Saturday, December 13, 2008

crisis management seminar

andito ako ngayon sa isang pa-seminar ng aming paaralan tungkol sa crisis emergency disaster preparedness.

si dr lito maranan ang speaker.

heto ang mga natutuhan ko:

safe dapat sa lahat ng procedure. kahit mabilis ang pag-evacute, basta may nasaktan, hindi tayo successful.

marami sa mga building sa uste ang walang emergency exit. pati building namin. oh-em dyi!

lahat ng pinto sa main building ay papasok ang pagbukas. mali pala ito. napakamapanganib pala lalo na kapag may emergency.

dapat lahat ng emergency exit ay papalabas ang pagbukas. HINDI PAPASOK.

dapat ang school records ay may tatlong kopya. isa, nasa eskuwela. ang dalawa, nasa isang lugar na several kilometers away from the school. kasi kapag nasunog o nanakaw o nabaha ang mga iyan, malaking memory ng paaralan ang mawawala.

tanging college namin ang may dalawang pinto bawat classroom. at parehong papalabas ang pagtulak ng pinto. hurrah!

kapag may sunog, dapat maka-evacuate ang mga tao in less than 5 minutes. pag sumobra riyan, unsuccessful.

fire never travels down. kapag nasa kisame yan, katabing kisame ang unang unang lalamunin. hindi ikaw. kaya wag magpanic. gumapang nang gumapang. nang mabilis, ha

every 400th year merong napakalaking disaster na nangyayari sa pilipinas. last year yung ika-400 na taon.

bago pa man ang emergency situation, dapat meron nang nakatalagang floor captain. isa bawat palapag. at dapat guro. kasi kung estudyante, hindi sinusunod ng kapwa estudyante.

sa karanasan ng speaker, kapag may fire o earthquake drill, ang mga guro e nagtatago lang sa faculty room. hindi lumalahok. may batas pala na nagsasabing ang taong hindi lalahok sa mga drill ay maaaring makulong at magbabayad pa ng penalty na P1000.

dapat magtalaga ng evacuation area para doon papupuntahin ang mga tao. madalas kasi nakatunganga lang sa labas ng building ang mga taong pinalabas ng building. kaya mas nahihirapan makapasok ang mga sasakyan para sa rescue.

ang mga emergency escape plan ay dapat laging updated at eye-level. itong kuwarto kung saan idinadaos ang seminar, nasa ibabaw ng isang bulletin board ang aming emergency escape plan.

sa emergency situation, dapat may tatayo agad na leader para magbigay ng direksiyon. kung walang tatayong ganyan, magpapanic ang mga tao at magkakagulo.

kaya huli dumarating ang bumbero kasi huli rin silang tinatawagan. malaki na ang sunog bago sila tawagan.

tumawag sa 522-22-22 para sa sunog. filipino-chinese volunteers yan. 749-7194 ang sa sampaloc fire department naman.

yung taong pinakamalapit sa exit o sa pinto ang unang lalabas.

once nakalabas na ng building, manatili sa labas. mas marami sa mga bumabalik ang namamatay.

sa ibang bansa, ang mga kabinet ay nakatali sa pader. dito sa atin, hindi pa nagiging habit iyan. maaaring makadagan ng mga tao ito kapag may lindol.

sa ibang bansa, may gadget na ibinibigay sa mga bata kapag may lindol. ipinapatong ito sa ulo ng mga bata. dito sa atin, wala. pero may mga aklat na maaring gamiting pantakip sa ulo. lalo na iyong mga hard bound na aklat. ibuka ito at ipatong sa ulo. maaaring makatulong ito sa pagliligtas ng iyong buhay. mabuhay ang mga aklat!

kung may estudyanteng naghi-hysterical, lapitan agad at kausapin. sabihing dadalhin na siya sa ospital. garantisado raw na magtitino ito agad.

problematiko ang mga dulo ng hagdan na nakatapat sa bintana o salamin. pag nagkatulakan pababa, dire-diretso sa labas ang mga tao via the bintanas.

kung may kumakalikot, sumisira o anuman ng kahit na anong gamit para sa emergency, isumbong. dapat pinaparusahan ang mga makakating kamay na iyan.

2 comments:

gingmaganda said...

napaka informative naman nito, grabe!

sa wakas nagkalaman din ang blog na ito. belated happy birthday!

babe ang said...

HELO ginggay!!!

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...