Thursday, December 11, 2008

birthday happy! part 1

mahabang pagdiriwang na naman ang nangyari para sa aking kaarawan!!!

dec 9

sinlaki yata ng dalandan ang aking tonsil. hindi rin ako masyadong makapagsalita dahil kumikirot ito tuwing gagawa ako ng anumang tunog. kaya halos buong araw lang akong nasa bahay. tapos sinisinat-sinat pa ako.

alas-siyete nang umaga, tumawag ako sa dean's ofc para sabihing hindi ako makakapasok. sa sobrang tamlay ko, hindi ko nasabi ang aking dahilan. kaya naisip ko tuloy kung dapat ba akong magtext sa aming dept. head. mabait naman si sir nuevo kaya lang natatakot ako na baka isipin niyang um-absent lang ako dahil sa parating kong birthday.

kaya hindi na lang ako nagtext. magpapaliwanag na lang ako pagpasok ko sa trabaho.

nagpahinga ako buong umaga, nananghalian tapos naghalungkat sa mga kahon-kahon. natuklasan ko na kung saan nakabaon ang mga aklat from adarna na aking kinonsayn 100 yrs ago. naisip kong isoli na ang mga hindi naibenta at bayaran ang mga nabenta. kaso pagsapit ng 2pm, nagtext si sir vim. kailangan daw ako sa icw dahil may hindi ako napirmahang papeles ng umpil.

by 3pm, pumipirma na ako. anong page ang hindi ko napirmahan? yung una.

nge. nge talaga.

tapos nakita ni sir vim ang mga aklat adarna. naisip niyang papiliin sina ate glo, ate arlene at eva ng mga aklat na gusto nila. yun na ang aguinaldo ni sir vim sa kanilang mga anak.

ayos. mababawasan ang mga aklat na dadalhin ko sa adarna house. tumawag na rn ako kay fiona ng adarna para sabihing ako ay papunta na roon.

pero habang pumipili pa ang mga tao mula sa bunton na dala ko, umakyat ako sa graduate studies ofc para mag-enrol ng residency.

finaly, makakapag-enrol na ako.

marami talaga ang nadidismaya sa maling akala.

kasi pagkatapos na iprint ang aking online registration ay pinapasulat pa ako kay mam pam constantino para ipaliwanag ang aking pagiging late enrollee at makiusap na ako'y tanggapin kahit disyembre na.

since wala akong dalang laptop at nahihiya naman akong makitayp pa sa icw, hindi ko na muna iyon inasikaso.sa next 333 years na lang uli.

bumalik ako sa icw, binilang ang mga aklat na natira at siningil si sir vim. na-sad ako. kasi ang bilang ko sa mga aklat bago ako umalis sa bahay ay 40. 60 lahat ng aklat na kinuha ko sa adarna. 20 ang kailangan kong bayaran. pero pagbalik ko from graduate studies ofc, 21 na lang yung natira. 19 yung nawala. pero ayon kina eva, ate glo at ate arlene, 14 lang ang kanilang kinuha. may nawalang 5. inisip ko tuloy baka nagkamali lang ako ng bilang. hay nako.ang hirap ng pinapagana ang calculator ng isip kapag may sakit.

ayan. so 39 na aklat ang kailangan kong bayaran sa adarna. kinolekta ko ang bayad ni sir vim para sa 14 na aklat at lumipad na ako papunta sa piedras platas kung saan nakadapo ang adarna.

mabilis na kinompyut ni ms fiona ang mga dapat kong bayaran.kaya nakauwi ako sa bahay nang 5pm. pagdating doon, inasikaso ko ang mga papeles na ibibigay ko kay charles. hindi raw siguradong makakarating si pam sa xmas party namin kaya ipapadaan ko kay charles ang mga papeles na para kay pam.

inisa-isa ko ang mga dapat kong ipareimburse. susmarya, inabot ako ng 6pm. nag-ayos na ako ng sarili. hinanda ko na rin ang mga dapat kong isoli sa mga lira member na hiniraman ko ng kung anu-ano at mga dapat na ibigay sa mga lira member.

sablay-mic
eros dvd-jay
40 agung-christa
papeles, pera etc-charles/pam
aklat-pang-exchange gift

at siyempre ang mga premyo para sa games!

bumiyahe na ako pagsapit ng 630. dumating ako 715 pm. akala ko nag-uumpisa na ang fellows night. naku, hindi pa pala.

buti na lang!

si tata ang una kong nakita. itong tao na ito ay napaka-supportive sa akin. at madaling kausapin. dala niya ang grand prize para sa raffle ng gabing iyon. ang likha niyang mother and child na gawa sa bato (yata). napakaganda nito. parang gusto kong maging relihiyosa nang una kong makita itong gawang ito ni tata.

tapos nagsave ako ng mesa para sa mga co-faculty ko sa uste. parating sila.

umupo ako sandali sa tabi nina kiko at tata. mayamaya, inisa-isa ko ang felows at members na naroon kung mayroon silang dalang aklat para sa exchange gift namin.

nakita ko rin si beng na kakuwentuhan si cynthia alexander. bigat.

paglipas ng isang oras, dumating si sir rio kasunod sina sir vim, sir jun balde, sir marne. saka nag-umpisa ang show of the millenium!

masaya ang nangyaring pagtatanghal. simpleng poetry reading lamang ang ginawa ng karamihan sa mga fellow pero pamatay ang mga special number. may kumanta habang may saliw ng gitara. may sumayaw na bading na impersonator na super maganda mukha pa siyang babae sa akin. lalo na sa katawan. at ang dulong number ay isang parang tula-dula featuring harry, hazel, undoy at yung bading na impersonator.

tawa ako nang tawa, grabe. ang kukulit ng nagsulat ng iskrip.

buti na lang at hindi nainis si sir rio. although sa kanyang speech, sabi niya, nang itatag niya ang lira, hindi niya akalaing magiging ganon ang kahihinatnan nito after 23 years hahaha hagalpakan kami ng tawa.

nakakatuwa ang batch na ito ng lira. ang aranya. iba't iba ang personality na nag-gel. ang ganda ng kanilang samahan. mahuhusay din sa iba't ibang field. higit sa lahat, kakaunti ang nalagas. meaning, marami ang determinadong tumula.

kaya napakaganda ng kanilang folio. parang tunay na aklat. isbn na lang ang kulang. sayang. sabi ko nga sa kanila noon, karerin na nila at magproduce na sila ng aklat, e. kaya lang masyado raw mahal at hindi pa sila ganon ka-confident mag-aklat.

Mga Tomasino

kauumpisa pa lang ng programa nang dumating ang ilang estudyante mula sa uste. isa roon si art, estudyante ko nang isang buong taon last year. mga taga-commerce journal pala itong mga dumating. siyempre nagulat ako dahil hindi ko naman sila naimbita. iyon pala si imee co, dating fellow at taga-uste, ang nagsabi sa kanila.

kaya sa kanila napunta ang sineyb kong mesa.

sa kalagitnaan ng performances, dumating sina mam cora, sir lito at karen. me dalang keyk. huwaw! pinaupo ko sila sa harap. e daan nang daan ang mga tao sa harap nila kaya nang oorder na sila ng hapunan, lumipat sila sa kabilang room. music room ata ang tawag doon. kasi mas peaceful daw kumain doon. sayang at hindi nila napanood ang mga tutula-tula sa aranya fellows night.

pagkatapos ng programa, lumabas na kami sa performance area ng conspi. doon kami sa parang garden. at agad kaming nagpa-raffle.

si gigi ang nanalo ng artwork ni tata! tapos nagpabunot na rin ako ng exchange gift. hindi ko na maalala kung bakit wala akong nabunot/natira.ang nakabunot ng regalo ko ay si sir bob. naku, akala ko pa naman treasure sa makakabunot ang regalo ko. koleksiyon ng mga nagwaging tula sa palanca dekada 80. kung batang writer ang nakabunot noon baka hanggang sa kabilang buhay pinasasalamatan ako. im sure meron ding kopya niyan si sir bob. hay.

si en naman ang nakabunot sa dala ni sir rio. isang coffeetable book. tapos si sir rio, yung kay ynna ang nabunot. aklat ni neil garcia.kamusta naman?

kaya hindi niya kinuha. sabi ko kay ynna sa text that night, sa akin na lang kasi ako ang walang nabunot. libro rin iyon, 'no?

libro, regalo at iba pa

ang mga nakuha kong regalo that night

isang pablo neruda book. yehey. mula kay sir jun balde
isang diary at isang key chain. yehey. mula kay mam lilia
maitim na gubat na keyk. yehey. mula kina karen, mam cora, sir lito

tapos dumating si jowa habang nilalantakan namin ang keyk sa music room. uwing uwi na ang mga tomasinong guro pero pigil ako nang pigil sa kanila hahaha sabi ko, birthday ko naman ngayon. kaya naka-chika-chika pa nila si jowa. nakilala din, finally, ni sir mike si jowa. at ni sir rio si jowa.

nakupo. ilang na ilang si jowa. andun lang siya sa gilid ni sir rio the whole time na ipinapakilala ko siya. at si sir rio din, 2.2 microseconds lang yata lumingon ke jowa. tapos pumunta si jowa sa likod ni sir rio at nakipagkuwentuhan na lang kay sir vim na nakaupo din doon.

noon ako nagpa-games. game lang pala. isa lang e.

pinoy henyo

heto ang mga salitang pinahulaan

alikabok
imburnal
tigang
patilya
test tube

si sir rio ang tagabunot. yung mga hindi nanalo sa raffle ang siyang mga maaaring mabunot.

ang nakahula ay dalawa lang. si sir marne, na binigyan ko ng pink kikay kit at si harry, na binigyan ko ng colored pencils na harry potter. si noel, lean at si sir jun balde,olats!

kinantahan ako ng birthday song ng mga tao pagkatapos non. nag-uwian na ang mga pambansang lolo. then nagpunta na ako sa loob. sa may performance area uli. andon kasi si jowa. nakikinig sa tumutugtog na banda.

pagtabi ko sa kanya sabi niya, siningil ako ng P100. sabi ko sa kanya, oo me bayad talaga dito. kasi may bandang tumutugtog. buti na lang at ang tinutugtog ng banda ay mga kanta na alam ni jowa. isang kanta e iyong kay kenny rankin. so hindi na rin siya masyadong nalugi.

tumingin kami sa oras. 11:45. 15 minutes bago ang aking kaarawan.

sabi ko kay jowa, isasama namin pauwi sina rye at ka pilo. wala na kasi silang masasakyan pauwi ng batangas. yes, doon pa sila nanggaling. nangagaling actually. yung buong panahon na naglilira sila ay lumuluwas talaga sila mula sa kaharian ng mga balisong, ang batangas.

kaya tinawagan ko si aileen na nasa bahay namin at pinalipat siya at si ej sa kuwarto ko. sama-sama kaming matutulog sa kuwarto ko. sina ka pilo at rye sa kuwarto naman ni aileen.

tapos nakinig kami ni jowa ng mga kanta habang pinalilipas ang 15 minutes.nakasandal ako sa tabain niyang dibdib.

pagtuntong ng 12:00, binati niya ako at hinalikan. ismak lang naman.

masaya akong kasama ko siya sa unang minuto ng aking ika-29 taon sa mundo.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...