at tungkol na rin naman sa karapatan ng manunulat, kumontak sa akin si mam grace ng c and e. hinihingi niya ang permit ko para sa isang essay ko, iimprenta sa textbook nila.
last time na ginawa niya sa akin ito, wala siyang naging problema sa akin. go agad. bayad sila agad sa akin. ang saya.
pero this time, sabi ko, ibibigay ko lang ang permit ko for free kung aasikasuhin ang permit ni Chingbee sa tula na inimprenta nila sa isa pa nilang textbook na years ago nang lumabas at naibenta na nila nang bongga sa sangkatauhan. gawa na ang textbook nang time na humihingi sila ng permit kay chingbee.
si chingbee that time asked mam grace kung nakuha ba ang permit ng lahat ng authors na nasa textbook na iyon, i later on followed up for her. sabi ko ke miss grace, papayag lang si chingbee kung magbibigay kayo ng kompletong list ng mga author na nagsasabing pumayag silang maimprenta sila (at hopefully mabayaran) sa textbook na iyan.
alam n'yo, kinalimutan na kami ni ms grace ng c and e. e mabait ang tadhana, hahaha kinailangan niyang makipag-usap uli sa akin for another work. at ito nga ang hiningi ko. sabi ko pa sa kanya, pag asikasuhin n'yo yan, free na ang essay ko, i will also help you seek permit from other authors.
sabi niya, i will tell the management.
wala na, di na nakipag-usap uli sa akin si ms grace. katulad ng nangyari dati.
kaloka ang mga ganitong publisher. ang higante n'yo pa naman sa industriya natin.
hello c and e and vibal! kaway-kaway para sa mga karapatan ng manunulat!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment