Monday, October 14, 2013

Panayam Ukol sa Lubos na Pagtangkilik ng Makabagong Henerasyon sa mga Akdang Banyaga Kaysa sa Akdang Lokal

Noong Setyembre ay nakatanggap ako ng liham/sarbey mula kay Francisco Montesena, isang makata mula sa lalawigan ng Rizal at naging kaibigan ko sa LIRA. Ito raw ay para sa kanyang anak-anakan na taga-PLM.

Narito ang liham:


Mabuhay!

Binibini/ Ginoo:

Parte po ng pag eensayo sa aming paaralan ay obligado kaming magsagawa ng pananaliksik na sa unang taon ng kolehiyo na pinamagtang: “Isang Pananaliksik Ukol sa Lubos na Pagtangkilik ng Makabagong Henerasyon sa mga Akdang Banyaga Kaysa sa Akdang Lokal” na naglalayon na alamin ang iba’t ibang dahilan kung bakit nag-iiba ang interes ng mga makabagong henerasyon sa pagpili ng mga babasahin at bakit mas mabenta sa merkado ang mga banyagang libro makatotohanAN (non-fiction) man o hindi makatotohanan (fiction) ang kwento. Ang pananaliksik na ito ay nasa sa ilalim ng aming asignaturang: Komunikasyon sa Akademikong Filipino 1. Kami, ang ikalimang pangkat ng BS Biology Blk. 2 ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila ay naglilipon ng mga impormasyon at datos sa pamamagitan ng muling pananaliksik, survey, pakikipanAyam at iba pa.

Nais po sana namin kayong hingian ng mga kasagutan sa kaunting katanungan na inihanda namin. Kayo po ang isa sa aming napili para sa pakikipanayam. Kahit na wala po kami ngayon sa inyong harapan, nais po naminG makakuha ng impormasyon para sa aming pananaliksik at hindi po iyon magiging matagumpay kung wala ang permiso ninyo.

Sana po ay pagbigyan ninyo ang aming grupo. Maraming salamat po sa oras na maigugugol ninyo dito.

Lubos na gumagalang,

Mga Mananaliksik ng Pangkat V


Narito naman ang panayam. All caps ang sagot ko.

Pangalan: BEVERLY SIY
Edad: 34
Manunulat saan? : ANONG IBIG SABIHIN NITO? HAHAHHA SORI… DI KO PO NA-GETS.

Mga katanungan:
1. Ano ang nag udyok sa iyo sa pagsusulat?

2. Ilang taon ka na gumagawa ng iba’t ibang akda?

11 YRS

2.1 At ANO anong ang madalas niyong NINYONG sinusulat (tula, maikling kwento., etc)?

PROSA

2.2 Bakit ito ang nahiligan mo?

SINUBUKAN KONG TUMULA, DOON AKO NAG-UMPISA PERO BAKA HINDI HANDA ANG MERKADO SA URI NG TULA NA NILILIKHA KO

3.Alam naman natin na dumadami ang stock ng mga sikat na libro sa National bookstore/ Book Sale/ Power Books etc.

ANG IBIG MO BANG SABIHIN AY SIKAT NA LIBRONG BANYAGA? DUMADAMI ANG STOCK KASI PO MARAMI TALAGA ANG MGA AKLAT NG BANYAGA. KUNG MAGPUBLISH KASI NG ISANG TITLE ANG ISANG FOREIGN PUBLISHER, ITO PO AY NSA MILLIONS OF COPIES PO. THEREFORE MAS MURA ITONG NAIBEBENTA SA IBA’T IBANG BAHAGI NG MUNDO INCLUDING PHILS. KAYA MUKHANG MARAMI AT DUMARAMI ANG STOCK NG MGA BANYAGANG SIKAT NA LIBRO SA MGA BOOKSTORE.

YUNG SA BOOK SALE, LAHAT NG KANILANG PANINDA AY 2ND HAND BOOKS NA GALING SA IBANG BANSA, KAILAN LAMANG SILA NAGBENTA NG FILIPINIANA BOOKS NA BAGO. AT KONTI LANG DIN ITO KASI LIMITED ANG KANILANG SPACE.

