hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang natukoy kung para kanino dapat nagsusulat ang isang manunulat. matagal ko nang alam ito pero ngayon lang as in kanina ko lang tuluyang naunawaan kung bakit ang manunulat ay dapat na nagsusulat para sa sarili niya.
sa biyahe papunta sa klase ko kay brian, nag-text ako kay ajie ng walang kuwentang text. as in, helo ajie, happy 2016, wala lang, kako.
nag-reply siya. kinumusta niya ako, sumagot naman ako. tapos naibahagi niya sa akin na may isinulat daw siyang romance story. ang hirap daw pala niyon. sabi ko, ay hindi, kaya mo yan. published writer na kasi itong si ajie. hindi baguhan, kumbaga. idinagdag ko na rin, sa susunod, para mas mapadali ang pagsusulat niya, sumulat siya na parang nagkukuwento lang sa isang kaibigan.
tas yun na. doon ko na-realize na, oo nga, dapat ganon lagi magsulat ang isang manunulat. iyong parang nagkukuwento lang sa isang kaibigan. walang pini-please, walang ini-impress, walang itinatago, walang ikinahihiya, walang eklat, walang palabok, walang isyu at eklavu.
in short, parang sarili lang ang kausap.
parang ganito ang equation: kaibigan=reader=self=writer
kapag ang isang manunulat ay nagsulat para sa ibang tao, (ibang tao meaning tao na hindi niya masyadong kaibigan, hindi masyadong ka-close, hindi niya kakilala, malayo sa kanya) o kapag ang isang manunulat ay nagsulat para i-please ang ibang tao, o para ma-impress ang ibang tao, may ibang persona siyang ina-assume. hindi siya nagiging tunay na siya. kaya ang akda niya ay hindi nagiging tapat sa kanyang pagkatao, hindi ito nagiging awtentiko.
ibig sabihin, ang akda ng ganitong manunulat ay hindi reliable para kumatawan sa isip at damdamin ng naturang manunulat.
ang naiisip kong halimbawa ng ganitong writer ay yung mga nagsusulat para makapagpasiklab, para makapagpasikat, para makipag-compete sa kapwa niya. pasok din sa banga ang mga writer na nagsusulat kasi may gustong patunayan. kasi ang tendency ng mga iyan, mag-assume ng astig-astigan position o di kaya ay makipagtaasan at tagisan ng ihi sa inaakala nilang kakumpitensiya nila sa pagsusulat.
maihahalintulad ko ang mga ganitong writer sa mga taong social climber, pati na iyong gumagamit ng mamahaling mga gamit kahit hindi naman sila mayaman, o kaya baon naman sila sa utang. yung mga estudyanteng kung makapagtanong sa teacher ay nakaka-nosebleed pero ang totoo, hindi naman talaga nag-aaral, wala namang interes sa pagkatuto. sila yung mga lalaking nagpapa-impress sa mga nililigawan pero hindi naman consistent, bastos na kapag sinagot ng nililigawan, kating-kati nang mambabae pagkatapos makuha ang gusto mula sa niligawan.
kung palalakihin o palalawakin natin ito, bilang isang bayan, ganyan tayo, unfortunately. ang pang-araw-araw nating buhay ay nauubos sa kapi-please sa ibang tao, sa ibang lahi, sa ibang bayan. Dati, texting capital tayo ng buong mundo. watda, akala ko ba naghihirap tayo, e ba't andaming may cellphone? andami pang pang-text! Ngayon naman, isa tayo sa pinakamaraming user ng Facebook. watda, akala ko ba naghihirap tayo, reklamo tayo nang reklamo, every minute of every day, tas ang laman ng mga FB account natin: kaysasarap na mga pagkain, bagong gadgets, condo units, travel spots, at pagkagagandang selfies!
araw-araw, buwan-buwan, taon-taon, grabe tayong maka-project para makapagpa-impress.
kumusta ba ang apec days noong 2015? kumusta ba ang pagbisita ng pope sa pinas?
we did all of these things because we wanted to impress other countries.
hello, other countries, wala kaming maayos na gripo dito, walang lugar para makatae nang maayos ang maralitang tagalungsod, pero, look, bongga ang mga upuan ng leaders nyo habang naghahapunan sila rito sa amin.
hello, catholic world, inihahalal namin nang paulit-ulit ang mga magnanakaw rito, up to the highest position pa, ano, pero, look, lookie, marunong kaming mag-antanda! marunong kaming magpahalaga sa pagbisita ng kataas-taasang papa. we respect silence when we pray.
mapagpanggap, mga potah.
sa panitikan natin, kayraming ganyan. mga mapagpanggap. ang ini-impress kasi nila, ibang tao. ibang lahi. ibang bansa. nagsusulat sila para makapag-project sila ng certain image sa iba.
akala nila, susulong ang panitikang Filipino sa ganoong paraan.
yak.
e, sino ba ang niloloko nila? di ba, ang mga sarili din nila?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
1 comment:
lumayo ka na sa sarili dito, a. :-)
Post a Comment