Freelance Writers of the Philippines
launches
OpenBook, a live conversation between authors and their readers.
On October 21, 2011, 6pm at Conspiracy Garden Cafe,
Bebang Siy, author of "It's A Mens World", will give a short talk on HUMOR WRITING.
On this night: special participation of Actors Pleygrawnd and Jeff Pagaduan, an OpenBook discussion, book signing, photo op and awarding of raffle prizes.
Tickets at P100, inclusive of one free beer and one raffle stub.
Reserve your seat by texting 0917 937 8617 (Ime) or 0918 927 1147 (Jeng).
Tuesday, October 4, 2011
Ang pinakamaaraw na tanghali
Bihira akong sumakay ng aircon na bus. Takot ako sa holdap. At nababagalan ako sa aircon na bus. Hintay kasi nang hintay ng pasahero. At higit sa lahat, mas mahal ang aircon na bus. Well, konti lang naman ang diperensiya sa pasahe ng ordinary lalo na kung malapit lang ang destinasyon, pero mas mahal pa rin. Ilang piso rin ang matitipid ko kung sa ordinary ako sasakay.
Isang sobrang mainit na araw, tinanghali ako sa daan papuntang opisina. Nag-decide akong mag-aircon bus. Naman. For a change ba?
Pagsakay ko, sa gitna ako pumuwesto. Kalahati lang ang laman ng bus. Nasa Kamias, EDSA kami.
Isang lalaking naka-shades ang nakaupo mga dalawang row mula sa akin. Bigla siyang tumayo at nagsabi ng Farmers! Farmers!
Lumapit ang kondoktor sa kanya at sabi ay, ibababa kita doon, brad. ‘wag kang mag-alala.
Pag-usad pa ng bus at malapit na sa Cubao, nagtawag ang konduktor sa aming mga nasa loob ng bus.
Cubao! May Cubao ba diyan? anya.
Tumayo uli ang lalaki. Farmers ako. Farmers. Umakto siyang lalakad na sa gitna, sa may aisle.
Sabi ng konduktor, Mamya pa. Tatawagin kita. Saglit lang. Bumaling uli siya sa ibang pasahero. Cubao! Cubao? pangungulit niya. wala namang ibang tumayo.
umupo ang lalaki. At luminga-linga. Hindi niya tinatanggal ang shades niya.
Pag-usad pa ng bus ay nilapitan na ng konduktor ang lalaki. Farmers! O, ‘yong mga
Farmers diyan! Sabi ng konduktor. Tumayo ang lalaking naka-shades at naglakad sa aisle. Mahigpit ang hawak niya sa braso ng konduktor at sa mga headrest ng upuan. Bulag pala siya.
Pagbaba niya ng bus, parang magic wand na humaba ang hawak niya: isang de-tiklop na tungkod.
Pausad-usad ang tungkod at paa niya, pakapa-kapa sa gutter, sa kalsada. Gutter. Kalsada. Gutter. Sa wakas, nakakapit siya sa isang railing.
Naisip kong tutal naman ay late na ako sa opisina, bumaba kaya ako at itawid na lang ang lalaking ito papunta sa Farmers? Kahit late ako at minus guwapa points sa boss, kung magpapaka-good samaritan ako ngayon e plus guwapa points naman sa langit.
'Tsaka super effort na nga 'yong tumawid sa kabila ng EDSA sa pamamagitan ng MRT Station, e. Andaming makakasalubong. Andaming aakyatin. Andaming makakabangga. Andaming bababain. Andaming iiwasan. E, di lalo namang super effort 'yon kapag ganyang wala ka pang makita at all, di ba?
Naisip ko, bababa ako. Good deed for the day ko na ito. Minsan lang naman. Hindi araw-araw na may ganitong pagkakataon na tumulong sa kapwa.
Pero naalala ko, hindi pa pala ako nakakapagbayad ng pasahe. Nasa labas ang konduktor at nagtatawag ng pasahero habang ipinapaypay niya ang signboard sa sarili.
Crossing! Crossing!
Nasa bangketa na ang bulag at patuloy sa mabagal niyang pag-usad. Nakaharap siya sa mga establishment. Kung patuloy siyang maglalakad, sa establishment ang bagsak niya. Na isang tindahan ng sari-saring load at accessories ng cellphone, may seroksan pa sa bukana. Isang aleng nagbabantay ng bila-bilaong shades ang lumapit sa kanya. Inalalayan nito ang bulag, iniharap sa daanan pero daanan na papalayo sa hagdan ng MRT Station.
