Legend
A-Napakahusay. Maaaring malathala sa akademikong publikasyon.
B-Mahusay. May ilang bahaging dapat linawin. Maaaring malathala sa akademikong publikasyon.
C-Mahusay ang balangkas.
D-Mahusay ang wika.
E-Malikhain./Maganda ang hitsura ng website.
F-Mahusay ang pagsusuri.
G-Iwasang mag-generalize. Magbigay ng detalye.
H-Marami pang dapat linawin.
I- Marami pang dapat ayusin sa pagkakasunod-sunod at paglalahad ng mga ideya at bahagi.
J-Maraming dapat iwasto sa paghahati ng mahahabang talata patungo sa mas maiikling talata/ baybay/paggamit ng malaki at maliit na titik
K-Maraming pangungusap na mahaba at komplikado. Maaari namang pasimplehin na lamang.
L-Iwasto ang daloy ng pag-aaral.
M-Iwasto o dagdagan pa ang laman ng Rebyu/Pag-aaral.
N-Dagdagan pa ng impormasyon./Masyadong maikli.
O-Iwasto ang metodolohiya.
P-Mas mainam kung may larawan na may kinalaman sa inyong paksa. /Dagdagan pa ang mga larawan.
Q-Mas mukhang kuwento kaysa sa pananaliksik.
R-Dagdagan pa ng mula sa mapagkakatiwalaang sanggunian. Hindi iyong puro batay sa sariling kuro-kuro./Gumamit ng ayon sa/kay at batay sa/kay. Kailangang kilalanin ang pinagmulan ng impormasyon lalo na iyong sa introduksiyon ng paksa.
S- Dagdagan pa ng mula sa mapagkakatiwalaang sanggunian. Hindi iyong puro batay sa internet./Dagdagan pa ng aklat mula sa mapagkakatiwalaang awtor.
T-Ilagay ang ngalan ng mga mananaliksik, kolehiyo at unibersidad.
U-Marami pang dapat na iwasto sa grammar.
V-Alamin ang gamit ng gitling.
W-Ang ibang bahagi ay iniwasto na ng guro ngunit iyong dati pa rin ang sinunod.
X-Masakit sa mata ang hitsura ng blog/website./Mas maganda kung maayos at simple ang blog/website./Palakihin ang font para mas madaling basahin./ Komplikado ang pagpasok sa bawat bahagi ng inyong pananaliksik batay sa ayos nito sa inyong website./
Y-Isalin sa Filipino ang mga nakasulat sa Ingles.
Z –Marami pa ring panghalip na may kinalaman sa first person point of view.
AA-Hindi naiugnay ang kongklusyon sa panukalang pahayag o sa nakuhang datos./ Hindi naipakita ang tuwirang ugnayan ng datos at ng kongklusyon.
AB-Iwasang magpaulit-ulit sa mga sinasabi lalo na sa introduksiyon.
AC-Gumamit ng pang-akademyang pangalan ng blog o website.
AD-Dagdagan ng insight ukol sa nakuhang mga datos.
Saturday, March 27, 2010
Tuesday, March 23, 2010
Mga Aklat, Sa ituktok ng Bundok
akala ko hindi na matutuloy ang proyektong mag-akyat ng aklat. dahil sa totoo lang, walang nagdonate. isa lang. si wennie lang. pero kabog ang lahat ng donors. one thousand na aklat naman.
kaya lang, naabutan ito ng pasko. naabutan ng prelims. naabutan ng pagpunta ni wennie sa us. naabutan ng isanlibo't isang dahilan para maantala ang proyekto.
kaya mabuti na lamang at hindi ako tinantanan ni ime. text nang text sa akin si ime kung kailan na ito matutuloy. noong pasko, bagong taon, valentine's day, at ngayon ngang marso. sabi niya, kahit wala nang programa para sa mga bata. tutal marso na. halos wala nang klase. makapag-turn over na lamang tayo. ito na lamang ang target namin.
