katatapos lang kahapon ng aming international event.
at isa siyang bangungot.
dahil nilangaw?
hindi po.
dinagsa kami ng on-site registrants!!! at sa sobrang dami nila, nagkakulang-kulang ang aming mga materyales. kahit pa iyong para sa pre-registered.
ay naku. sa lahat ng event na na-handle ko, dito pinakasumakit ang ulo ko. tsk...tsk...
humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng naapektuhan ng aming di sistematikong pagpaparehistro. marami pa kaming kakaining bigas pagdating sa events organizing (and i thought i have experienced them all!)
meron pa akong na-piss off talaga. so sorry. kung puwede ko lang banggitin ang pangalan, binanggit ko na. sorry talaga, mam. kung sa ibang araw tayo nagkaengkuwentro ay matatawa ka naman sa akin at mari-realize mong mabait pala akong tao heheehe at hindi katulad ng iniisip ninyo.
lessons learned:
kahit konti ang nagpre-register sa isang event, stick with it. stick with the number. kapag pinansin mo pa ang mga hindi nagpre-register, mauubos ang energy mo. ibuhos ang lahat ng energy sa mga nag-comply nang maaga at efficient.
magpasobra lagi ng pagkain. LAGI. ang mga pilipino, sensitive pagdating sa dami ng food. kung kaunti, iisipin nilang tinipid sila at hindi sila importante para sa mga nag-organisa.
magpasobra ng official receipt. di maiwasan ang mga pagkakamali sa pagsusulat sa resibo. mas maganda yung malinis ang resibo na ibibigay sa participant.
gumawa ng certificate of appearance (bukod pa sa certificate of participation) kung may iimbitahang mga guro. ito raw ang ibinibigay ng mga guro sa superior nila para hindi sila ma-absent-an sa trabaho.
dalawin ang venue before the event. occular is a must.
mag-hire ng at least dalawang runner para sa event.
kailangan at least apat na tao sa registration table.
maghanda ng maraming ballpen sa registration table.
Ilabas lamang ang mga certificate kapag natapos na ang event.
Linawin sa humihingi ng OR kung kaninong pangalan ang ilalagay sa OR.
Bigyan agad ng kopya ng programa ang mga speaker at special guests. Sa start pa lang ng event.
ihanda na ang lahat kaysa kulang-kulang ang mga ipamimigay. Sapagkat mas mahal ang to follow na mga dokumento.
i-double check ang spelling ng mga pangalan para sa kanilang mga sertipiko.
maghanda ng printer at computer. sakaling may maling pangalan sa sertipiko ay mapapalitan agad ito at maibibigay na sa participant.
panatilihin ang ngiti. kahit may nag-a-irate na mga participant. at kahit mahaba ang pila. huwag mag-panic.
Wednesday, September 14, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment