Muntikan na akong mag-resign last year. Hindi ko na iisa-isahin ang mga hassle dito pero ang isa sa mabigat kong problema ay ang biyahe papuntang trabaho.
Kung magdyi-dyip, bus, dyip ako mula bahay hanggang opisina, aabot ito nang halos dalawang oras. Papunta at pauwi. Mantakin ninyo naman na halos apat na oras ang natatanggal sa araw ko sa biyahe pa lang.
Nakakapagod ang paraan na ito kasi napakaraming sasakyan sa kalsada. Nakakapagod tingnan ang mga ito. Papunta pa lang ng EDSA, pila-pila na ang dyip kasi nagkakatrapik sa mismong kanto ng EDSA at ng Kamias. Nagbababaan kasi ang mga pasahero doon na papuntang EDSA. At nagsisisakayan naman ang mga papuntang Quiapo at Welcome Rotonda.
Pagkatapos ay lilipat ako sa ordinary bus na papuntang South. Kahit anong bus basta pa-South ay dumadaan sa Boni MRT. May mga bus na maluwag at siyempre, ito ang pinipili ko. Hindi ako nag-e-aircon dahil naghihintay ng pasahero ang mga aircon na bus sa may Farmers Cubao, Robinson's Ortigas at Megamall Crossing. Aabot ng 2.5 hours ang biyahe, one way, kapag nag-aircon ako na bus.
Hindi man siksikan sa loob ng ordinary na bus ay nakakapagod pa rin ito dahil sa air and noise pollution. Nakakapagod tumingin sa walang katapusang mga sasakyan at sa mga nagmamadaling tao along EDSA. Hindi naman puwedeng pumikit at matulog dahil alanganing malayo, malapit ang Boni MRT mula sa Kamias.
Kung magdyi-dyip, MRT, dyip ako mula bahay hanggang opisina, aabot ito nang isa't kalahating oras. Kasama na rito ang paghihintay ng maluwag-luwag na tren ng MRT dahil rush hour, one over one hundred ang tsansang makasakay sa maluwag na tren. Bagama't mas matipid ang oras sa paraan na ito, bugbog naman ang katawan ko dahil perpetuwal na masikip sa MRT. Minsan nga, natatakot ako na baka ibang boobs na pala ang nakadikit sa akin o di kaya ay ibang pisngi na ng puwet ang nakapaskil sa tumbong ko sa sobrang siksikan sa loob ng tren. Kung nagkakapalit ng kaluluwa, malamang iba na ang itong nagba-blog ngayon. Hindi na ako.
Nakakapagod ang makipagbungguan, makipaglaban para sa espasyo. Ang mga babae, biglang nagiging fierce. Halimaw in smart office attire. May naniniko, nanunuhod, nambabangga, nanunulak, nanunundot, nambabalya, nambubulyaw. Di naman ako makareklamo dahil sila ay katulad ko lang din na naghahabol ng oras. Trabaho ang ipinaglalaban nila. Hanapbuhay.
Dahil dito, I started to dread going to the office.
Nag-isip ako ng solusyon. There must be another way to get there.
E, bakit ba ako, EDSA nang EDSA o MRT nang MRT? Meron namang Aurora Blvd. at LRT 2?
First working day ng 2012, sinubukan ko ang rutang Kamias-Anonas-Anonas LRT-Pureza LRT-Pureza-Stop & Shop-Boni. Mas maraming sakay at mas magastos pero pansin kong mas maginhawa. At ibang-iba ang atmosphere sa LRT2.
Mula sa Kamias ay nagdyip ako hanggang Anonas. Pagdating doon ay sumakay ako ng tren sa Anonas LRT 2 Station. Bumaba ako sa Pureza LRT 2 Station at sumakay uli ng dyip na papuntang Stop & Shop. Pagbaba ko doon, lumipat ako ng dyip na pa-Boni. Ang baba ko ay sa kanto na ng opisina namin.
Maiikli lang ang jeepney rides. Iyong galing ng Stop & Shop to Boni lang ang mahaba, tipong 15 to 20 minutes. Pero the rest ay 5-10 minutes lang. Hindi rin siksikan sa dyip kasi:
1. 'yong papuntang Anonas na dyip ay papunta na sa terminal. Halos naihatid na ni Manong Drayber ang mga pasahero niya by the time na makasakay ako.
2. 'yong Pureza to Stop & Shop na dyip, ganon din, papunta na sa terminal. Kaya wala nang masyadong tao. Actually, nagkakatao na lang uli sa Pureza LRT 2 Station kasi nagkakapasahero pa si Manong dahil sa mga tulad kong papunta ng Stop & Shop.
3. 'yong Stop and Shop to Boni na dyip naman ay usually wala pang pasahero. Kasi kaiikot lang nito sa boundary niya sa may Altura. Madalas ngang ako ang buena manong pasahero ni Manong Drayber sa ruta niyang pa-Boni.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment