Dear Employer/Client,
Hindi ka agad mabibigyan ng presyo para sa trabahong pinagagawa mo. Kasi po napakaraming dapat i-consider. Nasa baba ang ilan lamang dito:
deadline (or amount of time ng pagtatrabaho)
hirap o dali ng output according to the writer's skills
purpose ng book (for commercial ba or what) kung commercial, magkano
ba ibebenta ang book, ilang kopya ba ang ilalabas? san ilalabas, sino
ba ang market?
kakayanan ng nagpapa ghost write na magbayad
copyright (sino ang magiging copyright owner)
amount of research
logistics (may kailangan bang interbyuhin etc? kailangan bang magtravel?)
danger/hazards (may war ba sa lugar kung san ka magre-research etc etc)
Kaya 'wag po kayong mainip kapag hindi agad makapagbigay ng presyo ang tinanong ninyong writer. Malamang ay nagsasagawa na siya nang paunang research tungkol sa ipapatrabaho ninyo. 'Wag din sana kayong maging kuripot. Nakakainsulto kapag tinatawaran ninyo ang presyong ibinibigay ng manunulat. Lalong-lalo na, kung sagad ang pagtawad ninyo.
Tulad ng sinabi ko, maraming ikino-consider kapag nagbibigay siya ng presyo.
Mahirap po ang pagsusulat. Kaya nga po ninyo ito ipinagagawa sa iba at sa pinagkakatiwalaan ninyo. Kaya nga maingat po kayong namimili ng manunulat para maging maganda ang output ninyo.
Ang intellectual work, bagama't di natin nakikita kung gaano karaming batya ng pawis ang tutulo para dito, ay work pa rin. May mga karapatan pa rin bilang worker ang taong hina-hire ninyo. Sana ay 'wag nating kalimutang respetuhin ang mga ito.
Kung may mga nais kang klaruhin, i-approach agad ang writer. Mas maganda rin kung sasabihin mong hindi mo kukunin ang kanyang serbisyo para naman may closure ang pag-aalok mo ng trabaho. Puwede ka ring humingi ng referral sa writer kasi siguradong may kakilala 'yan na maaari mong mahingian pa ng sari-sariling presyo para sa trabahong inaalok mo.
Thank you, ha? Thank you sa pagbasa nito.
Sincerely,
Bebang
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment