kaninang umaga, noong nagliligpit ako ng kalat sa bahay, nakikinig ako ng mga video ni marvin germo, isang stock market at investment guru na pinoy. isa sa videos ay nag-feature ng interview with rex mendoza, na isa ring financial management guru. isa sa mga tinanong sa kanya ni marvin ay paano mo gagawing 10m ang 1m.
ang sagot ni sir rex: have 7 income streams.
napaisip ako kung ano-ano nga ba ang income streams namin ni papa p:
1. work ko (regular akong empleyado sa ccp)
2. stocks
3. mga paid talk, workshop at iba pang activity related sa copyright, literature, creative writing at publishing
business? walang income from balangay hahaha, palabas ang pera namin diyan. sa sobrang pagmamahal namin sa panitikan, naglalabas kami ng pera para makapag-ambag dito.
but lately, i am thinking of turning it into a supplier of publishing services. baka doon, makapagpasok na ito ng income.
kung iyon ang ikaapat na source ng income, ano pa ang iba? yung investment ko sa negosyong bigasan ni incha? parang meron akong 15k or 20k sa kanya tapos 4x a year meron akong natatanggap na mga 200-300 pesos. na usually ay ibinibigay ko din sa mga anak niyang sina dilat at mimi bilang gift or reward pag may achievement sa school. pero at least me pera na galing kay incha, ano? that's around 800-1200 per year, di na rin biro.
pag nagkasasakyan ako ay magsasakay na rin ako ng mga pasahero sa furniture city. maniningil ako ng 50 pesos hanggang sa ccp. tapos pag pauwi, ganon uli ang gagawin ko. para additional income habang papasok ako sa work. aba, mukhang posible pala ang 7 income streams.
atat na akong makasampa sa 1m ang puhunan namin sa stock market! mafi-free ang hinuhulog kong 24k dito monthly. gusto ko na ring makabili ng property. nasa bucket list ko iyon for 2019. pero sana iyong puwede nang parentahan para makapagpasok din ito ng income. so definitely, hindi lote ang una naming bibilhin. namin dahil baka katuwang ko si incha sa unang property. so, most probably ay out na ang inaalok ni mama cherie na lupa nila sa molino. sayang iyon at ang mura pa naman! at ang laki! samantalang molino na iyon, well-developed na ang area na iyon. marami nang malls at shops. marami na ring school.
pero siyempre, nonstop pa rin at padagdag nang padagdag ang gastos namin sa mga bata. halimbawa, magpopormal nang school si dagat. at nasa 30-40k ang tuition niya for a year. i mean, income streams lang ang naiisip ko rito sa post na ito, ang totoo ay napakarami ding gastos!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
1 comment:
Mam try niyo po maginvest sa mga agri, katulad ng:
https://community.farmon.ph/ (rice at iba't ibang mga gulay)
https://www.dvboerfarm.com/paiwi/ (mga kambing, baka)
https://gharvestinc.com/ (kopra)
http://palayafarm.com/ (dragon fruit)
Post a Comment