geodetic Engineering, Metallurgical Engineering, Speech Pathology, mga ganong course na first time ko lang na marinig. Sabi ko, ano kayang mangyayari sa akin pagka-graduate ko? May isa pa: BA in Film and Audio-visual Communication. ‘Yan pa ‘yong aking pinagpilian ta’s no’ng nakapila na ako e, walang nagpapaaral sa ‘kin no’n kasi patay na tatay ko, ‘yong nanay ko wala namang trabaho, wala talagang magpapaaral sa amin, naisip ko ‘yon no’ng nakapila na ‘ko sa admission. Ano ang ilalagay kong quota course? ‘Yong Journalism, English Studies at iba pa? At saka BA Malikhaing Pagsulat sa Filipino.
Ang una kong inilagay ay engineering kaya nga lang, parang ang mahal pag engineering. Wala naman akong pera. Inisip ko ano ‘yong course na mura, walang bayad, ‘yong di masyadong gagastos at walang masyadong gadget na gagamitin. So nakita ko ‘yong BA English Studies at BA Malikhaing Pagsulat sa Filipino. Tapos, no’ng ako na, as in literal na andito na ‘yong pinto, ako na ang iinterbyuhin, nag-toss coin ako. Pagbagsak ng barya, BAMPF. Do’n ako napunta sa course na ‘yon. O, di ba? Thank you, coin! Blessing in coin!
CRITIC-O: How would you describe Filipino writers at present?
> ‘Yong mga writer ngayon, in general, para sa ‘kin, malaking malaki pa ang potential nila. Sobrang-sobrang malaki pa ang potential nila, hindi sila nama-maximize ng bayan natin. Bakit? Kasi marami silang ginagawa bukod sa pagsusulat. Di sila makapag-concentrate, tipong buong atensiyon para lang sa pagsusulat. Bakit? Kasi ang liit ng kita sa pagusulat dito sa Pilipinas. Although isang factor lang ‘yon at marami pang dahilan, kaya para sa akin, very promising pa kung talagang gagawing career, as in 100% na career, ang pagsusulat dito sa Pilipinas. Andami-dami pa nating mapo-produce, as in matatambakan ang ating National Book Stores! Mababaligtad ang sitwasyon, ‘yong Filipiniana, ‘yon ‘yong buong book store tapos isang section lang ‘yong foreign titles. Para sa ‘kin, ‘yon ‘yong Filipino writers kasi ngayon pa nga lang na ang hirap-hirap ng buhay natin, nakakapag-release pa rin tayo ng magagandang aklat.
CRITIC-O: How do you view the Wattpad writers especially those whose works were published?
>Ipinapakita ng Wattpad writers ‘yong diversity sa panitikan. Na ‘yong panitikan ng Pilipinas, ng mga Filipino, di lang ‘yan gawa ng matatanda. Di lang siya luma, di lang siya classic literature. Ipinapakita rin ng mga Wattpad writer na mayroong umuusbong na mga manunulat at ang mga akda nila ay nakadikit sa kultura ng kabataan. ‘Yon ‘yong nagagawa ng Wattpad writers kasi ang dali-dali nilang mag-produce. Pag Wattpad kasi wala namang cost sa paglalabas ng akda. Tapos ready na ‘yong mga reader, nandiyan lang sila, naghahanap lang sila ng babasahin. Palagay ko napakaimportante nila kasi, di ba ang Wattpad di lang naman ‘yan sa Pilipinas? Sa buong mundo siya, international siya. At dahil sa mga Filipino writer sa Wattpad, naipapakilala nila ‘yong kultura natin, naipapaalam natin na may mga writer sa Pilipinas na gumagamit ng Wattpad.
Kaya importante ‘yan. Dapat isulat lang nila nang isulat ang gusto nila. ‘Wag silang mag-isip na ‘ay kasi sa Wattpad lang ako na-publish.’ Hindi dapat ganon. Kumbaga sa pie, kunwari pizza pie ang literature sa Wattpad, dahil sa kanila, nagkakaroon ng share ang Filipino writers. Dahil ‘yon sa kanila. Kung wala sila, ‘yong buong pizza na ‘yon ay foreign works. ‘Yong Wattpad works na nagiging pelikula, okay lang ‘yan. Kasi nga, bahagi ‘yan ng diversity. Isipin mo kung lahat ng panitikan, seryoso? Di ba, magsu-suicide lahat ng kabataan? E, puro emo!
CRITIC-O: Who is the author you idolize the most?
>Si Rio Alma, Virgilio S. Almario. Siyempre, siya ‘yong idol ko. Unang-una, napaka-prolific niya. Ang ganda ng kanyang disipilina sa pagsusulat. Pangalawa, ‘yong itinatampok niya, talagang ‘yong kapaligiran niya ‘no? ‘Yong probinsiya, ‘yong town niya, ‘yong bayan niyang San Miguel, ‘yong mga kaibigan ng kanyang magulang, mga magsasaka, ‘yong kanyang paaralan, ‘yong nanay niya, tatay niya, kalabaw niya. Noong tumatanda na siya, sinusulat naman niya ‘yong pagbabago ng landscape ng Pilipinas mula sa pagpasok ng mga machine hanggang sa panahon natin ngayon. Ang pinakapaborito ko sa lahat, ‘yong pagtalakay niya sa pagiging modern ng Pilipinas kasi tinalakay niya ‘yan sa napakaraming akda. Ipinapakita niya doon na di naman talaga tayo nagpo-progress. Nagiging modern lang. At unfortunately, magkaiba ‘yon.
CRITIC-O:How do you judge/criticize a piece of literature?
>Background ko, MA Panitikang Filipino. Pinag-aaralan namin na ‘yong gawa ng karaniwang Filipino, basta nagsulat siya, nag-akda siya, akda, literature agad ‘yon.
CRITIC-O:Do you consider yourself a feminist?
>Hindi, andami ngang nagsasabi niyan, na feminist ako. Feminist daw ‘yong It’s a Mens World. Hindi, ‘no? Sa ‘kin, bilang babae, ayokong may naaping babae. Pero ayoko din ng may nang-aaping babae. Ayoko ring may naaaping bata. Dapat, equal, pero dapat lahat.
CRITIC-O:If you are not a feminist then what?
> Maganda. Magandang writer! Joke. Para sa akin, hindi maganda ‘yang category-category na ‘yan kasi kapag kina-categorize mo ‘yong sarili mo, ikinukulong mo ‘yong sarili mo sa confines ng genre na iyon. I’m sorry pero nabo-bore kasi ako sa isang genre lang. Di ko kaya ‘yong isa lang ang genre o kaya ay isang paksa lang ang tatalakayin. Di ko kaya ‘yon. Gusto ko ‘yong di ko pa nagagawa kahit kailan. Kung anong puwede at di ko pa nagagawa, ‘yon ang magandang gawin.
CRITIC-O: is classic literature still important in class discussion nowadays?
> Importante ‘yan, ‘no? Importante din na makapagbasa niyan ang kabataan ngayon. Para makita nila ano ‘yong pagkakaiba sa ngayon, para ma-appreciate nila ano ‘yong panitikan na binabasa nila ngayon sa panitikan na lumabas noon. Dapat ine-expose ang mga estudyante diyan, sa lahat ng uri ng panitikan.
CRITIC-O: What can you say about the emergence of popular literature?
> Go tayo diyan. Lagi n’yong tatandaan na ‘yong classic literature ngayon, popular literature sila noon. Kaya lang naman nagiging classic ay dahil sumikat noon tapos nadaanan na nga ng panahon.
CRITIC-O: How do you teach literature?
> Sa students, kailangan, mag-effort din kayo, ‘no? Tutuklasin n’yo rin ‘yong mga panitikan na di natin masyadong nababasa. Napansin ko naman na parang laging naghihintay lang ang mga estudyante kung ano ‘yong iuutos sa kanila na basahin. Mas maganda kung two-way.
Para naman sa teacher, ipasok ang mga estudyante sa strategies. Napansin ko sa mga kabataan, mahilig sa sarili. Selfie-selfie. ‘Yong mindset ng mga tao ngayon: I, me , myself. Dapat i-take advantage ng mga teacher ito. Ipakilala ang panitikan sa pamamagitan ng pagtatampok sa estudyante. Mas magiging participative sila, sure ‘yan.
CRITIC-O: What is your edge over other writers?
>Napansin ng kaibigan kong si Lolito Go, walang babaeng nagsusulat sa nakakatawang paraan, sa wikang Filipino, na kaedaran ko.
CRITIC-O: How does your career affect your life style?
> Ako ‘yong tipo ng manunulat na nahihirapang mag-imagine pag di ko naranasan ‘yong isang bagay. Kaya ngayon, I try different and new things para mas marami akong mapagpiliang materyal sa pagsusulat.
CRITIC-O: What is the most favourite story you’ve written?
> Sa lahat ng stories na sinulat ko? ‘Yong Bangis. Nasa Haunted Philippines 8 ito. Isinali ko pa ‘yan sa Palanca, natalo. Story about a battered woman.
CRITIC-O: What are the benefits of reading pop lit to student’s learning?
>Sa popular literature, kahit gaano ka-popular, gasgas ‘yong salita at topic, ang magandang nakukuha diyan ng reader ay ‘yong structure. Ang maganda sa pop lit ay very structured siya. Kapag lagi kang nagbabasa niyan, masasanay ka sa formula at kapag ikaw na ‘yong gumagawa ng story, baka mas madali na para sa’yo ang magsulat ng sariling akda kasi ilang beses mo nang na-encounter ang formula nito. At saka, matututo ka kung paanong tumalakay ng mabigat na paksa sa magaan na wika.
Ang Critic-O Magazine ay isa sa mga school requirement nina Kerubin. Maraming salamat, Kerubin at sa iyong mga kagrupo. More power!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment