Kung paano akong nagkaroon ng mens in five parts
ni Bebang Siy
Part one- 100% BEBENTA ITO!
Hindi ko inakalang magiging koleksiyon ng sarili kong mga sanaysay ang It’s A Mens World. Sa pinakasimpleng pag-uugat, nagsimula talaga ito as a book project, pero hindi akin kundi sa isang grupo.
Taong 2008 noon nang mag-publish ang Psicom ng Pinoy version ng Chicken Soup for the Soul, ito ay ang Sopas Muna 1. Binubuo ito ng mga sanaysay na isinulat ng members ng aming grupo, ang Panpilpipol. Pagkaraan lamang ng ilang buwan mula nang mailabas ang Sopas Muna 1, ang sabi sa amin ng Psicom ay isulat na raw namin ang Sopas Muna 2. (Hindi ako naka-monitor sa sales pero para abisuhan kami ng ganito, I guess, bumenta ang Sopas Muna 1.) Agad kaming nag-meeting, ang mga taga-Panpilpipol: ako, Wennie, Jing, Rita, Haids at Mar. Dito pinag-usapan kung ano ang magiging tema ng Sopas Muna 2 (childhood ang napagkasunduan) at tulad ng dati, tag-aanim na libong salita kami para makasapat sa 24,000 words per book na requirement ng Psicom. Sa anim na libo, bahala nang mag-budget ng number of words per essay ang bawat writer sa amin. Kung gusto kong magpasa ng anim na tag-iisang libong salitang sanaysay, puwede. Kung gusto ko ay isang mahabang sanaysay composed of 6,000 words, puwede rin naman. Ito ang naisip naming rule sa Sopas Muna 1 para iba-iba ang length of works sa loob ng aklat, at ito na nga rin ang napagkasunduan namin para sa sequel ng nasabing aklat.
Nag-umpisa kaming magsulat at nagtakda na ng deadline. Pagkatapos ng deadline ay isinalang namin ang aming mga sanaysay sa isang self-imposed workshop. Nag-meeting kami sa bahay ko, kanya-kanyang bitbit ng photocopy ng mga sanaysay, latag ng banig, tagayan ng balde-baldeng kape. Bawal antukin. Nagkatayan kami ng mga akda buong magdamag. Katayan talaga kapag workshop, hindi sinasanto ang mga relasyon, ang mga friendship, ang special memories. Maganda kung maganda. Retain! Palitan ang alanganin. Rewrite! Kung maraming alanganin, major make over! Pangit kung pangit! Tanggalin ang pangit!
Pero buti na lang at walang nagsolian ng kandila (ninong at ninang kami ng panganay ni Jing) bagkus ay lalong tumatag ang pagkakaibigan namin dahil lumabas na bonding time din naman ang mga workshop na ganito. Bukod doon ay gumanda pa ang koleksiyong nabuo namin. (Kaya 100% sure kami, bebentang muli ang Sopas Muna 2.)
Sa workshop na ito unang nasilayan ng ibang tao ang mga sanaysay ko na Nakaw na Sandali, Pinyapol at It’s A Mens World (na noon ay pinamagatan kong Regla Baby).
Excited kaming mga taga-Panpilpipol. Isa na namang aklat ang aming isisilang. Panglima na ito with Psicom kung sakali. Ang mga nauna ay:
1. Hilakbot (tungkol sa mga haunted house na binisita namin para sa aming research paper sa isang subject sa masteral course kung saan kami naging magkakaklase);
2. Haunted Philippines 8 (ang ibinayad sa amin sa Hilakbot, P15,000 na one time payment at divided by 6 pa ‘yan sa lagay na ‘yan, ay ipinanglakwatsa namin. Nagpunta ang buong grupo sa Sagada. Pagbaba namin sa Maynila paglipas ng ilang araw, inalok uli kami ng Psicom na magsulat ng aklat ng katatakutan. Ginawan namin ng horror stories ang mga napuntahan naming pasyalan sa Sagada. Ito ang laman ng aklat na HP 8.);
3. Haunted Philippines 9 (nag-isip kami ng bagong tema para sa 3rd horror book namin, at dahil uso ang ukay-ukay noon, second hand items ang aming naisip. Nag-field trip kami sa mga tindahan ng antique at segunda mano sa Cubao Expo para lamang dito.); at ang
4. Sopas Muna 1 (ang unang aklat namin na inspirational ang himig).
Habang nirerebisa ng bawat isa ang mga na-workshop na sanaysay, nakipag-ugnayan uli ako sa Psicom.
Sa telepono:
AKO: Good news po. Malapit na naming matapos ang Sopas Muna 2.
PSICOM: Ay, may kinuha na kaming ibang writers para sa Sopas Muna 2.
AKO: Wah!
Part two- JURASSIC BEAUTY
Ibinalita ko sa Panpilpipol ang sinabi ng Psicom at tulad ko, shocked na shocked din sila. Pero hindi kami nasiraan ng loob. Napagkasunduan naming ituloy pa rin ang pagpapalathala ng aklat pero sa pagkakataong ito, maghahanap kami ng ibang publisher.
Kaya lang, ang problema, hindi naging mabilis ang mga sumunod na hakbang. Naging abala kami sa kani-kaniyang gawain at hindi ko naharap ang tuloy-tuloy na pagka-copy edit sa mga sanaysay. (In short, medyo nabaon sa limot ang dream project ng grupo.) Isang araw, sabi sa akin ng pinagsisilbihan kong pamantasan, kailangan ko nang tapusin ang aking masteral course. Tatlong taon na kasi ako sa kanilang pamantasan at nahalukay nila ang sulat ko sa aming dekana noong unang taon ko sa paglilingkod bilang guro. Sabi ko sa sulat na ‘yon, tatapusin ko ang kurso sa loob ng tatlong taon, ang takdang probationary period.
Natakot ako siyempre. Kasi naman, ang layo-layo ko pa sa finish line. Mga five thousand na tumbling pa ang kailangan kong bunuin.
Pero hindi ako nasiraan ng loob.
Tutal, maganda naman ang rekord ko sa pamantasan, kasundo ko ang mga estudyante doon, natatapos ko ang mga ekstrang gawain na iniaatang sa akin, at aktibo ako sa departmento namin, baka kako makakasapat na ang pagpapasa ng mga grado sa dalawang subject na aking in-enrol that semester sa masteral course ko. Baka puwedeng mga grado na muna ang isumite ko sa aming dekana, saka na ang diploma.
Sa graduate school kung saan ako nag-aaral, tadtad ng INC (o incomplete bilang grado) ang aking rekord. Kaya naman major-major na pagsisikap ang ginawa ko para lang magka-numerical grade ako sa dalawa kong subject: ang isa ay Panitikang Oral, at ang isa, Seminar sa Editing, Kapirayt at Paglalathalang Pampanitikan. Itong huli, Seminar sa Editing at iba pa ay isa nang penalty course. Penalty dahil sobra na ako sa bilang ng taon ng pananatili sa grad. school. Tipong nakapila na ang pangalan ko sa mga iki-kick out nila dahil super-duper overstaying na talaga. Kumbaga sa pick up line…
Grad. School: Alam mo, para kang dinosaur.
Ako: Bakit?
Grad. School: Jurassic ka na, Ate.
Kelangan ko na talagang magkagrado at maka-move on sa mga subject-subject, utang na loob.
Si Sir Vim Nadera ang teacher ko sa nasabing penalty course. Ang huling requirement sa klase niya ay draft ng thesis. Nakupo. Ni paksa nga para sa thesis, wala sa hinagap ko, draft pa kaya?
Nakiusap ako sa kanya, kung puwedeng ang isumite ko na lang ay katulad ng isusumite ng mga kaklase kong ang major ay malikhaing pagsulat: collection of creative works, ganon, kahit na ang major ko ay panitikan at hindi naman malikhaing pagsulat.
Hindi raw puwede.
Nakupong nakupo. E, wala pa talaga akong kapaksa-paksa. Nag-panic ako. Paano, usapin ito ng trabaho. Usapin ng sahod. Usapin ng pera. DKP (Diyos ko po)! Di ako puwedeng mawalan ng trabaho. Ng sahod. Ng pera. Solo parent ako. At ayokong mamalimos ng pangkain namin ni EJ. Napabayaan kong talaga ang pag-aaral ko kaya hindi ako nakatapos sa takdang oras, oo na, sige na, pero kelangan ko talaga ng trabaho lalo na ngayon at magpakailanman. Hindi, hindi talaga ako puwedeng mawalan ng mapagkukunan ng kita.
Kaya muli kong kinausap si Sir Vim.
AKO: Sir, baka po puwedeng collection of creative works na lang po ang ipasa ko sa subject natin.
SIR VIM: Hindi nga puwede. Hindi ka naman malikhaing pagsulat, e.
AKO: Sir, wala pa po talaga ako sa thesis writing stage. Hilaw po ang maipapasa ko sa inyo kung pipilitin kong magsulat ng kahit ano pong para sa thesis sa ngayon.
SIR VIM: Hindi. Huwag kang makulit.
E, hindi ako nasisiraan ng loob, di ba, kaya humirit pa ako.
AKO: Sir, sige na po, pumayag na kayo. Tutal naman po, editing ang subject natin. I-check na lang po iyong quality ng editing ko sa sarili kong mga akda.
SIR VIM: Bakit ba ang kulit mo?
AKO: Sir, kasi po …
Sinabi ko na kay Sir ang totoo. Na hindi lang ito usapin ng grado. Usapin ito ng trabaho. Ng sahod. Ng pera. Ng buhay naming mag-ina. At naawa naman ang tabaching-ching at mapagpatawad kong guro.
SIR VIM: O, sige. Sige. Hay naku. Ba’t naman kasi… ilang taon ka na rito sa grad. school, a?
AKO: Wah!
(Hindi ko na pinansin ang huli niyang sinabi. Pumayag siya. Pumayag. Woho! Ang kasunod ay mala-Pep Squad performances ko in the beat of UP Naming Mahal (kung saan ako nag-o-overstay nag-aaral): cart wheel, triple turn sa ere, jumping jack, running man, roger rabbit at scissor-scissor. Ang saya ko. Ang saya-saya ko.)
SIR VIM: Wah. Huwag ka munang magdiwang diyan. Me kondisyones, una, kelangan book-length ang ipapasa mo sa akin. Ikalawa,
kelangan publishable ang kalidad ng mga isusumite mo, hindi basta-basta, iyon tipong makapagpasa ka lang. Kuu, huwag na huwag kang magtatangka, Bebang, tandaan mo. At ikatlo, ang pinakamataas na gradong puwede mong makuha para diyan ay dos.
Dos? Sa masteral level, ang dos ay equivalent sa 74.45 %, meaning pasang-awang halos bagsak. Ngik. At bawal sa masteral level ‘yon. Lalong-lalo na ang kahit anong gradong mas mababa pa sa dos. Mapapatalsik ka sa graduate program pag ganon.
Either kelangan ko talagang pag-igihan ito nang bongga o ‘wag ko na lang ituloy ang pagsa-submit ng kahit ano kay Sir.
Magpapa-INC na lang ako uli. Oo, isa ring option ang magpa-INC. Sanay naman ako sa tatlong letrang iyan. Sa lahat na nga yata ng subject ay INC. na ang grado ko. E, ano ba naman ‘yong madagdagan ako ng isa pang INC.? Magbabago ba ang buhay ko? Hello?
Oo, anak ka ng tutong, oo, magbabago ang buhay mo, sigaw ng isip ko. ‘Te, mawawalan ka ng trabaho, ano ba? Mawawalan ka ng sahod, ng pera, ano ba? Bigla akong nagising sa katotohanan. I must grab this chance. It’s now or never.
AKO: Okey. Okey po, Sir Vim.
At umalis akong sindak na sindak at nanginginig ang neurons sa kaba. Kaya ko ba ‘to? Kaya ko bang makabuo ng ganong koleksiyon? Ano ba ‘tong napasok ko? Umurong na lang kaya ako? Pero na-imagine ko ang payslip ko, nagka-cart wheel, nagti-triple turn sa ere, nagja-jumping jack, nagra-running man, nagro-roger rabbit at nagsi-scissor-scissor palayo sa akin. Kaya hindi talaga option ang umurong. Eto na ‘to.
Part three- ANG SWIMMING POOL NG PIGHATI
Pag-uwing-pag-uwi, hinalungkat ko ang lahat ng nasulat ko sa mga journal ko, sa blog, sa computer, sa mga notebook pang-eskuwela, sa resibo, sa report card ng anak ko, sa pader ng banyo, sa lahat. Suyod. Isinama ko ang mga tula ko, kuwento, kuwentong pambata, sanaysay, dula, comics script, radio drama at kung ano-ano pa, tapos inihiwalay ko ang mga akdang sa palagay ko ay publishable. And for that, dalawa lang ang natira. Joke. Marami-rami din. Buti na lang.
Sinuri ko’t tiningnan kung ano ang namamayaning tema sa mga ito.
Pamilya. At childhood.
(Noon ko lang na-realize, mahilig pala akong magsulat tungkol sa pamilya ko. Andami ko kasing sama ng loob sa magulang, e. Parang sa sobrang dami ng dinaanan ko at ng aking mga kapatid, hindi pa pala ako nakaka-get over sa mga karanasan na ‘yan. Kaya siguro unconsciously sulat ako nang sulat tungkol sa kanila.)
Kasama sa nakalap kong akda ang mga sanaysay ko na para sana sa Sopas Muna 2. Pero unfortunately, kulang pa rin ang naipon kong akda. Hindi pa makakabuo ng isang aklat. Kaya nagsulat pa ako. Sulat, sulat, sulat. Pagkatapos ay nag-edit ako. Revise-revise. Edit-edit uli. Proofread. Parang kulang pa. Sulat uli. Edit. Revise. Proofread. Sulat. Revise. Edit. Proofread. Edit. Proofread. Walang pahinga. Ilang linggong ito lang ang ginagawa ko, wala nang iba, alang-alang sa grado. Ang intense. Kulay-estero na ang laway ko, amoy-pusali na ang kilikili ko, pati singit. Ayaw nang magpayakap sa akin ng anak ko, pero tuloy ang buhay: sulat, edit, proofread.
Nang matapos ang lahat ng ito, isinubmit ko na kay Sir Vim ang aking koleksiyon: It’s A Mens World. Taimtim ko itong kinausap, sa isip ko. Mens, anak, ako ito, si Bebang, ang nanay mo. Isinilang kita para sa matatayog na pangarap, kaya go for gold. Ye. Ye. Ye. Andito lang ako sa likod mo, magchi-cheer para sa ‘yo. Go, anak. Go, Mens. Para sa ‘yo ang mundong ito, kaya nga iyan ang ipinangalan ko sa iyo. It is your fucking world. IT’S A MENS WORLD.
Pagkaraan, sa wakas, dumating ang isang numerical na grado. From Sir Vim. Pasado. Yesssss. Anak ng dinuguang panty, numerical na, pasado pa? Ye.
Sinecure ko rin ang grado ko sa isa pang subject, ‘yong Panitikang Oral (na saksakan naman ng dami ang requirements: class participation, pitumpu’t isang reaction paper, isang final paper tungkol sa paksang pandisertasyon ang level, 688 exams, 43,239 quizzes, required din ang dugo’t pawis ng estudyante, apdo, atay, sikmura, gulugod, alulod, lahat na). Pagkatapos ay nagpunta ako sa pinaglilingkuran kong pamantasan para isumite naman ang katibayan na may grades na nga ako sa dalawang subject. Plano ko ring sabihin sa aming dekana na mag-e-enrol na ako ng thesis sa parating na semestre. “Makakapagtapos din po ako, huwag po kayong mag-alala,” ito sana ang peg ko.
Ni-renew ba ako?
Hindi. O, hindi. Nakatanggap ako ng thank you letter at the end of the semester. Itsura ko? Masahol pa sa cheerleader na dinaanan ng kabayong nagra-running man at nagro-roger rabbit. Ay, talaga naman. Hindi ko na alam kung saan ako babaling. Wala akong trabaho. Walang sahod. Walang pera. Wala pa akong diploma. Di nagtagal, nabalitaan ito ni Sir Vim. Sabi niya, ‘wag ka nang malungkot, Bebang. May manuscript ka naman. Maghanap ka ng publisher.
Oo nga.
Sobra na ang paglulunoy sa swimming pool ng pighati.
So ang first step ay alamin kung ano-anong mga publisher ang tumatanggap ng manuscript na tulad ng sa akin. In-email ko si Sir Jun Balde. Si Sir Jun ay consultant ng National Book Store. Isa siya sa mga tagapayo kung saang category nararapat ilagay ang isang aklat. Saang category nga ba maisisingit ang manuscript ko sakaling maging libro na nga ito? Malay.
Anyway, si Sir Jun din ang tagapangulo ng UMPIL o Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas kung saan matagal-tagal akong naglingkod bilang bahagi ng Secretariat at Board of Directors. Nakiusap ako kay Sir Jun kung puwede niyang basahin ang manuscript ko. Umoo siya agad pero kelangan daw, hard copy ang babasahin niya. Di siya sanay tumitig nang matagal sa computer screen. Dahil wala akong printer at wala rin akong ekstrang pera pamprint ng manuscript, sabi niya, makisuyo ako kay Sir Dan Pinto (SLN). Si Sir Dan ay kasamahan din namin sa UMPIL at dabarkads ni Sir Jun. Sabi ni Sir Jun, i-email ko lang daw kay Sir Dan Pinto ang file at ito na ang bahalang mag-print para sa kanya. ‘Yon nga ang ginawa ko at pagkaraan ng ilang linggo, salamat na lang at may mga Dan Pinto sa daigdig na ito, nag-email sa akin si Sir Jun.
Bebang,
Nabasa ko na ang iyong IT’S A MENS WORLD. Hindi lahat. Actually ‘yong intro, tatlong unang kuwento, and huli, Emails, at ilan sa gitna, for example tungkol sa First Date, Super Inggo, Hiwa, atbp. Hirap magsinungaling. Pero alam ko na halos ang laman, ang estilo, ang kabuuan para makapag-comment.
1. Di mo dapat tatakan na sanaysay ang mga piyesa. Creative non-fiction ito. Parang memwa (memoir) na parang mga kuwentong totoo/di totoo/ni-romanticize. Oks lang. Pero hindi sanaysay kundi kuwento, istorya.
2. Di kailangang ipaliwanag sa intro ang bawat nilalaman. Nakaka-spoil ng istorya. Pabayaan mo ang mambabasang manabik sa nilalaman nito. Dapat nga lituhin mo nang kaunti.
3. Magaan ang lengguwahe, nakakalibang basahin, kahit ang iba ay mga angst at spiel lang. Parang chiclit na gawa ni CENSORED (pardon the comparisson). Konti pa, magiging mas nakakatawa ka na kaysa kay CENSORED at definitely, mas totoo ang dating mo kaysa kay CENSORED. Di ka nga lang kasingkulit ni CENSORED.
4. May mga maaaring iklian. Halimbawa: Ang Aking si Uncle Boy. Puwedeng Uncle Boy o Si Uncle Boy lang, iyo naman talaga. May mga kuwento ring puwede pang paigtingin, para makapigil-hininga ang climax (na dapat naman talaga, dahil ang climax ay makapigil-hininga).
5. Ang bestseller ngayon ni John Updike na “My Father’s Tears,” na published posthumously, ay pulos introspection at stream of conciousness lang. Halimbawa ang kuwentong “The Full Glass” ay tungkol lamang sa baso ng tubig na gusto ng matanda na naroon na kung magto-toothbrush o iinom ng mga maintenance medicine. Ang “Personal Archaeology” ay tungkol sa mga bato-bato, damo, basag na plato, pako, kapirasong kahoy, basag na baso at bola ng golf, na nasusudsod ng kanyang paa habang naglalakad sa malawak na lupaing minana. Ganoon din sana ang estilo mo. Lalo ang pagme-mens ay napakapersonal na experience. Sana ni-research mo pa nang kaunti ang matatanda at sinaunang gamit sa mens, kung saan-saan at para sa ano ito ginagamit.
6. Maganda sanang nasa mga unang kuwento ang medical significance ng mens. Kung bakit kailangang dumaan sa ganitong experience ang isang batang babae. Pero dapat ay humorous ang pagkukuwento. Magpakuwento ka sa isang medical doctor. Hindi mo kailangang mag-take note. Maganda nga na kunwari ay layman’s understanding ng medical situations, para madaling magpatawa.
7. Dapat marami ring humorous situations sa pagme-mens. Halimbawa, ang mga heavy-days experience sa mataong lugar, sa eskuwelahan, sa unang date, sa unang pagtatangkang makipag-CENSORED. Hindi kailangang sa iyo nangyari. Kunwari narinig mo o nabasa o napanood sa sine na experiences.
8. Mag-interview ka rin sa mga lalaki. Ako, noong binata pa, naka-experience na ng CENSORED, CENSORED, CENSORED, CENSORED, CENSORED, CENSORED AT CENSORED PA. Sigurado, may mai-interview kang may ganoong experiences, pero dapat kasing edad mo para fresh at current ang language.
9. Pareho tayo, may pagka-plot-driven ang mga kuwento. Kailangang concisously habaan ang pagpapaliwanag ng saloobin. At dapat palaging namamayani ang sense of the ridiculous para magaan at humorous ang istorya.
10. Kailangang maliit lang ang size ng libro. Siguro kasinlaki lang ng Bob Ong books. Mahalaga ito. Kung manipis ang material mo, kailangang maliit ang size ng libro para kumapal-kapal ang spine ng libro. Sa ganoon, nababasa ang title kapag naka-display nang patagilid sa mga book shelf ng bookstore. Huwag aasa na naka-face-up ang display, lalo’t di ka pa naman si Stephanie Meyer o si Jessica Zafra.
11. Kung gusto mong mapansin ang title, alisin ang apostrophe at gawing: ITSA MENS WORLD. Maraming magtatanong kung anong salita ang ITSA. Tapos ang subtitle mo: Memwa sa Regla atbp (alliteration).
12. Kailangang unusual ang cover. Halimbawa, kung gusto mong sakyan ang kasikatan ng Eclipse, gawin mong itim ang cover ng libro, tapos may umaagos lamang na dugo, o sampatak na dugo. Mapagkakamalang vampire book! Ayos! Kung gusto mong erotic ang dating, itim pa rin ang background, ang retrato ay blurred na kapirasong seksing balakang na may bahid ng dugo (pero hi-definition ang dugo). Maipagkakamaling na-CENSORED ang nasa larawan! Puwede ring kakatiting na bahagi ng isang panty na may dugo. Kung gusto mong suspense ang dating, kunwari may kapirasong punit ang panty!
13. Sa likod, tiyaking naroon ang short description ng nilalaman. Huwag puro blurb. Mahalaga rin ito. Ang mga nagseset-up ng libro sa bestseller list at sa website ay kadalasan mga OJT at kinokopya lang ang nakasulat sa likod. Kung pangit ang text sa likod, pangit din ang nakasulat sa computer sa database. Ugaliin din na maglagay ng pinakamaganda at pinaka-seductive mong retrato sa likod para may face value at face recall sa mambabasa. Ang mga nagba-browse sa bookstore, pag di nagustuhan ang cover, ang susunod na gagawin ay titingnan ang likod ng libro. Kung di attractive ang nakasulat, at least seductive ang nasa retrato.
14. Tiyakin mong simple at medyo malalaki ang font para madaling basahin. Walang fancy wingdings o retrato na makaka-distract sa pagbabasa. Ibuhos mo na ang lahat ng kaartehan sa cover. Pag nasa loob na, kailangang buo ang focus ng mambabasa sa teksto.
Ayan, palagay ko may mapupulot ka na sa mga puna at sinabi ko. Puwede itong dalhin sa UST Publishing o sa Milflores Publishing. Pag nagdalawang-isip, ilapit mo sa Visprint, publisher ni Bob Ong, patulong ka kay CENSORED. Tatanggapin nila ito doon. Good luck!
Jun Balde
5jun2010
Part four- HAHAHAHA PUWEDE PO? HAHAHAHA PLEASE?
Tuwang-tuwa ako sa mga sinabi ni Sir Jun sa kanyang email. Agad kong ginoogle ang mga publisher na binanggit niya.
Una ay ang Milflores dahil marami-rami akong kaibigan na pinublish nito. Kaya lang, lahat naman sila ay connected sa UP as teachers. Baka ‘yon kako ang unang qualification ng authors nila. Ay, disqualified agad ako. Next.
UST Publishing. That time kasi, balitang naghahanap sila ng manuscript dahil kailangan nilang maka-400 books para sa Quadricentennial Celebration bilang unibersidad. Ang lakas ng loob ko, feeling ko, makakalusot itong Mens. Ngi. Kaya naman bigla-bigla rin akong nilukuban ng matinding hiya sa sarili. Pinatalsik na nga ako, e feeling ko tatanggapin pa rin ang manuscript ko, ano ba? Next.
Visprint. Sinong nilalang ang di nakakakilala sa publisher ni Bob Ong? Excited akong nag-surf sa kanilang website. Kaso, puno na pala ang schedule ng paglalabas nila ng bagong aklat. Year 2012 pa sila muling tatanggap ng proposal. Ganon karami ang nakapilang mga awtor sa Visprint, patok sa takilya ini.
Wala na pala akong ni katiting na pag-asang matanggap ng publisher nang taon na iyon, 2010.
Pero hindi pa rin ako nasiraan ng loob. Ginoogle ko ang Anvil Publishing. Siyempre, alam ko ang Anvil, andami kong aklat na Anvil at kasama ko sa UMPIL ang publishing manager nito na si Mam Karina Bolasco. At Filipiniana talaga ang pina-publish nila. Baka puwede. Baka lang.
Pagtuntong ko sa website nila, hinanap ko agad ang guidelines sa pag-submit ng manuscript. Ayun, detalyadong-detalyado pa. Nakikiliti na ang tumbong ko pagkat eto na, putik, eto na, mapa-publish na nga yata ako. Klik. Biglang sumulpot sa mukha ko ang deadline nila ng manuscript: January-March pala. Wah, e, Hunyo na. Next year na pala talaga kung saka-sakali.
Nagdesisyon ako sa isang iglap: tantanan na muna ang pag-aasikaso sa publishing-publishing na ‘yan. Kaya naman, parang aklat,
shelved na muna ang pangarap ko.
Pagdaan ng ilang araw, nagpunta ako sa isang meeting ng UMPIL. Hindi na kasi ako tatakbo bilang kasapi ng UMPIL Board sa parating na Agosto nang taong iyon, kaya nagtu-turn over ako ng mga dokumentong nasa akin pa. Nandoon sa meeting na iyon sina Sir Jun, Sir Vim at Mam Karina at siyempre ang iba pang UMPIL Board members. Tulad ng dati, pagkatapos ng meeting, kuwentuhan, salusalo at inuman ang kabuntot. Inusisa ni Sir Vim kung ano na ang nangyari sa manuscript ko. Ay, di wala, Sir, sagot ko, saka na po ‘yon, naghahanap po ako ng trabaho. Bilang reply, inginuso niya sa akin si Mam Karina, tapos nag-up and down, up and down ang mga kilay ni Sir. Buti na lang, sa ibang tao nakatingin si Mam, hindi kay Sir Vim. Tumawa lang ako. Naku. Ayoko i-approach si Mam. Nakakahiya. ‘Tsaka isa pa, allergic ako sa mga taong seryoso.
Natanong mo na ba si Mam Jing? Naghahanap sila ngayon ng manuscript, pangungulit sa akin ni Sir Vim.
Para saan? Biglang tanong ni Mam Karina. Nakalingon na pala siya sa amin. At ako na ang santa ng mga torpe, hindi ako nakapagsalita.
Si Sir Vim ang maagap na sumagot, Mam, may gusto pong sabihin sa inyo si Bebang.
Tumawa ako nang malakas. Baka kako, mabura ng lakas ng tawa ko ang mga lumalabas sa bibig ni Sir Vim.
Pero narinig pa rin ito ni Mam. Ano ‘yon? May mga works ka bang ipapa-publish? Tula? usisa pa ni Mam Karina habang kumukulubot ang sarili niyang mukha.
Dalawa na kaming tumawa ni Sir Vim.
Bakit parang nandidiri kayo, Mam? Tanong ni Sir Vim sa pagitan ng mga hagikgik.
Tawa rin ako nang tawa pero siyet lang, sa totoo, nahihiya ako, nanliliit ako. Kasi parang ibinebenta ko ang sarili ko noong point na ‘yon. Parang inilalako ko sarili ko.
Mam, hindi po. Hindi po, tanggi ko.
(Madalas kasing humorous ang mga tula ko, hindi tuloy sineseryoso. ‘Tsaka hindi pa ito makakabuo ng koleksiyon, kahit nga idamay pa lahat ng mga tulang naisulat ko since birth.)
Oo, Karina, hirit out of nowhere ni Sir Jun Balde. Nabasa ko na ang manuscript ni Bebang. Nakakatawa. Memoir siya.
Talaga, Bebang? Patingin nga. Mayroon kasing author na hindi nakapagpasa ng revisions kaya may slot kami para sa isa pang manuscript, sabi naman ni Mam Karina.
Automatic na bumuka ang bibig ko, gumawa ng walang sound na wah.
Gatong pa ni Sir Jun, parang Bob Ong nga ang pagkakasulat ni Bebang.
By this time, high na high na ako sa pinagsama-samang feeling ng hiya, panliliit, pagkamangha, stress, happiness, kaba at excitement kaya humalakhak na lang ako habang sinasagot si Mam, mapahiya man ako sa pagtatanong kong ito, at least mapapahiya akong humahalakhak. Haahahaha, puwede pa po ba, Mam Karina? Haahahaha Ie-email ko po agad sa inyo hahahaha ang koleksiyon ko kung puwede pa. Hahahahaha at puwede po bang Babe Ang hahahahaha ang gamitin kong hahahahaha pen name? Kung sakali lang naman po hahahahaha!
Biglang dumilim ang mukha ni Mam Karina. Nawirdohan siguro sa akin. Ha, ano? tanong niya.
Isa-isang naglaho ang mga hahahaha ko. Hindi na uli ako nakapagsalita.
Part 5- ANG TUNAY NA BEB ANG
Buti na lang sumingit sina Sir Vim at Sir Jun sa usapan namin ni Mam Karina. E, bakit hindi pa Beb Ang ang gawin mong pen name? Tanong nila sabay halakhak din. Ang masama, nahawa ang buong UMPIL. Tinatawag na nila akong Beb Ang pagkatapos ay hahalakhak ang lahat. Napapahalakhak na rin ako. Para naman kasing joke, pen name pa lang.
Pero biglang naging seryoso ang torpe kong sarili. Bebang, gagi ka, you must grab this chance. It’s now or never.
Kaya naman to make the long story short, ipinadala ko sa Anvil via email ang manuscript ko at nagustuhan naman nila ito. Beb Ang na nga ang magiging pen name ko. Haping-hapi naman ako, ke ano pang pen name ‘yan. Basta’t lalabas bilang isang buong aklat ang koleksiyon ko, ayos na ayos! Blessing sobra, di ba? Tinext ko agad ang mahal ko sa buhay.
Poy, s wkas, mgkka-Mens n ko! -Beb Ang
Isang araw, pag-uwi ko, may cake sa mesa, ma-chocolate ang bati sa akin: Congrats, Beb Ang! Nag-picture-picture kaming mag-anak bago sumugod sa cake. Ang saya kong tunay. At ang suwerte kong tunay. This is really is it is it.
Pero di nagtagal, may ilang glitch na bumulwak during the “menstruation” period. Matagal ang copy editing. Tengga is the right word. Natengga sa copy editing ang koleksiyon. Nakadalawang copy editor ako. ‘Yong una, di makatawid sa deadline dahil sa problema niya sa kalusugan. Ang dream copy editor ko ay abalang-abala naman sa ibang bagay, century bago mag-reply sa text at email. Natagalan bago ako nakahanap ng isa pang copy editor. Bukod dito, nagkaroon din ng miscommunication tungkol sa cover design. Iginiit ko na nakapili na ang mga manager/big shots mula sa unang set ng studies at hindi na kailangan ng panibago na namang set ng studies. Kakain na naman ng panahon kapag nagpagawa pa ng bagong set of studies, made-delay pang lalo ang paglabas ng mens. At ang pinakamalupit sa lahat ng glitch na ito: may nag-submit ng book proposal sa Anvil, Beb Ang ang pangalan. At tunay niyang pangalan ang Beb Ang. Inabisuhan agad ako ni Mam Karina, Bebang, hindi mo na puwedeng gamitin ang pen name mo. Malilito ang mga tao kapag naglabas na kami ng aklat niya.
Opo, Mam, kako.
Ay, anong magagawa ko, hindi naman ako ang totoong Beb Ang?
Agad akong nagpasya, gagamitin ko na lang ang tunay kong pangalan: Bebang Siy. (Well, almost tunay na pangalan...)
At para bagang signos! Pagkat sa maniwala kayo’t sa hindi, nagtuloy-tuloy na sa paglabas ang ano ko, dumaloy ito, lumigwak, umagos, hala ang ragasa nito sa mga bookstore sa sangkapuluan, hanggang ngayon. Kaya bumabaha na nga, ng mens. At plano ko ngayon ay lunurin sa mens ang buong Pilipinas.
Mahirap iyon, alam ko, tipong matagal, madugo, pero okay lang. Kakayanin ko ‘yan. Babae akong hindi nasisiraan ng loob.
Disyembre 2012
Kamias, Quezon City
*Ang paglalathala ng email ni Abdon M. Balde, Jr. para kay Bebang Siy ay may pahintulot mula kay G. Balde.
**Ang sanaysay na ito ay nalathala sa panitikan.com.ph noong Enero 2013 at kabilang sa exclusive content ng nasabing website.
Sunday, January 6, 2013
Saturday, January 5, 2013
The Next Big Thing-A Chain Letter for Writers
Noong Disyembre, nakatanggap ako ng private message sa FB mula kay Eliza Victoria, ang manunulat ng A Bottle of Storm Clouds, isang koleksiyon ng maikling kuwento mula sa Visprint. (Heto ang kanyang website: sungazer.wordpress.com.) Sabi niya, magpapadala raw siya ng isang set of questions tungkol sa aklat ko o sa susunod kong aklat, kung meron, at kung puwede raw ay ipost ko sa blog ang mga sagot ko sa tanong. Kailangan ko rin daw ipadala ang set of questions na ito sa kapwa manunulat, limang lahat, at kailangan ding ipost nila ang mga sagot nila sa tanong sa kanya-kanyang blog o website.
Pumayag agad ako. Aba’y parang promotion na rin ito, hindi ba?
Pero bago ko sinagutan ang set of questions, naghanap ako ng limang kaibigang manunulat na mayroong aklat at blog/website. Heto sila:
Mar Anthony dela Cruz-tonton26.wordpress.com
Faye Cura-angfierranijuana.wordpress.com
Don Villasin-eggsceasetense.wordpress.com
Jason Chancoco- hagbayon.wordpress.com
Ariel Tabag-pakarsoniasseng.blogspot.com
Bisitahin ang kanilang website after two weeks to get to know more about their books and their writing process.
Sa ngayon, basahin na muna natin ang ilang detalye tungkol sa susunod kong aklat. Ye!
1) What is the title of your upcoming book?
It’s Raining Mens. Koleksiyon ito ng mga akda ko tungkol sa kalalakihan.
2) Where did the idea come from for the book?
Sinundan ko lang ‘yong thread ng It’s A Mens World. Kasi tungkol iyon sa kabataan ko, sa pagdadalaga ko, hanggang sa mamulat ako sa kamunduhan, este, hanggang sa mag-mature ako sa buhay. So naisip ko parang maganda iyong sundan ng tungkol sa mga relasyon. Relasyon ko with men. Romantic, ganon. So basically, tungkol sa mga karumal-dumal kong ex ang susunod kong aklat. Aabot ng isang dangkal ang kapal ng aklat kaya a must have talaga itong It’s Raining Mens para sa girls, gals and women. May aklat ka na, may panghambalos ka pa sa mga gagong lalaki.
3) What genre does your book fall under?
Autobiography siya talaga. Pero puwede ring essays. Or creative non-fiction. Or suspense. Puwede ring crime.
4) What actors would you choose to play the part of your characters in a movie rendition?
Magandang tanong. Sa part ko, si Marnie Arcilla, ‘yong dating taga-Ang TV. Kamukha ko ‘yon, e. Para naman sa boys, heto:
Ex number 1: ‘Yong tatay ni EJ? Si Gloc 9. Kamukha talaga. Para silang pinagbiyak na hinlalaki.
Ex number 2: Si Mr. Gasul? ‘Yong bida sa The Hobbit. Pag-Tagalugin na lang natin siya or i-dub sa Tagalog ang mga linya niya.
Ex number 3: Si Recent Ex. Sobrang minahal ko ‘to pero kamukha niya talaga si Jose Javier Reyes. Puwede sigurong mag-cameo si Direk kahit saglit lang?
5) What is the one-sentence synopsis of your upcoming book?
Gusto lang namang gumanti ni Bebang sa kanyang mga ex, at ito ang kanyang unang pagtatangka. Joke.
Ang aklat na ito ay hindi pambata kaya kung bata ka, utang na loob, ‘wag mo ‘tong bubuklatin.
6) Who will publish your book?
Anvil. Uli, sana.
7) How long will it take you to write the first draft of the manuscript?
Halos dalawang taon din, a. To think na ‘yong ibang akda dito ay naisulat ko na noon pa. Kumbaga, ‘yong pagpili pa lang sa mga trabaho, halos dalawang taon na. Tapos ine-edit-edit ko na rin. Matagal talaga ang proseso ng pagsulat ng unang borador.
8) What other books would you compare this story to within your genre?
Siguro ‘yong aklat ni Enrile. Kontrobersiyal!
9) Who or what inspired you to write this book?
‘Yong mga mambabasa ko. Overwhelming ang response nila, grabe. Kaya naisip ko, ready na sila sa uri ng panulat na ginagawa ko. Medyo maselan kasi ang ibang akda sa It’s Raining Mens. Pero sa response ng mga tao sa It’s A Mens World, hindi na ako natatakot na isalibro ang mga ito. Dahil sa mga mambabasa ng Mens World, lumakas ang loob ko na maglabas pa ng akda ko.
10) What else about the book that might pique the reader’s interest?
May nakapagsabi sa akin na hindi raw dapat pinaghahalo ang iba’t ibang genre sa loob ng isang aklat kung hindi naman ito text book. Siguradong hindi raw ito magugustuhan ng mga mambabasa. Dahil ang gusto raw ng readers, prosa kung prosa.
Sa It’s Raining Mens, balak kong basagin ang ganitong paniniwala.

Thursday, January 3, 2013
Pop Lit at iba pa
Dear Rom Ms. Beb,
You don’t have to worry about your mentors’ opinions. Just answer it to the best that your honest heart and mind can.
1) What is pop lit? Describe it comprehensively.
Ang pop lit ay pinaikling popular literature. Ito ‘yong panitikan o mga akdang tinatangkilik ng mas nakararami. At dito sa bansa natin, ang nakakarami ay ang masa, ang maralita o ang mga karaniwang tao. Kadalasan, ang paksa nito ay ang buhay ng karaniwang tao, karanasan nila at mga aspiration nila sa buhay. Mabilis basahin ang pop lit dahil ito ay isinulat sa magaan na paraan at wikang alam na alam ng karaniwang tao. Bihirang gumamit ng mga metapora ang pop lit. Kung gagamit man ito ng metapora ay ipaliliwanag din sa loob ng akda para di masyadong mag-isip nang matagal o malalim ang mambabasa. Ang pop lit din ay gumagamit ng mga pampanitikang anyo na tested nang patok sa masa. Hindi ito mahilig mag-experiment. Kumbaga, may formula na at ‘yon ang laging ginagamit ng mga sumusulat ng pop lit. Napapalooban din ang mga akda ng mga popular na icon sa lipunan para madaling maka-relate ang mambabasa.
2) Tell something about its history and background. Relate it to the Philippine literature.
Napakahirap ng tanong. Pang –research na ito. Mas maganda kung mag-research ka sa library at pandagdag na lang itong sagot ko.
Suwerte ka dahil natalakay ito last meeting sa klase namin sa masters under Prof. Vladimeir Gonzales. Noong unang panahon, ang panitikan (o ang sining) at ang buhay ng tao ay sabay na nangyayari. Walang espesyal na okasyon para sa panitikan o sining. Nakapaloob ang sining sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao. Halimbawa ang mga tula, sa anyo ng bugtong, ay pampalipas-oras. Kahit sino, puwedeng bumigkas o sumulat ng bugtong. Ang mga kuwento tungkol sa diyos o mga mito ay isinasalaysay sa mga community gathering o sa gabi na walang magawa ang mga tao. Makikinig lang sila sa community poet na magsasalaysay ng mga kuwentong ito sa paraan na patula (para mas madaling maikintal sa memory dahil may tugma, ang mga tugma ay mnemonic device, isang paraan para madaling maalala ang mga salita). Walang nagmamay-ari sa mga panitikang ito kundi ang buong community (in other words, walang bayad). Para sa lahat. Lahat ng panitikan na ‘yan, nakapaloob sa buhay ng mga karaniwang tao.
Pagdating ng mga mananakop, ang Kastila, biglang nagkaroon ng espesyal na pagtatangi sa panitikan, sa sining. Biglang nagkaroon na ownership sa mga akda. Dala ng mga Kastila ang printing press, pati ang konsepto ng pagkakaroon ng iisang author para sa akda. Dahil may printing press, nagkaroon ng gastos ang pag-produce ng mga akda. Dahil may gastos, nagkaroon ng bayad.
Nagkaroon din ng espesyal na espasyo para sa mga dula o performances. E, dati, ang mga performances ay isinasagawa for all to see. Puwedeng sa may bakuran, puwedeng sa gitna ng daanan. At libre ang manood at makisaya, para sa lahat. Kapag may hihingiin ang mga tao sa mga bathala, nagpe-perform sila. Nagsasayaw sila habang nag-aalay ng baboy o ng pagkain. Kapag may ikinakasal, nagpe-perform sila. Kapag nagbabayo sila ng palay, kumakanta at nagsasagutan nang patula ang mga nagbabayo (para magkaroon ng rhythm ang pagbabayo nila ng palay, para di sila sabay-sabay sa pagbabayo, salit-salitan baga). Performances din ang mga ito.
Pagdating ng Kastila, nagtakda ng espasyo para sa mga performance ang dayuhan. Naglagay sila ng stage para sa performances. Inihiwalay ang stage sa audience. Nagkaroon ng takdang set of performers, hindi lang basta ‘yong member ng community (unlike dati, members ng community ang mga performer, kumbaga sila-sila rin). Ngayon, iba na. Hindi basta-basta ang performers. Tapos nagkaroon na ng bayad ang bawat performance. Kung gusto mong manood, magbayad ka.
Dahil dito, nahati ang sining. Nagkaroon ng “espesyal na sining” at “karaniwang sining.” Yung espesyal, kadalasan ay ‘yong may gastos sa produksiyon, kaya may bayad (nakalimbag, nasa entablado, etc.). ‘Yong karaniwan, ‘yon namang walang bayad at gawa ng community (oral literature, ritual performances, etc.). Nagkaroon ng high art at popular art. Lumawak nang lumawak ang difference ng dalawa. Pati sa lugar. Nanatili sa akademya ang high art na ito. at nanatili naman sa labas ng akademya ang popular art. Nagkaroon ng high art at pangmasang art. Nagkaroon ng sosyal na art at “bakya” na art. Mula sa mga “bakya” na art na ito, isinilang ang popular literature. Nakalimutan ko kung ano ang tawag sa kabaliktaran ng popular literature pero ito ‘yong mga literature o akda o mga aklat na mas mahal kumpara sa ibang aklat. Mas mahirap intindihin. Mas kakaunti ang number of akda na inilimbag (dahil konti ang demand sa market). Kadalasang inaaral sa eskuwela at hindi binabasa ng masa.
Kadalasang gumagamit ng espesyal na wika, wikang mas mahirap intindihin, gumagamit ng mga icon na hindi sikat at kelangan pa ng matinding research para makilala ang mga icon na ito. Kadalasan din, lalo na sa Pilipinas, sila ‘yong mga may award kasi “very artistic” ang pagkakagawa sa kanila. At kadalasan din, very experimental ang mga akdang ganito. Experimental in the sense na nagde-deviate sila doon sa formulang nakagisnan sa popular literature.
3) How can we say that a literary work is considered as a pop lit? Cite examples.
Nasagot ko na sa question number two.
4) Is pop lit an advantage to our culture?
Yes. Kasi ito ang tunay na daluyan ng ating isip at damdamin. Ang pop lit, kapag pinag-aralan nang maigi, makikitang mas sumasalamin ito sa kultura natin. Kaya nga siya gusto ng maraming tao kasi mas nakaka-relate sila rito. At kapag naipapakita mo sa mga tao ang sarili nilang kultura, mas napa-process nila ito, nakakapag-reflect sila. Nalalaman nila kung maganda ba ito o pangit o nakakapagdagdag ba sa progress nila bilang tao. ‘Yon naman ang isa sa mga layunin ng akda, ang mapag-reflect niya ang audience.
Isa pa, napapalaganap nito ang culture. For example, ang koreanovelas. Nakakatulong ang mga koreanovela para ma-dominate ng Korea ang mundo sa ngayon. Patok na patok ang kanilang kultura sa lahat ng sulok ng mundo, patok ang kanilang pagkain, ang kanilang wika, ang fashion, ang hairstyle, dahil sa mga koreanovela nila. And to think, ang koreanovela ay popular culture sa Korea, ha? At ang script ng mga koreanovela ay kabilang sa pop lit. Kung magagawa natin ito sa sarili nating mga telenobela, hindi ba’t napakalaki ng potensiyal natin, at ng ating kultura?
Imadyinin mo kung biglang sumikat ang adobo o kaya ang sinigang na kasingsikat ng jamppong? At si Bayani Agbayani magiging kasingsikat ng kumanta ng Gangnam Style?
5) Why or why not? How so or how not so?
Naipaliwanag ko na sa number 4.
6) If you will become a writer, on what part and field of literature will you be at? Convince us.
Naniniwala ako na ako ay nasa gitna ng pop lit at ng “lit.” Alam ko ang elements ng pop lit at ginagamit ko ito para sa mga isinusulat ko. Every time I write, I always inject something new. It could be a form, it could be a theme, a thought, o style o language. Okey lang sa akin ma-brand na pop lit. Walang problema. Diyan ako nag-umpisa at ito ang bumuhay nang matagal sa akin at kay EJ. Ang akin lang, basta’t may naio-offer akong bago sa mambabasa, masaya na ako. ‘Yon ang mas importante sa akin. Kasi ang pag-o-offer ng bago ay katangian ng “lit” o ng “high art”.
Pinagsasabay ko ang dalawa kasi naniniwala ako na mas makakapang-impluwensiya ako sa ganitong paraan.
7) Story tell the process of producing a book.
May makikita kang ganito sa internet. Paki-Google ang ibang detalye.
Iba-iba ang proseso ng pag-produce ng book. Puwedeng magsimula ang idea sa publisher, puwede rin namang sa author. Kapag sa publisher…
a. Kokontakin ng publisher ang natipuhan niyang writer para sumulat ng aklat.
b. Mag-uusap sila. Kung okay ang resulta ng usapan, magse-set sila ng deadline. Magkakapirmahan ng contract. Puwedeng may downpayment for author kasi kakain ito ng oras niya at wala siyang pambayad ng pagkain niya, upa sa bahay, kuryente, pamasahe at iba pa kung walang ibabayad sa kanya. Puhunan na ang kanyang effort, ‘wag naman sana ang pera.
c. Follow up-follow up si publisher kay writer.
d. Si writer, research, research, tapos writing time tapos revision, ina-update niya si publisher everytime. Nagko-consult din siya kay publisher everytime.
e. Tapos isa-submit ni writer kay publisher ang manuscript.
f. Ipapa-edit, copy edit at proofread ng publisher ang libro. Hahanap siya ng lay out artist at cover book designer.
g. Ipapa-ISBN ni publisher ang book kahit nasa anyo pa lang ito ng manuscript.
h. Kung may mga dapat pang baguhin sa manuskrito, babaguhin na ito ni writer.
i. Final version of manuscript submitted. Dapat nagkakabayaran na rito si writer at si publisher. Full payment. Or advance royalty.
j. Printing na ng aklat.
k. Kung ila-launch, bahala na si publisher. Tapos ima-market na ang aklat.
Puwedeng advance ang marketing ng aklat, para ready na ang market pagdating ng aklat. Depende na ito sa diskarte ng publisher.
Puwede ring magsimula ang idea sa writer o author. Kapag sa writer o author…
a. Si writer, research, research.
b. Tapos writing time. Madugo.
c. Tapos revision. Mas madugo.
d. Tapos hahanap si writer ng publisher na tatanggap ng kanyang manuscript. Submit siya ng cover letter, query letter, etc etc. Google-google, ganyan.
e. Pag may nag-positive response, aalamin niya ang payment scheme, ang publishing contract at iba pang fine print. Pag maraming nag-positive response, pipili siya ng isa at kokontakin ang natipuhan niyang publisher.
f. Imi-meet niya ang publisher. Question and answer portion ito para sa dalawang entity: ang manggagawa at ang may puhunan.
g. Kapag ayos na sa dalawang partido ang mga napag-usapan, magkakapirmahan ng
contract.
h. Isa-submit ni writer kay publisher ang buong manuscript. Puwedeng may downpayment for writer/author kasi kumain ng oras niya ang pag-research, pagsusulat at pagre-revise so by this time, wala na siyang pambayad ng pagkain niya, upa sa bahay, kuryente, pamasahe at iba pa. Puhunan na ang kanyang effort at talino, oras at pera, dapat lang na ma-nourish siyang muli. Makakatulong ang downpayment.
i. Follow up-follow up si writer kay publisher kung nasaan na ang manuscript, kumbaga, nile-lay out na ba? Pino-proofread pa lang? O ano.
j. Ipapa-edit, copy edit at proofread ng publisher ang libro. Hahanap siya ng lay out artist at cover book designer. Ipapa-ISBN din ni publisher ang aklat (na nasa manuscript form pa lang by this time).
k. Kung may mga dapat pang baguhin, babaguhin na ni writer.
l. Final version of manuscript submitted. Dapat nagkakabayaran na rito si writer at publisher. Full payment. Or advance royalty (mas favorable ito for the writers).
m. Printing na ng aklat.
n. Kung ila-launch, bahala na si publisher. Tapos ima-market na ang aklat.
Puwedeng advance ang marketing ng aklat. Depende na sa diskarte ng publisher.
8) Which book is more important to a child’s development: books from the academe or books from the “creative minds”?
From creative minds din naman ang books from academe!
Ang sagot ko sa tanong mo ay pareho. Dapat nino-nourish ang bata ng books mula sa academe at sa “creative minds.” Kapag mas malawak ang exposure ng isang bata, mas marami siyang matututuhan. Mas exposed siya sa mas maraming kultura, mas malayo ang mararating niya. Mas magiging malawak ang pang-unawa niya.
Eto mga follow-up Qs namin. Labas na ‘to sa skul hahaha. Wala, gusto lang kasi naming may mas malaman. Lalo na sa’yo.
1) Ano’ng klase ng panitikan ang dominante sa kasalukuyan? Bakit at papano?
Pop lit, definitely. Dahil mas marami ang tumatangkilik dito. ‘Wag natin kalimutan na ang mga aklat ay isang commercial product pa rin. At dahil commercial product, may involved na sales. At kapag mabenta, siya ‘yong dominant. Kasi mas kilala siya ng mga tao, mas marami siyang naiimpluwensiyahang tao, etc. etc.
2) Kung mas lumalago ang pera at produksyon ng pop lit, malaki rin ba ang tsansang mawawalan ng producers / publishers for other classifications ng literature especially yung mga maformal?
Hindi. Hindi puwedeng mawalan ng publisher at producer ang “other classification ng literature.” Kasi laging may need for that. Ang academe for one. Lagi silang nangangailangan ng “other classification ng literature” yung tinatawag mong maformal. At kadalasan dahil wala ngang makitang “other classification ng literature” sa usual market ang academe, sila na mismo ang nagpo-produce ng mga kailangan nila. Sino ang mga producer na ito? Ang mga university at academic publishing house.
Isa ‘yan sa kanilang mga layunin, ang mag-publish ng mga akdang nabanggit mo. Kaya never mawawalan ng producer/publisher ang mga book na ganyan. Siguro mag-iiba sila ng form, like magiging mas pangmasa tingnan ang physical na book, mas manipis ang papel (kamukha ng papel ng romance pocketbooks) or mas simple ang packaging, pang-student edition (gaya ng ginawa ng UP Press sa kanilang mga classic na aklat, me student edition, simpleng-simple ang cover ng mga ito) or puwede rin nilang gawing ebook ang mga aklat nila dahil mas mura ang production ng ebook, ico-convert lang ang final manuscript sa PDF file tapos puwede nang ibenta online.
See, maaaring magkaroon ng mga pagbabago pero hindi mawawala ang sinasabi mong aklat at mga producer ng ganyang aklat.
3) May tendency ba talaga na mangyari yun o nangyari na?
Wala. Dahil hangga’t may need, may magpo-produce.
4) Kung ganito kaganado at kadali ang pagpoproduce sa popular literature, e di pabor pala “sila” sa Taglish / bilingualism na umiiral?
‘Yong tinatawag mong Taglish, most probably, ‘yan ‘yung wikang Filipino, ‘yan ang pangalan ng pambansang wika natin ngayon. Ang wikang Filipino ay nahahaluan na ng mga banyagang salita tulad ng computer, virus, emergency room at napakarami pang iba. Nakapaloob na ang mga salitang ‘yan sa wikang Filipino, sa wika natin. Hindi na tulad noon na exclusive o may pagkapurista ang ating wika, ang Pilipino. Ibang-iba na ang wikang Filipino. Modern na, bukas sa impluwensiya mula sa iba’t ibang kultura. Tulad ng maraming wika sa buong mundo. Dahil sa ganitong paraan nag-e-evolve ang buhay na wika.
Hindi lang naman English (mula sa term mong Taglish) ang nakahalo sa wikang Filipino. Napakaraming term diyan ang mula sa iba’t ibang wika sa Pilipinas, halimbawa: inday, palangga, mingaw (mga bisayang termino), manong, manang (mga ilokanong termino) at iba pa. Ano ang tawag n’yo diyan kung ipipilit n’yong Taglish pa rin ang wikang gamit ngayon? Tag plus languages all over the Philippines? Tagplangoldaphil?
E, pa’no naman ‘yong mga salita mula sa ibang bansa na nakapasok na pang-araw-araw nating pagsasalita? ‘Yon nga ‘yong jamppong na pinagkakaguluhan sa grocery, laging out of stock. ‘Yong Gangnam style (na I’m sure ay pinatugtog, sinayaw at kinanta ng lahat ng pamilyang Filipino noong kainitan ng Christmas season)? Gangnam is not an English word, ha? E, ‘yong rendezvous? Di ba French ‘yan? Pati origami, di ba Japanese ‘yan? Hindi English! So ‘wag nang tawaging Taglish dahil ang totoo, hindi lang English ang lahok ng Tagalog, kundi maraming marami pang wika, lalo na ngayon! Mas appropriate na tawagin itong wikang Filipino. Utang na loob, lumang term na ang Taglish.
Okay lang ba talaga na ganun? Half-half? Slang? Wala masyadong formality?
Depende kung saan gagamitin. Ang wika, parang damit. Kung pormal ang okasyon, alangan namang mag-swimsuit ka. Kung nasa beach ka, alangan namang mag tuxedo o evening gown ka doon. Kung nasa school ka, alangan namang magpambahay ka. Unless, allowed sa school mo. Kung nasa bahay ka naman, alangan namang suot mo ang school uniform mo hanggang matulog ka. Unless, tamad ka talagang magpalit ng damit.
Ang half-half o slang o walang masyadong formality na wika ay angkop lamang sa angkop na sitwasyon. Ang kabaliktaran niyan ay angkop lamang sa angkop din na sitwasyon.
5) Hindi ba pinapatay ng pop lit ang formality/pinagmula ng isang wika? Let’s say Filipino language for not being purely Filipino --- Taglish? Ganyan.
Hindi. Actually, mas nakakapagpalaganap nga ito. Si Ricky Lee at marami pang ibang writer na hindi Tagalog (as an ethnic group) o galing sa rehiyon na hindi Tagalog ay natutong mag-Tagalog (Tagalog pa ang tawag sa language natin noon) dahil sa komiks at pelikula na pawang mga pop literature.
Ngayon, they write in Filipino, (na composed mostly of Tagalog words PLUS words from different culture). Kung hindi sila na-expose noon sa pop lit na nasa wikang Tagalog (wikang Tagalog noon ang tawag sa language natin, remember), hindi siguro sila magiging writer sa wikang Filipino ngayon.
So basically, nakatulong ang pop lit para ma-expose sila sa nasabing wika. Nakakapagpalaganap ng wika ang pop lit.
6) May pag-unlad ba talaga sa pagsusulat?
