Thursday, January 14, 2016

me time

para makarating ako sa venue ng klase ko with brian, kailangan kong magdyip nang dalawang beses (isang maikli ang biyahe plus isang mahaba). pagkababa ko ng ikalawang dyip, kailangan ko pang mag-taxi. P55 ang lagi kong iniaabot sa taxi driver pagpara ko sa tapat ng venue ng klase namin ni brian.

pero kapag may oras ako and/or kailangan kong magtipid, nilalakad ko ang kanto ng babaan ko ng dyip hanggang sa venue. mahaba-habang lakaran ito. bente minutos na moderate walking. kinse kung medyo fast-paced.

gustong-gusto ko ang bahaging ito ng aking araw.

kasi nakakapag-isip ako. nakakapag-obserba. nakakahinga.

parang biglang humihinto ang mundo, naghihintay lang ng susunod kong hakbang.

marami-rami akong na-generate na idea sa ilang ulit kong paglalakad sa kahabaan ng greenmeadows. at ilan sa mga ito, nasa things to do ko na ngayong 2016.

hay. refreshing ang ganitong mga me time. highly recommended ko ito sa mga windang, buang, ngarag, babae, nanay. sa mga tulad ko.

kadalasan, pagdating ko ng bahay, medyo pagod na ako.

pero hindi maikakaila ang kasabikan kong sumabak uli sa pag-aalaga ng baby at sa mga gawaing ikabubuti ng humanity.


No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...