kaya naman, sa bisa ng mga text at email at usap ay nairaos naman ang proyekto. Nasa baba ang detalye. Isang kaibigang manunulat ang sumulat ukol dito.
pero may ilang detalye ang hindi nabanggit sa artikulo. heto ang mga iyon:
1. kasama ko sina iding at poy. si iding at hindi si ej dahil si ej ay nananakit ang hita. nagkikiskisan na kapag naglalakad dahil sa taba. si poy ay hinatak ko lang. natakot kami ni ime na dalawa lang kaming magbubuhat ng mga libro. kaya kahit sobrang abala sa troyanas si poy ay pinilit ko siyang talaga. pareho kaming tingting ni ime. isang libong libro din iyon, hello.
kaya maraming salamat kina iding, na nagbuhat ng dalawang kahon nang kantiyawan kong hindi na pala siya kailangan doon, at kay poy, na nagbuhat din, nagtala ng bilang ng aklat, nakibulatlat ng mga aklat para sa klasipikasyon ng mga ito at tagakuha ng mga larawan.
2. pagdating sa wawa, naroon pala at naghihintay ang apat na guro na siyang tumulong sa amin sa pagbubuhat at pagbibilang at pagsasalansan kung alin ang pang-high school at alin ang pang-elementary. maraming salamat po sa inyo.
3. ito ay proyekto din ng dagdag dunong project. si russell mendoza, ang aking boss, na umuwi from canada, ang isa sa mga pumirma sa sertipikong inihandog sa donor (c/o wennie) ang languages area, faculty of engineering, ust.
maraming salamat, wennie, sa paniniwala at pagkilos para dito at kay ms. becky na ang tunay na pangalan pala ay ma. corazon. kamusta naman, ang layo sa palayaw. thank you, becky, sa pag-asikaso sa amin nang sinusundo na namin ang aklat mula sa inyong building.
maraming salamat din, russ, sa pagkakataong ibinigay mo sa akin noon at hanggang ngayon na makatulong sa kapwa. kung hindi dahil sa iyo, hindi ko mauumpisahan ito ang mga susunod pang proyekto.
4. pagkatapos ng pormal na turn over ay ipinasyal kami ng wawa group sa wawa river/dam. napakaganda ng lugar. isa ito sa pinakamagagandang lugar na napuntahan ko. nakakaintriga din ang mga butas sa bundok. parang ang sarap manguweba. nangako kami nina wennie na babalik kami. promise. at kahit may hadhad, kakaladkarin ko talaga doon si EJ.
maraming salamat po kay sir jim, ang aming instant tour guy.
5. siyempre, hindi ito mangyayari kung wala si ime. si ime ang nagdala sa amin sa wawa. marami akong natuklasan at natutuhan. salamat, ime, ha? sa uulitin. pagpasensiyahan mo na ang kabagalan ko.
6. para sa artikulong mababasa ninyo sa ibaba, salamat kay abet umil. at salamat din sa mga nagkomento sa kanyang blog. nakakataba talaga ng puso.
more projects to come para sa atin!
Akyat-Aklat ni Abet Umil
“Nasa mataas na lugar ang community. Malapit sa Wawa dam/river. Sa mga bundok sa Rodriguez, Rizal (setting ng alamat ni Bernardo Carpio). Pag akyat mo, makikita mo ang gilid ng bundok na may quarrying operations. Nasa baba ang ibang mga bahayan, sa may bangin,” paglalarawan ni Ime Aznar sa pinuntahan nila noong Marso 14, 2010.
Kasama niya sina Babe Ang at Wennie Fajilan, mga guro sa isang Katolikong pamantasan.
Kulang-kulang dalawang oras nilang biniyahe ang sementadong kapatagan galing Quezon City at Maynila.
Alas-9:30 n.u., naakyat nila ang Wawa Elementary School (WES). At sa di kalayuan ang Wawa High School (WHS) sa Bgy. San Rafael. May pitong kilometro ang layo nito sa kabahayan. Nilalakad lang ito ng mga bata para makapasok. ‘Yong iba ay wala, o kaya ay sira ang tsinelas.
Tumatawid sila ng ilog at bundok para makarating sa eskuwela.
Katatapos mag-inat ng araw. Pasigabo ang salab nito sa balat ng mga nagbubuhat ng humigit-kumulang sa dalawampung kahon. Mga aklat ang laman. Dala ng grupo nina Ime.
Karaminihan ay textbooks. History, Filipino, English, Science. Mayroong mga brand new. Pero karamihan ay segunda, pang-elementari at hayskul.
Ang init na ipinawis at bigat na nagpakuba sa mga tagabuhat ay lalong nagbigay-kabuluhan sa tulung-tulong na sakripisyo para sa kawanggawa.
Hindi narinig sa araw na ‘yon ang sabay-sabay na “welcome, Mam, welcome, Sir!” ng mga estudyante. Pati di magkamayaw na ingay pag recess ay wala. Linggo kasi. At laban ni Manny Pacquiao kay Joshua Clottey.
Malugod silang sinalubong nina Principal Mercy Gutierrez, WES; Ritchelle Yorsua, English teacher sa WHS at dalawa pang kapwa guro nila.
Ayon sa kanila, “meron naman ginagawa ang LGU at DepEd. Kaya lang, lumalaki din ang population every year. Kaya kinakapos pa rin sa books. Medyo nali-lessen naman ang problema. ‘Yon nga lang, di pa rin 1:1 ang ratio ng books at mga estudyante."
“Hekasi at iba pang Makabayan subjects, kulang ng libro. Other subjects, okey na. Many books were washed out by the typhoon,” dagdag ni Principal Gutierrez.
Mga kaibigan ko sina Ime at Babe Ang.
Bukod sa pagiging ina ni Ime, guro ni Babe Ang, sila ay mga kapwa manunulat din.
Pagkatapos ng limang taon mula nang magsama kami sa isang short film, isang gabi ay natiyempuhan ko si Babe Ang sa 1962, bar na tambayan ng artists, writers, at journalists.
Hinihintay niya si Ime nang gabing ‘yon at naikwento niya ang proyekto nila.
Nanawagan sila ni Ime ng paghingi ng donasyon ng mga libro pagkatapos ng Ondoy habang si Wennie naman ay bahagi ng Book for the Barrios, Outreach Program ng mga guro sa Faculty of Engineering ng UST.
Naimungkahi ni Babe Ang kay Wennie na ang gawin na lamang na benipisyaryo ay ang Isang Bata, programa ni Ime, at doon idonasyon ang mga aklat na naipon nina Wennie.
Ganun ang bahagi ng katuparan ng proyektong "Mag-akyat ng Aklat sa Wawa."
“Pangangalakal ang isa sa ikinabubuhay doon. ‘Yong pagkuha ng mga prutas at gulay sa bundok. May mga nag-uuling din. Kalimitan na 'yong pinaghahanapbuhay ng magulang ang mga anak.
“Nagbubuhat ang mga bata ng sako-sakong kalakal o uling galing sa bundok pababa sa bayan. Kaya minsan, ang mga bata ay hindi nakakapasok. At marami sa kanila ay bansot. Under-nourished na, overworked pa sa pagbubuhat ng napakabigat na mga sako,” kuwento ni Ime.
Matapos ang pagtanggap sa kanila, biglang nawala si Principal Gutierrez.
Pinatawag pala sa pamumudmod ng mga bag para sa mga estudyante. School bag na may mukha ng tatlong politiko. “Ang nakakalungkot,” sabi ni Babe Ang, “ay patapos na ang klase. At panahon ng eleksiyon.”
Hindi lamang mga aklat ang kailangan ng mga estudyante sa Wawa. Sa katunayan, ipinaabot pa ni Principal Gutierrez na malaking tulong din kung magkakaroon ng Breakfast Program sa kanilang paaralan.
Laganap at sagabal din kasi sa pagkatuto ng kabataan ang gutom at kahirapan.
Patse-patseng tipo ng solusyon lamang ang sigasig ng tatlong magkakaibigan.
Maaaring napangungunahan nila ang tungkulin ng mga opisyal ng Rodriguez. At kahit ng DepEd. Pero ang mahigit isang libong mga aklat ay posibleng tulong sa mga nakapaang estudyante ng Wawa na magiging propesyonal balang araw.
Mabisang gaspang ang mga kapabayaan sa sistemang bulok ng lipunang Pilipino.
At pinakakapal nito ang kalyo sa puso ng mga tiwaling opsiyal ng gobyerno. Pero pinananatiling nakadarama ang mga damdamin ng mga gaya nina Ime, Babe Ang at Wennie.
Hindi gaya ng mga laptop, bagong modelo ng cellphone, o kotseng giveaways sa promo ng mga produkto ng kung anong korporasyon, o milyong dolyar na gawad ng kung anong news agency sa isang mapag-kawanggawa, may napala rin ang Tatlong Maria.
“Pinakain kami ng kaimito (isa sa mga pinagma-malaking kalakal ng Wawa) at pinainom ng tubig. Tamis.” At pinagbitbit din sila ng dalawang kilo nito pauwi, sabi nina Ime at Babe Ang.
Pansin pa ni Ime, “tahimik ang atmosphere, kasi nga linggo at Pacquiao fight pa. Pero napakaraming taga-Wawa ang wala namang pakialam sa fight. Nando’n pa rin sila, nagbubuhat ng kalakal galing bundok. Bata at matanda, kahit linggo at tanghaling tapat.”
Habang idinideposito ng papalubog na araw sa alaala ang karanasan nila, nagtext si Wennie kay Babe Ang, “Uy, slmat s pagsma s akin s wawa knina. Mas nmotiv8t akng tpusin ang MA para mas mk2long tau nxt time. hapi rin aq n nkilala q c ime.:-)”
Matatagpuan ang artikulo sa http://blogs.gmanews.tv/abet-umil.
narito ang mga komento sa artikulo ni Abet:
1. Civil Volunteerism on 2010-03-19 00:23
NGO nalang tlga ang gaganap para mapunuan ang kulang ng LGU at DepED
Palaging kulang sa pondo ang gobyerno para sa kanilang tao pero kabi-kabila naman ang usok ng kurapsyon promotor pa yung Pinakamataas
Madali sanang i-rally ang buong bansa para magmalasakit kung pinagtitiwalaan ang Ehekutibo at me kredibilidad sana
Kaya lang sa halip tumulong sa Ondoy victim si FG & Sons nagpakasaya pa mandin sa brandy-whisky pantanggal cguro ng ginaw kase ubod tataba nila
Isang bago at batang politika na dapat at sentro sa serbisyo-sakripisyo ng sarili para sa bansa gaya nina Wen at Babe Ang Mabuhay kayo!
2. tasya on 2010-03-19 00:35
maganda yan ginawa nila Babe Ang,maraming bata ang madaragdagan ang kanilang kaalaman.
minsan ng may gumawa nyan if i remember it right it was a certain Naomi Campbell,nagdonate sya ng maraming libro from US to some school,somewhere in bicol region but end up dead somewhere in northern part of Luzon.
makakabuti rin sana kung mayroon bahay Aklatan ang bawat baranggay ng sa gayon hindi lang mga batang mag-aaral ang may karapatan matuto ng mga bagay-bagay pati na rin ang mga may-edad na na gusto pang madagdagan ang kanilang kaalaman sa buhay.
importante rin sa kahit may mga asawa´t anak na ang magbasa ng mga aklat na may kapupulotan aral,ideya o mga inpormasyon na kailangan alam nila.
siguro pwede mong umpisahan ang ganyan proyekto Abet,dahil kahit moderno na ang henerasyon ngayon marami pa rin sa mamamayan ang walang alam kung paano gamitin ang internet kaya sa mga aklat pa rin sila nagsasaliksik ng mga inpormasyon gusto nilang malaman.
3. Abet on 2010-03-19 08:25
Civil Volunteerism,
mas mainit ang pakiramdam pag mataba di ba?
kapag mainit tapos umiinom pa ng pampainit, iba na yata 'yon?
hindi yata uso ang nangungurakot, tapos iapangkakawanggawa ang nakurakot.
panahon pa ni robinhoood 'yon.
alam ko hindi kamag-anak ni robinhood ang magbarkadang ime at babe ang.
tasya,
umabot sana sa tamang tenga ang alingawngaw ng mungkahi mo.
4. uhay on 2010-03-20 19:01
mabuti ang naisip ninyo my rating is 10 dapat masalinan ng aral ang isip ng kapus sa libro makatulong ng malaki sa pagpapabuti ng kanilang moral at maka tulong sa bayan sa hinaharap kung sila ay nasalinan na ng karunungan.
aasahan pa ba natin ang DepEd siyempre siguro naman nakakatulong din sila, pangit naman kasi kung sisirain natin ang isat-isa lalo tayo babantot sa ibang bansa.
ipagpatuloy pa ninyo mga kababayan ko ang pagdamay sa mga kapus sa libro natin mga kababayan. pagpalain nawa kayo ng ating dakilang lumikha.
5. dine laang on 2010-03-21 13:12
maganda yan!
6. Watch Online on 2010-03-21 13:33
sana madami pa ang tulad ng ganyan proyekto
7. Iwa Moto on 2010-03-22 10:29
WOW, BRAVO....... Naka2taba ng puso ang mga ginawa ng tres mujeres at talagang marami pang mga lugar na kulang talaga at hindi sapat ang libro para sa mga student. Talaga yatang wala ng pag-asa ang pinas na magbago ang mga walang HIYANG mga KURAP na politiko!!!!!!!
If, I have tym sna mkasama rin ako sa kanila kc masarap yung pakiramdam na naka2tulong ka sa kapwa mo na wala kang inaantay na kapalit at maging masaya ka sa bawat ngiti na galing sa kanila.........GOD BLESS PO SA INYO.......
(Lahat ng larawan sa blog entry na ito ay mula sa cellphone ni Ime.)
Monday, March 22, 2010
Salit Sining
Bisita po kayo!
Salit Sining: Wordsmiths Turned Visual Artists
TaUmbayan Restaurant
40 T. Gener cor. K-1 Streets (near Kamuning Road), Quezon City
Exhibit lasts until 8 April 2010
Featuring the works of:
Gian Abrahan
Mariane A.R.T. Abuan
Rommel Chester Boquiren
Jeremiah Faustino
Mikael Gallego
Phillip Kimpo Jr.
Vivian N. Limpin
Pamela Maranca
Carla Payongayong
Beverly W. Siy
Poets paint scenes, capture snapshots, and weave worlds with words—most of the time, that is. When they rest their pens for actual brushes and cameras, some of them can cross over from the art of letters to the visual arts.
In Salit Sining, several of these poets demonstrate their talent (or at least, their passion) for their “other arts.” They are all members of the Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), the premier organization of poets in Filipino celebrating its 25th anniversary this year. These young men and women have proven their mettle in taming the salita in one way or another; in Salit Sining, they humbly present their capabilities as painters and photographers.
To adapt what we wrote in a previous exhibit of two poet-painters, the works at Salit Sining might be art for some and fart for others. Outsider art, untrained craft, mere daubs and splashes and wayward camera clicks, or whatever you call it—drop by anyway. Visual art will be the main course and poetry readings the appetizers.
THE ARTISTS
Some of the LIRA poets featured in Salit Sining are:
GIAN ABRAHAN was born on 25 August 1989 in Sampaloc, Manila. He is taking up BA Film at the University of the Philippines Film Institute. He is an alumnus of Dulaang Sibol of Ateneo High School and is a member of Cinema Arts Society.