Anong uri ng pag unlad ang tinatanong dito? Emotionally? Yes, of course. Mas nakikilala mo ang sarili mo pag nagsusulat ka. Intellectually? Yes of course, kailangan mo kasing magbasa nang marami bago ka magsulat. So sa pagbabasa pa lang, ang dami mo nang natututuhan. Ang dami mong nare-realize. Socially? Yes, of course, natututo kang makisalamuha sa ibang tao, kasi mas sensitive ka sa kanila, sa culture nila. Sa dami ba naman ng nabasa mo tungkol sa iba’t ibang kultura, e. (Pero hindi ito applicable sa iba. Ang iba kasi, mas nagiging recluse o isolated habang lumalalim sa craft nila sa pagsusulat. Pero hindi naman lahat ng writer, ganyan. Lalo na kapag Pinoy. Pinoys are very social beings hahahahah hindi lalampas ang araw nang wala tayong kinakausap. Una kasi, very family oriented tayo. Kahit ang pinakaseryosong writer sa Pilipinas ay very caring pa rin sa pamilya. So kwento-kwento with anak, with asawa paglabas ng kuwarto o during writing break. So very social being talaga.
Financially? HINDI. Next question.
7) Magkano (raw) ang sweldo o kita?
Depende sa writing project. Yung mga article-article, dapat piso per word. Ito ang isinusulong ngayon ng Freelance Writers Guild of the Philippines. So kung 1000 words, dapat 1000 pesos ang minimum na bayad.
Pero depende rin kung gaano na katagal nagsusulat ang isang manunulat at kung ano ang ipapasulat ng nagpapasulat. Siyempre kung bago ang paksa, mas matagal at mas maraming research ang kailangan, mas mahal ‘yon. Minsan, depende rin sa nagpapasulat. Lalo na kung politiko siya at biography ang pinasusulat niya. Mas mahal ‘yon. Kasi pati ‘yong kaluluwa ng writer, dapat bayaran ng nagpapasulat. Siyempre, magsisinungaling nang bongga diyan ang writer, di ba?
Sa kaso ko with publishers, heto: I get P800 for a two page comics script for kids. Sobrang baba niyan, ha? Tinatiyaga ko na lang. Mabait at friend ko kasi ang nagpapagawa nito once a month. Bale isang taon ko na itong raket.
I got P700 for a 700-800 word horror story (for the book Haunted Campus.) Nakasampung stories ako doon. So 7k din ‘yon. That was 2007 yata. Dapat nagtaas na ng rate para sa mga horror story na ‘yan. Tumataas ang presyo ng mga bagay-bagay, dapat tumataas din ang presyo ng intellectual work tulad ng mga akda.
Sa unang nobelang isinulat ko, Mingaw, I got P7000. For the whole novel na. Pati ‘yong copyright, if I remember it right, kasama na sa P7000. Sobrang tanga ko pa kasi noon. At first time kong ma-publish kaya oo lang ako nang oo. Dapat talaga, nagkokonsulta ang mga writer lalo na ang mga first time na mapa-publish. Kasi kadalasan, inaabuso ng ilang salbaheng publisher ang mga ganitong uri ng manunulat.
For magazine articles naman, (nagsulat ako dati sa Masigasig Magazine ng Summit, oo, ng mga Gokongwei!), I got P2500 per article. Around 1500 to 1800 words per article. Kailangan kong mag-interview ng artistang negosyante para maisulat ko ang article. Iko-coordinate ito ng Summit para sa writer tapos pupunta ang writer sa venue of interview at mag-i-interview. Tapos isusulat ang article at isa-submit online sa editor. Masaya ito at marami akong na-meet na artistang negosyante. Sina Isay Alvarez at ang asawa niyang si Robert Sena, Monsour del Rosario, John Lapuz, Gabe Mercado (the okay ka ba tiyan commercial model) at… ang master rapper nating si Francis Magalona!
Kaso medyo naipit ako sa pera, kasi laging after 3 months ang bayaran. Dapat daw after ma-publish ang article, saka pa lang babayaran ang writer. Nge. E, kung hindi ma-publish ang article? Hindi babayaran ang writer? Unfair di ba? Samantalang, nagawa naman ng writer ang kanyang trabaho. Anyway, hindi lang ‘yon, pupuntahan ko pa sa Ortigas ang bayad sa akin at pipila ako sa pilahan nila during office hours. Kasabay ko sa pila ‘yong mga naniningil ng bayad for plumbing services, paper clip and other office supplies. Hindi ako kilala ng cashier. Hihingian ako ng ID. Kapag wala akong ID na valid sa kanilang panlasa, wala akong tseke. And speaking of tseke, dahil tseke ang bayad sa akin, kakain pa ng oras ang pagpapa-encash ko ng tseke. Pupunta ako sa bangko ng Summit at doon ay muling pipila para sa encashment ng check. Ay, talaga naman. Napakahirap ng buhay–writer. At di rin ako binibigyan ng compli copy ng magazine kung saan nalathala ang article ko. Bili ako kung gusto kong magkakopya nito. May kita pa sila sa bibilhin kong kopya ng magazine nila! Talaga naman.
Dito naman sa It’s A Mens World, may 15% akong royalty mula sa net price ng aklat. Mga P19.00 per copy ang halaga niyan. Tuwing March lang ito ibinibigay. Taong 2010 na-publish ang aklat ko sa Anvil, wala pa akong natatanggap na royalty ever. Baka ngayong March pa lang. Hay, sana naman. Please, kelangan ko ng pangkasal hahahaha!
8) Hahaha. E kapag nananalo sa Palanca Awards etc?
I-google nyo. Nasa Google ang mga premyo ng Palanca at iba pang awards. Unfortunately, di pa ako nananalo sa Palanca. College pa lang ay pangarap ko na ang manalo diyan. Di bale, ako yata ang taong hindi nasisiraan ng loob, ever. Mananalo din ako diyan.
9) Importante ba ang pagsusulat sa’yo?
Oo naman. Dahil dito, sumikat ako. Joke!
Hindi ko ine-expect ang impact ng mga sinusulat ko. There was a time, nag-talk ang boyfriend ko sa isang college sa cavite. Tapos bigla niya akong tinawag at the end of his talk. Magkuwento daw ako ng karanasan ko as a writer. Gagi ‘yon, pinag-i-impromptu ako. Anyway, tumayo naman ako at nagsalita. (Para lang ‘wag mapahiya si boyfriend hahahaha)
College students ang audience. Ang ikinuwento ko na lang ay ang writing gigs namin sa Psicom. Biglang hiyaw ng isang estudyante, ikaw po si Beverly/Bebang Siy, ‘yong nagsulat ng Sungka? (‘Yong Sungka ay ang kuwentong isinulat ko para sa Haunted Philippines 9, group namin, ang Panpilpipol, ang nagsulat nito.) Sabi ko, oo, ako nga, meron ka no’n? (‘yong book, I mean) Opo, sabi niya. Tuwang-tuwa siya. Tapos ikinuwento niya sa audience ang Sungka. Buong plot talaga. Tuwang-tuwa ako. Luma na kasi ‘yong book. Years ago pa na-publish. At isa lang ‘yon sa napakahabang series ng mga Haunted Philippines ng Psicom. Para maalala niya ‘yong kuwento ng Sungka that day, palagay ko talagang unforgettable ‘yong kwento, di ba?
Ang saya ko kapag may ganong moment.
More that ten years na akong nagsusulat pero paglabas ng It’s a Mens World, ngayon ko lang talaga na-realize ‘yong impact ng mga sulatin sa ibang tao. Ako, nagbabago ang mga pananaw ko dahil sa ilang books, sa ilang stories. Pero kahit kelan di ko naisip na makakapagpabago rin ako ng pananaw ng ibang tao. Ngayon, I regularly receive emails, texts, private messages na nagpapasalamat sa akin na nasulat ko ang aklat, natutuwa sa akin dahil nabasa nila ang sulat ko, na marami raw silang na-realize sa sarili nila at sa pamilya nila, at naka-relate sila sa mga sinusulat ko.
Meron pang estudyante na sumulat sa akin. Sabi niya, bigla daw siyang na-homesick after mabasa ‘yong book ko. Nasa ibang bansa kasi siya, sa Europe. Do’n nagma-masters. Na-homesick siya noong nabasa n’ya ‘yong mga eksena sa Ermita. Kasi raw alam niya ‘yong place na tinukoy ko. Pati raw Divisoria. Pati ‘yong Pangasinan kasi may kamag-anak daw sila sa Dagupan. Naiyak ako, grabe. I never thought na makakapag-evoke ng ganong feelings ang mga sulat ko. I was just there to record what I had, what I experienced, na ayoko ring basta na lang malimutan. Tapos ayun na, natutuwa na ang ibang tao.
Writing made me realize I am important even to strangers. I am here not just to entertain people, but to inspire them, to make them hold on to feelings they never thought they had in the first place. Tsaka dahil sa pagsusulat, na-realize ko, mayroon ako na wala ang iba, at ito ay ang kapangyarihan ng salita. May kapangyarihan ako to change things. To change how my own people think.
10) Bakit ka nga ba nagsusulat?
Nasagot ko na, hahahah sori, excited.
11) Alin ang mas mahal mo, wikang Filipino o Ingles? Gaano?
Siyempre, Filipino. Ito ang wikang kinamulatan ko. Ito ang wika ng nanay ko, ng mga kapatid ko, ng mga kaibigan ko, ng teachers ko, at lahat ng taong mahalaga sa akin.
Isa pa, may mga bagay na hindi ko masabi sa ibang wika kundi sa wikang Filipino lang.
Noong nagtuturo pa ako, ginagawa ko ang lahat ng paraan para ma-realize ng mga estudyante ko na napakaimportante ng sariling wika. Na may function ito sa modernong panahon. At kahit anong sabihin ng iba, ito lang ang makakapagsalamin ng sarili nating aspiration, dreams, reality. Wala nang iba. Paano mo isasalin sa ibang wika ang daing na bangus with kalamansi? Ang salitang pasalubong? At ang diwa ng pahabol nating salita na ingat? Pa’no mo isasalin ang mga ‘yan sa ibang wika?
12) Pro-RH Bill?
May nagtanong na sa akin nito. Hindi ko masagot kasi di ko pa nababasa ang lahat ng tungkol sa RH Bill. Ayoko naman magbigay ng opinyon sa isang bagay na di ko gaanong na-research.
But definitely, pro-women ako. Kung saan magkakaroon ng mas maayos na buhay ang kababaihan, do’n ako. Kapag ang babae, maayos ang buhay, kadalasang maayos ang buhay ng buong pamilya. Kasi ang babae ang least priority noon. Sa pamilya, ang unang kakain ay ang mga bata. Sunod ang tatay kasi siya ang lalabas para magtrabaho. Kung ano ang matira sa pagkain, ‘yon ang sa nanay. See? Kawawa siya, di ba? So pag nakakakain nang maayos ang nanay, ibig sabihin, nasa maganda-ganda nang kalagayan ang kalagayan ng buong pamilya.
13) Kung patatakbuhin kang Presidente ng bansang ito ng mga nireregla, papayag ka ba?
Hindi ko thing ang maging president ng bansa, feeling ko, hindi ko kaya! Siguro bigyan ako ng mga thirty years? Or twenty tapos… pag iisipan ko uli hahahaha!
Hindi kasi ako mahilig sa malakihan. Mas gusto ko, intimate na group. Mas kaya ko mag-lead ng ganon.
14) Bakit at bakit hindi? (Tawa muna hahahahaha bago sumeryoso)
Ay, nasagot ko na!
15) Kung papipiliin ka, family o writing career? Isa lang (daw).
Ang hirap naman. Nagawa ko naman nang sabay, nabuhay kami ni ej sa pagsusulat ko, bakit ako papipiliin ngayon ng isa? Hahahaha
Writing is a work of heart.
Happy reflecting! Damo nga salamat sa paglalaan ng oras sa napakapakahabang tanungan. We’ll accept kung ano man at kung ano lang ang babalik basta galing sa’yo.
Pahabol: Di kaya UFC TAMIS ANGHANG BANANA CATSUP ang mantsa sa shorts mo 25 years ago? Ma at pa. Malay mo, paimbestigahan natin?
Palagay ko nga. Baka lang mantsa ng pagkain or… dyebs? Eww.

Sunday, December 30, 2012
ang magpalaki ng nanay
kumana na naman si tisay.
last year, christmas eve, ginulat ako ng nanay ko. Bandang alas-onse ng gabi, dumating kami sa bahay ng nanay ko sa las pinas, nakapatay ang lahat ng ilaw sa bahay niya. tahimik na tahimik ang loob nito, total opposite sa kaliwa't kanang pagvivideoke at pagpapaputok ng mga kapitbahay namin. mula sa labas, binuksan ko ang bintana ng bahay ni tisay. at nakita ko si iding, naka-fetal position sa upuan sa sala.
ding!
NR, no response.
ding!
NR, no response pa rin.
DING!
naalimpungatan ang pamangkin kong si Iding. nag-angat siya ng mapungay na mukha at nang makilala ako ay agad na binuksan niya ang pinto. pumasok ako bitbit ang lahat ng regalo para sa kanya, sa nanay ko, sa mga kapatid ko't iba pang pamangkin. pumasok din si poy at si ej dala ang iba pa naming gamit.
asan si mami? tanong ko ke iding.
di ko alam, tita, sagot niya. tapos bumalik siya sa upuan at natulog uli.
asan si tisay?
anak ng tisay na patola. wala kaming kaaydi-idea kung asan ang nanay ko samantalang mag-aalas dose na. noche buena na. hindi lang 'yon, walang nakahain sa mesa, ni isang baso ng tubig.
hinintay namin si tisay hanggang 12 pero hindi siya dumating. ginising ko uli si iding at pinagbihis ng pang-alis na damit. kakain na lang kaming apat sa labas. at naglakad na kami sa gitna ng mga putukan sa kalsada ng compound palabas sa may sakayan ng dyip, sa may bamboo organ.
pagkaraan ng ten minutes, nakasakay kami ng dyip papuntang paranaque. sabi ko kung anong madaanan naming kainan, doon na lang kami. kumbaga, wala nang pili-pili. pero i was hoping, at the back of my mind, na sana talaga bukas ang maty's sa may pagkalampas ng san dionisio. tapsilugan yun na 24 hours. matamis ang tapa nila at nakakakilig sa sarap ang sawsawang suka.
pagdaan ng dyip namin sa maty's, sarado pala ito. kaya hindi na kami bumaba. nag-abot kami ng dagdag na bayad hanggang baclaran. kako, siguradong makakakain kami sa baclaran. andaming kainan dun, kabi-kabila.
pero himala nang himala, walang bukas na kainan sa baclaran.
ay! may isa, nag-iisa, bukas 24 oras, walang iba kundi ang chowking, sa may baclaran lrt station side. agad naming pinasok ito at nag-order na kami ng noche buena: mami, siomai, siopao, at value meals na may kanin at ulam. pansin kong napakadumi ng sahig at napakaraming mesang hindi pa nadadaanan ng crew na in charge sa pagba-bus out. siyempre, sino ba naman ang gustong mag-mop at magbasahan nang saktong noche buena time? kaya okey lang 'yon. simbolo naman 'yon ng pagdiriwang ng mga chowking crew sa pagkakasilang kay jesus. i mean, ang magpahinga saglit, kumain nang sabay-sabay, walang ibang iisipin kundi ang mag-happy-happy time.
mga 230 am na kaming nakauwi pagkatapos namin sa chowking. pero wala pa rin si tisay sa bahay pagdating namin.
asan ba siya?
walang makapagsabi.
natulog na lang kami at kinalimutan for the meantime na minsan kaming nagkamagulang.
nagising ako nang marinig na may kumalampag sa gate namin. 4 am na.
aba, si tisay!
san ka galing, ma?
diyan kila glo.
si mami talaga. sugalan yun, e.
hay, sabi niya. pagod na pagod ako. tapos tumalikod na siya sa akin at humiga sa upuang na-vacate ni iding. (pareho silang kasya sa upuang iyon dahil magka-height sila.)
mula nang moment na iyon, ipinangako ko sa sarili, hindi na kami magno-noche buena sa bahay ni tisay. dun na lang kami kina poy, tapos sa umaga ng dec. 25 tsaka na lang kami uuwi kay tisay.
akala ko suwail na talaga akong anak, akala ko kaya ko tong ipinangako ko sa sarili. HINDI PALA. pagdating ng dec. 24, 2012 nag-text ako kay tisay na doon kami magno-noche buena. sa kanya. sa bahay niya. di siya nag-reply baka walang handa. hindi nakapagluto o anuman. me nakahanda na kaming solusyon doon: kami na ang magdadala ng pagkain.
dec 24 ng mga 7 ng gabi, nagliwaliw kami nina poy at ej sa luneta, kumain sa aristocrat pagkatapos. dun na rin kami bumili ng cake at ng mga pagkain para sa noche buena kina tisay. me sinigang na baboy, fish fillet, dalawang order ng chicken barbecue (my favorite!), pansit palabok at chopsuey. yung cake, pinasulatan ko ng dedication: pasko, paksiw, tisay!
pagdating namin sa bahay ni tisay, punong-puno ng teenager ang sala. naglalaro sila sa mga piso net computer na business ni tisay. ang ingay ng kabataan, parang sabungan coliseum ang bahay namin. aba, nagno-noche buena sila sa harap ng mga computer! asan ang mga magulang neto? ba't di sila hinahanap?
doon pa lang, medyo naasiwa na ako, gayumpaman, ayokong ma-bad trip. sayang ang okasyon. krismas naman. masaya kong hinanap si tisay sa mga batang naglalaro sa pisonet.
ayun o.
nakita ko si mami, naka-fetal position sa pinagdikit-dikit na upuan sa may kusina, tulog.
hindi ko na ginising si tisay. mukhang puyat ito sa pagbabantay sa kanyang bagong negosyo.
sinalubong ako ng mga pamangkin ko, si noah at si iding. nakatira sila sa lolo nila sa father side at kaya nasa bahay ni tisay nang gabing iyon ay dahil namamasko sila kay tisay. pinagbantay daw sila ng pisonet para makatulog saglit itong si tisay.
sabi ko sa mga nagpipiso net, 30 minutes na lang kayo ha? kasi kakain sana kami, magno-noche buena, walang magbabantay sa inyo. um-oo naman ang lahat ng batang nagpi-piso net. umakyat na kami sa taas ng bahay para hintaying maubos ang 30 minutes.
after 30 minutes, nagising si tisay. bumaba ako at nakitang nagpapasok pa siya ng mga gustong maglaro sa computer. sabi ko, ma, kain na muna tayo. mamya ka na lang uli magpapasok ng customer.
hindi! sagot niya habang sinesenyasan ang mga teenager na gustong mag-computer.
ma, saglit lang. kakain lang tayo. bumalik na lang sila mamya o bukas.
ano? hindi puwede! sagot niya sa akin.
nakapuwesto na ang tatlong teenager na lalaki sa harap ng mga computer unit.
ano ka ba, ma? di bale sana kung karaniwang araw, e. pasko naman ngayon. kumain na muna tayo. mag-noche buena!
labas na muna kayo. mamya na kayo bumalik! sigaw ko sa mga teenager.
ay naku, beb! hayaan mo sila. ano ka ba? ba't ka nakikialam? alam mong diyan ako kumukuha ng panggastos ko, sa negosyong ito, ba't ka ba nangengelam?
ma naman! saglit ka lang magsasara, kasi kakain tayo, sama-sama.
e di kumain kayo kung gusto ninyo! ba't kelangan isara ang piso net? aber? gawin ninyo ang gusto ninyo! kumain kayo, matulog kayo, ba't kelangan maapektuhan ang piso net? di ko kayo aabalahin. kung gusto ninyo, sa taas pa kayo kumain, e, sagot ni tisay.
sa sobrang inis ko, umakyat ako sa taas. kinausap ko sina ej, iding at poy (naiwan si noah sa baba.) gusto ko nang umalis, ngayon na, sabi ko.
sa'n tayo? tanong ni poy. sa cavite?
mga alas-tres na yun ng madaling araw. kung magca-cavite kami (sa bahay nina poy), mabubulabog ang mga magulang niya, masa-shock pa dahil alanganin ang oras at ang dami naming bitbit na bata. hindi namin maaabisuhan ang parents niya kahit sa text dahil madaling araw na nga. isa pa, wala kaming matutulugan doon.
sa qc na lang tayo. balik kamias, sagot ko.
uuwi rin tayo ng cavite pagkaraan ng ilang oras, paalala ni poy.
oo nga parang magra-round trip kami kung uuwi pa kami ng kamias ngayon tapos tutuloy sa cavite afterwards.
e san tayo?
nang mga puntong ito, bad trip na bad trip pa rin ako sa nanay ko. ano ba 'tong babaeng 'to? inuuna pa ang negosyo kesa pamilya? inuuna pa ang pera kesa sa amin? ba't ba ako nagka-nanay nang ganito? puwede bang magreklamo sa diyos? puwede bang pakibalik na lang ako sa sinapupunan at habambuhay na lang akong walang malay sa ugali ng babaeng ito, na tatawagin kong nanay eventually? e, siya ba talaga ang nanay ko? baka ampon lang ako. okey lang kung ganon, ikatutuwa ko pa. anlayo-layo talaga ng values ng babaeng ito sa values ko, putcha, putcha talaga. pampalubag loob sana kung ibang araw nangyari ang lahat ng 'to, e. tipong hindi december 25.
ang sarap magpasko sa piling ni tisay, walang paulit-ulit na experience, pansin ko lang.
pero bad trip akong lalo sa mga nagco-computer. anlakas pa kamo ng tugtog nila: gangnam style. sakali ngang sundin namin ang payo ni tisay na kumain at matulog that christmas eve, makakatulog kaya kami sa gitna ng tugtog ng mga customer niya?
habang nag-iisip ng escape route para sa aming lima, napa-at home nang kaunti ang likod ko sa kutson ng aming kama. ilang minuto pa, di ko na namalayang nakaidlip na ako. good for me. mabuti raw na nakakaidlip bago magdesisyon ng malalaking bagay. power nap ang tawag dito.
pagdilat ko uli, alas-otso na ng umaga! nakaligo na sina noah, iding at ej. ako na lang ang hinihintay nila. si poy, gising na rin at ready to go na. lahat, gusto nang umalis sa bahay ni tisay.
e, si tisay, asan?
pagbaba ko, andun pa rin siya sa may kusina, tulog, naka-fetal position sa mga upuang pinagdikit-dikit.
naligo ako at nagbihis at nag-ayos ng mga gamit. iniwan namin ang mga regalo para kay mami, sa mga kapatid ko at sa mga pamangkin ko. pinaayos ko rin ang mga pagkain para mas madaling initin pag nagutom si tisay. biglang nagising si mami. o, aalis na kayo?
oo, punta pa kami ng cavite.
o sige, para makapamasko ang mga pamangkin mo. meri krismas na lang. wag mo akong alalahanin dito. maraming nagpupunta rito pag pasko, hindi ako nag-iisa. masaya rito.
hindi ako umimik. panong masaya? e hindi naman niya kaano-ano ang mga "dumadalaw" sa kanya.
kunin mo yung pabango sa taas tsaka mga damit, nakaplastik na. pasalubong sayo yun ni ate my.
nakita ko nga ang mga ito noong nag-aayos kami ng gamit.
akin yun?
oo.
dalhin ko na ngayon, matulin kong sagot. galing din ke ate my iyong pabango sa tokador mo?
oo, bigay niya sa akin. gusto mo 'yon 'no? tanong ni mami.
napangiti ako.
sige, iyo na. pakrismas ko sa yo. hindi naman ako nagpapabango.
kuting ka talaga, sabi ko tapos mabilis akong umakyat. at pagbaba ko, sabi ko, thank you, ma. meri krismas.
oo na, meri krismas kung meri krismas, ang arte mo, beb. alis na nga kayo, marami pang customer na aasikasuhin.

