Sunday, November 8, 2009

MAG-AKYAT NG AKLAT !

mga kaibigan, patulong po! pakipasa na rin! marami pong salamat!





MAG-AKYAT NG AKLAT: The Wawa Elementary School Book Drive



Kaibigan, inaanyayahan ka naming maging bahagi ng proyektong Mag-akyat ng Aklat: The Wawa Elementary School Book Drive bilang donor. Nangangalap kami ng donasyon sa anyo ng aklat na pambata, bago man o luma. Ang makikinabang sa proyektong ito ay ang mga mag-aaral ng Wawa Elementary School, Montalban, Rizal. Para sa iyong kaalaman, sinalanta ng bagyo ang kanilang lugar. Oo, si Ondoy na naman.



Siyempre pa, wala kaming itinatakdang limit para sa bilang ng mga aklat na idodoneyt. Mas marami, mas masaya.



Interesado ka? Dalhin lamang ang (mga) aklat sa 128 K-8th Street, Kamias, Quezon City, ikatlong doorbell. Hanapin si Aileen. Ang huling araw ng pagdo-donate ng aklat ay sa 10 Disyembre 2009. Iaakyat ang mga aklat sa Wawa Elem. School sa umaga ng 14 Disyembre 2009. May inihandang programa ang Isang Bata para sa mga mag-aaral. Maaari kang makisaya kung nais mo at hindi ka busy. Makipag-ugnayan lang nang mas maaga upang makapaglaan ng slot para sa iyo.



Kung may tanong, mag-text lamang sa 0919-3175708 o mag-email sa beverlysiy@gmail. com. Ang proyektong Mag-akyat ng Aklat ay pinamumunuan ng Isang Bata at Dagdag Dunong Project. Mas makikilala sila kapag pumunta ka sa isangbata.blogspot. com at dagdagdunong. blogspot. com.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...