kahapon, holy thursday, sa visita iglesia 2019 ng loving friends (name ng group namin hahaha, mga kaibigan na nakilala ko sa ust college of commerce noong guro pa ako doon). kami lang ni papa Bon ang nakapunta pero kasama ni papa bon si mama bon, at ang kids nilang sina nika at gab.
it was our 11th yr of doing this tradition na inumpisahan at unang inorganisa ni M A Lukban Rosete noong 2008.
ang ruta namin kahapon ay
1. ust
ang tahimik sa labas ng campus. akala ko nga sarado ang church, e. pero pagpasok mo sa loob thru p. noval gate, ayun na ang crowd. bago tuluyang pumasok sa pinto ng simbahan, bumili kami ng book na pangdasal, 4 pcs, 100 pesos. nilibre ako ni papa bon! i have a lot of this booklet of prayer. 11 years ba naman. kaso mo, dahil once a year ko lang gamitin, itinatago ko nang maigi ang mga kopya ko nito. sobrang igi, di ko na siya lagi mahanap pag holy week na. tas, nagpunta kami nina papa bon sa pinakaharap, malapit sa altar kasi doon nakasabit ang wood carving na pang- 1st station. after naming magdasal, lumabas agad kami at nagpa-picture sa pinto nito. hawak namin ang numbers na 11 at letters na LF na yari sa karton at felt paper na dilaw. ginupit-gupit at dikit ko lang iyan sa biyahe ko pa-ust that same day. nag-cr din kami. ihing ihi na kasi ako at kahit may pila, alam kong wengweng na ang cr sa quiapo kaya better na dito na ako makawiwi. nakasakay kami agad sa tapat ng ust pero... ang trapik sa quezon boulevard mini tunnel cor recto. like what we expected, matao sa quiapo.
2. quiapo church
business as usual sa quezon blvd leading to quiapo, raon area. andon pa rin ang nagbebenta ng mga helmet at storage na pangmotorsiklo, buko juice,p rutas tulad ng hiniwang indian mango na nakasupot, apat-apat per supot. nadaanan ng dyip namin ang globe electronics store kaya naalala ko ang globe lumpia. unfortunately, ang nahagip na ng mata ko ay ang bukas na bukas na bakers fair, nalampasan na 'ata namin ang lumpiyaan. sarado ang ma mon luk, watda, nagsasara pala iyon? naalala ko ang food? no, though hands down, masarap talaga ang mami, siopao at siomai doon, pero ang memorable sa akin sa bawat kain ko doon ay ang matatandang waiter at cashier. mga pinoy sila, 'apakaloyal sa boss nilang chinese. the boss must be super nice, ano, whatdyathink?
pagpasok namin sa church doors aptly labeled pasukan, hinanap ko agad ang 2nd station. it was right across the pasukan. kaya nagpunta kami sa dulo ng simbahan, doon kami tumawid para makarating sa may bandang unahan din, sa may altar. may napakalaking tv monitor, naka-feature ang top view ng interior ng quiapo church, ang ganda tingnan. parang maayos na nakasalansan sa upuan at taimtim ngang nagdadasal ang mga pilipino. pinikyutran ko nga, e. akala mo talaga, banal kaming mga naroon. 'kala mo, walang mga mandurukot, magnanakaw, budol-budol, kidnaper (ng bata!), politiko (!) among our midst. after naming magdasal, lumabas na agad kami sa side na papuntang lrt carriedo. nagpiktyur kami sa gilid ng simbahan at lumarga na.
it was a normal quiapo business day din sa area na iyon. ang sikip ng mga daanan, pang-isahang tao lang because of the stalls, kaliwa't kanan ay informal na stall ng sando, t-shirt, rash guard, evening gown, dvd, suklay, bra, panty, mittens ng bata, fried chicken, kandado, ukay na damit, ponkan from china, beachball, salbabidang hugis-swan, hugis-buwaya, at swimming pool na inflatable. sa haba ng paglalakad namin, ang pinatutugtog ng mga nagtitinda doon ay modern pop music, salita ng diyos, kanta ni moira. mabaho, mainit, masikip. para akong nasa pelikulang poverty porn. kulang na lang may nagmumurang nanay, may kagat na sigarilyong may sindi.
finally, lumuwag ang daan after ng lrt carriedo. pagtawid namin, may nakasabay kaming isang group ng namamanata, naka-yellow at violet na pantaas. pangarap ko ring magkaroon ng uniform ang LF. gold ang kulay. kulay ng uste dahil doon kami nagkakila-kilala. a, yellow pala, sori. tuition pala iyong gold.
3. sta cruz church
hindi na kami nagtangkang pumasok sa loob nito. namumuwalan na ang simbahan. nagdasal kami sa station of the cross sa loob ng compound nito at nag-picture sa gilid. naglakad kami papunta sa harap dahil doon kami lalabas para sumakay ng dyip na pa-pier/manila cathedral. sa harap ng sta cruz church, may higanteng numbers at hashtag at letters, ang sabi 400 yrs. ganon na katanda ang simbahan na iyon, precious! sabi ko kay gab, alam mo ba, dito bininyagan ang nanay ni rizal? di ko na binanggit kay gab na unfortunately, nawawala ang baptismal records nang taon ng binyag ni teodora alonso ayon sa isang article ni ambeth ocampo. may something kasi sa lineage ng lola mo, at baka raw sadya ang pagkawala ng baptismal documents nito (para walang physical evidence kung sino ang parents at grandparents niya?)
sa tapat ng sta cruz church, sumakay kami ng dyip pa-pier. mabilis naman ang biyahe, sa mismong intramuros na kami natrapik.
4. guadalupe sa loob ng fort santiago
pagbaba namin sa manila cathedral, naisip ko na hindi pala magkakasunod geographically ang simbahang inilista ng dept of tourism at intramuros admin, at inilabas ng media. una sa list nila ng 9 na simbahan at chapel na binuksan sa intramuros for semana santa 2019 ay ang manila cathedral at huli ang guadalupe sa fort santiago. so nag-decide kaming unahin na lang ang fort santiago, balak namin, ang last ay PLM para doon kami sasakay ng dyip pa-ermita church. moderate ang dami ng tao pa-fort, kaya happy kaming lahat. sa gate, may mga guwardiya, may ilang foreigner din. may signs kung saan kami dapat lumiko. maganda rin ang trimmed lawns ng fort, malinis ang tunnel na dinaanan namin papunta sa guadalupe chapel. at finally, ang kyot ng chapel. sa sobrang liit niya, wala siyang stations of the cross. tatlong hilera ng upuang pangsimbahan, nasa altar ka na. huwag magpakasal dito dahil walang change na magpakitang-gilas dito ang tear ducts mo. kyot din ang chandelier, pang-resto ang size. ang maganda rito ay damang-dama ko ang espanyol vibe. mukhang reconstructed lang ang lahat, including the guadalupe image at the altar, except for the site, pero... mukhang may chapel na talaga doon, noon pa, panahon pa ni damaso.
umupo kami sa isa sa hilera, iyong malapit sa exit, para may hangin. nagdasal kami at agad na lumabas para magparaya sa mga kararating pa lang. papaakyat ang mga tao paglabas namin. iyon pala ay may view sa taas. ang ganda, ang aliwalas, langit na kay asul. ka-level ng paa at tuhod namin ang bubong ng chapel. may mga kanyon pa na nakausli sa mga gilid ng area na iyon. noong panahon ng espanyol, magdadasal ka sa chapel, tas kakanyunin mo ang mga kalaban mo at ang mga bahay nila at bangka? harsh. punyetang mga espanyol talaga ito, mga qaqo. but i so love manila. first time ko doon, e. manila keeps on giving, 'kala mo, alam mo na ang lahat sa kanya? no. dyaraaan, may surpresa siya lagi for people like me, who grow old with her. anyway, doon namin nakita ang writer friend ko na si giselle, na sumabak uli sa entrepreneurship thru her handmade earrings halina ph. nagsaglit na kumustahan kami, tas sa kanya na kami nagpa-picture.
then lumarga na kami, sayang at di kami masyadong nakapasyal sa loob ng fort santiago. first time pa naman nina mama bon doon. sa bandang gate, nakasalubong naman namin ang college classmate ko na si Angelica, na ngayon ay guro ng filipino sa uste. lagi ko siyang nakikita at ang mga baby niya sa fb. kaya masaya akong makita siya in person at ang family niya. may dala pa silang stroller! maglalakad galore yata sila for the rest of the day, 1st church nila ang guadalupe. im sure magugustuhan din nila ito.
5. manila cathedral
pagdating namin sa manila cathedral, ang notre dame ng pilipinas, nanlumo ako sa dami ng tao. imposible nang makapasok kami sa loob. may stage na naka-set up sa pagitan ng plaza roma at palacio del gobernador. nakita namin ang ilan sa mga aktor. ng senakulo siguro. karamihan ay kabataan. good to know they are participating in this religious activity. nandoon sila sa gilid ng stage at backstage, nagli-lipstick, nagkukuwentuhan, nakikinig sa misa.
nagsasalita si cardinal tagle sa loob ng simbahan, may malaking malaking monitor sa labas, sa pinto ng katedral, close up sa mukha niya. sori, wala na akong maalala sa sinabi niya dahil naka-focus ako sa paghahanap ng spot para kami ay makapag-station of the cross. agad na kaming nag-decide na doon na lang mismo sa kung nasaan kami dahil di ka talaga makakagalaw sa dami ng tao.
pagkatapos naming magbasa ay nagpa-picture kami sa isa sa mga katabi namin sa misa. patawarin kami sa pang-iistorbo, pero mabilis naman kaming nag-pose at nagpasalamat. dati, since ako lagi ang nag-i-initiate mag-group picture bilang souvenir sa bawat simbahan, ang sinasabi ko lang ay, salamat po, happy holy week. na siyempre, na-realize ko na hindi angkop dahil papatayin na si jesus, hello. so nag-evolve ang pasasalamat ko sa mga nahihila ko na mag-picture sa aming group. ito ay naging god bless you po, mamser.
naglakad kami sa general luna street at nagtanong sa infotmation booth na nakaset up sa gilid ng manila cathedral kung ano ang nearest site doon. san agustin daw. pero nang sabihin kong PLM ang balak namin na huling station, bir chapel na lang daw ang isunod namin imbes na san agustin.
sa likod ng cathedral kami naglakad. ano ang meron doon? mga 5 o 6 na vendors ng mais at iba pang street food na de ihaw. que horror, ang init. sana haluhalo na lang or saba con yelo. that time, makulimlim na at inaabangan ko na ang ulan. after a few minutes, sa gilid ng isang sari sari store, ayun na nga, ang laki ng bawat patak ng tubig. umambon na. pag angat namin ng ulo, nasa tapat namin ang pares-kimchi na restaurant. nag-decide kaming pumasok at kumain habang nagpapalipas ng ulan. na hindi naman pala natuloy as ulan, anlabo. climate change is real. kaso mo, naka-order na kami kaya tumuloy na rin kaming kumain sa maliit na kainan na iyon,i forgot the name, but the waiting time was horrible. kami lang ang customers, saka na lang nagdatingan ang iba, pero almost 40 mins yata kaming naghintay for spicy squid plus 2 rice for mama bon and nika,chapchae na walang beef (ito ang akin), turones for papa bon, na ang nipis-nipis,wala yata yung turon kundi balat lang ng turon ang pinirito, at beef stew na set meal na fake news, hindi pala siya set dahil malamig daw ang soup so hindi nila sinerve at ubos na raw ang bean sprout, sori daw, so... wala, hindi rin sinerve. kaloka. anyway, nabusog naman kami, except for papa bon kasi nga, wala siyang kinain kundi balat ng turon este turones. nag-load up din ako roon ng malamig na tubig. saka kami naglakad papuntang bir chapel.
6. st matthews chapel, bir intramuros
ang lapit pala nito sa major road! dinaanan pala namin ito noong nakasakay kami ng dyip mula sa sta cruz. madali naming nahanap ang chapel dahil bukana lang ito ng building. maliwanag doon at may lady guard. pumasok kami, may aircon, at nagdasal sa pinto kasi nasa gilid lang ng pinto ang 6th station. maliit lang din ang chapel, parang dalawang burger machine. matao rin doon. nagdasal kami at lumabas agad para magpa-picture sa isang lalaki na nakatambay sa gilid ng elevator na may higanteng logo ng bir. habang naglalakad palabas, nagbibiruan kami ni papa bon kung bakit may full blown, please note, not makeshift, chapel sa bir. para makahingi agad ng tawad ang empleyado sa mga transaksiyon nila? o para magpasalamat sa mga biyayang lumalapag sa kanilang palad?
ang next na pinuntahan namin ay ang father willman chapel, knights of the columbus. pag nagtatanong ako sa mga guard at tindero, knights of the columbus lang ang sinasabi ko. ang itinuro sa amin ay pabalik sa spot namin sa manila cathedral. super lapit sa information booth. sabi ko, ba't ganon? ba't hindi iyon ang itinuro ng information booth kanina kung nasa likod lang nila ito? kaya pala, ang knights of the columbus, pagdating namin doon, ay isang gym! malayo pa roon ang chapel nila, after pa ng san agustin. kaya inuna na namin ang san agustin.
nadaanan namin ang cbcp. sabi ko kay papa bon, may masarap na resto sila sa likod nito, i-date mo si mama bon diyan. talaga, ano kinakain diyan, ostiya? oo, kako, banal na banal na kayo after n'yo kumain! paghakbang pa namin nang kaunti, ayun, mitre pala ang pangalan. sabi ni papa bon, kaano-ano ni mitra ang may ari niyan? sagot ko, mitri ko rin alam.
7. san agustin, intramuros
eto talaga, piyesta ang atmosphere. ang ingay, ang gulo, sumobra ang dami ng vendors sa parking lot. trapik din sa main road. may ilaw ang outline ng facade ng simbahan. so sa pictures, parang... nasusunog ito, mukhang apoy ang ilaw. nyah! i cant imagine na masunog ang san agustin na isa sa piiiiinakamatandang simbahan sa pilipinas. no. sana naghigpit sa fire prevention maintenance ang san agustin pagkatapos ng nangyari sa notre dame sa paris.
ilang beses na akong nakapunta rito kaya kahit magandang-maganda ito at engrande ay di na ako sabik makapasok sa loob. dito nga pala kami ikinasal ni papa p. hahaha, 25k for one hour, catholic business is booming, juskoday. dito kami ikinasal hindi dahil bongga kami kundi dahil kay sta rita of cascia sa loob nito. sa santong ito raw ako ipinagdasal ni papa p noong masalimuot pa ang sitwasyon naming dalawa. nang malaman naming malayo na sa maynila ang mga simbahan ng sta rita (north edsa, q.c. ang isa, baclaran ang isa), pina-reserve na agad namin itong san agustin for our wedding.
hinanap namin ang 7th station of the cross sa parking lot, nagdasal, nag-picture at umalis na agad kami. madali naman naming nahanap ang kasunod na site.
8. fr. willman chapel knights, intramuros
mula sa labas, aakalain mong malapad itong restawran dahil sa lighting. malamlam na maliwanag at the same time at ang ganda niyang tingnan dahil solid ang building kung nasaan ito (ground floor, parallel ito ng kanilang gate kaya para kang wine-welcome ng chapel pagpasok sa gate. ang building ay rectangular na maraming columns at guhit, well-lit ito, may guard at volunteer booth sa magkabilang gilid ng bakuran. may cr na maayos, napakaluwag ng bakuran na rectangular din ang hugis. gusto ko sanang pumasok sa loob, kaya lang, wala namang difference dahil mababaw ang chapel. parang dalawang dipa lang ito, kaya kita mo na ang lahat sa lawak ng mga pinto nito na hugis-half circle kahit nasa labas ka. pahaba nga lang ang chapel kaya mukha siyang malaki. sa gitna ng chapel ay isang rectangular na flower arrangement at sa tapat nito ay mga upuan na pangsimbahan. in short, parang may lamay. at yung rectangular na flower arrangement ay mukhang kabaong na tinadtad ng bulaklak.
nagbasa ako ng posts sa bulletin board habang naghihintay kina mama bon na makapag-cr (may pila pa rin). may ilang job ads doon, nangangailangan ang knights of columbus intramuros ng mga tao from the finance, business and admin sectors. may 2 o 3 brochure din about investment at educational.plans for their members. may picture din ng isang gathering sa simbahan. may mga babae sa picture so i guess, it's a family thing. siyempre, knights-knights, akala ko, puro lalaki lang ang puwede diyan. piniktyuran ko rin ang photo ni father willman, may estatwa din siya sa bakuran, nag-picture kami doon ni papa bon after naming magdasal.
gusto ko ang experience ko rito kasi maaliwalas ito, hindi nakakarinding magdasal, hindi mainit kasi open air, though umaambon na that time, relatively kakaunti ang tao. may nag-abot din sa amin ng libreng 2 postcard ni father willman at isa pang pari na naglingkod sa mga pamilya sa komunidad. gusto kong nag-uuwi ng ganito kasi... souvenir! at may koleksiyon ako ng bookmark.
after this, bumalik kami sa main road at naglakad kami pa-PLM. kaso, sarado na raw ang chapel nito sabi ng kanilang security sa main gate nito. ibu-bully ko sana siya para buksan ito lalo na at dumadami kaming nagdaratingan doon, nagtatanong tungkol sa plm chapel, kaso sabi ko sa sarili, di ba nagtitika ka kaya ka nga 'andito? behave!
nag-panic lang kami nang slight dahil kailangan naming magdagdag ng simbahan sa labas ng intramuros para maka-14 pa rin kami. habang naglalakad pa-mapua ay nag-isip kami kung mag-a-adamson,sabi ko, mahabang lakad kasi iyan. e, kung sa church sa likod ng harison na lang after ng malate church, counter offer ko as our 14th church. umoo naman si papa bon. less lakad kasi iyon mula sa babaan ng dyip. that was what we needed: less lakad.
9. mapua chapel
after a few.minutes mula sa plm, narating namin ang mapua. may guard, opkors, na sa tingin ko ay ang reason kung bakit nagsara agad ang PLM: walang security personnel na nai-assign after 7pm just for the semana santa rush. so, sori na lang, public. sabi nga ni mama bon, iisang beses sa isang taon lang iyan, di pa nila itinodo. agree! gobyerno talaga, oo.
ang ganda ng chapel ng mapua na dati ay natatanaw ko lang sa labas, malaki siya, puti, mataas ang kisame at pabilog. napakaliwanag, marami ding tao kaya di na rin kami nagtagal. dahil 1st time ko ay nag-wish na rin ako: sana matapos ko na ang m.a. ko at ma-promote ako at nang lumaki sahod ko. all about money pala, watda! suntok sa buwan ang wish na ito.
ako lang ang pumasok at nag-picture. tapos ay nagdasal na kami at nagpa-picture as a group. kahit matao, medyo tahimik sa simbahan na ito compared sa iba pang napuntahan namin.
10. lyceum chapel
ilang hakbang lang, mga 23, ay nasa lyceum na kami. nasa bukana lang as in malapit sa main entrance ang kanilang chapel. it was a small chapel walang bintana, may ilang aircon pero mainit talaga at pawisan na talaga kami dahil sobrang dami ng tao. tapos brown pa ang mga dingding. ganon daw iyon, dark things absorb heat. kaya kapag summer, its best to wear something white para mas presko. malapit sa entrance ang 10th station so agad na kaming nakapagdasal. umikot kami hanggang sa altar para maka-exit. ano ang sumalubong sa amin sa exit? malaking electric fan na pang-aircon ang ibinubugang lamig. nagtambay doon sina papa bon and family kasama ang iba pang pamilya, haha!
nag-picture kami sa may tapat ng signage na may mga halaman sa ilalim. nag-refill ako ng tubig sa kanilang dispenser. in fairness, may patubig si mayor lyceum, haha! pinakanaalala ko sa lugar na ito ay ang dalawang atm sa tabi ng main entrance ng school. parang weird na may atm sa main entrance ng isang educational institution, di ba?or, ako ang weird?
11 to 14. letran chapel
sa loob ng 11 yrs, first time naming hindi naka- 14 na iba't ibang church. dahil first time din naming naranasan ang malakas na ulan nang holy Thursday. napilitan tuloy kaming tapusin ang 14 churches sa ika-11 na site, ang letran chapel, na uber salamat sa diyos, tadtad ng aircon, halleluya.
letran is so ready for the devotees. well lit ang lugar, may mga signages para di maligaw sa loob ang mga nagbibisita iglesia. at kahit relatively ay malaki ang kanilang chapel, nag-set up sila ng isa pang space sa labas ng chapel para sa mga ayaw pumasok sa mismong chapel. hile-hilera ang upuang pangsimbahan ang nakita namin doon. pero hello, sinong aayaw sa aircon!? sa loob na lang kami.
favorite ko ang the last supper na mural sa likod ng chapel. maganda siguro kung ito ang 1st station of the cross para swak sa unang pangyayari sa kuwento ni jesus. nagustuhan ko rin na may podium sa gitna at may bible na nakapatong dito. nakakita rin ako ng 2 pari na personal na nag-aasikaso sa mga tao. meron ding signages para sa mga CR. after our 11th station, we took our photos sa mga malalaking letters at hashtag sa garden, tapos naghanda na kami para lumabas. ayun, doon umulan! naghintay kaming tumila ito para makalakad kami hanggang sakayan kaso mo mga 15 minutos na wala pa ring patda ang ulan. sa gitna ng panonood ng promotional video ng school featuring a former prof/official of ust (sister school ang uste at letran, konti lang ang nakakaalam niyan), nag-decide kami ni papa bon na doon na lang tapusin ang aming 14 churches. so, balik kami sa aircon, sarap-buhay. ganern lang talaga.
dahil dito, 1st time kaming natapos nang maaga. usually ay 2pm to 12 midnight ang visita iglesia namin. kahapon, past 3pm na kami nagsimula, natapos kami nang past 9pm.
all in all, napakarami talagang tao sa intramuros, nakita ko rin ang 2 kaibigan na sina Giselle at Angelica. kahapon, parang may piyesta, napakaraming stall, tindero at tindera sa kalsada. inihaw na mais, milk tea, pizza, relo, suman, lobo featuring hello kitty, peppa pig. masaya ang atmosphere, pero siyempre, maingay, parang hindi religious ang event.
nilagyan ng intramuros admin ng stations of the cross ang buong gen. luna street. kumbaga, kung ayaw mo nang pumasok sa mga chapel at simbahan, puwede ka nang sa kalsada na lang magdasal. i think, it was a good move kasi sobrang init, kahit pahapon at gabi na kaming naroon. pawis na pawis ako. basa ang buong likod ng bestida ko. humid kasi, walang hangin. actually, parang walang oxygen, siguro sa sobrang dami ng tao. saka umambon nang around 5pm. so, alimuom, yay.
matinding konsentrasyon ang ginagawa ko kapag nakaharap na kami sa bawat station of the cross. minsan lang sa isang taon ang pagbabasa ko ng buhay ni jesus. kaya kailangang karerin. for the past 9 yrs, kasama ko si poy sa tradisyon na ito. ngayon lang siya nag-skip dahil kailangang may maiwan sa bahay kasama sina dagat at ayin. sabi ko bago ako lumarga pamaynila, anong gusto mong ipagdasal ko? sabi niya, maging effective ang 6 months to 1 year na intervention na gagawin namin for dagat. iyon nga ang pinagdasal ko for every station, tas dinagdag ko rin na sana malampasan ni boss alvin ang paparating niyang heart operation next month.
pansarili na wishes ko, kaloka. noong mga unang taon ko sa tradisyon na ito, world peace ang hiling ko, saka sana lahat ng bata, may sapin sa paa, ganyang kiyeme. as you get older pala, nagiging specific na ang mga wish-wish mo, ano?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment