3 hours ako bumiyahe from makati to ccp, 5 to 8pm, kasama na riyan ang mga biyahe sa dyip, pagtayo sa mga waiting shed at bangketa ng EDSA, Buendia, Libertad, Taft, paghahanap ng masasakyan, paglalakad, paghabol sa mga bus at dyip, at pagkatok at pagpapaawa sa mga bus na punong-punong-puno na kaya ayaw nang magbukas ng pinto sa tulad kong kumakatok at nagpapaawa.
mula manila pen, naglakad ako pa-EDSA, akala ko ay makakasakay ako ng bus doon papuntang Heritage. walang masakyan at sobrang dami kong kasabay sa paghihintay ng masasakyan. lahat ng bus, puno. naglakad ako hanggang Buendia MRT, napakahaba ng pila. naglakad uli ako hanggang sa himpilan ng dyip sa buendia. may mga dyip na washington-buendia kaya kahit di ko alam kung saan papunta ang mga ito, sumakay na ako, hahaha. bago sumapit sa dulo ng ruta, may nakasalubong kaming dyip na may nakasulat na libertad evangelista sa katawan. kaya nang nagbababaan na ang lahat ng pasahero, meaning end of route na, bumaba na rin ako at nagtanong kung nasaan ang sakayan pa-libertad. ayun, sa tapat lang daw. tawid naman ako. punong-puno rin ng nag-aabang na mga pasahero ang kantong iyon na di maalwang-side ng makati. may mga sabit pa ang dyip kahit bawal na ang sabit. di ako pamilyar sa lugar kaya di ko na alam ang gagawin ko. dumaan ang isa pang dyip na may dalawang sabit, huminto ito sa kanto, lampas na sa amin. para kaming mga zombie na nagtakbuhan. pero strategic zombie ako, tumabi ako at sa bangketa tumakbo. sila, sa kalsada. kaya naungusan ko silang lahat, nasa unahan na ako nang bumaba ang lalaking kahilera ng driver. yey. tumamlay ang mga humahabol na zombie este pasahero nang umandar na ang dyip na nasakyan ko. meaning, isa lang ang nabakanteng upuan at ako nga ang nakaokupa nito.
naghintay uli akong makarating sa dulo ng ruta ang dyip. ayun, libertad nga, malapit sa kanto ng taft avenue. naglakad ako, matao ang lugar kaya nakakapit akong maigi sa bag ko, nasa harap ko ito at baka malaslas kung nasa likod o gilid. noong una ay sa bangketa ako kaso after a few steps ay sarado na ang dulo ng bangketa, napalipat ako sa kalsada. may nakita akong pila, sa libertad lrt station pala, sa kalsada na sila nakapila, katabi nila ang mga kotse, dyip, motor. kami ring mga naglalakad, sila ang katabi. binaybay ko ito hanggang sa kanto ng taft dahil akala ko, mayroon na doong pa-harrison plaza na dyip, wala pala. so sumakay na lang ako doon ng pa-pasay city hall. pagdating sa pasay city hall, naglakad ako hanggang sa kanto, sa may cuneta astrodome. doon ako nakasakay pa-harrison plaza. ang tagal ng biyahe, omg. sobrang trapik sa pagitan ng libertad at buendia at sa pagitan ng buendia at vito cruz. after almost an hour, tinanong kami isa-isa ng driver. saan po ang punta n'yo? sagot ng katabi kong pamilya, sa aliwan, sagot ko, sa ccp rin po, sagot ng isang babae, diyan lang sa malapit, halos lahat ay sa malapit na. sabi ni manong driver, lusot na lang po kayo sa mga kalsadang iyan, ang labas po ay aliwan na. kung maghihintay kayo ay ubos oras lang sa trapik na ito.
lahat sila bumaba except ako. alam ko ang distansiya sa pagitan ng lugar na iyon at ng vito cruz, ilang kanto pa. no. pagod na ako sa init at sa kalalakad, kahahabol. so para kaming magkagalit na lovers ni kuya driver. ang lapit namin sa isa't isa, pero di nag-iimikan.
sa gitna ng lahat ng ito, sa mga waiting shed at sa mga pagkakataong nakasakay na ako't nakaupo sa dyip, ka-chat ko ang mga ka-gantala. nagbe-brainstorm kami tungkol sa possible lines na puwedeng iimprenta sa gantala shirt or merchandise. we came up with feminista: lumilikha, lumalaban, lumalaya.
after 3 hours, pagsayad ng talampakan ko sa ccp, gusto kong maiyak. finally, nakarating din. isang feminista: lumiligaya, lumuluha, lumuluhod sa tuwa.
siyet ka, friday.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment