ITSO means Innovation and Technology Support Offices. Para silang arm ng IPOPHL sa mga university at college.
Si WIPO’s Director General Mr. Francis Gurry ang keynote speaker sa event na ito held at the Peninsula Manila Hotel, Makati last 22 March 2012.
Notes ko:
Note: I attended the 2nd day. Leo attended the 1st day.
Ang form ng economy natin ngayon ay unti-unti nang nagiging idea-based.
Mabilis ang evolution ng mga idea para sa maayos na pamumuhay. Kapag stagnant ka, mamamatay kang talaga.
Hindi mo dapat tinatanong ang market mo kung ano ang trip nila. By the time na makaimbento ka ng produkto para sa kanila, iba na naman ang trip nila.
So either mag-imbento ka lang nang mag-imbento para matiyempuhan mo ang magugustuhan ng market o mag-imbento ka at gumawa ka ng paraan para magustuhan ng market ang imbensiyon mo.
Sa 100 na innovations/inventions, apat lang ang mae-expose sa market.
Sa mga inventor o creator, ‘wag kang humingi ng masyadong mataas ng pondo kasi baka wala nang mag-invest.
Ang PWC ay investor/financier (nalimutan ko ang kahulugan nito).
Ang Thomson Reuters ay provider ng intelligent information. Halimbawa, gusto mong makita ang mga patent document ng isang bagay, ang Thomson Reuters may database ng mga patent document, gagawa at iisip sila ng mga keyword na palagay nila ay maiisip ng mga nagse-search for a particular patent document. Kaya pag tinayp ang mga keyword na ito, lumalabas na ang document na hinahanap. Mas umiikli ang time ng pagre-research dahil sa intelligent information. Mas dumadali ngayon ang research process.
Sa madaling salita, ang patent search system ay puwede palang gawing negosyo.
Ang WIPS Global ay isang patent expert company from Korea. Mayroon silang analytic worldwide patent search system na ino-offer sa mga kliyente.
Kaya may ganitong kompanya, karamihan kasi sa mga research and development activity ay nakabatay sa mga patent documents. Kaya ang paghahanap dito in a systematic way ay isang necessity.
Ang representative ng Lexis Nexis naman ay nagsalita tungkol sa Prior Art. Akala ko naman kung ano ito, ang kahulugan lang pala nito ay iyong mga nauna nang naimbento.
Ang strength ngayon ng Korea ay education, technology at innovation. Ang puhunan nila ay ang patents ng iba.
Kahit sa elementary students ay ine-expose ng Korean government ang mga impormasyon tungkol sa patents. Halimbawa, kung gusto ng estudyante na malaman kung paanong ginagawa ang Samsung phones, hayan ang patent document.
Iginigiit dapat sa mga estudyante kahit sa elementary level pa lang ang creativity at innovation. Dito magsisimula ang desire nilang mag-imbento at mag-research.
Nakakapasok sa popular culture ang science-related concept. Halimbawa sa Korea, may mga comedy show na tumatalakay sa patent. Gumagawa sila ng joke tungkol dito. Mayroon ding mga drama TV program na ang kuwento ay may kinalaman sa patent. Kumbaga, may conscious effort na itaas ang curiosity ng karaniwang tao hinggil sa research at patent.
Minsan, ginagamit ang animation para ipaliwanag ang patent sa mga bata.
Nakikipag-tie up ang ilang university sa mga corporation para i-market ang isang university-based research. Naisip ko na puwede rin itong gawin sa publishing. Kasi sa ngayon, kanya-kanyang kayod ang student author. Kung gusto niyang ma-publish ang akda niya, siya mismo ang maghahanap ng publisher.
Sa Pinas, pag na-patent, akala dapat gawin na itong produkto. Hindi naman lagi ay dapat na ganon.
Importante ang mga imbensiyon lalo na sa field ng medicine. Kapag may mahihirap at may sakit na mga bata, hindi sila nakakapag-ambag sa development ng isang bansa. Doon kasi napupunta ang resources ng bansa, sa pagpapagamot sa kanila.
Hindi naman kailangang i-patent ang lahat ng maimbento. Kasi kung wala namang magla-license, sayang ang patent.
Meron 109 state universities and colleges sa buong bansa. Sila ay miyembro ng Philippine Association of SUC’s.
Paliit nang paliit ang budget ng mga SUC at tatlo pa ang role ng mga SUC: research, instruction at extension. Kung may 24 units ang isang teacher, makakapag-research pa ba siya?
