Noong 2 Pebrero , umagang umaga ay nasa simbahan ako ng aming paaralan. Ginawa kasi akong ninang sa kumpil ni Anthony, estudyante ko last sem.
Nakaupo naman kami nang maayos ni Russ. Pero para siyang kitikiti. Picture nang picture ng kung anu-ano gamit ang camera niyang isang hippopotamus ang bigat.
Isang bishop sa Maynila ang nagsalita para sa misa. Siyempre nakatulog na naman ako. Muntik na nga akong humilig sa katabi ko sa kanan, isang lalaking nakapolo at nangingintab ang buhok, sa pomada yata.
Bigla akong kinalabit ni Russ.
Tsong, anya.
Nagising ako. Sabi niya, pambihira ka. Ganyan ka pa rin.
Tinutulugan ko kasi sila noong workshop namin sa Tagaytay.
Dahil ginising ako ni Russ, napakinggan ko ang ilang mga salita ng Bishop.
Sabi niya sa mga estudyante:
(Yes, nagsalita siya sa wikang Filipino)
Dito sa university natin, maraming organisasyon ang puwede ninyong salihan. Sumali lang kayo nang sumali. Maglingkod. Because a life of service is a life of love.
O di ba?
Sinong nagsabing para lamang sa lovers ang life of love?
Para rin ito sa mga servants, 'no? Me partner man sa buhay o wala.
Kaya sa mga naglilingkod para sa panitikan, para sa bayan: Hapi Balentayms sa atin!
Monday, February 9, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment