Una, maraming salamat sa pakikipag-ugnayan ng SULAT Pilipinas sa akin sa pamamagitan ni Anathema. Salamat sa tiwala na may maibabahagi ako sa inyong mga miyembro.
Ikalawa, sana ay lumaki pa ang inyong grupo! Kailangan natin ng mas marami pang mambabasa at manunulat. Napakaraming benefits ng pagbabasa at pagsusulat, alam nating lahat, tama ba ako? Ilan diyan ay ang paglawak ng ating karunungan at ang paglalim ng ating pag-unawa sa kultura ng iba. Kaya mahalaga ang pagpaparami ng ating mga kauri... uring mambabasa at manunulat.
Pangatlo, ang aking mensahe sa mga mambabasa, magpaka-wild tayo sa pagbabasa! Meaning, magbasa tayo ng iba't ibang klase ng babasahin sa anyo man ng libro, pamphlet, brochure, ini-stapler na bond paper, ang paksa man ay iyong pinaka-type natin o pinakaayaw, maikli man o sobrang challenging sa haba, magbasa tayo ng mga akdang nakasulat sa iba't ibang wika (local and international), magbasa tayo ng gawa ng bata o gawa ng matanda, babae, lalaki, bakla, tomboy, transgender, magbasa tayo ng mga isinulat noon, as in noong unang panahon, at 'yong ngayon, as in kanina lang isinulat (FB posts?!), magbasa tayo ng mga bagay na bawal sa atin, magbasa tayo ng pinakamagalang na babasahin, pati ang pinakabastos na babasahin, magbasa ng gawa ng iba't ibang relihiyon, magbasa ng gawa ng mga taong iba't iba ang level ng natanggap na edukasyon. Bakit? Palagay ko, ito ang magiging daan para maging mas mapagmahal tayo at tolerant sa kapwa. Ito ang unang hakbang para ganap nang matapos ang lahat ng uri ng digma.
Panghuli, ito ang mensahe ko sa manunulat, 'wag tayong masyadong perfectionist sa sarili nating gawa. Hinga-hinga rin pag may time. Kung magpapaka-perfectionist everytime na magsusulat tayo, hindi tayo matatapos. Ever. Hindi tayo magiging produktibo. At magiging nana tayo. Sobrang bagal, kapatid, that's what I mean. So, ayun, ang point ko lang, huwag kang umasa na lahat ng gawa mo ay perfect. Kahit ang pinakamahusay na artists sa buong mundo, me pangit din na gawa sa tanang buhay nila. Kaya, chill ka lang kapag medyo hindi mo na alam kung saan papunta iyang isinusulat mo, kapag medyo tunog utot iyang tula mo, kapag medyo lasing ang grammar mo, kapag medyo gasgas ang mga linya ng bida mong lalaki, kapag medyo tanga ang bida mong babae, kapag walang kalatoy-latoy ang ending mo, walang climax, ganyan, chill lang. You are doing great. Bahagi iyan ng buhay ng isang manunulat. Ang ano? Ano pa, e di iyong mga pangit na akda. Ang importante, hindi ka titigil sa paglikha. Hindi ka titigil sa pagbabasa, sa pagsusulat, at paglalathala. Hindi lahat ng tao ay ipinanganak na may kapangyarihang humawak ng mga salita. Iilan lang tayo. Kaya, huwag tayong magmaramot. Yes, ang pagiging sobrang perfectionist ay pagiging madamot. Kasi, ikaw lang ang humuhusay nang humuhusay sa napakatagal mong proseso. Sa madaling salita, sulat lang nang SULAT, Pilipinas!
Kung may tanong, komento o suhestiyon, mag-email lamang sa beverlysiy@gmail.com.
Muli, maraming salamat sa pagkakataon!
Tuesday, February 16, 2016
Thursday, February 4, 2016
Kuwento ng Isang Pilipino, Kuwento ng Isang Grace Poe
Dulang Pangradyo ni Beverly W. Siy
MGA TAUHAN:
GRACE POE, toddler, bata, adult
SAYONG MILITAR, babae, 40s
TESSIE VALENCIA, babae, 40s
SUSAN ROCES, babae
FERNANDO POE, JR., lalaki
NEIL LLAMANZARES, lalaki, 20s-30s
GRACE POE (voice over):
Ako si Grace Poe, isang Pilipino. Ako ay ipinanganak dito sa ating bansa. Dito rin ako lumaki at pinag-aral ng aking mga magulang. Sa kasalukuyan, masigasig po akong naglilingkod sa ating bayan.
Wala pong duda. Sa puso, sa isip, ako po ay Pilipino.
At ito ang aking kuwento.
SCENE I
GRACE POE (Voice over, music na may pagkamisteryoso ang himig):
Madaling araw, a-tres ng Setyembre, 1968, isang babae ang pumasok sa Katedral ng Jaro sa Iloilo. Siya si Sayong Militar.
MADALING-ARAW. TAHIMIK NA TAHIMIK SA LOOB NG SIMBAHAN.
SAYONG MILITAR (pabulong):
Panginoon, iisa lang naman ang ipinagpaparito ko sa simbahan tuwing umaga. Iisa ang hiling ko at ng aking asawa: bantayan po Ninyo ang mga anak namin. Nawa’y hindi sila magkasakit, lalo na ngayong tag-ulan. Mapapaliban po kasi sa eskuwela kung dadapuan sila ng anumang karamdaman. Salamat po, Panginoon. Ito ang aking dalangin, amen.
(lalakas nang kaunti ang boses)
Makabalik na nga. Mag-aalmusal pa ang mga anak ni Mam.
FOOT STEPS KASABAY NG UHA NG BATA. PAPALAKAS ANG UHA NG BATA
(pabulong)
Aba, ano’ yon? Uha nga ba? Aba, ano i… ay, ay, bakit may kumot dito sa benditahan?
MALAKAS NA UHA NG BATA.
(pahisterikal)
Dugo? May dugo ang kumot! Diyos ko, Diyos ko! Isang sanggol!
KALEMBANG NG CHURCH BELLS. MODERATE NA INGAY NG MGA TAONG PAPASOK NG SIMBAHAN.
SCENE II
GRACE POE (voice over, malamyos/malungkot na musika):
Inalagaan ako ni Nanang Sayong hanggang sa ako ay magdalawang taong gulang. Pero nang maglaon, hindi na kinaya ni Nanang Sayong at ng kanyang asawa ang magpalaki at magpaaral ng isa pang bata dahil lima na ang kanilang anak. Kaya’t nagdesisyon sila.
SAYONG (hindi matigil ang pagnguyngoy, patigil-tigil dahil sa sobrang paghikbi):
Tessie, salamat! Kayhirap ng buhay namin, alam mo ‘yan. Kaya inihahabilin ko na sa iyo ang batang ito.
TESSIE (naiiyak din):
Oo, Sayong. Salamat sa pagtitiwala mo sa akin. Aalagaan ko nang maigi itong si Mary Grace.
GRACE POE (boses ng 2 year old na bata, umiiyak din, pasingit-singit siya sa mga salita ni Sayong):
Nanang! Nanang Sayong!

Tessie, mangako ka! (iiyak nang malakas) Alagaan mong mabuti si Grace! Biyaya at kaloob ng langit iyang si Grace. (iiyak nang malakas) ‘Wag ka nang umiyak, anak. Mabait naman ang Tita Tessie mo.
SCENE III
GRACE POE (voice over, pagpapatuloy ng musika sa Scene II):
Kinupkop ako ni Tessie Valencia, ang isa sa mga amo ni Nanang Sayong. Nang panahon na iyon, mahilig sa artista at showbiz si Tita Tessie. Siya pa nga ang presidente ng fans club ni Susan Roces noon. Ito ang dahilan kung paano ko nakilala ang babaeng nag-ampon sa akin at tuluyang nagpalaki. Katuwang niya ang lalaking itinuturing kong ama, walang iba kundi si Fernando Poe, Jr.
MODERATE NA INGAY SA ISANG CHILDREN’S PARTY.
MGA BATA (nagpapalakpakan, umpisa ng kanta):
Happy birthday, Mary Grace!
GRACE POE (8-9 years old):
Mamya na! Teka lang… wala pa ang tatay ko!
ISANG BATA:
Kantahan na, para makain na natin ang cake mo!
GRACE POE (8-9 years old):
E, saglit na lang. Teka, parating na iyon. Teka…
MGA BATA (nagpapalakpakan)
Happy birthday, Mary Grace! Happy birthday, Mary Grace. Happy birthday, happy birthday, happy birthday, Mary Grace! Yehey!
SUSAN ROCES:
Bago mo hipan ang kandila, anong wish mo, anak?
GRACE POE (7-8 years old, nagmamaktol):
E, sana, Mommy Susan, tapos na ang shooting ni Daddy Ronnie. Para kasama
natin siya ngayon. Siya ang mag-i-slice nitong cake.
FPJ (masayang-masaya, malakas ang boses):
A… sino ba ang absent?
GRACE POE (gulat na gulat, napakasaya):
Dad! Yey! Huy, kanta kayo uli, narito na ang Daddy Ronnie ko!
MGA BATA (mas masigla, nagpapalakpakan uli, to fade)
Happy birthday, Mary Grace!
SCENE IV
GRACE POE (voice over, may pagka-upbeat na ang musika):
Ang pagmamahal ng aking mga magulang, ang kabutihan at malasakit nila sa akin, ito ang nagpanday sa aking pagkatao. Itinuro nila sa akin ang kababaang-loob at ang pagiging tapat. Sabi ng aking tatay, mangarap ka, Grace, at magpursigi, sapagkat ganyan ang pagkatao ng Pilipino.
MODERATE INGAY SA GRADUATION CEREMONY NG BOSTON COLLEGE. MAY TUMUTUGTOG NA POMP AND CIRCUMSTANCE (OR ANY GRADUATION SONG NA INSTRUMENTAL) SA MALAYO. (SINCE AMERICA ITO, AMERICAN ACCENT ANG INGAY NG MGA TAO.)
EMCEE (American accent):
Mary Grace Poe!
SUSAN ROCES (pumapalakpak at tuwang-tuwa):
Ronnie, napakahusay talaga nitong anak natin. Aba, hindi biro ang makatapos dito sa Boston College. Political Science pa! Ito pala ang ibubunga ng kanyang pagiging kapitan ng debating team noong high school sa Assumption, at ng mga pagpupuyat niya sa UP Manila. Naalala mo? Rebyu nang rebyu sa mga exam niya tungkol sa development studies ‘yang batang iyan. Hindi maawat!
FPJ (tuwang-tuwa):
Oo, Susan. Ganyan talaga pag ang isang Pilipino ay may galing at may puso, kailanma’y hindi sumusuko.
SCENE V
GRACE POE (voice over, mellow/instrumental love song):
Di nagtagal, kumatok sa puso ko ang isang dalisay na pag-ibig. Ikinasal kami ni Neil Llamanzares sa Santuario de San Jose sa Greenhills noong 1991, at nagdesisyong magtrabaho sa ibang bansa para itaguyod ang bago naming pamilya. Tulad ng marami sa pamilyang Pilipino, dinaanan namin ang lahat ng pagsubok, dahil ang pagkayod at pagpapalaki ng mga anak, sabay naming hinarap.
NEIL LLAMANZARES (over phone, stressed na stressed):
Naku, Grace, nagka-emergency meeting kami. Si Hanna lang ang madadaanan ko sa day care mam’ya. Nasundo mo na ba si Brian sa school?
INGAY NG TRAPIKO: MAY BUMUBUSINA, TAKBO NG MAKINA, AT IBA PA.
GRACE POE (kausap si Neil sa phone, tuloy-tuloy siya sa pagsasalita):
Oo, Neil, magkasama na kami. Pero babalik ako ng office. May tinatapos kasi akong report. Naghanda na ako ng ekstrang upuan doon sa table ko para makagawa na ng mga assignment si Brian.
(Biglang sisigla ang boses.)
By the way, manok ang piprituhin ko mam’ya. Hapunan natin. Bumili ka ng pipino bago kayo umuwi ni Hanna para makapagpipino salad din tayo.
NEIL (over phone):
Ay, oo, walang problema! Ingat kayo, I love you. See you later.
SCENE VI
GRACE POE: (voice over, medyo masigla ang boses)
Pamilya ang dahilan ng aming pangingibang-bansa, pamilya rin ang dahilan ng permanente naming pag-uwi. Halalan ng 2004, tumakbo bilang pangulo ang aking tatay. Tumulong kaming lahat sa kampanya. Napakasaya namin nang panahong iyon, dahil magkakasama kami ulit. Pero may iba pa palang hatid ang tadhana.
(malungkot na malungkot)
Natalo sa halalan ang aking tatay at pagsapit ng Disyembre, siya ay pumanaw.
INSERT ACTUAL NA REPORT SA RADYO TUNGKOL SA DAMI NG NAKIRAMAY KAY FPJ. 15-20 SECONDS, OK NA.
SCENE VII
GRACE POE: (voice over, determinado ang boses)
Nagdesisyon kaming mag-asawa na higit kaming kailangan ng aking ina, higit kaming kailangan sa Pilipinas. Kaya nanatili kami rito mula noon. Paglipas ng ilang taon, in-appoint ako bilang tagapangulo ng MTRCB. Sa gabay ko, nadagdagan ang suporta ng gobyerno sa mga indie film, nagkaisa ang iba’t ibang government agency para lalong maprotektahan ang interes ng mga bata, at nagkaroon ng bagong sistema sa klasipikasyon ng mga pelikula at palabas sa sine.
INSERT SOUND BYTE NG MTRCB NA MAY LINYANG “SGP” STRIKTONG PATNUBAY AT GABAY.
SCENE VIII

Lalong umigting ang paniniwala kong kailangan natin ng gobyernong may puso. Kaya tumakbo ako bilang senador noong 2013. At naging makasaysayan ang resulta!
INSERT ACTUAL NA REPORT SA RADYO TUNGKOL SA PAGKAPANALO NI GRACE POE BILANG SENADOR. PRIORITY ANG REPORT SA RADYO NA NAGSASABING SIYA ANG KANDIDATO SA PAGKASENADOR NA NAKAKUHA NG PINAKAMARAMING BOTO SA BUONG KASAYSAYAN NG PILIPINAS. 20 SECONDS, OK NA.
GRACE POE: (voice over)
At ngayon po, bilang Senator Grace Poe, nagpapasalamat ako sa bawat Pilipinong sumuporta sa mga isyu na tinalakay ko at ginawan ng batas sa Senado. Ilan dito ay ang…
INSERT WANGWANG NG PULIS.
Dangerous Drugs Act. Dahil punong-puno na ang salop. Mas madali nang mahuli at maipakulong ang big time na mga pusher ng bawal na droga sa ating bansa! Dapat na talagang kalusin ang salop!
Peoples’ Freedom of Information Act. Para mas madaling mabuking ang mga buwaya sa gobyerno.
Salamat sa paniniwala ninyo sa akin. Lahat-lahat po ay (bagalan ang pagsasalita rito) animnapu’t walong batas at isandaan tatlumpung resolusyon (balik sa normal na pagbigkas) ang naipasa ko sa Senado. Itinaguyod nito ang mga isyung pangkatarungan, kalusugan ng mga bata, pagiging competitive ng ating mga industriya, proteksiyon ng likas na yaman ng Pilipinas, at higit sa lahat… (mariin na mariin, sobrang galit) pagdurog sa mga opisyal ng gobyerno na napakaitim ng mga budhi at magnanakaw.
Maraming salamat sa paniniwala ninyo.
INSERT INSPIRING SONG. PALABAN ANG DATING. NANGHAHAMON.
Pero hindi pa tapos ang laban.
PAIGTINGIN ANG INSPIRING SONG.
Para ganap tayong magkaroon ng gobyernong may puso!
BALIK SA MELLOW NA BAHAGI NG INSPIRING SONG.
Muli, ako si Grace Poe, ipinanganak dito sa ating bansa, lumaki at pinag-aral dito ng aking mga magulang. Masigasig pong naglilingkod sa ating bayan.
(ang pagbigkas ay mariin at proud ang dating)
Dahil sa gobyernong may puso, walang maiiwan!
END THE INSPIRING SONG IN A VERY EXPLOSIVE WAY.
Copyright ng teksto: Beverly Siy- beverlysiy@gmail.com

Thursday, January 14, 2016
me time
para makarating ako sa venue ng klase ko with brian, kailangan kong magdyip nang dalawang beses (isang maikli ang biyahe plus isang mahaba). pagkababa ko ng ikalawang dyip, kailangan ko pang mag-taxi. P55 ang lagi kong iniaabot sa taxi driver pagpara ko sa tapat ng venue ng klase namin ni brian.
pero kapag may oras ako and/or kailangan kong magtipid, nilalakad ko ang kanto ng babaan ko ng dyip hanggang sa venue. mahaba-habang lakaran ito. bente minutos na moderate walking. kinse kung medyo fast-paced.
gustong-gusto ko ang bahaging ito ng aking araw.
kasi nakakapag-isip ako. nakakapag-obserba. nakakahinga.