wedding date
ang hirap naman palang pumili nito. e hindi ka puwedeng magplano nang walang petsa.
scrapped na totally ang feb 14, 2014. dahil sa feng shui. di daw maganda ang petsa. at isa pa, dalawa ang four. sa chinese, katunog ng salitang four ang salitang kamatayan.
ang naisip namin, iurong ng 2013 ang petsa. e siyempre, december agad yun dahil ang habang preparation ang kailangan. so dec 2013. at naisip naming maganda ang may number na 8 kaya dec. 28.
kaso yung friend naming si tin, makakasabay namin kapag dec. 28. at saka parang april fools day din daw ang dec. 28. so scrap uli.
ang next kong naisip na petsa: dec. 30. rizal day. siyempre, dahil book ang theme namin, di ba fitting tribute na sa araw ng pinakamahusay na nobelista sa balat ng pilipinas magaganap ang aming kasal?
so dec. 30. hopefully. hindi pa kami nakapagpa-reserve sa church. e meron daw mga simbahan na hindi na nagkakasal after christmas. naku, wag naman sana sa san agustin, ang aming dream church. sana tumatanggap pa rin sila.
lagi kaming naso-short sa pera kasi. di makabuo-buo ng pang-down hahahaha halagang walong libo. ano pa kaya ang pangkasal, 'no? pero may nabuo na kaming plano para maitawid nang matiwasay ang kasal na 'to. so dont worry, folks!
pag nakita n'yo 'ko sa quiapo church, naka-sun glasses, nakatalungko sa bangketa at me lata, alam na.

Saturday, December 29, 2012
2013, HELLo!
noong isang araw ay nagkuwentuhan kami ni mam andrea, cv at ate grace sa may pancake house ortigas, sa ortigas na kasi lilipat ang nbdb at dinalaw namin ang bagong opisina.
nang time na yun ay inis na inis ako sa nanay ko (susulat ako ng separate entry tungkol dito). naikuwento ko kina mam andrea yung mga ginawa niya. tapos tanong sa akin ni mam, ano ang work ng mga kapatid mo?
sabi ko, yung isa po si incha, negosyante sa mindoro. di po yun masyadong matalino pero napaka-streetsmart. very entreprenuerial. nagpapa load po siya sa mindoro. saka po nung unang dating niya doon, pinagkaguluhan siya kasi ang puti puti niya. tanong daw nang tanong sa kanya yung girls doon kung anong ginagamit niyang sabon, e wala naman siyang ginagamit na espesyal na sabon. (miski ang nanay kong tisay ang nickname, walang espesyal na sabon para sa katawan. minsan nga, sabong panlaba pa ang gamit niyan pag nataon na walang-wala, ni pambili ng sabong mabango.) so naisip ni inchang magbenta na lang ng sabon at lotion-lotion. yung sarili niya ang ginawa niyang endorser. si kim ang bumibili sa divisoria at ipinapadala sa mindoro, hati sila sa kita. e talagang andaming bumibili ng sabon at lotion ke incha, andami nilang kita.
yung si kim naman, malas sa trabaho. sa di malamang dahilan ang lagi niyang inaaplayan ay yung entry level: cashier, marketing staff at iba pa. college graduate naman, business admin pa ang course pero iyong mga posisyon na yon ang ina-apply-an niyang lagi. o, ganito kamalas ang batang yan: dalawa na ang nagsarang establishment right after na mapaglingkuran niya o habang naglilingkod pa siya. tipong kaya siya mawawalan ng trabaho e dahil nga magsasara na yung establishment. ang isa ay bing-go na convenience store sa kanto ng kamias at edsa, ang isa naman ay isang japanese restaurant ni leilani enriquez (jowa ni erap) along e. rod. at malapit sa st. lukes. hindi ko naman alam kay kim kung bakit hindi siya nagle-level up kapag nag-a-apply siya ng bagong work samantalang nag-gain na siya ng experience. anyway, nasa vigan si kimkim ngayon. nandoon kasi si erwin at si atom. ngayong december, natanggap daw si kimkim sa puregold vigan at nagsimula na agad na mag-training. office work daw siya this time.
si budang naman, manager ng jollibee sa glorietta. dati siyang manager sa yellow cab kaya lang ang bigat daw nung trabaho dun dahil isa lang ang manager kada shift at kapag uma absent ang kapalit niyang manager, dire diretso ang shift niya. kaya nag-quit na lang siya at lumipat sa jollibee. dun daw kasi ay 7 silang manager kada shift kaya mas magaan daw ang trabaho. (ano raw? di ba kayod bubuyog doon? nahihibang lang ata itong si budang)
si colay naman... wala. nasira talaga buhay nun. di namin alam kung ano ang ginagawa ngayon, kung saan nakatira o kung saan kumakain/nakikikain. pasulpot-sulpot sa bahay ng nanay ko para kumain, makiligo at kumuha ng damit. minsan dala niya si bianca at hihingi ng pera para kay bianca. minsan makikitulog silang dalawa doon. aasarin ang nanay namin. mumura murahin niya si mami. aawayin tapos mapipika naman ito, si mami, na mapagpatol sa katulad ni colay at dahil pareho silang emotionally unstable or aning-aning sa madaling salita, magsisigawan sila at papalayasin si colay. pati si bianca. at aalis naman yung pinapalayas. ganun ang gawain ni colay buong taon, taon-taon.
sabi ni mam after marinig ang mga sagot ko, so ikaw na ang pinaka-financially stable sa inyo?
opo kako. siguro na-shock siya.
a few months ago kasi, nagpaalam ako sa kanya. sabi ko tatapusin ko na lang po ang kontrata ko sa nbdb, till dec. 31 na lang po. nakakapanghinayang, sa totoo lang. ang laki kasi ng suweldo. 27k. net yan! at malapit pa sa bahay namin ang opis. nakakasalamuha ko pa ang mga manunulat at publisher sa trabaho ko.
kaso lang, pagkaraan ng ilang buwan ko sa nbdb, may mga bagay na sa tingin ko ay naiipit dahil sa trabaho ko doon. yung respeto ko sa sarili ko, yung ilang prinsipyo ko, at eventually, yung happiness ko. puwede ka ba namang maging masaya nang tapyas-tapyas ang respeto mo sa sarili at patiwarik ang ilan mong prinsipyo? hindi. hinding-hindi.
at kapag di ka na masaya, kahit milyones pa ang suweldo mo, balewala rin. the best talaga ay umalis, lumipad at dumapo sa bulaklak ng kalachuchi. mabilis akong nag-decide. alam n'yo kung bakit? parang relasyon lang yan. noon, nagtagal ako sa isang relasyon nang halos walong taon. kahit di na ako masaya. dahil...ang dami-dami kong dahilan. pero primarily dahil sa takot. natatakot akong baka di ko kaya. yung sitwasyon na kinasasadlakan ko noon, parang flying house, uprooted at nasa ere. at pakiramdam ko, pag lumabas ako, malalaglag ako. mamamatay ako. e ako lang mag-isa nun. at saka pala si ej. so malalaglag at mamamatay kaming dalawa. ready ba ako? hindi.
kaya naipit ako. yung respeto ko sa sarili ko. saka yung ilan kong prinsipyo. ipit na ipit. sobrang sad ko noon. what to do, what to do? ewan. que sera sera? ewan. kaya tumagal nang halos walong taon. baka nga sumampa pa ng isang dekada kung hindi lang talaga may dumating sa buhay ko na nagpalakas ng loob ko.
si poy.
kaya labs ko yan, e. kasi naging simbolo siya ng hope sa buhay ko that time. sabi ko, susubukan ko lang. try lang. try ko lang na makaalis sa relasyon na to. kasi may poy. kasi paglabas ko ng pinto, kahit napakadilim, kahit wala akong makita, alam ko, may hahawak sa kamay ko, sa kamay namin ni ej. paglabas ng pinto, bubulusok kami from langit to lupa in one second siguro. basag-bungo in one second. pero at least me hahawak sa kamay ko, namin, for a second, at least may comfort.
nilakasan ko loob ko. nakipag-break ako. finally. after almost 8 years!
siyempre iyak ako. iyak siya, si ex. sa sobrang iyak namin, nagduda ako kung tama ba yung gagawin ko. gulo-gulo rin ang isip ni ej. almost 8 years yun. almost 8 years naming mag-ina yun. pagulong-gulong ang mga alaala sa ulo ko. pagulong-gulong din ang mga luha ko. pero tumuloy ako. im sorry, im sorry, kako kay ex, but i just have to do this.
binuksan ko ang pinto saka ako pumikit. bumulusok na kung bumulusok.
paglabas na paglabas ko ng pinto, tangina, me maaapakan naman palang lupa. hindi pala uprooted ang bahay. wala pala sa ere! pagmulat ko, andun si poy. walang dalang parachute o lobo o isang bote ng helium o kahit man lang plastic balloon. wala. pero andun ang mga kapamilya't kaibigan ko, nakangiti, masaya para sa akin. e kaya ko palang lumabas. kaya naman pala namin ni ej. bat ba pinatagal ko pa nang halos walong taon? bakit? anong meron? takot?
kaya nang maramdaman ko ulit ang pagkaipit ng respeto sa sarili at ilang prinsipyo dahil lang sa trabaho, agad akong nag-decide. ang kaligayahan at kapanatagan, hindi pinakakawalan. dapat lagi kang on the go para habulin ang mga 'yan. lalabas uli ako ng pinto kung kinakailangan.
nagpaalam ako kahit di ko alam kung saan ko kukunin ang 27k buwan-buwan na mawawala sa akin. madilim uli sa labas ng bahay, tanaw na tanaw ko, pero di ako natatakot. nagawa ko na 'to noon, magagawa ko uli ngayon. at di na kelangan pang patagalin, utang na loob. six months ang contract ko sa nbdb, (parang service crew sa jollibee i know, pero renewable naman yun, kaya lang pag di ako nagustuhan after 6 months, eventually, tatanggalin din ako. sad.) pero hanggang diyan na lang 'yan.
nang magpaalam ako, tinanong ako ni mam kung ano ang balak ko. sabi ko, gusto ko pong mag-aral. tatapusin ko na ang masters ko. totoo naman. sampung taon ko na itong binubuno ay nako. overstaying na. baka madeport na nang tuluyan.
yun lang ang tinanong niya. anyway, so paano nga yung pera, yung source of income di ba? ang totoo, hindi ko alam. wala akong plano. ito yung darkness sa labas ng bahay. pero may munti akong parachute this time, sakali ngang uprooted naman pala itong kinasadlakan kong bahay. may konti akong savings. ang naiisip ko, ito ang gagamitin namin habang tinatapos ko ang pag-aaral ko, plus raket-raket, pantawid-gutom din ang mga yon.
kaya financially stable? hindi a. baka nga mas financially stable pa si incha. maraming pera yun dahil mas magaling siyang mag ipon.
ngayong 2013, i am expecting magiging crunch time ito para sa amin nina poy at ej. ikakasal pa naman kami ni poy. hay. iba na kasi ang hell ngayon. mobile na, tipong ikaw ang dadalawin. o, e, ano naman? para hell lang, hello? i've been there, anyway.
kaya hoy, 2013, hell ka man o ano, walang natatakot sayo dito, oy. bring it on, keep your fire burning.

Thursday, December 27, 2012
isang araw, sa cubao
Subscribe to:
Posts (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
Di ko na alam ang gagawin kay Colay. Huli kaming nagkita noong October 31 hanggang umaga ng November 1, dinalaw namin si Dadi sa sementeryo....
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...