#1 Edgardo M. Reyes: Sa mga kuko ng liwanag
Paulit-ulit ko itong binabasa since college ako. Ang tindi ng sound effects sa utak ko, ganoon kagaling pumili ng mga salita si EMR. Sa pamamagitan ng nobelang ito, saka ko lang lubos na naintindihan ang kahulugan ng onomatopoeia, weird, oo, na hindi sa pamamagitan ng tula. Ang galing din niya lumikha ng buhay ng tauhan at ang pagkakakawing-kawing ng tadhana nila. Magbabago ang tingin mo sa mangingisda, sa construction worker, sa puta, sa Intsik, sa bugaw pagkatapos mong basahin ang librong ito.
#2 Lualhati Bautista - Bata, bata paano ka ginawa (cacho)
Ang tapang ng bidang si Leah Bustamante. Unconventional ang buhay, ang choices, ang linya ng pag-iisip. Saka ang daldal niya, at di siya nangingimi, di siya natatakot. Wala siyang pakialam kung nadadaldalan ka sa kanya. Parang iyong buong libro. Ayaw mo sa madaldal? Puwes huwag mo akong basahin. Love, Bata, Bata, Paano Ka Ginawa? The novel. Palagay ko, marami sa mga bida ko ay mana kay Leah sa tapang.
#3 una kong milenyum by virgilio s. Almario
Ginagawa ko itong source ng mga salita kapag nauubusan ako habang lumilikha ng tula. Sa librong ito, makikita ang lawak ng bokabularyo ni Sir Rio, marami ka rin ditong matutuklasan pagdating sa wika, sa tunog ng bawat salita, sa pagtutugma at iba pa. Makikita rin dito ang mga kakaiba niyang kombinasyon ng salita para makabuo ng taludtod. Mapapansin din ang mga last line niyang laging lihis sa inaasahan, kaya nagiging mas poetic ang kanyang mga tula. I once wrote a paper about writing poetry using the titles of Almario’s poems in this book. I called it Eksperimentalmario.
#4 Virgintarian by Mayette Bayuga
I fell in love with the author the first time I read this book. Nawirdohan ako in a good way sa pagkakatipon ng kanyang works, iba-iba kasi, may erotikang akda, may akdang ang tampok ay bata. Matindi. Gusto ko ring gumawa ng ganyang libro. Saka pagkabasa mo sa kanya, ito iyong tipong alam mo na matalinong tao ang awtor, mabuti ang kanyang puso, at gusto mo siyang makilala, at gawing kaibigan, kasi feeling mo andami mong matututuhan sa kanya at feeling mo, safe ka, kasi kaya kang ipagtanggol ng mga astig niyang tauhan.
#5 Personal by Rene O. Villanueva
Isa ito sa inspirasyon ko sa pagsulat ng libro kong It’s A Mens World. Dito ko napulot iyong teknik na pag-focus ng sanaysay sa isang sitwasyon at mula roon ay ibi-build mo ang damdamin na gusto mong palitawin at gusto mong ipadama sa mambabasa. Hihilahin mo ang lahat ng bagay sa uniberso mo at ipapakilala mo ang mga ito sa iisang sitwasyon para mabuo sa isip ng mambabasa ang kuwento o episode ng buhay mo na gusto mong ibahagi sa kanya. Dito ko rin napulot ang teknik na hindi linear na pagkukuwento ng talambuhay. Puwede naman kasi itong maging thematic.
#6 Ang Silid na Mahiwaga: Kalipunan ng Kuwento't Tula ng mga Babaeng Manunulat
by Soledad S. Reyes (Editor) Anvil Publishing
Si Mam Chari Lucero ang nagpakilala sa akin ng librong ito. Ni-require niyang basahin namin ang kuwentong Tulad ng Dati, Sa Underpass ni Amor Datinguinoo, tapos tinalakay niya ito sa klase. Tungkol ito sa kolehiyalang buhat sa probinsiya at ngayo’y nasa Maynila, sa Quiapo, to be exact. Tinuruan kami ni Mam Chari na magbasa between the lines, at doon na-reveal sa amin na posibleng breadwinner ang bidang kolehiyala, posible ring prostitute siya, at posibleng nakaranas na ng abortion. Ngunit ang tiyak, naroon siya sa underpass dahil hinihintay niyang magbalik ang isang taong grasa, na kanya palang tatay.
Mula nang matuklasan ko iyang reading between the lines, dumami ang paborito kong akda mula sa librong ito: Dalaw ni Francine Medina at Arrivederci ni Fanny Garcia. Naging paborito ko rin sa mga tula ang Dyugdyugan ni Lualhati Bautista, mga tula ni Ruth Elynia Mabanglo, ang tula ni Oryang, ang lakambini ng Katipunan. For me, this book must be used in all Filipino college courses. At dapat masundan na ito dahil marami nang umusbong na mga manunulat na Filipina. They are equally good, relevant, and most all, wala ring pag-aalinlangan sa pagtalakay ng di malumanay na mga paksa.
#7 Pera mo, palaguin mo by Francisco Colayco
Mahal ko itong librong ito kasi dito ko na-realize na puwedeng talakayin ang financial management sa Filipino at sa simpleng paraan. Tinulungan ako nitong maging smart sa pera at sa investment. I discovered him through a magazine for entrepreneurs tapos written in Filipino ang mga akda roon. Ipinapabasa ko si Colayco noon sa mga estudyante kong Commerce ang course, para makita nila na hindi lang Ingles ang wika ng komersiyo. Na-meet ko rin in person si Sir Colayco, niyaya ko (at pumayag naman) siyang maging member ng copyright organization na pinaglilingkuran ko noon. Sana balang araw, makapagsulat din ako ng libro tungkol sa kaperahan at investment.
#8 Impersonal by Rene O. Villanueva
Anvil Publishing, this is still being sold.
I want to write a similar book. Self-help ito para sa mga gustong sumabak sa malikhaing pagsulat. Habang gina-guide ka ni Sir Rene sa pagsusulat, you will also get to know him more. So para siyang kalipunan ng mga personal na sanaysay na ang pokus ay makapagbigay ng instruction on how to write creatively and how to survive in the Pilipins as a creative writer (you won’t, so, ngayon pa lang ay mag-quit ka na).
#9 Without Seeing the Dawn by Stevan Javellana
I think this is out of print, this is a very old book, it’s about the horrors of WW2 in rural Philippines, I will try to find my personal copy of this book.
Katulad ng Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes, tragic ang nobelang ito at tungkol din ito sa couple na batambata, inosente, wala pang malay sa kalupitan ng kapwa. Pakahusay ng characterization dito. May bagong kasal na road to happiness sana ang tatahakin kaso mo, dumating ang mga Hapon, and the rest became an endless flow of human blood. Bagama’t sa Ingles nasusulat ang nobela, ramdam mo ang hirap ng magsasakang Filipino, amoy mo ang pagka-rural ng lugar, halos matikman mo ang mumunting hamog sa umaga. Walang masyadong nasusulat tungkol sa awtor na si Stevan Javellana. Sad. Kaya sana ay marami pa ang makabasa ng libro niyang ito, lalo na iyong nasa kasalukuyang henerasyon.
#10 UMPIL Directory- can this be part of my list? It is not a book, haha, it is just a directory. But this directory was the first and only directory of Filipino literary writers. It was published by the Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas. I have a copy of this directory.
Super love ko ang directory na ito dahil isa ito sa iilang attempt ng mga writer na Pinoy na organisahin ang kanilang mga sarili. Ito ay inilathala ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas, unfortunately ay hindi na ito nasundan pa. May pangarap ako bilang isang manunulat: ang magkaisa ang mga manunulat para ipaglaban ang kanilang mga karapatan laban sa mga mapansamantalang publisher at iba pang uri ng negosyante. I believe, first step ito, ang directory. Sa pamamagitan nito ay mas madali ang komunikasyon ng manunulat sa isa’t isa, mas madaling mahanap ng mga entity ang manunulat para mabigyan ng writing job o mahingan ng permit to publish their works, etcetera, etcetera. Kaya naman, kahit saan ako mapadpad, hindi naaalis sa sistema ko ang baby steps para maisakatuparan ang pangarap na ito. Sa Freelance Writers Guild of the Philippines noon, nag-oorganisa kami ng mga talk at lecture tungkol at para sa mga writer. Sa Filipinas Copyright Licensing Society, naglunsad kami ng Huntahan, isang programa kung saan nagkikita-kita ang mga writer para pag-usapan ang copyright issues na kinakaharap nila. Dito sa CCP ngayon, ang isa sa mga una kong pinropose na project ay updating ng directory ng mga manunulat. Pangarap kong masundan ang librong ito. Na isa nang alamat!
#11 Educational Material on Collective Management of Copyright and Related Rights Module 4: Management of Rights in Print and Publishing by Tarja Koskinen-Olsson and Nicholas Lowe (WIPO)
Download it here:
https://www.wipo.int/edocs/pubdocs/en/wipo_pub_emat_2014_4.pdf
Nabasa ko ang printed copy nito noong bago pa lang ako sa Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS). Wala akong kaalam-alam sa copyright noon kaya noong first few months ko ay tinambakan ako ng boss kong si Alvin Buenaventura ng mga babasahin tungkol sa nasabing paksa. Isa ito sa mga ni-require niya sa akin. Malaki ang naitulong ng librong ito para maunawaan ko nang husto ang sistema ng kolektibong pagkolekta ng pera para sa mga copyright owner. Dito ko rin natuklasan na late na ang Pilipinas, as usual, sa pagtatatag ng sistema para mabayaran ang mga writer at copyright owner para sa massive na photocopying at reproduction ng kanilang mga akda. Pero dahil din sa librong ito, na-realize ko na, shet, puwede pala. If we will just implement this, puwede palang magkaroon ng dagdag na kita, passive income pa man din, ang mga writer sa Pilipinas dahil sa mga akda nilang paulit-ulit na ginagamit at pino-photocopy sa mga eskuwela.
#12 Pinay ang title ng book. Essays ito on crime by Sol Juvida Mendoza, Anvil publishing
Bukod kay Tony Calvento, wala na yatang nagsusulat tungkol sa krimen noong 1990s. Kaya nang mabasa ko ang librong ito na isinulat ng isang babaeng journalist, na naging teacher ko (Wah! Super suwerte ko, ‘no?!), manghang-mangha ako. The author was very meticulous: walang iniiwang detalye, lahat isinusulat niya. Maaamoy mo ang dugo, mararamdaman mo ang hapdi ng paglapat ng talim sa balat ng biktima, parang gusto mong suklayin ang sabog na buhok ng biktimang nakahandusay sa isang lote na ilang hakbang lang ang layo mula sa kanilang tahanan. One of her subjects was the rape and murder cases in Marikina. I wish I had the guts to write this way and write about this topic. Bullet day, bullet day.
#13 Ang Pag-ibig ni Lam-ang, muling pagsasalaysay ni Virgilio S. Almario, Adarna House, this is still being sold.
Noong freelance storyteller pa ako, I love telling this story to kids. Ang adventurous kasi ng buhay ni Lam-ang, nakipaglaban siya sa dambuhalang buwaya, nakipaghagisan siya ng sibat sa isang kalaban na ga-plato ang mga mata. Ang ganda rin ng illustrations, center lagi ang matikas na si Lam-ang, kayganda at kay-delicate na mahal niyang si Ines Kannoyan, at very unpredictable ang iba niyang kalaban tulad na lang ni Saridandan, na isang napakagandang bruha. Buong-buo si Lam-ang dito bilang isang tauhan. This children’s story has a very good focus on the main character, his flaws, his power, his decisions, his actions, his destiny. Para sa akin, naituturo ng librong ito ang mahusay na paglikha ng tauhan na puwedeng maging bida o di kaya ay superhero. Nagbabasa pa lang ang bata ay natututo na siya sa ilang batayang prinsipyo sa larangan ng malikhaing pagsulat.
#14 Terminal 1 by Almayrah Tiburon, self-published, baka mayroong ibinebenta ang Gantala Press. Kung wala, I will ask writer if ok ang ipadala ko sa inyo ang soft copy ng book niya.
I personally met the author nang maimbitahan kami ni Sir Lito, ang kaibigan kong propesor sa Mindanao State University Main Campus sa Marawi City, para mag-talk tungkol sa iba’t ibang genre ng panitikan. Pagbalik namin ni Papa P. sa Maynila, the author, Mam Mye, asked us if we could publish her Terminal 1 manuscript under Balangay Books. Dadalawa lang naman kami ni Papa P. sa Balangay, so bilang isa sa dadalawang editor nito ay nabasa ko ang manuscript ni Mam Mye. Napahanga ako sa mga akda niya. Una, sa wikang Filipino ito nakasulat. A few months before that, when I was still with the National Book Development Board, I found out, walang nagsusulat ng akdang Mindanao at Marawi sa wikang Filipino. Imagine?! So napunan iyon ng librong ito ni Mam Mye. Ikalawa, napaka-cool ng genre niya: horror stories and suspense. Na bihirang-bihira sa mga Mindanao/Marawi literary work. Ikatlo, Meranao culture was highlighted in each of her story. This book made me understand the Meranao culture better. It helped me become more sensitive to Meranaos. This book made me realize that books can be the ambassadors of other people’s culture.
#15 Arimunding-munding: 107 saknong mula sa mga awit at tulang bayan sa daantaong panulaang Tagalog ng mga makatang Filipino na di-kilala
Editor at nag-compile: Alberto S. Florentino
Publisher De La Salle University Press, 1998
Baka out of print na ito. Sa mga library na lang makikita.
I was still in college when I read this book. Aksidente ko lang itong natagpuan sa library. At dahil aspiring poet ako noon, aspiring pa rin hanggang ngayon, haha, gumagawa ng mga bagong tula mula sa ilang linya ng nursery rhymes na Filipino, I immediately sensed that this collection would be an important source of inspiration to write more poems. Lagi kasing halaw sa nursery rhymes at tulang bayan ang mga akda ko noon, feeling ko, nakahawak ako sa kamay ng matatandang makata, ng sinaunang mga makata, ginagabayan ako hanggang maitawid ang aking bawat kaisipan. Feeling ko, every time na lalapat ang panulat sa papel, nagpupugay ang panulat ko sa mga sinaunang makata, para sa kanilang gabay, para sa kanilang talino. Until now, I have this habit of singing a folk song or a nursery rhyme in my head, when I write, when I write poetry. Na bihirang-bihira na, hay. Puro tuluyan, puro prosa na ang isinusulat ko, gaya na lang nitong binabasa mo ngayon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment