Saturday, February 7, 2009

time bomb

Last week, nabalitaan kong gusto akong kausapin ng dekana namin. Siyempre kakaba-kaba ako. Dahil tungkol daw ito sa masteral.

At kinausap nga ako.

Unang tanong: ano na nga ba ang plano mo sa masteral mo?

Hindi agad ako nakasagot.

Ang orihinal ko kasing plano, magre-resign ako para matapos ko ang ma. Ngayong magkaharap kami, wala naman akong lakas ng loob na sabihin ito.

Marami sa mga kaibigan ko ang nagsasabing napakasuwerte ko at may trabaho ako. Kaya bakit kailangan ko pang umalis para lang sa pag-aaral?

Alam ko ang halaga ng aking trabaho. Ang saysay nito sa aking career, buhay at higit sa lahat sa aking pagnanasang makapag-ipon.

Pero alam ko ring mukhang mahirap ma-achieve ang pagtatapos ng masteral kung pagsasabayin ko ang trabaho at aral.

Pero siyempre hindi ko nga ito ibinulalas kay Dean.

Sabi ko, Mam, humihingi po ako ng paumanhin at hindi ko natapos ang masteral ko gaya ng ipinangako ko.

Noong nag-a-apply kasi ako'y sabi ko plano ko pong maging centennial graduate. pagputok ng isandaang taon ng UP, nagmamartsa ako sa stage para tanggapin ang aking diploma. Bago ako magteacher ay kayabang-yabang ko.

Ngayon, wala. Wala na akong iyayabang.

Sabi ko pa, naging abala po ako sa aming organisasyon. Napakarami po naming gawain.

Naiintindihan ko naman iyan, anya. Kaya lamang, kailangang unahin mo o i-prioritize mo ang mas pang-long term na mga bagay tulad ng trabaho mo rito sa school.

Totoong pang-long term nga ito. itong pagiging guro sa aming paaralan. Nang mabigyan ako ng kontrata, ang nakasaad ay mate-tenure ako sa loob lamang ng dalawang taon kung matatapos ko ang MA ko.

Na hindi ko nga nagawa. Kinarir ko kasi ang pagiging pangulo ng organisasyon namin.

Sabi pa ni Dean, kaya kita pinaaalalahanan ay dahil gusto namin ang katulad mo: energetic. Saka nakakasundo mo naman ang mga estudyante. Dati, very playful ang comment sa 'yo pero ang obserbasyon ko ngayon, medyo nagmellow ka na. Alam mo, ito ngang kaso mo, ang hindi mo pagtatapos ng MA, ay pinag-uusapan sa Dean's Council.

Kasi kahit gusto ka namin, baka dumating ang panahon na kailangang magdesisyon ng college sa employment mo. Baka hindi ka namin maipagtanggol. Ang unang poproteksiyonan namin ay ang college.

Dapat talaga, walang guro na hindi nakatapos ng MA ang nagtuturo rito.

Natuwa ako. Gusto pala ako ng aking boss. Ng mga boss. Maraming member ang dean's council. All along, akala ko e, anytime, sisibakin ako. Di ako ganon kahusay na guro, alam ko. Enjoy lang ang mga bata pero marami akong hindi nagagawa katulad ng nagagawa ng mahusay na guro. Isa pa, iyon nga, wala akong MA at hindi naman ako somebody para panghinayangan nila.

Pero nangamba rin ako. Kapag hindi ko natapos ang masteral ko, sibak talaga ang aabutin ko.

Aw.

Sabi niya, sige, ganito. Magsubmit ka sa akin ng time table mo para sa susunod na mga buwan. Sana by first sem, matapos mo na ang masteral mo.

OMG

May taning na ang buhay ko.

Tunghayan natin ang isa-submit kong time bomb este time table kay Dean.


Time table para sa pagtatapos ng masteral

Inihanda ni PANGALAN KO

Gawain at Target na buwan ng taong 2009 at 2010
Pebrero Pag-aasikaso ng residency status ng enrolment para sa 2nd sem
Pagpapanukala ng outline para sa paper ng PP297 kay Prof. Turgo

Marso Pagsusulat at pagpapasa ng paper kay Prof. Turgo

Abril Pagkuha ng 3-6 units
Pag-aaral ng Spanish para sa language exam
Pangangalap ng datos para sa pananaliksik
Pakikipag-usap sa mga gurong nagbigay ng incomplete na grado

Mayo Pag-aaral ng rehiyonal na wika para sa local language exam
Pangangalap ng datos para sa pananaliksik

Hunyo-Oktubre Pag-eenrol ng 6-9 units
Pagpapatuloy ng pananaliksik
Pagkuha ng exam sa Spanish at rehiyonal na wika
Pagpapatuloy ng pananaliksik

Nobyembre-Marso 2010 Pag-eenrol ng matitirang units sa unang semester at summer
Pagdedefend at pagpapasa ng thesis

Ang "bahala na" ay galing raw sa Bathala na. Diyos na raw ang bahala.

Kaya pag sinabi mong, God, bahala ka na, redundant 'yon.

E, ano naman?

So, God, bahala ka na.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...