Friday, December 27, 2013

Mula kay Sir Len Galang

Kanina, itinext ito sa akin ni Bb. Faye Melegrito:

Hi, Faye, good pm. I just finished reading the book you gave me. Cute, nagustuhan ko siya. Napaka-light ng stories and the way Bebang wrote it, (magaling siya) parang nakikipagkuwentuhan lang sa harap ko na berks (hehe). Maraming salamat. I enjoyed reading it. Happy new year to you!

-Len Galang, manager of Public and Media Affairs Department at Pag-IBIG Fund.

Refreshing!

kasalukuyan kasing nalulukring na ako sa pag-aasikaso ng kasal :(

Salamat, Faye. Salamat, Sir Len.

Happy 2014! Ayan na!

Monday, December 23, 2013

Love yourself

Nag-present si Vin Pagtakhan, ang prinsesa (president, actually) ng loveyourself.ph sa awards night ng Saranggola Blog Awards 2013 na ginanap noong Dis. 21, 2013 sa Roof deck, La Verti Residences, Buendia cor. Taft Ave., Makati.

ang loveyourself ay isang org ng mga volunteer na nagbibigay ng Free HIV testing sa kahit na sinong Pinoy/Pinay. Ang opis/clinic nila ay matatagpuan sa Malate. everything will be confidential siyempre.

hindi lang testing ang ipinamimigay dito nang libre, kundi pati HIV/AIDS education, condoms, lubricants at iba pang bagay na makakatulong sa pagtatamo ng safe sex lalo na para sa mga MSM (men having sex with men).

napakarami kong natutuhan sa mga ikinuwento ni Vin tungkol kanilang organization. heto:

1. lahat ng bansa sa buong mundo, pababa ang bilang ng HIV/AIDS incidence. Sa Pilipinas lang ang pabaliktad ang trend, tumataas ito.

2. dati, OFW ang nai-infect ng HIV/AIDS. ngayon, youth at young professionals ang karaniwang nai-infect. most of them are men.

3. dati 10 clients lang sila araw-araw. ngayon, pumapalo na sa 40-50 clients ang kanilang ine-entertain everyday. most of them are 18-24 years old. minsan, may 17 years old.

4. out of 40-50 clients, 8-10 ang babae. at isa hanggang dalawa sa kanila ay nagpa-positive sa HIV/AIDS pagkatapos ng testing.

5. 15% naman ng lalaking nagpapa-test (mula sa 40-50 clients na binanggit ko) ang nagpa-positive sa HIV/AIDS pagkatapos ng testing.

6. pag nagkaroon ka ng HIV/AIDS, hindi naman katapusan ng mundo. kaya wag matakot magpa-check up. wag matakot magpa-test kung may duda ka sa iyong sexual health. free ang testing sa loveyourself.ph. walang dahilan para hindi mag-undergo nito.

7. pag may HIV/AIDS ka, habambuhay na ito sa katawan mo. Parang high blood o diabetes. may maintenance drugs kang iinumin para patuloy na mabuhay.

8. kung nag-undergo ka ng HIV/AIDS test sa loveyourself at positive ang result, lahat ng treatment mo ay magiging libre. ang babayaran mo lang ay P135 para sa isang card sa ospital, the rest will be free. isa lang ang ibig sabihin nito, there are people who care for those who have HIV/AIDS. hindi nila hahayaang masayang ang buhay mo nang ganon-ganon lang. bless these people! ambait-bait nila.

nakakatuwa ang org na ito.

nung nagtatrabaho ako sa NGO for women, i never thought of this angle or this kind of HIV/AIDS victims. ang laging nasa isip ko, women who have OFW husbands who infected them with HIV/AIDS. lalo na yong mga asawa ng seaman. sobrang faithful si babae, samantalang si lalaki, kaliwa't kanan ang pakikipagtalik sa kung sino-sinong babae sa abroad, pag-uwi rito ni lalaki, siping agad kay misis, nalintik na!

kawawang misis. walang kamuwang-muwang.

times have changed. may umusbong na sektor na mataas ang risk na mahawahan ng HIV/AIDS at iyon ay ang MSM.

walang nag-a-address sa risk na ito mula sa kahit anong ahensiya ng govt. sector. kaya talagang dapat suportahan ang group of volunteers sa likod ng loveyourself.ph.

sabi nga ng kanilang intro:

they are 100% volunteers.

100% love.

so there. i heart loveyourself.ph. heart them too.








Saturday, December 14, 2013

ayan na!

lapit na ang araw ng kasal.

para din palang araw ng kamatayan. deadline ang tingin ko diyan, e.

kumusta ba ang wedding preps namin?

one word: nakakabaliw.

dami dami kong nari-realize dito. like:

1. kahit gano mo na katagal na kaibigan ang isang kaibigan, minsan, hindi mo pa rin pala siya lubusang nakikilala. iindyanin ka niyan, di ka bibigyan ng time, di ka papansinin as in dedmadela, at iba pang pagwawalambahala sa existence mo.

pag naranasan mo yan, keep your cool. wag na wag aawayin ang kaibigan. after the wedding, you will still see this person, mami meet mo uli siya, makakabungguan balikat at baso, cheers, cheers! imposibleng hindi. pero wag mo na lang siyang kaibiganin uli. distansiya ka na lang. kasi alam mo, at tight times, nang-iiwan yan sa ere.

2. may mga tao talaga na know it all. at puwedeng mga kaibigan mo rin iyan. kahit hindi nila kasal yung magaganap, they know everything. they know the solution to all of your problems, lahat lahat na. pag ka naiirita ka na sa ganitong attitude ng kaibigan mo, shut up. let this person be. tapos gawin mo ang lahat ng makakaya mo para di mangyari ang iminumungkahi niya.

i-underground mo ang hakbang mo. para di siya ma offend.

3. mahalagang united kayo ni fiance sa mga desisyon.

pagka nakita ng iba na parang di kayo magkasundo, susundot sila ng mga suggestion nila. at mag-aagree kayo agad sa mga ito kahit na di nyo ito masyadong napag-isipan. lalo na kung ito ay naaayon sa gusto mo at hindi sa gusto ng fiance mo.

4. mag-set man kayo ng budget, asahang di ito masusunod.

trickles kasi ang dating ng pera namin. kaya di namin ito ma-manage nang maayos. minsan nagagamit para sa bahay, minsan naman, para sa eskuwela, tapos sa kasal. ayun, nagpapang-abot ang mga gastos.

5. mas mahihiya ka kapag marami ang tumutulong sa iyo.

hmm... may mga time na napipilitan akong tumango dahil malaki ang itinutulong sa amin ng tao para maging maganda ang kasal. noong una, nae-excite din ako sa mga tinanguan ko, pero kalaunan naisip ko, parang di pala essential ang mga ito para sa akin.

6. huwag mag-expect na dadalo ang mga dapat dumalo

mabuti nga at nagpapaalam na ang mga ito ngayon pa lang. at least spared ka sa inis sa araw ng kasal mo.

7. sadyang inefficient ang ilang hotel sa pagsagot sa email queries nila, at minsan pa, kapag tapos mo nang bayaran ang hotel room reservation mo sa kanila.

so mtagal sumagot sa email ang kakilala namin sa orchid garden, si angela. ok lang yon kasi sa december pa naman. pero nitong november, pagkabayad namin ni poy sa orchid garden, aba, hindi na ito nag-reply ever.

finallow up ko pa nang dalawa-tatlong beses, wa epek. wala raw lagi si angela. nasa client call daw. ieemail na lang daw ako. pero walang email na dumating ever.

kahapon tumawag ako sa hotel. meron naman daw na naka-reserve para sa akin. 2 room pa!

8. mahirap ang maraming arte na wedding.

kaya simplehan mo na lang

9. mahirap ang may jowang perfectionist.

kaya pagpasensiyahan mo na lang

10. naghahanap ng time ang mga kapamilya mo para masolo ka naman nila

nung bridal shower ko ay may surprise video para sa akin si ej. sinabi niya doon na nami miss na raw niya ako, at ang mga yakap ko. hmmm... ano bang nangyayari sa akin lately? masyado ko namang pinamamayagpag ang watawat ng kasarinlan ni ej. e bebe ko pa rin naman yun, forever and ever?

Wednesday, December 4, 2013

Isang karangalan!

Sobrang proud lang ako!

kagabi, sa graduation ng LIRA batch likaw sa conspi, nakita ko si Mam Grace Padaca, ang dating governor ng Isabela, at ngayon ay Comelec Commissioner natin.

for more information about her, kindly check this link:

http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Grace_Padaca


Hindi ko siya nakausap pero lagi ko siyang nakikita dahil nasa unahan namin ang table niya. may mga kasama siya, halos puro babae. ang simple simple niya. naka blouse na bulaklakin if i remember it right. at ayun, nakaupo, matamang nakikinig at nanonood sa mga fellow. akala ko, talagang may nag imbita sa kanyang fellow na gagraduate that night. sabi ko, ang big time naman.si mam grace ang bisita!

Anyway, may nag-tag sa akin sa FB. picture namin ito nang nagdaang graduation. coment coment pa ako, nagpatawa pa ako. biglang sumagot si mam grace.

omg!

wall pala niya iyon!

shecks! shecks talaga!

anyway, napadaan lang pala sila doon kasi ang pupuntahan sana nilang venue ay may smething.

eto ang sabi niya sa fb: Wala daw featured artist last night sa balete@kamias so we chose conspiracy. Felt like an intruder at first, but they so warmly took me in.

she was talking to a friend through FB

tapos nag-comment ako, nag-thank you sa pagsuporta niya. kasi may sinabi pa siyang maganda sa kanyang wall. heto:

matutuwa ka dito. Went with friends to Conspiracy last night. Tamang-tama, graduation ng mga nag-6-month workshop sa poem-writing. I learned that poets are not born. I can learn to be a poet din daw, sabi sa akin ng propesor ng ateneo. #LIRA Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo


tapos she called me by my nickname. wah bongga!

tapos sabi niya: Wow, bebang, it's you! Sana makita mo iyong timeline ko. Early tonight I posted a picture of books that i took the last time i went to fully booked.

so may ni-like ako na photo, eto 'yong zines ng lira published by vibal a few years ago. kasi sa sobrang excitement ko di ko nabasa yung fully booked. akala ko talaga she was referring to the zines.

tapos maya maya, sabi niya, "Books i want to read. (parang nakita ko nang personal si bebang siy sa Conspi noong isang gabi. Siya pala yun! She does a lot for the country's young makata's"

heto naman yung photo.

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=552492644827649&set=p.552492644827649&type=1&permPage=1

grabe! grabe talaga.

fan ako ni mam grace. matagal ko nang naririnig ang pangalan niya, matunog mula sa norte hanggang maynila? grace padaca... wow. sobrang tapang daw nito sa pakikipaglaban sa masasamang elemento sa isabela! idol di ba?

kaya nang makita ko siya kagabi gusto ko sanang magpa-picture. wala, tinablan lang talaga ako ng hiya! Hahahaha!

Mam, isang karangalan po ang makita kayo sa tunay na buhay. Isang karangalan po ang mabasa ng isang tulad nyo na mataas na tao.


Muli, maraming salamat po!

Saturday, November 23, 2013

Mula kay Jefferson Boral

Nahihirapang maglakad ngayon ang nanay ko. Nakadalawang pt sessions na siya. Mga 3 weeks na siyang iika ika at hindi makalakad ng walang alalay. Kanina habang inaalalayan ko siya, nginuso niya yung it's a mens world. Sabi niya, "nakakatawa siya." Nabasa pala niya ng isang upuan yung libro nung nakaraang gabi. To think na puro James Patterson at Tom Clancy binabasa niya. Ang swerto mo daw at pinunas lang sayo yung panty, sa kanya daw kasi hinilamos ng lola ko.

thank you. basta nakapagpasaya sa nanay ko e tinethank you ko. di ko nga lang alam kung pano mareach si denzel washington at piolo pascual.

Waaah, nakakainit ng puso. Salamat, Jefferson, for buying a copy. At thank you po, Mrs. Boral. Sobrang saya ko na natuwa kayo! hahaha buhay manunulat i heart! -beb

Ang bayan ko at si Yolanda

ilang punto at tanong lang.

1. nag-research kaya si anderson cooper tungkol sa mga bagyo sa pilipinas? alam kaya niya na disaster belt ang ating kapuluan? at suki tayo ng bagyo, baha, trahedyang may kaugnayan sa tubig at dagat?

kasi kung alam niya ang mga ito, baka ibang uri ng pag-uulat ang ginawa niya. baka hindi masyadong kritikal sa ating gobyerno.

2. naalala kaya ni anderson cooper na 3rd world ang ating bansa noong inuulat niya ang inefficiency ng gobyerno natin sa rescue at relief operation?

kasi kung naaalala niyang nasa 3rd world siya at wala siya sa capital city ng 3rd world, lahat ng makita niyang kakuparan (yes, hindi kakupalan) ay bunga ng kakulangan natin sa mga bagay na may kinalaman sa teknolohiya. pano makakapunta ang relief agad-agad kung sira-sira ang kalsada, port at airport? kulang ang teknolohiya natin para ma-repair agad ang mga ito. napakamahal ng transport papunta sa iba't ibang isla dahil mahal ang bangka, barko at gasolina.

3. palagay ko, tama rin naman si anderson cooper nang tanungin niya si korina sanchez kung nasaan ba siya at nakarating na ba siya sa tacloban pagkatapos ng paglapag doon ni Yolanda. supalpal si korina. sino ba siya e wala nga siya sa pinangyarihan ng sakuna? di katulad ni anderson cooper. wow. andun agad. nagre-report agad. me opinyon pa tungkol sa pagkilos ng pamahalaang pilipinas.

pero mali siya para gawin iyon sa harap ng madlang pipol ng ating bansa. na nasa kasagsagan ng panic dahil kay yolanda. bayan natin ito. at kahit anong gawin ni anderson cooper, banyaga pa rin siya. andon man siya sa tacloban, naamoy man niya ang mga bangkay, natalisod man siya ng gumuhong mga bahay at building, at ipasok man niya ang ulo niya sa mismong mata ng bagyong si yolanda, hinding-hindi siya magiging pilipino. therefore, lahat ng perspective niya pagdating niya sa pinangyarihan ng sakuna ay perspektiba pa rin ng isang dayuhan.

dapat aware siya rito. aware siya na lahat ng lalabas sa bibig niya ay perspektibo lamang ng isang dayuhan. dayuhang reporter to be exact.

at pag dayuhan, nag-iiba ang lahat. unang-una, ibang-iba ang kinalakihan niyang sistema, lipunan at pamahalaan. ibang-iba ang kapasidad ng teknolohiya niya sa pinagmulan niyang bansa. iba rin ang definition niya ng sakuna at trahedya. ibang-iba kaysa sa sistema, lipunan, pamahalaan, teknolohiya, sakuna at trahedya dito sa pilipinas.

kaya kapag nag-comment siya na pagkabagal-bagal ng pagkilos ng pamahalaan dito sa atin, ang pinagmumulan niyang reference o ang point of comparison niya ay ang pagkilos ng pamahalaan nila sa Amerika kapag may sakuna o trahedya.

e, anderson cooper, hindi po ito Amerika. bagama't marami sa amin ang trying hard na magmukhang Amerikano, magdamit-Amerikano, magtunog Amerikano, (kahit mukha kaming mga tanga at gago) Pilipinas pa rin ito. isang bansang umaastang mayaman pero ang totoo, mahirap lang. mahirap pa sa daga. kaya dapat nagdahan-dahan ka sa pagsasalita mo tungkol sa mga nangyayari sa tacloban. kasi naririnig ka ng mga pilipino at 'yang mga sali-salita mo, nasisipsip ng utak namin. at akala namin, yong perspektibo mo ay perspektibong pilipino.

akala tuloy namin, tama ka. 100% na tama.

4. dahil sa patutsadahang korina sanchez at anderson cooper, nagmukha na namang hero ang mga amerikano. kumpara kay korina sanchez na pinay na reporter, itong si anderson na amerikano (at nagmukhang kinatawan ng amerika) ay nandoon sa mismong lugar ng sakuna, nagsasakripisyo para makapag-ulat, nagmamalasakit sa mga biktima ni Yolanda. e si korina? andun, nasa studio ng abs cbn. kayabang-yabang na naninita ng dayuhang reporter. mali talaga si korina doon. mali si korina so tama si anderson? therefore bida si anderson? ang kinatawan ng amerika? ansakit sa bangs!

5. sa ganitong panahon, proactive dapat ang lahat ng pilipino. wala nang sisihan. wala nang parinigan, patutsadahan. at lalong lalo na, wala nang pagrereklamo sa gobyerno. maraming kakulangan ang ating govt. matagal na nating alam yan. hindi lang naman ngayon yan pumalpak. pero kung ngayon na ngayon natin sila sisiraan, sisirain at duduraan sa mukha, mas lalo silang walang magagawa. gawin na lang natin ang mga bagay na ito pagkatapos ng sakuna. kapag nasa rebuilding stage na.

so sa ngayon, stop muna tayo sa ngawa. gawa muna.

6. kung ako naman kay pnoy, pupunta na ako doon right after manalanta ni yolanda. maghehelicopter ako. yellow helicopter. magyeyellow shirt din ako para masaya ang color. magpapakita ako sa mga biktima ng bagyo. magpupulot ako ng debris. magmamando ako ng pagbubuhat ng bangkay. mamumudmod ako ng tubig. magpapa-photo ops talaga ako. at ipapa-media ko iyan. kailangang makita ng mga tao na nandoon ako, handang tumulong sa paraan na kaya ko. kailangang makita ito ng buong pilipinas. dahil ako ang pinuno ng bansang ito. at ako ang kinatawan ng buong pamahalaan. my presence will give hope.

maiisip ng mga pilipino, nariyan na ang tulong. dahil ang mismong pinuno ng bansa ay narito, alam na ang kalagayan nating mga biktima ng bagyo, at gumagawa ng paraan ang presidente para makatulong sa atin. gagawa rin ng paraan ang ating gobyerno para makaabot sila rito. makakaabot sila rito. matutulungan tayo. aayos din ang lahat ng ito.

as pnoy, hindi ako magpapa interview sa international media. im too busy helping my fellowmen. ang ipapainterbyu ko na lang e yung spokesperson ko. pasasabi ko, tulungan nyo kami, world. kailangan namin ng inyong technology. wag na pagkain at damit dahil marami kami niyan. ang wala kami ay technology. meron ba kayong ospital na nasa loob ng barko, padaungin nyo rito. marami ba kayong helicopter at eroplano? papuntahin nyo rito, wag nang magbitbit ng kahit ano dahil ang kailangan itransport ay mga equipment, generator, communication gadgets. punta ang iba sa inyo sa maynila, para manundo ng mga doktor. konti doktor sa mga lugar na dinaanan ni yolanda. meron ba kayong mga satellite phone? dalhin nyo rito para tuloy tuloy ang komunikasyon namin dito papunta sa ibat ibang bahagi ng pilipinas at mundo. bigyan nyo kami ng mga bagay na wala kami. na tanging diyan lang matatagpuan at makakatulong naman sa amin.

7. noong isang araw, nasa up ako para magbayad ng tuition fee. sa vinzon's hall ako pumunta dahil nandoon ang student loan office at uutangin ko muna ang 85% ng aking tuition fee. pagdating ko doon, mula sa bukana ng building hanggang sa 2nd floor, hindi magkanda ugaga ang mga estudyante sa pagso-sort at pag-aasikaso ng relief goods. sa isang kuwarto sa 3rd floor, tambak-tambak din ang goods.

grabe, ganito karami ang puwedeng maitulong ng mga taga-NCR at Luzon. halos wala nang madaanan dahil pati ang sahig ay binabaha ng relief goods.

at isang volunteer center at relief goods center lang itong nasa up. napakaraming ganito sa iba't ibang sulok ng NCR/Luzon.

lahat ba ito ay papuntang visayas? kung oo, paano makakarating ang mga ito sa visayas? hindi ba mas mahal pa ang magagastos sa pag-transport ng goods papunta roon kahit na libre ang truck, driver at gasolina para sa mga ito? hindi ba mas matipid at praktikal kung ang ganitong uri ng goods ay magmumula sa mas malapit na mga lugar sa visayas?

bigla ang pagtulong ng mga taga NCR, kaya sobra-sobra, bumaha ng relief goods. palagay ko ay driven ito ng awa at driven din ng guilt. driven din siyempre ng pagnanasang makatulong sa mga taong nasa malayo.

walang mali rito pero palagay ko, kailangan ng mas matalinong pagtulong. mas malikhaing pagtulong.

yung ganitong pagdo-donate ng mga damit, pagkain at iba pa ay pang-ngayon lamang. natanggal ang guilt natin, kasi feeling natin, bilang mga pinoy, sa ganitong paraan lang tayo makakatulong. kung di man tayo makapagbigay, at least, nakapagtupi naman tayo ng mga damit para sa biktima, nakapag-sort ng mga sardinas at noodles, nakapag-pack-pack. keri na ba yun? feeling natin siyempre, at least, nakatulong na tayo. hello?

pero nakatulong nga ba talaga tayo?

tayong mga nasa ncr, tayong mas maraming opportunity at exposure, ano ba ang puwede nating magawa sa ganitong sitwasyon?

ipaubaya na natin ang pagbibigay ng relief goods sa mas malalapit na lugar sa visayas. dahil mas efficient iyon. di masyadong malaki ang gastos ng pagta transport ng goods patungo sa mga biktima.

so kung sila na ang bahala sa relief goods, ano ang puwede nating maitulong?

ganito kasi, matagal-tagal na rehabilitation ang mangyayari. diyan tayo dapat pumasok. matagalang pagtulong ang kailangan nating gawin.

mag-train kaya tayo ng mga paghahanda sa sakuna? magturo tayo ng swimming. for free. sa lahat ng uri ng tao. kung in the future ay kaya nating magpunta sa coastal areas, ituro natin ang halaga ng swimming skills at rescue skills. dapat meron ding leadership training sa mga kabataan. magdaos ng mga workshop doon. sa anumang sakuna, dapat may tumatayong leader lagi para hindi gapangan ng panic ang mga tao. ito ang dapat idevelop sa mga kabataan ngayon.

sana may mag imbento sa atin ng life vest na mura lang, matibay at madaling gawin. ipalaganap natin ito. dapat lahat ng barangay may ganito. i-stock lang nila. for emergency purposes.

sa national level, kulitin natin si pnoy na magpagawa ng isang estruktura sa bawat bayan kung saan maaaring lumikas ang mga tao para sa kahit anong uri ng sakuna. dapat hindi ito malapit sa bulkan, sa bundok, sa dagat, sa dam. dapat sturdy ito (di tulad ng mga basketball court /gym na ginagawang evacuation center sa ngayon). dapat me supply ng malinis na tubig ito. dapat maraming life vest na naka-stock.





hmm... yan pa lang ang mga naiisip ko. kung may suggestion ka pa (or comments), lagay lang po sa comment box.


















Saving EJ

Isa sa mga naging estudyante ko sa UST si Mariel Lizette Buan. Isa na siyang manunulat ngayon sa Businessworld.

Ininterbyu niya ako para sa isang artikulo niya tungkol sa pag-iipon at pagkakaroon ng bank account ng mga bata.

Heto ang panayam.


Information
Name of Parent: Beverly W. Siy
Age: 33 going 34 this december
Work: writer



Name of Child: Sean Elijah W. Siy
Age: 15
School and year: Ramon Magsaysay Cubao High School, 3rd year




Questions
What bank did you choose in opening the kiddie account?

Metrobank Sikatuna (Kamias cor. Anonas branch)

Why?

Una akong naging client nito. Tapos napansin kong meron din silang kiddie account kaya ipinagbukas ko na rin nito si EJ (my son). Doon ko inilalagay ang mga regalo sa kanyang pera.

Why did you open a kiddie account for your child?

Kasi baka magastos lang namin 'yong mga bigay sa kanyang pera. Naisip ko noon, kung hindi rin lang naman kailangang gastusin, mas mabuti na iyong ipunin na lang muna ang mga ito.

Is it hard to maintain it?

Hindi naman. Kasi pumupunta lang kami doon sa Metrobank (namin, meaning ako kasama ang anak kong si EJ) kapag magdedeposito si EJ. Siya ang pinagdedeposito ko para maging mas pamilyar siya sa mga transaksiyon sa bangko.

Do you withdraw the money frequently or just keep it and grow in the bank?

Hindi. Bihira kaming mag-withdraw sa account niya. Kasi may sarili din akong ipon. Pero I think dumating din 'yong time na sobrang nagipit ako (solo parent ako, 15 years na rin). Kaya nangutang ako kay EJ. I think naisoli ko naman ang perang iyon hahaha!

Explain why?

Noong una, i just kept it there. Kasi naniniwala ako na kumikita iyong pera niya doon. Pero lately, noong natuto akong mag-stocks, nalaman ko na mas mabilis tumaas ang inflation rate kaysa sa interest rate ng mga bangko. Kaya naisip ko na hindi na lang sa bangko i-maintain ang pera ni EJ. Nasa stocks ngayon ang pera niya.

Is your child already aware that he has a kiddie account in the bank?

Siyempre po. Nasa pangalan niya ang account. Picture niya ang nasa bank book, siya rin ang pumipirma sa mga transaction. Hindi ako pumupunta sa bangko (para makipag-transact sa account niya) nang hindi siya kasama. At kahit noong ilipat ko sa stocks ang pera niya, alam niya. Minsan nga, bigla niya akong tatanungin, Ma, kamusta na ba ang pera ko? hahahah! Baka nag-aalala siya na nagastos ko na pala!

Sa ngayon, meron din siyang sarili niyang bank account. Hindi na kiddie account siyempre. Pinag-open ko siya (siya mag-isa kasi i believe kaya na niya iyon at isang tumbling lang ang layo ng bangko sa bahay namin) kasi may mga nagreregalo pa rin sa kanya ng pera pag may special na occasion tulad ng birthday o graduation o Pasko.

Doon din niya inilalagay ang kita niya mula sa errands sa akin (pag may special errand siya mula sa akin for example, pag-aayos ng papeles o pag-claim ng kung ano-anong papeles tulad ng birth certificate ko), binibigyan ko siya ng konting bayad P50-P100). Kumikita rin siya sa ilang wushu activity niya sa gym (P160-P250). Sabi ko, 20% n'on ay ideposito niya sa kanyang account. The rest of the money, bahala na siya. Mahilig siyang bumili ng pagkain, gutumin kasi, e. Mahilig din siyang bumili ng sapatos pang-wushu. Dati, ako ang laging bumibili niyon. Ngayon, hindi na. Sabi ko, pag-ipunan na lang niya. Naniniwala kasi ako na mas magiging maingat siya sa mga gamit niya kapag siya mismo ang bumili sa mga ito. Harabas kasi ang paggamit niya kapag binibilhan ko lang siya. Ke masira, mawarat, wala siyang pakialam :( sad! Kasi hindi galing sa sarili niyang bulsa ang ipinambibili!

What is the importance of saving at a young age?

Siyempre iyong awareness niya sa halaga ng pera. May kusa siyang magdeposito ng pera niyang sobra. At saka matipid siya, hindi siya bumibili ng mamahaling gamit kung may counterpart namang mura ang mga gamit na ito.

Importante rin na marunong mag-ipon ang bata kasi naituturo nito 'yong pagiging emotionally mature at paggawa ng mas sound na decision sa paggastos. Naituturo nito sa bata na hindi porke gusto niya ngayon ang isang bagay, makukuha na rin niya ito ngayon. Kasi sa pag-iipon, ang talagang benefit niyan ay makukuha pagkatapos nang maraming taon, kapag kailangan niya na talagang gamitin iyong ipon niya para sa mas importante at makabuluhang bagay.

Kapag marunong mag-ipon ang bata, natututuhan din niya ang mag-budget ng sarili niyang pera o baon/allowance. Nadadagdag din ang alam niya sa Math, kasi naia-apply niya ang natututuhan niya sa loob ng classroom, addition, subtraction, multiplication, interest rate, etc.

Pag may ipon ang bata, nagkakaroon din ng alternative source of emergency money ang pamilya. Sa kaso ko, tulad ng nabanggit ko kanina, since mag-isa lang akong bumubuhay sa anak ko, noong ako na ang nawalan ng pera, salamat talaga at naipon namin (ako at ng anak ko) ang mga regalong pera sa anak ko, doon muna ako nanghiram. Kasi kung hindi, naku, mangungutang ako nang wala sa oras.

Dahil din sa savings na ginagawa sa bangko, natututo ang bata na maging pamilyar sa mga transaction sa bangko. Maaga pa lang, alam na niya kung ano ang itsura ng loob nito, makikita niya ang deposit slip (siya ang pinasusulat ko sa slips noong bata pa siya.) at iba pang slips. (Natutuhan ng anak ko nang maaga ang paglalagay ng tamang detalye sa mga slip-slip.) Makikita rin ng bata ang itsura ng bank teller (noong maliit pa si EJ, kapag turn na namin, siya ang pinapapunta ko at pinag-aabot ko ng slip, pera at bank book, minsan kinakausap pa siya ng teller hahaha cute kasi noong bata ahahaha). Makikita ng bata na may sistemang sinusunod sa bangko, for example: may pila pala para makapagdeposit, withdraw, etc, may oras ang pagbabangko, dapat pinaplano ang pagpunta doon at naglalaan ng sapat na oras para makapag-transact, may designated na tao na dapat lapitan para sa isang particular na serbisyo at hindi kung sino-sino lang na nandoon sa bangko ang nilalapitan (baka kung walang background sa ganitong sistema ang isang tao, baka maloko siya kahit nasa loob na siya ng bangko!)

Isa pang importance ng savings ay nai-instill din sa character ng bata at a young age ang concept ng paghahanda para sa future. Kasi iyon ang concept ng savings, may ginagawa ka ngayon (tipid-tipid, ipon-ipon) para sa future (ay may magagastos ka at mas marami kang magagawa sa pera).

Ang batang may savings ay mas angat kaysa doon sa wala kasi may mga konsepto siyang nakakasalamuha na hindi nakakasalamuha ng ibang kasing edad niya.

Maraming salamat sa panayam na ito, Mariel!

Friday, November 22, 2013

Wika ng Trahedya at Tagumpay

Kapikulpi
nina Beverly W. Siy at Ronald V. Verzo II

Kabi-kabila ang mga interbyu sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda. Sa harap ng camera, nananawagan sila, humihingi ng tulong, naghahanap ng nawawalang mahal sa buhay. Ang iba ay lungkot na lungkot, umiiyak, ang iba’y tuliro, nagugulumihanan kung ano ang uunahin, meron ding naiinip, merong galit na galit, meron ding natatakot. Halos lahat sila ay nagsasalita sa lokal na wika o di kaya ay sa wikang Filipino. Ang ibang footage at interbyu ay ipinalalabas sa ibang bansa dahil kilala rin sa buong daigdig ang napakalakas ng bagyong ito na may international na pangalan, Haiyan. Naririnig ng mga dayuhan ang mga wika sa Pilipinas, nauunawaan na lang ng manonood ang pinagsasasabi ng mga biktima sa pamamagitan ng translation na idina-dub at ipinapatong sa audio o di kaya ay sa subtitle, kung mayroon mang subtitle.

Naririnig ng dayuhan ang wika natin sa kasagsagan ng dusa at histerya.

Samantala, anong wika ang ginamit ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2013 na si Ariella Arida para sagutin ang tanong sa kanya? Imagine, nang moment na iyon, pagkatapos na pagkatapos ng huling salita sa tanong para kay Ariella Arida, tumahimik ang buong venue at ang buong mundo para makinig sa kanyang sasabihin. Bakit? Dahil naniniwala sila na ang anumang lalabas sa bibig ni Ariella ay mahalaga. Mahalagang–mahalaga kaya kailangang pagtuunan ng pansin. Kaya kailangang ibigay sa kanya ang buong atensiyon, ang buong puso, nang panahon na iyon. Sumagot si Ariella gamit ang wikang Ingles.

Nalulungkot ako sa ganitong pagkakataon.

Ingles ang ginamit ni Ariella. Bakit? Dahil ba mas madali siyang maiintindihan sa wikang Ingles? Bakit, kailangan bang maintindihan siya agad? Nagmamadali ba ang mga judge sa Miss Universe?

Para sa akin, ito ang isa sa mga rare moment na maririnig ng buong mundo ang wikang Filipino, e, bakit hindi ito samantalahin ng ating mga beauty queen?

Ang perfect-perfect ng panahon, binibigyan sila ng panahon na mag-isip, all eyes sa kanila, sila lang ang may hawak ng mikropono, walang kaguluhan, walang gera, walang patay sa mga bangketa, walang pagsabog ng bulkan, walang nagbababuyan na senador sa likod nila, walang bagyo sa bumbunan nila. Ang perfect-perfect. Ang perfect ng mismong pagkakataon.

So, bakit kailangang mag-Ingles?

Ikinahihiya ba nila ang tunog ng wikang Filipino? Kahit anong wika sa Pilipinas ang gamitin nila, kahit hindi sila maintindihan, pakikinggan sila ng judges, ng manonood, ng buong mundo. All ears! Dahil importante sila. Importante ang kanilang sasabihin. Na-establish na nila ang kahalagahan ng kanilang presensiya sa pageant kaya naroon sila, sa Top 5.
Bakit nag-i-Ingles pa rin sila? Ang sweet naman ng tunog ng wika natin, a?

Ganyan din ang problema kay Pacquiao.

Sa tuwing iniinterbyu siya pagkatapos ng kanyang matagumpay na laban, Ingles siya nang Ingles. Samantalang kahit ano pang wika ang lumabas sa bibig niya, pakikinggan siya ng interviewer, ng media, ng manonood, ng lahat ng panatiko ng boxing. Hindi lang siya pakikinggan, ire-record pa ang kanyang sasabihin. At ipe-play nang paulit-ulit sa ere, across the country, across the continent, across the whole wide world. Ganon kahalaga ang anumang mamutawi sa kanyang bibig. Bakit? Dahil siya si Manny Pacquiao. Dahil magaling siyang boksingero. Dahil world class ang kanyang da moves.

Ngayon, dahil pinipilit niyang mag-Ingles, pinagtatawanan siya ng mga tao kapag nagsalita na siya. Nakakalimutan nila na isa siyang boksingero. Nakakalimutan nila na ang husay-husay niya sa loob ng boxing ring. Nakakalimutan nila na marami na siyang napatumba gamit lamang ang kanyang talino at kamao. Ang naaalala nila ay ‘yong nakakatawa niyang pagbigkas sa mga banyagang salita. Ang “baluktot” niyang dila.

Sa kasagsagan ng paglutas sa kaguluhang dulot ni Yolanda, kagaguhan ang mag-isip tungkol sa wika at kultura. Alam ko. Pero ang akin lang, ang wikang Filipino, ang pagkatamis-tamis nating wika, ay hindi lang pangtrahedya, hindi lang ito daluyan ng pighati, hindi lang ito panlarawan sa ating pagkasindak at mga takot, hindi lang ito panghingi ng tulong at limos. Ang wikang Filipino ay wika rin ng ating mga pangarap.

'Wag nating kalimutan kailanman na ang wika natin ay wika rin ng tagumpay.

Kung may tanong, komento o mungkahi, mag-email lamang sa beverlysiy@gmail.com.

Tuesday, November 19, 2013

Marne Marino's Book Writing Workshop for Kids @Young St. John Integrated School

Inimbitahan ako ng aking kaibigang si Kristina Beltran para mag-talk sa eskuwelahan ng kanyang tita. Sabi niya sa akin, sa may Cainta lang daw ito, haha umoo naman ako. Ay, loka, iyon pala, dulo ng Cainta! Boundary ng Cainta at Angono. Dahil ang pangalan ng school ay… Young St. John Integrated School Angono. Susmaryosep. Buti na lang at maunawain ang pinaglilingkuran kong boss noon sa PNU Manila, si Mam Jen Jocson. Pinayagan niya akong huwag nang bumalik sa PNU that day.

So from PNU, nagdalawang LRT lang ako. Sinundo ako ng buong pamilya ni Kristina sa Santolan, LRT Station. (No exaggeration, ini. Andoon ang kuya ni Kristina, ang dalawa niyang kapatid na babae at dalawang pamangkin. Iyong isang ate ni Kristina, nakaabang sa eskuwelahan, doon na lang daw namin imi-meet, teacher kasi ito doon.) At bumiyahe na nga kami.

Binabasa ng pamangkin ni Kristina ang Marne Marino habang nasa biyahe kami. Yey!




Nagbihis nga pala ako sa loob ng sasakyan nila, haha. Extra challenge!

Pagdating namin sa school, nag-picture-picture muna kami kasama ang mga pamangkin at kapatid ni Kristina. At siyempre, ang mga batang teacher ng Young St. John.



Tapos nakipagkuwentuhan kami sa isang senior teacher ng school. Medyo matagal kaming nakapagkuwentuhan dahil hinintay namin ang pagbalik ng mga estudyante sa eskuwela. Dinismiss na kasi sila at babalik na lang para sa isang overnight activity (yes, overnight haha, parang pajama party).

Tapos after about an hour, dumating na ang mga bata. Nag-umpisa na ako sa aking writing workshop. Mga 15 ang participants, nasa 8 to mid-twentys ang edad nila. Kasama ang mga guro, kaya may matanda, haha. Sa isang classroom sa mataas na palapag, nag-talk ako tungkol sa paggawa ng libro. Nag-umpisa ako sa pagpapaisip ng bida para sa gagawin nilang kuwento. Tapos, inumpisahan na namin ang paggawa ng kanilang libro. Tig-iisang pangungusap lang ang pinagawa ko sa kanila. One sentence per page. At 4 pages lang ang libro nila.

Page 1-bida (main character)
Page 2- ano ang problema ng bida (conflict)
Page 3- ano ang gagawin ng bida (action)
Page 4- ending (resolution)

Sila na rin ang nag-drowing sa bawat pahina.

Madali lang, ano? Mabilis ba kaming natapos? Hindi, haha. Medyo natagalan sila sa pag-iisip at pagdo-drowing. Kaya ang ginawa ko, inumpisahan ko na ang session sa kabilang room.

Yes, me mga naghihintay sa kabilang room. Ang siste, andami pa palang participants! Mga kadarating lang. Mula preschool hanggang grade 6 students. Iyon nga, nasa kabilang room, nyay.

Dito ako tuluyang naloka. Dahil marami sila, mga 40-50 kids ‘ata. Tapos iba-iba ang kanilang skills at levels so may mabilis, may mabagal. Hindi ako nahirapan sa pag-e-explain. Nahirapan ako sa pagsasalita nang malakas dahil ang ingay ng mga bata, yarks.

Buti na lang at natapos nang maaga ang mga participant na teacher sa unang room. Kaya tinulungan nila ako sa kabilang room.

May page 5 at page 6 nga pala ang aklat. Pero kailangan kasi, matapos muna ang pages 1-4 bago ang page 5 at 6. Ito kasi ang pages na yayakap sa buong aklat (na gawa lang sa 4 pages, hehe).

Iyong page 5 ang magiging cover at susulatan nila ito ng pamagat at pangalan nila. Very colourful ang karamihan sa mga gawa nila, cheerful tones.

Iyong page 6 naman, nakalaan para sa activity na ipapagawa ng writer ng book sa reader tungkol sa ginawa niyang libro.

O di ba?

Nakaraos kami nang masaya!

Halos lahat ay nakagawa at nakatapos.

Ang pinaka-challenging na bata roon ay isang batang lalaki, around 10 years old. Sobrang kulit niya, ginugulo niya ang ibang bata, lapit siya nang lapit sa akin, tanong nang tanong, sigaw nang sigaw. My God, napagawa ko siya. Isa siya sa mga nakatapos, im so happy! At buo ang kuwento niya. tungkol ito sa isang wrestler na taga-ibang planeta, haha. interesanteng tauhan, ano?

Ang pinaka-naalala ko ay gawa ng isang 12 year old kid, Angelien ang title. Yes, ang bida ay isang angel na alien. mas interesanteng tauhan, hmm...

Sayang at di ako nakapagkuha ng photos ng gawa ng mga bata. Kasi naman, sobrang busy na talaga ako noon. Pagdating pa lang sa paggawa ng page 1, lahat ng bata, may tanong na, iba-iba at nagpapa-assist pa ang mga super batang participant. OMG. Isa ito talaga sa pinaka-di ko malilimutang writing workshop. Natesting ang pagiging patient ko at ang speed ko sa pagpapa-workshop.

Pagkatapos ng lahat, nagkaroon pa kami ng parang graduation ceremony. Doon kami sa top floor na isang malaki-laking area na may stage. During the "graduation," kinamayan ko ang bawat bata na naging participant, tapos iniabot ko sa kanila ang kanilang mga “book.”

Ang saya-saya ko. Sabi ko sa ate ni Kristina, si Karen, na teacher nga sa school na iyon, sana ay i-display iyong mga gawa ng bata sa library nila. Huwag nang ipauwi sa mga bata, haha. Para magiging part na ng library ang mga gawa nila. yey!

Thank you to the students and teachers of Young St. John Integrated School. Thank you, lalo na kay Kristina at sa buong Beltran family. Sobrang memorable ng school visit na ito. Unforgettable! -from Marne Marino.


Monday, November 18, 2013

test test

masarap din ang freelancer. marami kang makakasama sa trabaho. iba-iba ang nakikilala mo. at minsan, nare-reunite ka pa with old friends.

ngayong nobyembre, sa pamamagitan ni Sir Joel Costa Malabanan, ako ay nakuhang translator ng ilang test questions at evaluator ng essays sa research center ng PNU. masaya ang atmosphere doon. parang lahat ng tao ay close sa isa't isa. ako nga lang yata ang outsider. natutuwa rin ako sa mga student assistant ng boss ko doon na si mam jen. ang sisipag nila at magaan katrabaho. ganon din kaya ako noong SA pa ako sa aking mga guro? hahaha baka hindi. lagi kayang kunsumido sa akin si sir rio!

anyway, ilang araw din akong nagpabalik-balik sa pnu. ang unang task ko ay magsalin ng test questions mula sa ingles patungo sa filipino. ang test nga pala na ito ay pasasagutan sa mga elementary at high school teachers ng public. bale, ia-assess ang kakayahan nila. test ito sa math, science at english. pero sabi raw ng funder, australian something, kailangan ding mag-conduct ng test sa filipino. kaya pinasalin ang mga test items sa english subject into filipino. pinasalin din ang selections.

isang selection ang di ko malilimutan dahil ang challenging niyang isalin. at iyon ay isang maikling maikling kuwento tungkol sa taxi driver sa singapore. bale ang tauhan ay isang taxi driver at nagsasalita siya sa broken singlish. singaporean english. pakshet pano ko isasalin iyon? e di magmumukhang mr. shooli na wikang filipino ang salin ko? anyway, isinalin ko pa rin ito. bale parang trying hard na lalaking nag-iingles ang kinalabasan. kasi kailangan kong ipakita na pautal-utal ang ingles niya dahil ang tauhan sa kuwento ay hindi mataas ang natapos. dinagdagan ko rin ng panaka-nakang la, la, sa dulo ng ilang pangungusap ang mga pahayag ng tauhan para maalala ng mambabasa na singapore ang setting at hindi trying hard na ingliserong taxi driver sa pinas ang nagsasalita sa akda.

hay. anyway, nakaraos naman ako. meron na naman akong natutuhan sa pagsasalin.

ang ikalawang phase ng project na ito ay nakakaaliw. kasi may writing exercises ang test so pagkatapos mapasagutan sa mga guro sa NCR, kailangan na itong checkan. bumalik ako sa pnu para check-an at i-evaluate ang kanilang mga sagot. may mangilan-ngilang mahusay. nakasunod nang mahusay sa panuto, tama ang grammar, maayos ang diwa ng sinasabi, maganda ang anyo, naipahatid ang gustong sabihin. siyempre nakakatuwa iyon. pero sa kasawiampalad, mas marami ang palpak. tipong di nakasunod sa direksiyon, mali siguro ang pagkakaunawa sa tanong, merong paulit-ulit ang mga salita, at ang diwa, merong naliligaw at walang focus ang sinasabi, mali-mali ang grammar, spelling at bantas at meron ding mali-mali ang facts.

nakakalungkot nang bonggabelles. kasi guro na sa filipino ang mga iyon. so kung ganyan sila, ano at paano nila itinuturo ang subject na filipino?

kailangan pang paigtingin ang pagtuturo ng filipino. iyan ang verdict ko. sariling wika na nga e nangangamote pa tayo? anuber. walang excuse diyan, a.

teka, heto naman ang pictures ng aking freelance work na ito:

ito si papa bon, co faculty ko dati sa uste at kasama ko sa grupo naming loving friends. ang anak niyang si nika ay isa sa flower girls namin ni poy. sa pup na nagtuturo ngayon si papa bon. friends sila ni mam jen.



ito naman si mam jen. siya ang head ng buong team, sa pnu siya nagtuturo. masayahin si mam jen, parang walang problemang nae-engkuwentro!



ang masayahin ding mga student assistant!



ito naman ay isa sa mga subject expert sa english, sayang at nakaligtaan ko ang pangalan!



ito ang isang bahagi ng work station namin. nasa kaliwa ako ng nakaputing lalaki na nakatalikod sa camera.



ang test na ito ay imo-modify pa pagkatapos ng aming evaluation. kasi kailangang i-tailor fit sa mga pangangailangan ng public elem at h.s. teachers sa buong pilipinas. luzvimin kasi ang testing! nationwide.

kaya good luck talaga sa results. at sa mga guro.

kahit ba ako yung nasa testing side, kabado rin ako. aba, ang tetestingin ay ang mga tagapaghubog ng kabataang filipino.

Sunday, November 10, 2013

kumpilan times

muntik nang maging disaster ang kumpil ko!

si mam cora kasi ang itinala kong ninang. siyempre pa, ipinaalam ko ito sa kanya bago ko ilagay ang pangalan niya sa form ng Quiapo Church.

noong lunes, nagpasa na nga ako ng form para sa kumpil ngayong linggo. di ako nagkulang ng pagpapaalala sa kanya.

so come the night before kumpil day, nagtext ang lola cora.

d ako mkakapunta. si karen ang proxy ko. inoperahan mama ko sa ulo. d2 me la union.

shaks. papasa bang 40 something si karen? 40 something na kasi si mam cora. (at iyon talaga ang naisip ko, hindi ang mama niyang namimighati sa sakit.!)

saka mas bata pa sa akin si karen at talagang mas mukha siyang batang tabaching ching kesa sa akin. pano kung sitahin siya o kami o kaya interbyuhin siya bago ang kumpil? baka tanggihan ako ng pari!


pari to me: sinungaling, ereheng intsik!

huhuhu baka di pa ako makasal sa lagay na yan.

anyway, tinext ko na rin si karen noong matanggap ko ang text ni mam cora. sabi ko, kw dw proxy mam cora, kumpil ko. c u tom, 730 am quiapo church.

walang reply.

pero di naman talaga masipag mag-reply yun, globe kasi siya at smart ako. in short, medyo kuripot talaga itong kaibigan kong ito. soooo di naman ako naalarma na di nga siya nag-reply.

e di umaga na. tinext ko siya ng mga 6am. sabi ko, karen, sana gising ka na ha? c u 730 am quiapo church.

wala pa ring reply.

inulit ko ang pagte-text nung 7 am. at nung 730 am, sabi ko, san ka na?

nasa quiapo na kami nito, sa may venue, 6F ng pope benedict hall, quiapo church. di ako makapasok dahil wala akong sponsor. si iding at si poy, nasa loob na ng venue. hinintay ko si karen sa ground floor ng building na nasa gilid ng quiapo church. sabi ko baka na-late lang to. mana sa akin yun, laging late.

bumaba sina poy at iding dahil hinihingi raw sa kanila ang resibo nila (medyo mahigpit ang mga tao dun, kelangan talaga me mga dokumento kang ipapakita). biglang tumawag si karen sa cellphone ni poy (na globe)

pare di ko alam yang kumpil mo. di naman nilinaw sa akin ni mam cora na ngayon yan e. kakagising ko lang pare. (mga 8am na to)

di ako masyadong nakapagsalita sa inis. naiinis ako sa kanilang dalawa!

sabi kasi ni mam cora, sasabihan daw niya ako kapag talagang di siya makakatuloy sa yo. e wala na akong nakuhang text mula sa kanya since thursday. kaya akala ko, siya na ang pupunta sayo.

ok ok kako. sabay pindot ko ng end call.

ayoko nang ma-stress. balewala rin. start na ang seminar, e!

at me naglalarong ideya sa isip ko nung papunta pa lang kami ng quiapo nang umagang iyon. sabi ko, pag wala talaga kina mam cora at karen ang sumipot, makikiusap na lang ako sa kahit sinong ninong o ninang ng ibang kukumpilan doon para siyang mag-sponsor sa akin. hindi naman siguro sila tatanggi. proxy lang naman sila. me isa pa akong ideya, pag di pa rin puwede iyon, maghahanap ako ng tindera ng sampagita sa baba at hahatakin ko paakyat para siyang mag-sponsor sa akin. bilhin ko na lang ang lahat ng paninda niya at isama siya sa tanghalian namin pagkatapos ng kumpilan. worst case scenario.

(dapat talaga me worst case scenario ka kasi kung wala, uusok ang anit mo sa inis.)

so umakyat na kaming lahat. sabi na lang namin sa isang babaeng nag-a-assist sa lahat ng kukumpilan, si poy na lang ang ninong ko. kinuha niya ang confirmation slip ko at pinalitan niya ang pangalan ni mam cora. ang inilagay doon ay ang pangalan ni poy.

e merong flyer ang quiapo church na ibinigay sa akin bago ang araw ng aking kumpil. sabi doon, bawal maging sponsor ang iyong pakakasalan, magulang, biyenan, hipag at iba pa.

naka-settle na kaming tatlo sa loob ng venue pero di pa rin ako mapakali. nag-umpisa nang magsalita ang isa pang babaeng taga-simbahan, parang ito na ata ang seminar, sa isip-isip ko.

kinabahan na ako. pano pagkuha ko ng confirmation certificate? a-appear dun ang pangalan ni poy. pano pag isusumite ko na ito sa san agustin church? makikita nila na ang sponsor ko pala ay ang taong pakakasalan ko! naku baka ipaulit pa sa akin ang kumpil na ito. baka ma-delay pa ang kasal dahil lang dito!

so tinawag ko ang nag-a-assist sa mga kukumpilan at ipinaliwanag ko sa kanya kung sino ang sponsor ko.

hala, hindi puwede iyon, sabi niya. nasaan ba ang sponsor mo? tanong niya.

sabi ko, nagka-emergency po, nasa La Union!

o, sige. ako na lang ang mag-ii-sponsor sa 'yo.

wah. puwede pala iyon? my gad, nagka-christmas lights ang buo kong mukha! opo, opo! mabilis kaming bumalik sa registration table (e baka magbago pa ang isip niya hahaha) agad kong binura ang pangalan ni poy. kinuha ng babae ang papel mula sa akin. tapos sa ibabaw ng buradong pangalan nina poy at mam cora, isinulat niya ang sariling pangalan.

normita cortez.

iyan, my friends, ang pangalan ng bago kong ninang. ninang na, angel pa.










Tuesday, November 5, 2013

wanted!

nakita ko na ang marriage banns namin sa simbahan na "tunay" kong kinabibilangan. hahaha me quotation marks talaga. kasi hindi naman ako nagsisimba sa simbahang ito. mas malapit kasi sa amin ang parish of the lord of divine mercy (pldm). nasa may kanto lang ng sikatuna at savemore. kaya lang, noong nagpapa-post ako ng marriage banns sa pldm, shinoo ako ng parish secretary. sa holy family daw ako. dahil di daw ako parishioner doon sa pldm. e de gulat na gulat aketch.

ako: te, dito kami nagsisimba.
ate: kahit na.
ako: ba't ako do'n magpapa-marriage banns, e di naman ako kilala do'n?
ate: kahit pa.

bago pa ako tubuan ng kulani sa leeg sa inis dahil sa tatlong pantig niyang mga sagot, umalis na ako at naglakad at sumakay ng dyip. see? mas malayo nga, e. sasakay pa ng dyip! kaya di kami nagsisimba sa simbahan na tinutukoy ni ate.

anyway, pagdating ko doon, sa holy family, mabilis akong inasikaso ng parish secretary nila. wala kasing ibang tao. well, pamilyar naman ako sa simbahang iyon. nakapag-bisita iglesia kami doon two years ago at doon din binurol si nanay pilar early this year. after a few seconds, as in a few seconds lang, (kinuha lang kasi ang papel ko) sabi ni ate, balik ka sa nov. 4. puwede mo nang ma-claim ito. me bayad yan, ha? P300.

ako: ha?
ate: oo.
ako: okey.

nakakagulat. magpapa-post ka lang ng mga retrato sa bulletin board ng simbahan, tumataginting na P300 na? tinext ko si madam rio na ikakasal na sa nov. 14.

ako: nag-marriage banns na kayo?
rio: oo tapos na
ako: nagbayad kayo?
rio: oo, P300

boom.

me bayad nga. kalokohan naman ng simbahang katolika! ire-require ang couple na magpa-marriage banns tapos me bayad pala yon? malinaw na pangingikil itey, na ikinukubli sa sakramento ng kasal. no wonder, walang simbahang nalulugi. nakatanim sa estruktura ang pangongolekta sa mananampalataya.

amen.

pagsapit ng nov. 4, bumalik ako sa holy family. nandoon pa si ate kaso, sarado na ang simbahan pagdating ko. e nandoon pala mismo, sa loob ng simbahan ang marriage banns at gusto ko pa naman itong piktyuran. so nagpaalam na ako na babalik na lang kinabukasan. dala ko ang camera ni boss alvin.

kinaumagahan, heto ang aking mga nakuhaan.

holy family church sa kamias, qc



chinika ako ni ate, san daw ako magpapakasal?

ako: san agustin po.
ate: mahal dun di ba?
ako: opo. nagkasubuan na lang po kami doon, e
ate: sana dito ka na lang
ako: onga

sabi ni ate, 15k daw ang magpakasal sa kanila. all in na yon. flowers, pari, choir (lahat ng kanta na gusto nyo kakantahin ng choir nila!), kuryente, precana seminar at iba pa.

marikit naman ang simbahan na ito, at maraming mapagpaparkingan sa labas. at dahil konti lang ang nagpapakasal dito, tiyak na hindi ka mamadaliin. (di tulad sa san agustin, 5k ang additional mong bayad pag lumampas ka sa takda mong end time!)

eto ang loob ng holy family



kung gusto mong magprecana seminar dito, P150 lang ang bayad. pero maghihintay ka ng mga kasabay na couple dahil bihira ang may nagpe-precana doon.

naglakad pa kami papasok sa loob ng simbahan. nasa may bandang main entrance pala ang bulletin board.

eto na yay



tada! wanted: dead or alive! ahahaha



dati pag napapadaan ako ng simbahan, humihinto ako para magbasa ng marriage banns. tinitingnan ko ang mga mukhang nandoon at madalas, batay sa verdict ko, di bagay ang mga husband and wife to be. tinitingnan ko rin ang mga address nila at iniisip ko kung paano silang naghahatiran pauwi. malamang me kotse si guy. pero pano kung mukhang mas mayaman si girl? ayan, o. maganda ang kutis at me brace sa ngipin! mukhang siya ang de kotse, hindi yung guy. o kung paano kayang na-develop ang kanilang love story. ini-imagine ko rin kung ano ang itsura ng mga magulang at kapatid nila. me resident graphic artist sa likod ng mga mata ko hahaha pati ang itsura ng magiging anak nila, naiisip ko.

swangit lahat.

hahaha ansama ba?

ngayong marriage banns naman namin ang naka-display, me nagtatawa rin kaya sa harap nito? meron kayang nagagandahan sa akin? siyempre, meron waha! meron kayang napapangitan kay poy? siyempre andami waha meron kayang nai-inspire sa amin? aba, modern version kami ng beauty and the beast! or puwede ring realistic at matandang version ng lilo and stitch! pang-disney talaga. teka, meron kayang susulat tungkol sa aming home address? tungkol sa pag-iibigan ng isang manila boy at isang qc girl? e, meron kayang hahadlang, pipigil sa paparating na pag-iisang dibdib namin? sana naman kung meron, gawin niya 'yon sa mismong araw ng aming kasal. para naman mas kaabang-abang.

nung makita ko ang marriage banns namin ni poy, parang ayoko pa itong i-claim. aba, kung magiging source naman iyan ng inspirasyon para sa pagkukuwento ng mabababaw na tao tulad ko, hala go lang, sige. i-display umaga, hapon, magdamag, 24/7. diyan na muna sa simbahan 'yang marriage banns na 'yan. di naman kami nagmamadali.

stay put. hanggang sa makaipon ako ng P300.





Ang copyright ng mga larawan ay kay bebang siy.







Thursday, October 31, 2013

PEN event for free on Dec. 3-4, 2013 @ DLSU Manila, for Literature Lovers!

Warm greetings!

Please be informed that the Philippine PEN 2013 Conference will be on December 3-4 (Tuesday-Wednesday) at the Marilen Gaerlan Conservatory-North Wing, De La Salle University, Manila.

The theme is “Literature of Concord and Solidarity: The Writer as Peacemaker.” Our chairman and National Artist Bienvenido Lumbera will deliver the Andres Bonifacio Lecture on the first day. Jaime An Lim, editor of PEN Anthology on Mindanao peace, will be the keynote speaker. We will send you the complete program details as soon as we can.

PEN will be launching two books at the Congress: PENS AS SWORDS: The José Rizal Lectures (editor: Jose Victor Torres; publisher: Solidaridad) and Peace Mindanao (editor: Jaime An Lim; publisher: UST Publishing). If the Teaching Philippine Literature Manual (editor: Ronald Baytan; publisher: Anvil) can also be released by then, we shall have a harvest of three books. Our appreciation to all the contributors and the hardworkers behind these projects.

The publication of Peace Mindanao anthology and the Teaching Manual is made possible through the generous grant given by PEN International and the Swedish International Development Cooperation Agency (SIDA). These two projects (including the Teaching Philippine Literature Workshop in Cagayan de Oro last August 12) fall under the PEN International Beacon Centre Programme.

The conference is open to all PEN members. Please invite friends, literature lovers, and writers interested in joining PEN to attend the confab. Admission is free.

We will keep you posted. May God’s grace be with you.

Sincerely,
Lito B. Zulueta

Joselito B. Zulueta
National Secretary
Philippine Center of International PEN
c/o Solidaridad Bookstore
531 Padre Faura St., Ermita, Manila, Philippines
Tel. (632) 2541086; Telefax (632) 2541068
Email: philippinepen@yahoo.com
Website: http://www.philippinepen.ph

Wednesday, October 30, 2013

Free storytelling workshop for teachers

ay naku, andaming proyektong galing sa gobyerno. kelangan lang samantalahin natin ang mga ito.

go go go!

http://balaysugidanun.com/2013/10/30/free-storytelling-workshop-for-teachers-dlsu/

Official Press Release via Facebook

The De La Salle University Department of Literature, in cooperation with NBDB, will be conducting "Teaching in the City," a STORYTELLING WORKSHOP FOR TEACHERS (Pre-elementary, Elementary, Highschool/College levels) FOR FREE on NOVEMBER 12, 2013, from 10 AM to 6 PM, at De La Salle University-Manila. The workshop will include free lunch and workshop kits, and certificates will be given to participating teachers at the end of the program.

The workshop aims to enhance teachers’ skills in storytelling and oral reading, and thus help to make them better ambassadors of reading in the classroom as well as in their own homes and communities.

The workshop highlight is a plenary session with international storyteller Kamini Ramachandran, who will demonstrate, and engage participants in, the art of storytelling. There will also be an inspirational talk by multi-awarded writer, critic, and teacher Dr. Isagani R. Cruz, followed by parallel demo-talks on engaging the text in classroom teaching.

Interested parties may send the following information to espiritu_johann@yahoo.com for registration:

FULL NAME
SCHOOL/EMPLOYER
GRADE/LEVEL/YEAR TAUGHT

Only the first 150 registrants will be included in the program.

email na!

Monday, October 28, 2013

isa pang surprise birthday party

nakaka dalawang surprise birthday party na ako this year! isa pa at talagang magiging expert na ako rito hahaha

kahapon ay ipinagdiwang ng verzo family ang ika-70 kaarawan ng kanilang reyna, si tita nerie verzo. at dahil talagang kinarir ng buong pamilya ang pagiging sikreto ng event, gulat na gulat talaga si tita nerie kahapon.

ang peg kasi ay dadalo siya bilang karaniwang bisita sa isang wedding reception. so nakapustura siya at me bitbit na wedding gift. kasama niyang pupunta sa venue ay si rianne, ate ni poy. medyo kabado ang lahat noong umaga ng birthday celebration, kung ano-anong kasinungalingan ang naimbento.

nag-hire si rianne ng driver na maghahatid sa kanila sa venue, one cafe and events place, one corporate plaza, ortigas, pasig. sabi ng mama niya, para ortigas lang bakit magha hire pa? mag-taxi na lang tayo. ani ni rianne, e para mas pormal, mas okey kung may sasakyan. di sumagot si tita nerie. lusot!

ang usapan ay 10:30 a.m. pa sila susunduin sa sta. mesa. pero 8:00 a.m. pa lang, nandoon na ito ang driver sa kanilang bahay. Kasi susunduin ang unang batch ng family members na pupunta sa venue ng birthday celebration. so nagulat si tita nerie. anong ginagawa mo rito? tanong niya kay kuya edmond, ang driver. pero ang sumagot ay si ging, ang panganay nila.

"ma, magpapahatid kami sa driver, pupunta kami ni jo sa isang event sa immaculate school (ang dating elementary school ng buong magkakapatid). medyo marami kasing dadalhin, ma, kaya magpapahatid na lang kami sa driver, kaysa mag-taxi."

binuhat na nila ang isang cooler na puno ng canned drinks. ang alibi ng magkakapatid dito ay may event nga si jo, isa pa sa magkakapatid. sa immaculate nga ang event at ang batch nila ang sponsor ng food and drinks. walang imik si tita nerie, lusot!

so patong-patong talaga ang kasinungalingan nang araw na ito. pagkaalis nina ging at jo sa sta. mesa, dumiretso sila sa bahay namin, dito sa kamias. susunduin kami dahil marami-raming props ang kailangan naming dalhin sa venue.

cake mula sa cake2go (highly recommended, ang sarap! may shop sila sa timog)
props para sa cake
-isang teapot na hugis office cubicle
-picture ni tita nerie na naka-frame (galing ito sa pinagtanggalan ng kotse ng laruang tamiya)

props sa gift table
-picture frame na 8 x12 nandoon ang photos ni tita nerie
-twigs at ilang cute na sipit (binili ko sa isang tindahan para sa mga estudyante sa may pasay, dati ko pa ito binili, di ko akalaing dito ko pala ito gagamitin)
-dagdag na photos ni tita nerie
-maliit na placemat na maganda ang design
-baso na lalagyan ng twigs

props para sa improvised photo booth
-birthday banderitas
-tatlong wig, isang head dress na orange gagamba, mga sunglass na iba-iba ang hugis at kulay, martilyong plastik at water gun (walang tubig, hindi lalagyan ng tubig, props lang talaga, pam-picture-picture)

laptop para sa video presentation

dala-dala ko rin sina iding at ej hahaha

so pagkasundo sa amin, dumiretso na kami sa ortigas. kabado ang lahat dahil mamya, baka may makasalubong sina rianne at tita sa baba, late na bisita, kasabay nilang umaakyat sa building hahaha wala na ang surprise!!!

pagdating namin sa one cafe and events place, naka-set up na ang venue. ang ganda! pink na pink ang mga mesa, putimputi ang mga upuan. at ang aliwalas. napakaraming ilaw. ang stage ay naka-set up na. me upuang itim na nasasapinan ng veil na puti. tapos me isang table sa gilid ng upuan. me lcd projector din at screen. malamig na rin ang lugar, tamang-tama ang bukas ng aircon.



nag-start na kaming mag-asikaso ng mga gamit, isa-isa na ring dumating ang mga bisita. pinley na ang video presentation ni poy (mga pics at lumang ID ni tita nerie). chineck namin ang audio, ok din! pinatugtog ni poy ang mga kanta mula sa dekada 50 at 60.

inilabas ko na ang cake, ipinatong ko sa table na katabi ng upuan sa stage. dinisenyuhan ko na ang cake. feeling ko expert na ako rito hahaha kasi naman ang mahal mahal ng mga customized na cake kaya baby pa lang si ej,mega-imbento na ako ng magagandang cake for him. so ayun, pati sa future mother in law ko, ginawa ko na rin.

design ng red velvet cake na binili namin:

yung picture ni tita, itinabi ko sa teapot na hugis office cubicle (may computer, paper, pencil, etc.nabili ko ito sa isang shop sa sikatuna. P35.00 lang ata)

nilagyan ko ng dalawang toothpick ang likod ng teapot dahil baka bumaliktad ito at mabasag.

tapos nilagyan ko ng N-E-R-I-E na plastic letters ang paligid ng cake. Hindi sa ibabaw ng cake, dahil sa ibabaw nito nakasulat ang FAB @ 70.

ang plastic letters ay nabili ko sa divisoria (P15.00 lang. hindi siya talaga pandecorate ng cake. toys ito ng baby. siyempre, hinugasan ko muna ang letters bago ko idikit sa paligid ng cake. ang siste, ang isang buong pakete nito ay ang alphabet, from a-z, at walang double letters. kaya isa lang ang E. at kulay yellow pa, malulunod ang kulay nito sa kulay ng cake. kaya hindi ko ginamit ang talagang letter E. ang ginawa ko, ang letters L at F ay pinagdikit ko. ayun mukha nang letter E. para naman sa ikalawang letter E sa pangalan na NERIE, kinuha ko ang B at tinapyas ko ang kabundatan ng mga ito. voila! letter E na siya.)

tapos humingi ako ng lalagyan ng cake sa waiter. buti na lang at may elegante silang cake tray. tapos humingi ako ng magandang patungan. nakakita ako ng tatlong blocks ng salamin sa may counter na malapit sa kitchen area. (yung blocks ay yung parang sa CR, yung transparent na block), ipinalipat ko ang mga iyon sa waiter papunta sa table ng cake para doon ko ipapatong ang cake tray at ang cake. tapos humingi ako ng puting tela para hindi dumulas ang cake tray sa tatlong blocks. yun nga ang ibinigay ng waiter. maya-maya pa, nakita ko, pinalibutan na nila ng pink na veil ang cake. lalo tuloy itong gumanda.

saan ngayon ilalagay ang 7 at 0 na kandila?

hindi puwede sa cake dahil wala nang espasyo!

tiningnan ko kung ano-anong mga pagkain ang puwedeng pagtusukan ng kandila. pasta, isda, buttered veggies, manok, wala ata. tiningnan ko kung anong desert. pinya at pakwan.

pakwan ng ina!

kumuha ako ng platito at ilang piraso ng pakwan, doon ko ibinaon ang 7 at 0 na kandila, ipinatong ko ito sa ibaba ng cake. ayan. ready na.



sina ej at iding, inaral na ang party poppers na papuputukin nila. pinaasikaso ko na rin ang paraphernalia ng improvised photobooth namin. (binili ko yun sa divi noong suprise party for poy so wala na kaming nagastos doon.) inilabas ko rin ang mga papel at chalk na dala ko. in-approach ako ni anne, ang asawa ng isang pinsan ni poy. ano raw ang maitutulong nila? sabi ko, puwede kayang gawa sila ng witty na mga isusulat sa papel para puwedeng gamitin sa pagpapa-picture ng mga bisita? oo raw. ayun na.

ilan sa mga isinulat nila:

miss stressed
pogi ako
walang kokontra
miss world 2013
sinungaling
ambisyosa
at iba pa

aba, parang professional photobooth ang gimik namin, ha?

ang magkakapatid na poy, rianne, jo at ging ay nag-asikaso na ng mga bisita. though, mas ang kinakausap nila ay yung mga kamag-anak lang nila hahaha hindi kasi talaga sila sanay na nakikipag-usap sa iba.

pagkatapos, chineck nila kung lahat ba ng bisita ay nakarating na at nasa loob na ng venue. saka pa lang kasi papabiyahehin sina rianne at tita nerie mula sa kanilang bahay sa sta. mesa. kulang pa ng isa, si may, ang pinsan nila. pero nasa megamall na raw ito. so pinalarga na sina tita nerie at pinapunta na nga sa doon sa venue.

nakipag-usap ako kina ging at poy tungkol sa program.

pagpasok ni tita nerie
prayer by ging
dance number by makati security group
kain by all
messages
game 1
messages
game 2
messages
message from tita nerie
message from verzo kids
uwian na (til 2pm lang kasi ang venue. me bayad na ang extension.)

medyo nawirdohan ako sa prayer tapos dance number. hahaha parang wala pa akong nadaluhang event na nagkasunod iyon kahit pa dance contest ang event. anyway, yung games ay:

1. hihigop ng inumin mula sa magkataling straw. ngek. ambago naman ng game na ito. di ko type 2. Q and A about tita nerie, me dalang 4 na whiteboard at marker si ging.
3. hihipan ang puting pingpong balls mula sa plato. kelangan ang maiwan ay yung orange na pingpong ball. marami-raming kahon ng pingpong balls ang dala ni ging para lang dito.

sabi ko babaguhin ko na lang yung straw-straw at yung pingpong. ni-retain namin iyong Q and A dahil dapat talaga, may kinalaman sa celebrant ang games. set! then nagplano na kami, ano ang gagawin para ma-surprise si tita nerie pagdating na pagdating niya.

unang plano:

pupunta sa kabilang function room ang lahat ng bisita. pagpasok ni tita nerie sa venue, lilitaw ang lahat, isa-isa, para bumati sa kanya.

kaso parang napakabagal na surprise niyon, sabi ko. kasi maliit ang pinto ng kabilang function room. parang paisa-isa ang paglitaw ng mga bisita hahaha ibig sabihin, hindi magugulat si tita nang isang gulatan, marami at paulit-ulit na maliit na gulatan. pangit ang surprise kapag masyado itong mabagal hahaha

ikalawang plano(na in-execute ni weng, taga one cafe and events place):

maglagay ng kurtinang brown at black sa labas ng venue. para paglabas ni tita nerie mula sa elevator, hindi niya agad makikita ang mga bisita at ang loob ng venue na me tarp na nasusulatan ng NERIE Fabulous @ 70. hahawiin muna ng mga waiter ang kurtina at saka pa lang niya makikita ang lahat.

ok pero teka e bat di na lang mula sa elevator ang surprise?

so pinatanggal namin ang kurtina.

ikatlong plano (na siyang ginawa namin), papalabasin ang lahat ng bisita sa venue. magla-line up sila mula sa elevator (na mga isang dipa lang naman ang layo sa venue) hanggang sa may pinto ng venue. paglabas ni tita nerie sa elevator, papuputukin nina ej at iding ang party poppers tapos kakanta ang lahat ng happy birthday hanggang makapasok si tita nerie sa loob ng venue.

sabi ng mga waiter, bawal daw ang party popper sa labas ng venue kasi common area iyon ng building. so sabi ko, sa may pinto na lang ng venue, pagpasok na pagpasok ni tita, saka papuputukin ang mga ito.

after mga 15 mins, pinalabas na namin ang mga bisita. may dalang bouquet si russell at jaeross. ipinahawak namin ang bouquet kay tito daddy (ang kapatid ni tita nerie na naka-wheelchair) at pinapuwesto namin si tito daddy sa may pinakatapat ng pintuan. siya ang magwe-welcome kay tita nerie, complete with a floral bouquet, wee!

excited na ang lahat.

biglang bumukas ang elevator. hiyawan!

hindi pala si tita nerie hahaha

kuwento-kuwento uli ang mga tao. all set na talaga.

ting! bumukas uli ang elevator. siya na nga!

happy birthday to you, kanta ng mga bisita. happy birthday to you. happy birthday, happy birthday... happy birthday to you!

si tita nerie, kalmadong kalmado. parang di nagulat hahaha marami ang sumalubong sa kanya at yumakap at humalik so medyo natagalan bago siya nakapasok sa loob ng venue.

pop, ani ng dalawang party popper boys namin. as in isang pop lang, sabay na sabay.

tapos nakita na ni tita nerie si tito daddy. habang naluluha si tito daddy, binuhat na ni tita nerie ang mga bulaklak mula sa mga kamay ni tito. hinalikan niya sa pisngi si tito daddy at nagpa-picture ang magkapatid. ang saya-saya ng lahat habang pumapasok sa venue. tagumpay ang aming surprise strategy!

nang makapasok na ang lahat, pinahipan na namin ang kandila kay tita nerie. at pinag-wish namin siya over the microphone. e, excited... aba, hindi lang wish ang ginawa, nagsabi pa ng kanyang reaksiyon sa mga nangyayari hahaha sabi niya, di raw niya alam ang sasabihin niya at talagang nasurpresa talaga siya that day. maya-maya pa ay nag-ingles-ingles na si tita nerie hahaha!

pinagdasal na si ging para pormal nang simulan ang celebration. tapos pinaupo ko na ang lahat. yep, ako ang emcee. tinawag ko ang makati security group na binubuo ng tatlong babaeng naka long sleeves polo shirt na pang opis, at maong. o di ba, napakadisenteng mga sexbomb dancer hahaha ang ganda ganda ng sayaw nila as in. giling-giling na... pero sobrang matino! ibang klase.

after that ay kumain na muna ang lahat. almost 11am na yata nang time na iyon. so pantanghalian na ang kurug-kurug ng sikmura.

si tita nerie, hindi agad kumain, kasi iyon ang time na lumapit siya sa mga bisita at nakipag-chikahan sa mga ito. nag-distribute na ako ng mga papel at chalk, whiteboard at marker sa bawat table para sa Q and A game. after 20 minutes,habang kumakain ang lahat, tinawag ko na ang ilang magbibigay ng message para sa celebrant.

eto ang mga natatandaan ko:

rocky-anak ni tito daddy/pamangkin ni tita nerie/pinsan nina poy

sabi niya, napakapraktikal ng mga payo ni tita nerie sa kanya, halimbawa, pag nagwo-work na, maiging me credit card para sa mga emergency situation. at napatunayan naman daw iyon ni rocky. pero sabi rin ni rocky, medyo lang nasobrahan lang daw siya ng gamit sa credit card nang una siyang magkaroon nito hahaha!

sabi rin niya, ine-encourage daw siya ni tita nerie na kumain kahit paminsan-minsan sa mamahaling mga restawran dahil may mga nagtatrabaho rin sa mga iyan. kung kakaunti lang ang kakain diyan, baka magsara ang restawran at mawawalan ng trabaho ang mga empleyado nito.

adora-opismeyt ni tita nerie for more than twenty years

naiyak ako sa kuwento ni mam adora. sabi niya, ambait bait daw ni tita nerie sa kanya kahit noong napakahirap pa niyang tao at simpleng empleyado pa lamang. si tita raw ang laging umaalo sa kanya sa tuwing umiiyak siya dahil sa kanilang boss (na matapobre pala at mapanlait, nalaman ko from tita noong nakauwi na kami sa bahay nila sa sta mesa) kay tita nerie lang niya naihihinga ang lahat. si tita nerie daw para naman mapasaya si mam adora ay manlilibre sa mamahaling restawran. ani pa ni tita nerie kay mam adora, bakit ba? yang mayayaman na yan, sila lang ba ang may karapatang kumain sa magagandang restawran? tayo rin, bakit ba? e may pambayad naman tayo. sabi raw ni tita sa kanya, hayaan mo adora, yang mga luha mo, magiging kristal yan balang araw. hindi tayo pababayaan ng diyos kung tayo'y tapat sa ating trabaho at mga gawain.

tumimo raw iyon sa isip ni mam adora, at nagkatotoo nga. ngayon ay may tatlong bahay na siya at isang building! at lagi na raw niyang inililibre ngayon si tita nerie na pinagkakautangan niya ng loob at kumpiyansa sa sarili.

nakakatuwa naman. pagdating ko ng 70, gusto ko ganyan din ang sasabihin sa akin ng mga tao hahaha! i feel so happy to have tita as my future mother in law. ang tino tinong tao kumpara sa nanay ko hahaha mahal ko si tisay pero paminsan-minsan talaga, nahihiling ko sa diyos na ibalik na lang ako sa sinapupunan e, pag ganyan ang nanay mo, minsan, mapapaisip ka rin... kung totoong makatarungan ang panginoon.

pero ang best message nang araw na iyon ay galing kay..... tito daddy! winner!

sabi niya, happy birthday, yun lang.

totoo ito, bumati lang si tito daddy, nagtawanan nga ang mga tao e.

sige, sige, 1st runner up si tito boy (bayaw ni tita nerie)

sabi niya, ako si boy, asawa ko ang bunsong kapatid ni ate nerie. si cora. ano pa ba? a...a... happy birthday. yun lang. wala na akong masabi, e.

o di ba, pang-runner up talaga ang peg!

mga walong tao ang nagbigay ng message. in between ang games.

game 1 was fun. per table ang labanan. so me table na family members lang. me table naman na puro current opismeyts. me table din na ex opismeyts. me table din na puro kamag-anak. Q and A tungkol kay tita nerie. heto ang mga inilista kong tanong:

1Q. saan ipinaglihi si tita nerie?

A. wala. wala ring points ito kasi kahit si tita nerie ay hindi alam ang sagot hahaha

2Q. (galing kay rianne ang tanong na ito) saan nagmula ang pangalang narcisa?

A. honorio calendar, nung araw daw, ito lang ang source ng pangalan ng mga tao. kung anong pangalan ang nasa araw na ipinanganak ka (batay sa honorio calendar), iyon na yon.

dalawa ang me points dito, parehong family table. pero kuwento rin ni tita nerie, me isang bata raw sa kanila na taga la laguna, lagi raw nagta-top 1 at narcisa ang pangalan. ayun, ipinangalan na rin daw ito sa kanya. ang sagot ng isang current opismeyt table ay taga-la laguna. kaya binigyan din namin sila ng one point.

3Q. Ano ang paboritong meryenda ni tita nerie?

A. kakanin.

4Q. ano ang translation ng BIR? (CPA kasi si tita nerie hahaha at siya ang nag-aasikaso ng mga tax-tax ng kumpanyang pinaglilingkuran niya) (galing kina wendell at lisa ang tanong na ito, maalam sila dito kasi mga negosyanteng alisto sa pagbabayad ng tax.)

A. Kawanihan ng Rentas Internas

Lahat nakakuha ng points dito, alam pala nilang lahat iyon!

5Q. (galing uli kina wendell at lisa ang tanong na ito) Tuwing anong buwan nagpa-file ng income tax return?

A. April

Me mga sumagot ng April 15, pero di namin binigyan ng points. ang lupet ano? ang tanong kasi... BUWAN! hindi PETSA wehe

6Q. Ano ang unang dadamputin ni Tita Nerie kung sakaling magkaroon ng emergency?

A. cellphone

ang mga sagot dito: flashlight, wallet, rosaryo at iba pa. walang nagka-points, hay naku.

7Q. Ano ang huling-huling ginagawa ni Tita Nerie bago umalis ng opisina?

A. mag-CR

marami ang naka-points dito lalo na ang mga opismeyt table. pero me isang table na ang sagot ay umihi hahaha sobrang specific kaya binigyan na rin ito ng point. hahaha kasi di ba pano nila nalamang umihi? sinusundan nila siguro si tita hanggang sa loob ng cubicle ng CR!

8Q. Ano ang paboritong gamot ni Tita Nerie?

A. Centrum

hahaha e wala, para sa kanya, gamot ang vitamins baket ba? so anyway, walang nakasagot nang tama pero batay kay Rianne, ang tamang sagot ay Xanor. isang table ang nakasagot nito! sayang. iba ang sagot ng may katawan hahaha

9Q. Ano ang pangalan ng buong course ni tita sa college?

A. BSBA major in Accounting

marami ang nagkamali dito kasi ang sagot nila ay commerce, or worse, accountancy. so di namin kinonsider, kahit yung accountancy. e wala, malupet talaga ang game show na ito hahaha mataas ang standard.

10Q. sino ang paboritong anak ni tita nerie? (galing kay rianne ang tanong na ito)

A. all of them

hahaha ayaw sagutin ni tita talaga ito. she stood by her answer. wala raw siyang paborito. so ang sumagot para sa kanya ay ang mga anak niya. sabi nina rianne, ging at jo, si poy! hahaha si poy walang reaksiyon. parang ine-expect talaga niya. tsk... mama's boy talaga ang batang ire.

ilan ang nakatama? dalawang group sana kaso yung sagot ng isa, ronald verzo III hahaha e kako, wala pa po. da second pa lang po! apo agad-agad? nagmamadali? may lakad kayo, gusto ko sanang tanungin,e.

yung mukha ni tita nerie nang sabihin nina rianne kung sino ang paborito niyang anak, dazed. parang ngayon lang niya natuklasan ang katotohanang iyon. siguro nga, ang mga nanay, di nila rin namamalayan, playing favorites na sila. akala nila, patas pa rin sila sa lahat ng mga anak nila. wala kasing distance e. ang nakakahalata lang e yung mga hindi paborito hahaha! tulad ko! ang paborito ng tatay namin e si colay. kasi maton si colay. pangarap ng tatay kong magkaroon ng anak na lalaki, si colay ang katuparan niyon.

anyway, back to the game show...

11Q. huling tanong worth 3 points: 70 divided by 5?

A. 14

isa lang ang nanalo rito kasi paunahan. at yun ay ang current opismeyts group! ambilis magtaas ng whiteboard.

at the end of the game, natuklasan naming me nag-tie. current opismeyts table VS kamag-anak table. nag-release pa kami ng isa pang question.

tie breaker: Sino o ano ang paboritong dasalan ni Tita Nerie? (galing kay rianne ang tanong na ito)

A. Precious Blood of Jesus Christ

ang sagot ng family table sa pangunguna ng super excited at humihiyaw pang si tita emma, mama mary. ang sagot ng current opismeyts table, precious blood of jesus christ.

winner!

ayun. natuwa ako sa game na ito kasi andami kong natutuhan tungkol sa celebrant. wacky rin yung moments kung kelan kinokorek ako ni tita nerie. kasi yung tungkol sa April 15 na tanong, dapat daw ini-specify ko, individual income tax return or corporate? hahaha malay ko naman po. tapos yun daw tanong tungkol sa emergency, what kind of emergency daw ba? dapat daw specified. sabi ko, mga tsunami po ganyan.

josmio.

pero masaya talaga. kahit ang audience nakita kong natuwa naman sila. kasi kahit yung table ni mam adora na nasa sulok at dulo at dadalawa lang silang laman nito (mag-asawa), sumasagot at sumasali rin talaga siya. e dapat lahat ng palaro pag may birthday, ganon, dahil lahat naman ng attendees ay naroon kasi nga kilala at mahal nila ang celebrant.

yong isa pang game ay pisikal na, pingpong relay.

3 members per group
3 groups

mechanics:

1. yung pingpong ball, kailangan nilang ipasok at isuksok sa ilalim ng damit nila at palusutin hanggang lumabas uli ito sa pinakadulo ng kanilang damit, lets say pantalon, siyempre sa dulo ng pants, sa may paa dapat ito lumabas.

2. then ipapasa nila ang bola sa susunod nilang team mate, iyon uli ang gagawin ng kanilang team mate.

3. ang unang grupo na matapos ang lahat ng ito ang mananalo.

4. puwedeng bumagsak ang bola sa sahig. hindi violation ito.

Go!

ang nanalo ay ang group na binubuo ng kabataan team hahaha (iyong ibang group kasi ay medyo thunderbirds na)

bago matapos ang program, pinagsalita si tita. di pa raw siya nasu-surprise nang ganon sa tanang buhay niya at alam niyang lahat ng nandoon ay may ginampanang role sa kanyang buhay at mahal siya kaya sila pumunta at nakipag-celebrate kasama siya. pinasalamatan niya at tinawag ang lahat, isa-isa! parang roll call. mga 50 kaming lahat doon, e. akala ko ay mapapaiyak namin, hahaha epic fail.

sino ang umiyak?

si poy!

siya ang pinagsalita ng kanyang mga kapatid. he thanked his mom for keeping the family together. ngayon daw na nagsisimula na siyang magkaroon ng sariling pamilya, mas naa-appreciate na raw niya ang mga ginagawa ng mama niya para sa pamilya nila. naa-appreciate din daw niya ang tolerance ng kanyang nanay sa kanya, siya na may pinakaraming sakit ng ulo na inihatid sa bahay hahaha pero pinakapaborito pa rin. (so unfaaaaiiirrr!) he also thanked everyone for being there with the family. finally raw nakilala ng pamilya ang mga kaopisina, katrabaho at kaibigan ng kanilang mama. they were all part of their childhood, stories of their mom dahil lagi raw nagkukuwento ang mama nila tungkol sa trabaho at mga kasama niya sa work, ipinaghele sila gamit ang mga kuwento tungkol sa opisina. so buhay sila, ang mga bisita, sa isip nilang magkakapatid all through the years. sobrang saya nga naman ang makilala silang lahat, at makausap, at makadaupang-palad sa okasyong iyon.

dami pang sinabi si poy, napakahaba ng speech samantalang hindi siya prepared haha. dapat si rianne ang tatawagin ko dahil si rianne ang talagang main organizer ng surprise party e, kaso parang di naman nito type ang magsalita sa harap. baka mapikon lang sa aken pag inanunsiyo ko ang pangalan niya sa mikropono, so si poy na lang ang tinawag ko.

the party was super fun. hanggang makauwi kami sa bahay at gumabi na, kuwento pa rin nang kuwento si tita, ang hyper niya, grabe.

feeling family member na ako dahil sa event na yon haha ipinakilala kasi ako ni tita sa lahat, at ni poy! in-announce niyang ikakasal na kami. pinapunta pa ako sa harap, putik. ayaw ko pa naman ng ganung eksena. ok sa akin ang mag-host kasi naida-divert ko ang atensiyon ng audience sa programa pero yung ako mismo ang titingnan ng lahat, ay, ayoko nun. mahiyain nga kasi talaga ako, di biro.

pagpunta ko sa harap, inagaw ko ang mike kay poy. sabi ko, bagay na bagay po kami. isa pong mahiyain, at isang walanghiya.

buti tumawa ang mga tao.

tapos nun, balik na ako sa sulok ko.

hay. sana ang nanay ko makaabot din ng 70. im thinking of doing this to tisay as well. pero wag naman 70th niya, parang antagal pa nun. 50 pa lang ata si tisay, e. forever 36 kasi ang hitad na yun, e. sa january 15 na ang bday niya. at kung magha honeymoon kami ni poy, nakabalik na kami by that time next year. pero kung surprise party din ito, dapat ngayon pa lang ay nag-o-organize na kaming magkakapatid. game kaya sina criselda, sak, insiyang at ang mortal na kaaway ni tisay na si budang? e, baka ma-surprise naman ako sa kanilang mga sagot.






























Behind the ‘Mens’

By Maria Carmela Sison

She was waiting for her turn in the admissions office for the interview. She had to pick a non-quota course to enter the university. Geodetic engineering was her first choice but had to pick another course which would not cost her a lot of money since her family was having financial difficulties. The person in front of her suggested BA Film and Audio-Visual Communication, claiming one can pass the subject by watching movies. But she remembered, “Wala nga akong pang-tuition. Saan pa ko kukuha ng pang-sine (I don’t even have the money for my tuition, where will I get the money to watch movies)?” She crossed it out and was left with two choices: BA English and BA Malikhaing Pagsulat (Creative Witing) sa Filipino. Her time was running out. It was already her turn to go inside the admissions office. She tossed a coin and was left with Malikhang Pagsulat. This was how the journey of Bebang Siy as a writer began.



Beverly Wico Siy, or known as Bebang Siy was born on December 10, 1979 in Quirino, Manila. She was the eldest of the five daughters of Roberto Siy and Resurreccion Wico. Her family is part of the Chinese-Filipino community in Manila. After her parents separated, Bebang and her sisters experienced living from one place to another. They first lived with their mother, and then were taken by their father. And after their father’s death, they stayed with their mother.

Dubbed as the female counterpart of Bob Ong, Bebang admitted that she never saw herself as a writer when she was young. Instead, she wanted to be a doctor. She wanted to take Psychology. Even without prior knowledge on the discipline, she planned to take it to follow her crush. As she entered University of the Philippines Diliman, her passion for writing started to blossom. After a significant experience or whenever she feels lonely, Bebang finds herself writing, especially in her blog.

Her remarkable book, “It’s A Mens World,” brought her to the limelight of Filipino literature. The book was composed of different anecdotes in Bebang’s life written in a light and funny manner. Reading the book will surely make you laugh yet it will teach you lessons in life. The book was originally a class requirement in a penalty course under Professor Vim Nadera, Jr. It was a compilation of her past works written in different periods of time. Her professor asked her to find a publisher. She chose Anvil Publishing Inc. and her book-length manuscript was published.



Living a rollercoaster life has helped Bebang in her writing. She cited one of her experiences in the book “Palalim Nang Palalim, Padilim Nang Padilim” which is set in a pawnshop vault. The setting rooted from her previous job as a clerk. Who would have thought that a writer has worked in a pawnshop before? These experiences have expanded her imagination and knowledge as a writer. Bebang also admits that she had to take different jobs to fulfill her role as a single mother to Sean Elijah or “EJ.”



Her humor and positive outlook in life have also helped her in writing, particularly in “It’s A Mens Word.” “‘Pag sinulat ko siya nang walang humor, baka bumaha na ng luha sa buong Pilipinas (If I wrote it without humor, maybe tears would flood the whole Philippines). Her tragic experiences in life were written in a light and comic manner. Whenever she reads her stories, Bebang confesses that she would probably feel anger if she would go back to her stories. Instead, her optimism has made her feel better about it. “It helps me with these experiences in a more constructive manner,” she says.

Aside from writing, Bebang currently spends her time as a Filipino professor in Colegio de San Juan de Letran. She is also attending to her forthcoming wedding with Ronald Verzo. She also enjoys being a speaker in different schools. It lets her expand her horizons and meet other people especially those who support Filipino literature. Her sequel of “It’s A Mens World” which is “It’s Raining Mens” will come out early next year.



Bebang never imagined her life not being a writer. She believes that books will always be in line with whatever she is doing. Even though she knows that there is not much money in books, it will always be what she wants. She admitted that she has reviewed her life at one point. And she realized that despite everything that happened to her, one thing has always remained: her love for writing. Ten years from now, she still sees herself as a writer. Her dream is to write a book on historical fiction or dark comedy.

Her imagination has played a key role in her writing. Bebang believes that anyone who can imagine has the capacity to write. “Ang imahinasyon mo ay walang katulad sa buong mundo (Your imagination is unique in the whole world). What aspiring writers need to do is write. Write whatever is in your mind. Ignore all the technicalities and focus on what your imagination can reach, she added. “Kahit sino ka pa, kahit ano ka pang uri ng manunulat, sulat lang nang sulat (Whoever you are and whatever kind of writer you are, just keep on writing).



Ang feature article na ito ay produkto ng panayam ni Carmela sa akin. Si Carmela ay isang Journalism student sa UP Diliman at isa ito sa requirements ng propesor niya. Naganap ang panayam sa Letran noong Oktubre 2013.

Maraming salamat, Carmela!


Ang copyright ng mga larawan ay kina Bebang Siy at Ronald Verzo.

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...