ni Beverly W. Siy para sa KAPIKULPI
May assignment ako sa opisina namin. Sa Filipinas Copyright Licensing Society o FILCOLS ako naglilingkod. Ako ang Executive Officer for Membership and Documentation. Ang assignment ko ay mag-recruit ng mga writer at publisher para sa aming organisasyon na itinatag para makatulong sa pagtatanggol ng mga copyright holder. Buong 2011 ay recruit ako nang recruit ng mga writer na nakikilala ko. Pati siyempre publishers. Sa pagtatapos ng taon ay higit sa tatlong daan ang naging total number ng aming members.
Pero hindi raw ito sapat kung ang pagbabatayan ay ang datos mula sa aming funder. Mayroon daw 70,000 rights holders o mga tagahawak ng ari sa Pilipinas. Ang tinutukoy na rights holders ay walang iba kundi ang mga may hawak ng copyright o karapatang-ari ng mga akda.
Beybing-beybi ang creative industries ng Pilipinas bagama’t noon pa man ay talentado na tayo sa larangan ng sining. Binubuo ng advertising, architecture, art, crafts, design, fashion, film, music, performing arts, publishing, R&D, software, toys and games, TV and radio, and video games ang creative industries. Hindi ito priority ng gobyerno kaya’t may kaliitan ang budget ng National Commission for Culture and the Arts at ng iba pang ahensiya ng gobyerno na may kinalaman sa paglikha.
Usapin ito ng numbers. Kung alam lang ng gobyerno kung gaano kalaki ang kita na naipapasok ng nabanggit na industriya sa pitaka ng bansa at kung gaano karami ang trabahong nage-generate nito, siguradong gagawin itong isa sa mga priority. Hindi na kailangan ng matinding training, likas na malikhain ang mga Pinoy. At di nagpapahuli ang mga dalubhasa natin sa sining. Hindi ako maglilista ng kahit anong pangalan. Google lang, lalabas na silang lahat.
Speaking of numbers, saan nakuha ang detalyeng may 70,000 na rights holders sa bansa? Anong study ang nagpapatunay nito? Sino ang nag-conduct ng study? Kailan ginawa ang study? Paano ginawa?
Kung outsider ang gumawa ng study, hindi ito kasing-accurate ng gawa ng sa insider. Kung galing sa publishing industry ang gumawa ng study, hindi kaya puro writers at publishers lang ang kabilang sa 70,000? Kung visual artists naman, hindi kaya puro visual artists lang ang kabilang doon? Anong taon ginawa ang study? Last year? Five years ago? Ten years ago? Hindi kaya nagbago na ang number ng rights holders kung luma na ang study? Paano ito ginawa? Sinuyod ba ang mga university at binilang kung ilan ang writers na kupkop nito? Sinuyod ba ang mga writers’ and publishers’ organization? Kakaunti ito, kung ito ang pagbabatayan. Sumangguni ba sa National Book Development Board? Ngunit kakaunti ang kanilang registrants. Para sa 2011, wala pang isandaan ang kanilang registrant na manunulat. Sumangguni ba sa copyright registration list ng National Library of the Philippines? Kung oo, hindi ito accurate. Hindi naman requirement ang magpa-copyright registration. At isa pa, kahit hindi pa published ang isang akda ay puwedeng makapagpa-copyright registration. Ang sakop ng FILCOLS, ang sakop ng mandate namin ay iyon lamang mga published work. Kaya ano ang kahulugan ng rights holders sa datos na mula sa foreign funder? Rights holders ba na may published work na o rights holders na nagpa-copyright registration pero unpublished pa ang akda?
Marami akong tanong dahil walang mapagbasehan ng numbers o statistics tungkol sa aspect na ito sa creative industries. Pinaka-basic na datos pa lang ang kailangan ng mga gustong kumilos para sa industriyang ito, wala nang matagpuan, paano pa kaya ang mga komplikadong datos?
Gaano nga ba karami ang mga manlilikha ng ating bansa? At kapag natukoy kung ilan at kung sino-sino sila, malalaman natin kung ano-ano at gaano karami ang kanilang mga likha. Malalaman din kung gaano kaaktibo ang industriyang ito at kung gaano ito ka-significant sa ekonomiya natin. Kapag nalaman natin kung gaano ito ka-significant, makakagawa tayo ng hakbang para mas mapatatag pa ito. Makakagawa ng mga paraan para mas mapasigla pa ito at para makapanghikayat pa ng mas maraming tao na pumasok sa industriyang ito. Kapag masigla ito, mas malaki ang kita lalo na ng gobyerno. Definitely everybody happy. Unang-una na ako.
Haha. Makasarili pala!
Kung may tanong, mungkahi o komento, mag-email kay beverlysiy@gmail.com.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
1 comment:
tagahawak ng ari! hahahaha!
Post a Comment