Monday, June 17, 2019

reminder sa mga guro

o sa mga kapatid na guro, kapag kinuha tayong editor ng textbook, siguruhin natin na babayaran ng publisher ang mga manunulat ng akdang isasama sa ating textbook. kasi ibebenta ng publisher ang textbook.

one payment for one literary work. kung 3 ang akda ng isang writer, 3x siyang dapat makatanggap ng payment.

and of course, permit! dapat may permit ang bawat paggamit sa isang akda. lalo na kung sa textbook ito gagamitin. dahil po ang textbook ay ibinebenta.

bilang mga guro, importante sa atin ang integrity, di ba? bakit tayo tatangkilik ng textbook na di nagbabayad nang tama o humihingi ng permit sa mga manunulat ng content nito?

para sa panitikan, para sa bayan.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...