so far, so good kami.
nasusunod ko ang mga inilagay ko sa original kong plano para sa mga estudyante.
natutuwa rin ako sa kalayaan na ibinibigay ng admin sa akin para sa pagbibigay ng mga paksa, pag-conduct ng klase at sa lugar kung saan namin ito idinaraos.
every saturday kami nagmi-meet at excited akong lagi. although medyo ngarag ako sa biyahe sa haba ng biyahe!
1st meeting namin, nagtalakay ako ng copyright basics, sa room 11 sa Ninoy Aquino Learning Resource Center namin ito ginanap.
2nd meeting, copyright issues and the Philippine literary scene, sa room ni Amang Jun Cruz Reyes dahil brownout sa building ng original room namin.
3rd meeting, basics ng editing at publication management, report ni vilma tungkol sa small book fair, at workshop ng mga akda ng estudyante, sa isang speech lab kami nagklase, PUP pa rin.
4th meeting, mina esguerra talks about romance class community, ethics in publishing and writing, local and international publishing deals, sa isang speech lab kami nagklase, PUP pa rin. then, nagpunta kami sa museo valenzuela sa hapon dahil absent ako ng isang sabado. sa museo, nakinig kami sa book discussion about sir jerry gracio's book called bagay tayo. pinoy reads pinoy books book club ang nag-lead ng talakayan. nag-commute lang kami grabe, ang babait ng estudyante, walang nagrereklamo kahit na napakainit.
5th meeting, sa centralbooks (quezon avenue) kami nagklase, si elaine royo ng cb ay nagsalita tungkol sa publishing at printing process ng kanilang kumpanya, nagbigay rin siya ng product presentation at tour sa kanilang imprenta. sobrang saya!
ang hassle lang ay ang mga uma-absent at nale-late. kasi late na nga ako dumating, tapos late na late pa sila dumating kaysa sa akin, hahaha! ang solusyon ko ay binibigyan ko sila ng dagdag na assignments.
ang saya talaga magturo. pero gusto ko ganito lang kaliit na klase (14 silang lahat) at ganito lang kalaya ang pagbubuo ng syllabus at pagtalakay sa mga paksa.
may sahod daw akong matatanggap dito pero wala pa naman akong natatanggap na kahit ano. ako pa nga ang gumagastos, like mina's honorarium at nag-treat ako ng lunch sa buong klase noong araw na whole day kaming magkakasama dahil, hello, whole day na nga, lalabas pa kami ng PUP sa hapon so i think makatarungan na i-treat sila bago bumiyahe that day. kanina rin i bought two cake rolls for elaine and her team, kasi nakakahiya, ang daming oras ang kinain namin sa araw nila! may isa pa ngang nagsalita, si sir emil! so, sana matuwa sila sa food na ibinigay namin. i think dalawang meetings na lang ang natitira sa class namin. so ang isa ay para sa philippine international lit fest sa qc, ang isa ay para sa session ni mervin at hopefully ni papa p, sa bahay sana namin kaya lang, parang ayokong makipag-usap kay amang jcr para sa pagpapalit ng sked. ayokong humihingi ng pabor. so baka sa pup na lang uli kami.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment