wala pa ang kapaskuhan sa katawan ko. bakit? me mga tinanggap akong trabaho na ang deadline ay kung hindi ngayong dec 31, 2017 ay sa January 3, 2018.
yas, kakayod ako ngayon hanggang 11:59 ng dec 24, tapos magse celebrate lang kami ng christmas tapos balik uli work around 12:01 ng dec 25.
hindi ko alam ba't ginagawa ko to sa sarili ko. definitely hindi ito tungkol sa pera. hindi kalakihan ang kita. pero kasi, ang mga trabahong ito ay ibinigay sa akin. as in, bigay. pano ka tatanggi di ba? bigay na ng langit, tatanggi ka pa? ibig sabihin, may role ang mga trabahong ito sa buhay ko.
1. proofreading ng isang massive publication
2. translation ng isang komiks from sweden
3. translation ng isang nobela from singapore
pang-international na ang beauty ko! taray!
sana makayanan kong matapos ang mga ito. nasabi ko bang nilayasan kami ng mga kasambahay? haha good luck na lang kung payagan akong magtrabaho ng mga anak ko.
o, siya, dito na muna. sana ay maging masaya ang inyong kapaskuhan at lalong-lalo na ang inyong 2018. mabuhay tayo! yes, tayo, tayong mga karaniwang mamamayan na di tumitigil sa pagkayod hindi lang para sa tiyan kundi para sa sari-sariling kaluluwa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
1 comment:
maligayang pasko po! :)
mukhang uso ang layasan ng mga kasambahay sa mga panahong ito, kababasa ko lang ng blogpost ni ginoong JoeyR na The Yaya Diaries Part 1 (ng kanyang blog na Choking on My Adobo); parehas po kayo ng sinapit
more power sa inyong holidaze werk :)
Post a Comment