BAKA MAY PROBLEMA PO KAYO SA TINITINGNAN NINYONG BOOKSTORE. KASI HALIMBAWA, ANG BOOK SALE ANG NATURE PO TALAGA NILA AY MAGTINDA NG 2ND HAND NA FOREIGN BOOKS. KAYA TALAGA PONG MAS DUMARAMI ANG FOREIGN BOOKS SA TINDAHAN NILA.

3.1 Ano sa tingin mo ang dahilan ng pagtangkilik ng makabagong henerasyon sa akdang banyaga?

MAYROON PO BA KAYONG BATAYAN DITO? NA MAS TINATANGKILIK NG MAKABAGONG HENERASYON ANG MGA AKDANG BANYAGA?

PALAGAY KO KASI, PAREHONG TINATANGKILIK NG MAKABAGONG HENERASYON ANG AKDANG LOKAL AT ANG AKDANG BANYAGA. KUNG PAGBABATAYAN LANG NATIN ANG DAMI NG BOOKS SA ISANG BOOKSTORE, PALAGAY KO, HINDI TAMA NA MAGCONCLUDE NA MAS MARAMING TUMATANGKILIK SA MGA ITO MULA SA HANAY NG MAKABAGONG HENERASYON.

PALAGAY KO, HATI PA RIN, BUMIBILI KAYO NG FOREIGN BOOKS, BUMIBILI RIN KAYO NG LOCAL BOOKS.

4. Sa tingin mo ba ay may pagkukulang ang mga manunulat na Pilipino sa patuloy na pagtangkilik ng makabagong henerasyon sa akdang banyaga?

PALAGAY KO ITO AY USAPIN NG EXPOSURE. BONGGANG MAGMARKET ANG TINDAHAN NG AKLAT TULAD NG NATIONAL BOOK STORE NG MGA AKLAT NA BANYAGA, SIMPLY BECAUSE MARAMING PONDONG PANG-MARKETING AND PROMOTIONS ANG MGA FOREIGN PUBLISHERS. KUNG ANO ANO ANG GIMIK NILA, FREE GADGETS, ETC. FREE COPIES OF BOOKS, KASI ANDAMI NILANG PERA. MARAMI RIN SILANG PERA PARA PANG IMPRENTA NG POSTERS NA MAGPO PROMOTE SA AKLAT NILA. MARAMI RIN SILANG PERA PARA BILHIN ANG SPACE SA NATIONAL BOOK STORE PARA MAGING MAS PROMINENT NA DISPLAY ANG KANILANG MGA AKLAT. YES, MAY EXTRA CHARGE PO IYON. SPACE IYON SA LOOB NG TINDAHAN. KUNG HINDI KIKITA ANG NATIONAL BOOK STORE SA KANILA, BAKIT NAMAN NILA ITO IFI FEATURE?

MASSIVE PROMOTIONS DIN ANG NAGAGAWA NG MGA AKDA NA NAGIGING FILMS/MOVIES. ANDIYAN ANG PERCY JACKSON NA TUNGKOL SA MYTHOLOGY, ANDIYN ANG LES MISERABLES NA TUNGKOL SA FRENCH WAR. O DI BA, SIYEMPRE PAG NAGIGING PELIKULA ANG MGA YAN, NAKU CURIOUS ANG LAHAT (KAHIT HINDI PINOY!) NA MAGBASA AT BUMILI NG AKLAT TUNGKOL SA MGA ITO.

FILIPINO AUTHORS AND PUBLISHERS ARE DOING THEIR BEST TO MARKET AND PROMOTE THEIR OWN TITLES. KAHIT SOBRANG WALA SILANG PERA DAHIL ANG MAHAL MAGPUBLISH NG AKLAT, MAHAL ANG MAGBENTA SA NATIONAL (40-50% OF THE RETAIL PRICE OF THE BOOK GOES TO NATIONAL BOOK STORE PO, BILANG BAYAD SA SHELF SPACE). NARIYAN ANG MASSIVE NILANG PAGGAMIT SA SOCIAL MEDIA, BLOGS, TWITTER, FB, INSTAGRAM. WE JUST HAVE TO DO OUR OWN PART AS READERS. DAPAT TUKLASIN DIN NATIN SILA AT MAG-RISK TAYO SA PAGBILI NG KANILANG MGA AKLAT. DAPAT IRESEARCH NATIN ANG MAGAGANDANG AKLAT NATIN. KASI MAGAGANDA ANG MGA AKDA NATIN, MAHUHUSAY ANG MGA MANUNULAT NA PINOY. WALA LANG TAYONG PERANG PANG-MARKET PERO HELLO, WE ARE AT PAR WITH LIT FROM OTHER COUNTRIES.

5. Sa ganitong suliranin ano sa tingin mo ang nararapat na gawin ? Solusyon ?

TULAD NG SINABI KO, IKAW O KAYO BILANG READER, NASA INYO ANG SOLUSYON. LETS RESEARCH. ANONG AKLAT ANG NABASA MO NA ISINULAT NOONG UNANG PANAHON? BAKA EL FILI, NOLI LANG, FLORANTE AT IBONG ADARNA? E LAHAT YAN REQUIRED SA KLASE KAYA NABASA MO. E ANDAMI PA PO BUKOD DIYAN. MEDYO ANCIENT LANG ANG WIKA PERO LAHAT YAN TUNGKOL SA ATIN, TUNGKOL SA ATING KULTURA.

I RECENTLY MET A FRESHMAN BIOLOGY STUDENT FROM UP. ININTERBYU NYA RIN AKO KASAMA ANG KANYANG KAKLASE NA SIYA TALAGANG MAY INTERVIEW PROJECT WITH ME. MAY SINABI SI MALE BIOLOGY STUDENT NA PAMAGAT NG AKLAT AT AUTHOR. UNKNOWN YUN. SABI KO, HINDI KO PA SIYA NABABASA. SABI NIYA, MAGANDA YUN MAM. BASAHIN MO.

SEE, UNKNOWN NA FOREIGN BOOK AT UNKNOWN NA FOREIGN AUTHOR PERO KILALA NG KABATAAN. NG MAKABAGONG HENERASYON. BAKIT? KASI GUSTO NIYA TALAGA ITO. MAYBE BECAUSE NAG-RESEARCH TALAGA SIYA. THEREFORE, KAYA RIN NIYANG MAKILALA AT MABASA ANG MGA AKDANG PINOY AT MANUNULAT NA PINOY IF HE WANTED.

SO NASA INYONG MGA KAMAY ANG MAS PAGYABONG PA NG MGA AKDANG FILIPINO. NASA READERS PO. IF YOU KEEP PATRONIZING FIL. LIT, MORE AND MORE BOOKS WILL COME FROM OUR OWN AUTHORS. KASI MAGKAKAROON NG MAS MARAMING PONDO ANG PUBLISHERS TO PUBLISH MORE TITLES.

6. Ano ang masasabi mo sa mga umuusbong na mga manunulat sa panahon ngayon katulad ng mga manunulat na nakapaglilimbag na ng kanilang mga akda tulad ng mga manunulat galing sa site na wattpad?

THAT IS GOOD. I DON’T SEE ANYTHNG WRONG WITH IT. EXCEPT THAT NILALAPITAN SILA NG PUBLISHERS. KADALASAN, BAGITONG MANUNULAT ANG MGA NASA WATTY, SO MAY MALAKNG POSIBILIDAD NA SILA AY PAGSAMANTALAHAN NG SALBAHENG PUBLISHER. SISILAWIN LANG SILA SA ONE TIME PAYMENT NA FEE, SA KASIKATAN, SA MGA OPPORTUNITY NA MAKAPAG BOOK LAUNCH AT MAKAPAG BOOK SIGNING. PERO AFTER THAT, WLA NA, TAE NA SILANG ITUTURING.

7. Ano ang maipapayo mo sa makabagong henerasyon?

NASABI KO NA PO KANINA

Medyo masungit ako, ano? Bihira kasi akong magpaunlak ng interbyu sa ganitong paraan. Mas gusto ko, kaharap ko ang estudyante at kausap. Pagka ganito kasi, parang ako ang dapat na bigyan ng grade at hindi ang estudyante. Kasi malamang na ika-copy paste lang nila ang sagot ko sa mga tanong nila. Baka nga hindi pa nila basahin ang mga ito. Na siyang ayaw mangyari ng kanilang guro. Kaya as much as possible, gusto ko, face to face ang panayam.

Ngunit, maraming salamat pa rin kay Kiko Montesena para sa panayam na ito.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...