May sinabi ang bulag sa ale. nagpasalamat siguro tapos ay nagpatuloy siya sa paglalakad. Iyon nga lang, sa maling direksiyon! Pabalik siya sa kung saan nanggaling ang bus namin.
Tiningnan ko ang mga tao sa paligid niya. Mabibilis ang lakad nila. May ilang bumabagal dahil napapatanga sa mabagal din na paglakad ng bulag. Ang ale, bumalik sa bila-bilao niya. Ang konduktor, paakyat na ng bus namin. Ako lang ang nakakaalam sa mangyayari. Ako lang ang nakakaalam na maliligaw siya, mapapalayo at lalong mahihirapan. Tirik pa naman ang araw.
Naisip kong bababa na lang ako.
Bababa ako.
Bababa.
Bumaba ba ako?
Hindi.
O kumibot man lang ba ako sa kinauupuan?
Hindi.
Tumingin ako sa loob ng bus. Tumingin ako sa mga upuan. Tumingin ako sa mga kapwa pasahero. Tumingin ako sa drayber. Tapos tumingin ako sa bag ko. Na nakapatong sa mga hita ko. Sa mga paa ko. Na parang naka-glue. Elmer's glue of katamaran.
Tapos tumingin uli ako sa labas ng bintana. Natatanaw ko pa ang ulo ng bulag sa balumbon ng iba pang mga ulo. Hayun na siya. Tapos unti-unti kong napansin ang repleksiyon ko sa salamin. Hayun ako.
Napakadilim.

Monday, October 3, 2011
Toyo
ni Bebang Siy
Iyak nang iyak ang bata
habang pilit nitong hinahabol ang babaeng
nagmamadali
sa pag-i-stiletto
sa paglabas ng pinto
sa pagbukas ng kotse
sa paglabas ng garahe.
Halos maglupasay na ang bata
habang umaatras ang kotse
papunta sa kalsada.
Lalo pang lumakas ang iyak
nang umarangkada na ang sasakyan
at ang babae
papalayo sa kanila.
Pumihit-pihit, pumalag-palag ang bata
nagwawala
kumakawala
sa kanyang pagkakayakap.
Tila tilapyang natutuyuan ng nilalanguyang tubig.
Ngumuyngoy ito nang ngumuyngoy
animo’y namatayan ng nanay. Siya
samantala
ang umaalo
ang may karga
na kanina pa sumasayaw at kumakanta
ay gusto na ring umiyak
maglupasay
pumihit-pihit
pumalag-palag
magwala
kumawala
dahil kahit ano pa ang kanyang gawin
alam niyang hindi na niya mapapatahan
mapapatigil
itong anak niyang palayo nang palayo
ang pagtingin.

13 part 1
lately, nararamdaman ko ang bigat ng numero na iyan. magkasunod na di magagandang pangyayari ang kinasangkutan ng numero na iyan at ako.
ako na hindi naniniwala diyan of all people.
anyway, let's start with the first 13.
yung event naming di lang pampamilya, pang-internasyunal pa ay ginanap noong September...yes, you got it right! September 13. ito ay pinlano namin maraming buwan na ang nakakaraan. so walang nabagok ang ulo kahit isa sa amin para ma-realize na 13 ang petsa ng aming event. trese. hello? ti-re-se!
so go nang go sa mga trabaho, sa pag-oorganisa at sa paghahatag ng mga kailangang ihatag. speakers, hotel ng speakers, susundo sa speakers, maghahatid sa speakers, powerpoint presentation ng speakers, projector, photographer, videographer, documentor, registration supplies, kit para sa mga dadalo. dadalo? ay siyet kelangan nga pala, may dumalo! kumusta na ba ang panghihila namin ng mga dumadalo? super best effort ay naka-47 kami na pre-registrants. sa lahat ng event na pinaglingkuran ko, ito 'yong ikalawang nagtrabaho ako nang malupit. (2nd lang sa tulawikaan, crowning glory of the good food ko pa rin iyon). pero 47 lang. 47. ang target namin ay 80.
hindi ako pinatulog ng event na ito. itong ginanap noong a-trese. takot na takot akong hindi tauhin. nag-email kami. nag-fax. nag-text. nagpa-announce. at naghire ng pr consultant para sa pagpo-promote sa iba't ibang media. may lumabas na press release. sa manila bulletin, business world at one day before the event ay sa inquirer.
humingi rin kami ng tulong sa ched. work kung work ang lola. nagsubmit ng ready to be signed na memo noong hulyo. lumabas ang memo ilang araw bago ang event. so nag-email uli kami. nag-fax. nag-text. nagpa-announce.
Sept. 12 ay 47 lang talaga ang nag-pre-register. pero nakakahinga ako nang maluwag kasi sabi ng boss ko, pwede na yon. 50% plus 1 ang bilang ng attendees ay pasang-awa na sa kanyang maselang panlasa.
pero ang inihanda kong kit ay 80.ang ipinahanda kong food, from 90 binawasan ko ng 10, 80 rin. kako, mga sampung onsite registrants, 57. plus guests, mga 15 equals 72. dami pang sobra. amin na yung sobra. sa aming mga staff na. yey!
kinabukasan, dumiretso ako sa venue. anliit pala ng venue. hindi conducive sa aming event. teka, nasabi ko bang meeting room 13 kami? hahahahaha yes! actually, dalawang room. 12 at 13! of all rooms, 13? hahahahaha ang suwerte, welcome to the joy luck club!
so pagdating ko doon, inayos ko ang room kasama ang taga prime trade. konting arrange dito, at doon. ipinalapag ko ang ikalawang screen para sa projector sa may aircon. wala nang ibang pagpupuwestuhan ang ikalawang screen. maya-maya may dumating na magpapa-register. sabi ko, wala pa po ang mga gamit namin. mamasyal-masyal po muna kayo.
umalis na siya.
may dumating uli. dalawa.
pareho lang ang sinabi ko.
tapos umalis na sila.
tapos may dumating uli. at uli. at uli.
hanggang sa sobrang dami nila, di ko na alam ang sasabihin ko. buti at dumating na ang mga gamit namin galing sa opisina. pinagtrabaho ko na ang nag-iisang staff na hinayr ko para sa registration. si kim.
arya. wala kaming tigil sa kapagpapa-sulat ng pangalan, contact details at school/company. hanggang sa maisip ko, teka, higit na sa sampu ang onsite registrants a. pagsilip ko sa mga kit, paubos na. bigla akong nainis. pinahinto ko ang registration. nagtatatarang ang nasa harap namin. bat daw kami ganon? bat daw ang gulo namin?
patay ako sa mga nagpre-register at hindi ko mabibigyan ng kit. kaya inuna ko sila. ang kaso naubusan pa rin ang marami sa kanila.
mga 1:30 na at kailangan nang mag-umpisa ang programa, nagkakagulo pa rin kami sa registration. may humihingi ng resibo, may di makita ang deposit slip (na kailangan naming kolektahin para i-attach sa official receipt), may nagrereklamo at walang kit, may humihingi ng name tag, ng tubig, ng donasyon sa red cross at piso. may humihingi ng piso. may napadpad kasing pulubi doon!
in short, dinagsa kami ng tao. halos 100 ang lahat ng registrants (pre at onsite). dagdag pa ang guests! kaya ang init sa loob ng venue! iisang aircon lang ang nakaka-circulate sa buong venue.
tapos nung kainan na, kulang natural ang food. ang mga guest namin, iced tea na lang ang naabutan!
anong suwerte ang dala mo, trese?
ahahahahay.
anyway, sabi na lang ni sir louie calvario, i so heart him for this, ok lang yan bebang at least ang problema nyo, magandang problema. umober kayo sa dami ng tao ibig sabihin, marami ang interesado.
yesh. i love that perspective talaga.
ang problema, talaga namang isang globo ng inconvenience ang ibinigay namin sa aming mga participant.
hanggang ngayon nga ay nagme-mail ako ng mga kit na hindi namin naibigay noong ....a-13 :(
ill make kuwento the second (and hopefully, last na) 13 next issue. stay tuned!

I like Baguio because...

I like Baguio because of this photo. It was taken by Maricris "Eris" Nucum-Atilano, my best friend since high school. I am a single mother (since my late teens) and it was her who became sort of my partner in crime (i.e. in raising my child). My son and I tagged along whenever her family went on vacation.
She took a photo of me and EJ during our trip to Baguio. She was still learning photography then. There was a drizzle in Camp John Hay and we were trying to get to the nearest available shed. My son was wearing an improvised hat, an empty Popperoo tumbler.
Eris used to tease me for being kuba (hunchback) and she always points to this photo whenever she wants a good laugh.
I miss my best friend. She's in Australia right now with her own family. I feel sad that I can't take a photo of her and her kids.
Baguio City reminds me of Eris. They are both cool.
Copyright of text belongs to Beverly Siy. Copyright of image belongs to Maricris Nucum-Atilano. They were part of the art exhibit Baguio Day is Coming Up held at the Victor Oteyza Community Art Space, 5F, 108 Session Road, 2600 Baguio City last September 2011. Special thanks goes to Mr. Rommel Pidazo for his assistance in putting up the photo and a copy of the essay for the exhibit.
Wednesday, September 14, 2011
nightmare
katatapos lang kahapon ng aming international event.
at isa siyang bangungot.
dahil nilangaw?
hindi po.
dinagsa kami ng on-site registrants!!! at sa sobrang dami nila, nagkakulang-kulang ang aming mga materyales. kahit pa iyong para sa pre-registered.
ay naku. sa lahat ng event na na-handle ko, dito pinakasumakit ang ulo ko. tsk...tsk...
humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng naapektuhan ng aming di sistematikong pagpaparehistro. marami pa kaming kakaining bigas pagdating sa events organizing (and i thought i have experienced them all!)
meron pa akong na-piss off talaga. so sorry. kung puwede ko lang banggitin ang pangalan, binanggit ko na. sorry talaga, mam. kung sa ibang araw tayo nagkaengkuwentro ay matatawa ka naman sa akin at mari-realize mong mabait pala akong tao heheehe at hindi katulad ng iniisip ninyo.
lessons learned:
kahit konti ang nagpre-register sa isang event, stick with it. stick with the number. kapag pinansin mo pa ang mga hindi nagpre-register, mauubos ang energy mo. ibuhos ang lahat ng energy sa mga nag-comply nang maaga at efficient.
magpasobra lagi ng pagkain. LAGI. ang mga pilipino, sensitive pagdating sa dami ng food. kung kaunti, iisipin nilang tinipid sila at hindi sila importante para sa mga nag-organisa.
magpasobra ng official receipt. di maiwasan ang mga pagkakamali sa pagsusulat sa resibo. mas maganda yung malinis ang resibo na ibibigay sa participant.
gumawa ng certificate of appearance (bukod pa sa certificate of participation) kung may iimbitahang mga guro. ito raw ang ibinibigay ng mga guro sa superior nila para hindi sila ma-absent-an sa trabaho.
dalawin ang venue before the event. occular is a must.
mag-hire ng at least dalawang runner para sa event.
kailangan at least apat na tao sa registration table.
maghanda ng maraming ballpen sa registration table.
Ilabas lamang ang mga certificate kapag natapos na ang event.
Linawin sa humihingi ng OR kung kaninong pangalan ang ilalagay sa OR.
Bigyan agad ng kopya ng programa ang mga speaker at special guests. Sa start pa lang ng event.
ihanda na ang lahat kaysa kulang-kulang ang mga ipamimigay. Sapagkat mas mahal ang to follow na mga dokumento.
i-double check ang spelling ng mga pangalan para sa kanilang mga sertipiko.
maghanda ng printer at computer. sakaling may maling pangalan sa sertipiko ay mapapalitan agad ito at maibibigay na sa participant.
panatilihin ang ngiti. kahit may nag-a-irate na mga participant. at kahit mahaba ang pila. huwag mag-panic.

Friday, August 19, 2011
Magkakaroon ka na! Yey!

Nagnakaw ka ba noong bata ka pa? Naranasan mo na bang makidnap ng sarili mong magulang? Naranasan mo ba ang maging pingpong dahil sa pasaway mong nanay at tatay? Nainggit ka ba sa mga pinsan mo noong kabataan ninyo? Minsan ba, na-feel mong alien ka sa piling ng kamag-anak mo sa father side? E, sa mother side? Side by side?
Kung sumagot ka ng oo sa alinman sa mga tanong na 'yan, aba'y makaka-relate ka! Relate na relate. Saan? Sa pinakabagong aklat tungkol sa childhood. Garantisadong tatawa ka at least once sa pagbabasa ng librong ito. Kung hindi, soli bayad. Pwamis.
It's A Mens World, isang koleksiyon ng mga sanaysay ni Beverly Siy.
Mabibili ang libro sa suking bookstores simula 17 Setyembre 2011. Inaanyayahan din kayo ng awtor na pumunta sa kanyang book signing sa 17 Setyembre 2011, 3:30 ng hapon sa Anvil Booth, SMX Convention Center, Mall of Asia, Pasay City. Kasabay ito ng 32nd Manila International Book Fair.
Subscribe to:
Posts (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
Di ko na alam ang gagawin kay Colay. Huli kaming nagkita noong October 31 hanggang umaga ng November 1, dinalaw namin si Dadi sa sementeryo....
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...