parang biglang humihinto ang mundo, naghihintay lang ng susunod kong hakbang.
marami-rami akong na-generate na idea sa ilang ulit kong paglalakad sa kahabaan ng greenmeadows. at ilan sa mga ito, nasa things to do ko na ngayong 2016.
hay. refreshing ang ganitong mga me time. highly recommended ko ito sa mga windang, buang, ngarag, babae, nanay. sa mga tulad ko.
kadalasan, pagdating ko ng bahay, medyo pagod na ako.
pero hindi maikakaila ang kasabikan kong sumabak uli sa pag-aalaga ng baby at sa mga gawaing ikabubuti ng humanity.

magsulat para sa sarili!
hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang natukoy kung para kanino dapat nagsusulat ang isang manunulat. matagal ko nang alam ito pero ngayon lang as in kanina ko lang tuluyang naunawaan kung bakit ang manunulat ay dapat na nagsusulat para sa sarili niya.
sa biyahe papunta sa klase ko kay brian, nag-text ako kay ajie ng walang kuwentang text. as in, helo ajie, happy 2016, wala lang, kako.
nag-reply siya. kinumusta niya ako, sumagot naman ako. tapos naibahagi niya sa akin na may isinulat daw siyang romance story. ang hirap daw pala niyon. sabi ko, ay hindi, kaya mo yan. published writer na kasi itong si ajie. hindi baguhan, kumbaga. idinagdag ko na rin, sa susunod, para mas mapadali ang pagsusulat niya, sumulat siya na parang nagkukuwento lang sa isang kaibigan.
tas yun na. doon ko na-realize na, oo nga, dapat ganon lagi magsulat ang isang manunulat. iyong parang nagkukuwento lang sa isang kaibigan. walang pini-please, walang ini-impress, walang itinatago, walang ikinahihiya, walang eklat, walang palabok, walang isyu at eklavu.
in short, parang sarili lang ang kausap.
parang ganito ang equation: kaibigan=reader=self=writer
kapag ang isang manunulat ay nagsulat para sa ibang tao, (ibang tao meaning tao na hindi niya masyadong kaibigan, hindi masyadong ka-close, hindi niya kakilala, malayo sa kanya) o kapag ang isang manunulat ay nagsulat para i-please ang ibang tao, o para ma-impress ang ibang tao, may ibang persona siyang ina-assume. hindi siya nagiging tunay na siya. kaya ang akda niya ay hindi nagiging tapat sa kanyang pagkatao, hindi ito nagiging awtentiko.
ibig sabihin, ang akda ng ganitong manunulat ay hindi reliable para kumatawan sa isip at damdamin ng naturang manunulat.
ang naiisip kong halimbawa ng ganitong writer ay yung mga nagsusulat para makapagpasiklab, para makapagpasikat, para makipag-compete sa kapwa niya. pasok din sa banga ang mga writer na nagsusulat kasi may gustong patunayan. kasi ang tendency ng mga iyan, mag-assume ng astig-astigan position o di kaya ay makipagtaasan at tagisan ng ihi sa inaakala nilang kakumpitensiya nila sa pagsusulat.
maihahalintulad ko ang mga ganitong writer sa mga taong social climber, pati na iyong gumagamit ng mamahaling mga gamit kahit hindi naman sila mayaman, o kaya baon naman sila sa utang. yung mga estudyanteng kung makapagtanong sa teacher ay nakaka-nosebleed pero ang totoo, hindi naman talaga nag-aaral, wala namang interes sa pagkatuto. sila yung mga lalaking nagpapa-impress sa mga nililigawan pero hindi naman consistent, bastos na kapag sinagot ng nililigawan, kating-kati nang mambabae pagkatapos makuha ang gusto mula sa niligawan.
kung palalakihin o palalawakin natin ito, bilang isang bayan, ganyan tayo, unfortunately. ang pang-araw-araw nating buhay ay nauubos sa kapi-please sa ibang tao, sa ibang lahi, sa ibang bayan. Dati, texting capital tayo ng buong mundo. watda, akala ko ba naghihirap tayo, e ba't andaming may cellphone? andami pang pang-text! Ngayon naman, isa tayo sa pinakamaraming user ng Facebook. watda, akala ko ba naghihirap tayo, reklamo tayo nang reklamo, every minute of every day, tas ang laman ng mga FB account natin: kaysasarap na mga pagkain, bagong gadgets, condo units, travel spots, at pagkagagandang selfies!
araw-araw, buwan-buwan, taon-taon, grabe tayong maka-project para makapagpa-impress.
kumusta ba ang apec days noong 2015? kumusta ba ang pagbisita ng pope sa pinas?
we did all of these things because we wanted to impress other countries.
hello, other countries, wala kaming maayos na gripo dito, walang lugar para makatae nang maayos ang maralitang tagalungsod, pero, look, bongga ang mga upuan ng leaders nyo habang naghahapunan sila rito sa amin.
hello, catholic world, inihahalal namin nang paulit-ulit ang mga magnanakaw rito, up to the highest position pa, ano, pero, look, lookie, marunong kaming mag-antanda! marunong kaming magpahalaga sa pagbisita ng kataas-taasang papa. we respect silence when we pray.
mapagpanggap, mga potah.
sa panitikan natin, kayraming ganyan. mga mapagpanggap. ang ini-impress kasi nila, ibang tao. ibang lahi. ibang bansa. nagsusulat sila para makapag-project sila ng certain image sa iba.
akala nila, susulong ang panitikang Filipino sa ganoong paraan.
yak.
e, sino ba ang niloloko nila? di ba, ang mga sarili din nila?

Tuesday, December 8, 2015
Mula sa mambabasang si Aubrey Paladan
Hello po! I'm a fan and a reader. Tawang tawa po ako sa libro n'yong It's Raining Mens saka It's A Mens World. Lalo na po sa part ng IRM na nag-edit kayo ng work ng isang writer tapos nagreply yung fictional character para mag-explain. :) Keep writing po, God bless. smile :)
Aubrey, daghang salamat! Sa uulitin!
Aubrey, daghang salamat! Sa uulitin!
Wednesday, December 2, 2015
Children's Book Publishers sa Pilipinas
Para po sa mga guro ng Negros Occidental na sumali sa Bookmaking Workshop ng Museo sang Bata sa Negros na ginanap sa lungsod ng Badolod at Sagay noong Nob.24 at 25, maaari po ninyong ikonsidera ang sumusunod na publishers para sa inyong mga akdang pambata:
Adarna House
109 Scout Fernandez corner Scout Torillo Streets, Barangay Sacred Heart, Quezon City 1103 Philippines
Telephone: (02) 352 6765 • Fax local 125
E-mail: adarnahouse@adarna.com.ph
www.adarna.com.ph
Lampara Books
83 Sgt. E. Rivera St., San Francisco del Monte, Brgy. Manresa 1115, Quezon City, Philippines
Telephone: (02) 414-6188 Fax No. (02) 367-6222
E-mail: inquiry@lamparabooks.com.ph
www.lamparabooks.com.ph
Tahanan Books (Ilaw ng Tahanan Publishing, Inc.)
Unit 402, Cityland 3 Condominium, 105 V.A. Rufino corner Esteban Street, Legaspi Village, Makati City, Philippines 1229
Telephone: (02) 813-7165
E-mail para sa editorial queries: fran@tahananbooks.com
www.tahananbooks.com
Chikiting Books (Vibal Publishing)
Manila Office
G. Araneta Ave., cor. Ma. Clara St.,Quezon City
Telephones: (02) 712-2722 · 712-9156 to 59 Fax: (02) 711-8852
E-mail: inquire@vibalpublishing.com/ rbrigino@vibalgroup.com
Visayas Office
0290 Unit 202 Cebu Holdings Center,
Cebu Business Park, Cardinal Rosales A, Cebu City
(032) 233-0173 · 233-0176 · 233-2568
Fax: (032) 233-2983
vpcebu@vibalpublishing.com
www.vibalpublishing.com/products/chikiting-books
Anvil Publishing, Inc.
Publishing Department, Anvil Publishing Inc., 7th Floor Quad Alpha Centrum Building, 125 Pioneer Street, Mandaluyong City 1500
Telephones: (02) 477-4752, (02) 477-4755 to 57 Fax: +(02) 747-1622
publishing@anvilpublishing.com, jsbersales@publishing.com
www.anvilpublishing.com
THE BOOKMARK, INC.
264 Pablo Ocampo Sr. Extension Avenue, San Antonio Village, 1203 Makati City, Philippines
Telephone: (02) 895-8061 — 65 Fax: (02) 897-0824
bookmark1945@gmail.com
www.bookmarkthefilipinobookstore.com
OMF Literature
776 Boni Avenue cor. Pinatubo Street, Mandaluyong City
Telephone: (02) 53.143.03 Fax: (02) 53.143.03 loc. 307
Email: omflit.boni@gmail.com
www.omflit.com
Mas mainam po na magpasa ng book proposal kasama ang isang bahagi ng inyong manuskrito (sa mga nabanggit na publisher). Sa book proposal po ay babanggitin ninyo ang inyong background, kung tungkol saan ang inyong akda, sino ang target market nito at ano ang unique selling point ng inyong akda.
Narito naman po ang mga organisasyon at grupo na maaaring makatulong sa inyong paglalathala ng mga akdang pambata. Marami din silang inilulunsad na mga gawain at kompetisyon na maaari ninyong lahukan.
Kuwentista ng mga Tsikiting (Kuting)
Pakihanap po ang Kuting sa Facebook, may account po sila doon.
President (as of Nov. 2015): Glenda Oris
Philippine Board on Books for Young Children (PBBY)
109 Scout Fernandez cor. Scout Torillo Street, Quezon City, Philippines
Telephone: (02) 352.6765
E-mail: pbby@adarna.com.ph
www.pbby.org.ph
The Center for Art, New Ventures & Sustainable Development (CANVAS)
1 Upsilon Drive Ext., cor. Zuzuareggui St., Alpha Village, Diliman, Quezon City
Telephones: (02) 436-4509, (02)-216-7750
E-mail: info@canvas.ph, gigo@canvas.ph
www.canvas.ph, www.lookingforjuan.com
The Philippine Chapter of the Society of Children's Book Writers & Illustrators (SCBWI)
c/o Beaulah Pedregosa Taguiwalo (taguiwalo8888@yahoo.com/0917-787-4956)
c/o Dominique Garde Torres (nikkigtorres@yahoo.com/0905-347-1668)
scbwiphilippines@gmail.com
www.scbwiphilippines.wordpress.com
Sana ay makatulong ang lahat ng skills na natutuhan ninyo sa ating Bookmaking Workshop para sa paghahanda ng inyong manuskrito at book proposal. Mag-email po lamang sa akin sa beverlysiy@gmail.com kung sakali pong may maitutulong pa ako at ang isa pa nating lecturer, si Ronald V. Verzo II.

Mula sa mambabasang si Kloyde A. Caday ng Mindanao
PPS (na mataas), sayang po at naubusan na ng stock ng It's a Mens World sa Abreeza. I heard about it from my friends so as soon as I got to Gensan, I immediately bought this book. Ito rin ho talaga ang reason bakit nagsend ako ng email sa iyo. A few hours ago, I finished reading the book and it got me laughing and sighing as well. Sa surface level, maaaring sabihin ng readers na layon mo lang ang pagpapatawa sa kanila at iyon lang. You really achieved that, Ma'am, pero what I really like is how you included smithereens of your life to mean something about them. I like how small, even unnoticeable details become metaphors (e.g., piso, milk shakes) that hold spiritual truths. Gusto ko rin po ang organization ng essay ninyo. It 's a collection of essays not told in chronological order, pero may organic unity po. I love the innocence being depicted in the book as well. Paborito ko po yung 'So Ayaw Mo sa Palayaw Mo?' Tawa lang po ako nang tawa, at naremember ko po yung times na chill lang ang buhay, no'ng bata pa ako. Saludo po ako sa honesty at boldness niyo sa book na ito (at pati rin ang long-term memory mo. Hehe. Narealize ko na may mga ala-ala pala nung pagkabata na pwedeng hugutin upang makalikha ng sining. Ang dami kong sinabi sa loob ng parentheses kaya hanggang dito na lang.).
Katulad niyo, nais ko ring magsulat, at gusto kong magconcentrate sa creative nonfiction o essays. Isa po kayo sa mga iniidolo ko. Rock and roll!
Kloyde A. Caday
Maraming salamat, Kloyde! At masaya akong makilala ka sa Davao noong Philippine International Literary Festival 2015. Sana ay magkrus uli ng ating landas sa hinaharap!
Subscribe to:
Posts (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
Di ko na alam ang gagawin kay Colay. Huli kaming nagkita noong October 31 hanggang umaga ng November 1, dinalaw namin si Dadi sa sementeryo....
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...