Sa UP Manila, may mga doctor at researcher na nag-research, sa library at internet. Hindi sila nag-patent research. May katulad na pala ang ginagawa nila. So patent search muna para sigurado.
USAID: sumusuporta sa mga research initiative, nagte-train ng mga propesor at nakikipag-ugnayan sa iba pang mga organisasyon para maikonek ang mga educational institution sa mga ito (for funding and other support of course).
Edukasyon ang kailangan para magkaroon ng economic growth.
Sa Japan, libre lang ang impormasyon tungkol sa latest technology. Pero alam din ng user na ito ay hindi pa mamirata sila ng gawa ng iba, ito ay para lang ma-inspire sila.
Pero kung bulk info ang kailangan, me bayad na pero murang-mura lang. Sa Japan pa rin ito.
Dapat mayroong digital library na concentrated lang sa Intellectual Property. At free dapat ito.
Mas maganda kung may maayos na dissemination policy para mas marami ang maabot ng ganitong impormasyon.
Saturday, March 24, 2012
Werk pa! FILCOLS @ The Forum on Intellectual Property and Traditional Knowledge (an IPOPHL event)
Notes ko sa event na ito:
1. According to Philippine Council for Health and Research, may mga kolaborasyon ang mga government department at agencies para mapreserba ang mga impormasyon tungkol sa traditional medicine. (Aba’y dapat lang!)
2. Ang laki ng mga problema ng indigenous peoples (IP). Hindi mailapat sa kanila ang IP Code of the Philippines kasi kaalamang-bayan ang intellectual property nila. Basically, ito ay public domain. Pero kung ito ay mananatili sa public domain, may mga mananamantala sa kanila. At ito ang iniiwasang mangyari kaya gumagawa ng paraan ang ilang mga gov’t agency.
3. Dapat may sariling parang “IP Code of the Philippines” ang mga indigenous peoples para protektahan ang kanilang mga produkto at kaalaman.
4. Kaya lang baka ito namang mga batas na ito ay maging prone sa butas at ma-exploit ng mga salbahe (ang ibinigay na halimbawa ay mining companies).
5. Ang suggestion ay dapat na manatiling unwritten at di nakasulat ang batas. Kumbaga, magiging batayan na lang ‘yong kung ano man ang mapagdesisyunan ng concerned ethnic group.
6. Kadalasan, ang mga researcher o cultural worker, humihingi ng consent sa mga ethnic group, para sa documentation lang. ‘Yon lang ang sinasabi nila sa ethnic group at siya namang inaaprubahan ng ethnic group. Kaya dapat may hiwalay na paghingi ng permiso ang researcher o cultural worker para naman sa publication ng kung anumang nakuhang kaalaman.
7. Nagkakaroon ng brain drain sa mga ethnic group. Halimbawa raw, sa Paete, ang mga gumagawa ng taka doon ay nire-recruit pa-abroad. Kaya pakaunti nang pakaunti ang nagtataka sa Paete. Nae-export ang traditional knowledge na ito. Ano ang dapat gawin?
8. Isa pang isyu ay ang peace and order. Minsan ay nahahati ang mga ethnic group kapag may conflict sa kanilang lugar. Kasi may mga nare-recruit ang militar, meron din ang mga rebelled. Meron ding ayaw pumanig sa dalawang side, independent kumbaga. Pati tuloy ang mga desisyon at aksiyon nila para maprotektahan ang kanilang kaalaman at produkto, naaapektuhan. Kasi watak-watak na sila.
9. At pag watak-watak ang grupo, mas madali silang mapagsamantalahan.
10. Kahit na considered as public domain, dahil may effort at may creativity pa rin na involved from the ethnic groups na nadagdag sa kaalamang-bayan o produkto, dapat ay may share pa rin sila sa benefits na natatamo ng iba (na kumikita mula sa mga kaalamang-bayan na ito at produkto).
11. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng harmony at mas mae-encourage ang mga katutubo na ipreserba ang sarili nilang kaalaman, produkto at kultura. Kasi patas ang treatment. At para magpatuloy din ang pag-benefit natin sa mga ito.
12. Mag-envision ka ng indigenous communities na kayang protektahan ang kanilang sarili mula sa mga mapanamantala. Ano ang nakikita mo? Maganda ba?
13. Pag may benefit-sharing, maa-appreciate ng mga ethnic group ang halaga ng mga outsider na nagpapalaganap ng kaalamang-bayan at produkto nila. Maa-appreciate din nila ang papel ng mga outsider sa buong industriya na kinapapalooban ng katutubong kaalamang-bayan at produkto.
14. Una sa lahat, kilalanin ang karapatan ng mga IP sa kanilang IP. Respeto is the key word.
Copyight ng mga larawan ay kay Bebang Siy.

Monday, March 12, 2012
Madala ka na sana
Ito ay para sa mga pasahero ng dyip na may dalang
a. Malaking bag
b. Higit sa isang plastic bag
c. Payong
d. Loose na papeles
e. At iba pang gamit
…baka po puwedeng bago kayo humirit ng “Para, Manong!” ay sinupin n’yo
muna ang mga gamit n’yo.
Hassle kasi na pagkatapos ninyong pumara at nakahinto na ang dyip,
saka pa lang kayo maghahagilap ng handle ng inyong mga bag, tenga ng
inyong mga plastic bag at payong at mag-iimis ng mga papeles na hindi
naka-folder o kaya clip. Aba, naghihintay kaming mga pasahero (at ng
drayber) sa inyong pagbaba. Naaantala ang biyahe dahil sa wrong timing
na pagsisinop ninyo.
Isa pa, gusto ba ninyo ‘yong feeling na tinititigan kayo ng lahat
habang nagsusukbit ng bag sa balikat ninyo? Star of the day, ganon?
Star of abala, kanyo.
No win situation kasi ito. Bukod sa lost time para sa ‘yo at sa amin
at sa drayber, makakaramdam ka pa ng hiya. At mapapabilis ang pagbaba
mo. E, kung madulas ka? O kaya mauntog sa mga nakausling ilaw sa dyip?
Kaya kung ako sa mga ganitong uri ng tao, tatantiyahin ko. Kapag
malapit na ako sa babaan at nakabukas pa ang bag ko, malaki ang tsansa
na mahulog ang MAPE notebook ko at ang bagong biling Table of Elements
sa National, pati na ang apat na lapis na Mongol at dalawang itim na
Panda ballpen. Kasi siyempre, yuyuko ako para bumaba ng dyip. Isasara
ko na muna ang bag ko at isusukbit ito sa balikat. Tapos saka ako
papara.
Kung nairorolyo ang bag o maleta, ihanda na ang mga gulong nito.
Pihitin na ang handle o kaya ay hilain para mahawakan nang maayos.
Kung payong, hawakan na ito. Kung umuulan, tanggalin na sa
pagkakatali. Huwag munang buksan puwera na lang kung gusto mong
matusok ang mga mata ng kapasahero mo. Kung hindi umuulan, ‘wag nang
tanggalin sa pagkakatali. Puwedeng pagbaba mo, saka na lang kalagin sa
pagkakatali para tuloy-tuloy na sa pagbuka ang payong.
Kung marami kang pinamalengke, isa-isahin nang ipasok sa tenga ng
plastic bag ang iyong mga daliri. Magpraktis kung paanong buhatin ang
mga dala nang sa ganon ay masigurong walang biglang mapupunit na
bahagi ng plastic o anupaman. Iangat-angat mo ang mga hawak mo,
ganyan.
Si Edgardo M. Reyes, isa sa mga legendary na writer sa Pinas, noong
bata-bata pa siya ay napunitan ng lalagyan ng gulay sa loob ng isang
bus. Gumulong ang mga patola, kamatis at pipino. Damputan naman ang
mga pasahero at iniabot sa kanya ang mga ito. Iyong isa, pagkababa
niya ng bus, ay humabol sa kanya ng sigaw. “Patola mo, mister! Patola
mo, naiwan!”
Unless gusto ninyo ng ganitong eksena sa fragile ninyong buhay, iwasan
na ninyong mag-last minute check and sukbit ng mga
a. Malaking bag
b. Higit sa isang plastic bag
c. Payong
d. Loose na papeles
e. At iba pang gamit.
Kung may tanong, komento o suhestiyon, mag-email sa beverlysiy@gmail.com.

Friday, March 2, 2012
Memory Lane
ni Bebang Siy para sa KAPIKULPI
Bago sumakay ng dyip, alalahanin kung saan papunta. Or bago man lang mag-abot ng bayad, alalahanin naman kung saan bababa. Para masasabi mo ito sa ating driver.
‘Yan ang lesson for today, my dear pasaheroes. Na-realize ko ito dahil sa isang matandang babaeng nakasakay ko kamakailan lamang.
Katabi ko siya at sa gitna kami nakaupo. Pag-abot niya ng bayad, maagap kong sinalo ang perang papel para iabot sa katabi kong kapwa pasahero at para naman iabot niya sa kundoktor. (Sosyal ang driver, 'no? May kundoktor para sa bayaran at suklian.)
Nagbigay ng bente ang matandang babae. Pangalanan natin siyang San Chai, tutal naman ay tsinita siya at mahaba ang kanyang buhok, may uban-uban nga lang. Pagkatanggap sa bente, biglang lumingon sa amin si kundoktor. Itago natin siya sa pangalang Paul Goso.
“Saan po ito?” tanong ni Paul Goso.
“Sa ano,” umaarangkadang sagot ni San Chai.
“Saan po?” tanong uli ni Paul.
“Sa…” nagtangka si San Chai na sagutin ang komplikadong tanong. Pero siya’y nabigo.
Dahil nakasimpleng blusa at puruntong short itong si San Chai, siguro ay napagkamalan ni Paul Goso na mamamalengke ito. “Sa may palengke po?” tanong ni Paul.
“Hindi,” sagot ni San Chai.
Mahabang patlang ang sumunod.
“Sa?” nangulit uli si Paul Goso.
“Sa ano nga,” sabi naman ni San Chai.
“Sa may Tramo?” tanong uli ni Paul Goso.
Tuluyan na akong napalingon sa dalawa. First time kong maka-engkuwentro ng Pinoy Henyo sa loob ng dyip. Palagay ko, first time din ng iba pang pasahero. Lingon silang lahat.
“Hindi, hindi,” nagmamadaling sagot ni San Chai.
Gumewang-gewang ang ulo ni San Chai at humahagibis sa pagkumpas ang kaliwa niyang kamay habang ang kanang kamay ay nakakapit sa sabitan ng mga braso.
“Sa Manggahan po?”
“Hindi!”
Nababanas na ang boses ni San Chai. Hindi ako magtataka kung bigla siyang atakihin sa puso right there and then.
“Sa may ano nga,” buong diin na sagot ni San Chai. Bumabangkiki na ang mukha niya sa magkabilang side ng dyip dahil sa inis. (Parang mukha ni Christian Bautista kapag bumibirit.)
“Sa may ano. Doon. Doon ako bababa,” buong conviction na sabi ni San Chai.
Malaki yata ang premyo ng Pinoy Henyo na ‘to dahil napahigpit ang hawak ni Paul Goso sa bente ni San Chai. Bumper to bumper ang mga kilay ni Paul Goso. Unti-unti niyang kina-crumple ang hawak niyang bente. Palagay ko, determinado siyang manalo.
“A! Sa 711 po?”
“Hindi!” humaharurot na sagot ni San Chai.
Galit na si San Chai. Ang tanga nga naman ng ka-partner niya. Bakit hindi nito mahulaan kung saan siya bababa?
Kasi naman, kung ako si Paul Goso, didiretsuhin ko na si San Chai.
Tao ba ‘yan? Roxas Boulevard? Macapagal Avenue? Bonifacio Shrine? Victoria Court?
Hayop? El Kabayo Inn? Barangay Pasong Buaya? Talaba? Jollibee?
Bagay? Barangay Buhay na Tubig? Tanzang Luma? Niog?
Kalagayan? Bagong Silang Street? Kalyeng Sikat o Wakas?
Dumagundong ang boses ni Paul Goso. “A! Sa may eskuwela? Susundo kayo?”
“Hindi! Hindi!”
Sa tono ng boses ni San Chai at sa agap ng pagsagot niya kay Paul Goso, parang 3 seconds na lang ang natitira sa timer.
Three.
“Sa may munisipyo?”
“Hindi!”
Two.
“A … sa may Jollibee?”
One.
“Para!” sigaw ni San Chai. Doon na pala siya bababa.
Maagap na ibinigay ni Paul ang sukli. Iiling-iling si Paul. “Dito lang pala bababa si Nanay.”
“Ano pong tawag sa lugar na ‘to?” tanong ko kay Paul Goso.
Sumagot naman si Paul kaya lang, takte, di ko maalala ang kanyang sinabi.

Subscribe to:
Posts (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...