Sunday, November 8, 2009

demonstrating ties

nasa kasagsagan ako ng pag-aayos ng aking non immigrant us visa application chorva chorva. andaming hinihinging dokumento. nakakahilo at nakakaduling na.

kailangan daw kasi para maaprubahan ang aplikasyon mo, ipakita mong uuwi ka pa ng pinas. eto raw ang paraan para mapatunayan mong uuwi ka pa nga dito sa isinumpang bayan na ito:

DEMONSTRATING TIES

Ties are the aspects of one’s life that bind him or her to his or her place of residence, including family relationships, employment and possessions....(galing ito sa US Embassy Manila website.)

Maganda nga namang ipakita mo na may pamilya, trabaho at ari-arian kang uuwian.

heto ang mga dokumentong hinihingi nila:

1.Bank statements for the last three (3) months and both current and former bank account passbooks

2.Employment certification including salary, tenure and position

3.Form W-2

4.Income tax return with Bureau of Internal Revenue (BIR) or bank stamp

5. Audited financial statement with BIR or bank stamp

6.Pay slips for the last three (3) months

7.Credit card statements for the prior three months

8.Vehicle registration with official receipt

9.Land titles (no certified copies please)

10.Pictures of family, home or business

11.Wedding photos

12.Marriage certificate printed on the Philippine National Statistics Office security paper, if applicable

13.Birth certificate printed on the Philippine National Statistics Office security paper

14.For students, certificate of school registration

15.Certification of membership to legitimate organization(s)

Kita n'yo naman, unang una talaga tungkol sa pera na. At hindi lang iyon, karamihan sa mga binanggit ay nakabatay sa pera at ari-arian. Pang-ilan ang pamilya? pangsampu! number 10 onwards. ibig sabihin, hindi ito ang unang una mong dapat na ipakita para mapatunayang uuwi ka pa sa Pilipinas pagtuntong mo sa Amerika.

Anong sinasabi nito ukol sa atin? pag ame-amerika na ang pinag-uusapan, hindi na priority ang pamilya. malaki ang tsansang hindi uuwi ang isang pinoy (o kahit na sinong aplikante ng us embassy manila) para lamang sa pamilya.

kaya ang number one sa listahan nila ay mga bank book. titingnan nila kung marami kang pera sa bangko. at kapag marami nga, mas malaki ang posibilidad na uuwi at uuwi ka sa pinas.

tsk...ganito ang tingin nila sa atin? labo.

isa pa, nang nababanas na ako sa kahahanap ng mga papeles ko, tinext ko si wennie. gurl, paano nga ba idedemonstrate sa papeles ang pagmamahal sa bayan?

smiley yata ang inireply sa akin ni wennie.

pero sa totoo lang, kanino ba maaaring magpa-certify kapag:

1. hindi lamang bumubuka ang bibig mo sa tuwing aawitin ang lupang hinirang kundi tunay mo itong inaawit nang may tinig at yabang?

2. seryoso kang nagtuturo (at hindi lang tuwing pagdiriwang ng pambansang buwan ng wika) na magmahal sa sariling wika ang mga estudyante mong class A,B at C at mga Inglisero?

3. tinuturuan mo ring magmalasakit sa kapwa Filipino ang sarili mong anak sa pamamagitan ng volunteer work kahit hindi naman panahon ng kalamidad o pangangailangan?

4. binabasahan at kinukuwentuhan mo ang anak mo at iba pang bata ng kabang yaman ng Pilipinas sa larangan ng panitikan?

5. ginagalugad mo ang sarili mong bayan para lalo itong makilala, maipakilala at maipagmalaki sa iba kahit man lang sa mga kuwento, retrato at blog?

6. tinitiis mo ang sariling basura sa namamawis na kamay o sa bag para lang hindi makadagdag ng kalat sa kalsada?

at maraming marami pang iba!!!

kung meron mang nagse-certify ng mga iyan, susugurin ko't magpapagawa na ako. talaga.

pero teka, papasukin naman kaya ako at ang isang container van ng aking mga sertipiko sa embahada ng amerika?

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...