MARIANE A.R.T. ABUAN ("Ynna" to friends and family) is the Public Relations Officer of LIRA. She has been painting since 2003 but kept her works a secret except to those close to her until 2009, when her paintings were included in two exhibits. Admittedly, she has never thought of exhibiting a photograph until today...because she ran out of new paintings to display.
ROMMEL CHESTER "Mel" BOQUIREN takes pride in his ‘geek’-ness, as he constantly practices his psycho-motor skills be it with the keyboard and mouse or the joystick and buttons. Besides the eventful life as a geek and a literature teacher in PAREF-Northfield, he also finds time to create things his hands could muster, may it be writing, painting, or even crocheting. Currently, he is trying to improve his HoN skills online, where he is known as “mapagkalinga.”
JEREMIAH FAUSTINO graduated from FEU-FERN College in 2006 with a degree in Computer Science. He is the illustrator and cover designer of the book "The Freedom Fighters of Northern Luzon: An Untold Story" by the Department of National Defense. His comics collaboration with his brother won the People’s Choice Grand Prize in the 3rd Philippine Graphic Fiction Awards.
As a young artist, MIKAEL GALLEGO was first inspired by nude painting. He is working as a freelance graphic-artist- web-designer- layout-artist. He practices voodoo with his shinigami in Netsite.
PHILLIP KIMPO JR. is the President of LIRA and co-author of the book "The Freedom Fighters of Northern Luzon: An Untold Story" by the Department of National Defense. He bought his second-hand DSLR to document literary events in late 2008; his laziness prevents him from delving into his Nikon D80's intricacies. Visit him at www.phillip.kimpo.ph.
VIVIAN N. LIMPIN is an artist that goes by many labels: writer, poet, photographer, painter, filmmaker... and we’re not actually sure that it ends there. Her films, photos, and paintings have been shown locally and internationally, as well as having snagged their share of awards. Currently, she is the Secretary of LIRA and is a member of the Board of Directors of Tudla Productions, a progressive student video documentary organization of UP Diliman.
CARLA PAYONGAYONG does not own a DSLR Camera yet, she only borrows from her brother or settles on her good old digital point-and-shoot. Her love for photography started during her grandfather's funeral when her father lent her a Canon EF camera. She is currently working as a Promo Producer in ABS-CBN where she gets to do the things she loves most: writing, photography, and video production.
BABE ANG teaches Filipino at the College of Commerce of UST and is the immediate former president of LIRA. She likes to take photos (when there's an available camera) to document her thoughts and observations of a certain place at a certain time. Her son EJ takes better photos than she does.
HOW TO GET THERE
From Kamuning turn at T. Gener Street; first corner on your left (K-1st Street) is TaUmbayan. For more info, you can reach us through our exhibit curators, namely Vivian Limpin (09158107898) and Ynna Abuan (09179017090).
Ang larawan sa entry na ito ay kinunan ko at isa sa aking tatlong larawan na naka-exhibit sa Taumbayan. Ang pamagat nito ay Digma.
Thursday, March 18, 2010
corky days
isang bote ng red wine ang utak ko. malaki at mabagsik ang nakapasak na cork.
kailangan kong magpasa kay sir vim ng koleksiyon ng mga akda na book length bago matapos ang marso.
ang target ko ay 24,000 words.
nakaka-19,000 pa lang ako. me 5,000 pa akong dapat isulat.
saang utak ko kukunin ito? kasi itong akin ay may nakapasak na cork.
wala na akong maisulat.
nagyaya sina paguts at ms. claire na magmeryenda kahapon. wala akong masyadong pera...
paguts: kakasuweldo lang natin noong isang araw, a?
ako: e, umuwi ako sa nanay ko, ayun, naholdap na.
kaya sabi ni paguts, ililibre daw niya ako. yey! sobrang kuripot itong kaibigan kong 'to. sa sobrang kakuriputan nga minsan, e, na-bad trip ako sa kanya. iyong tipong parang lambak sa Cagayan ang lalim ng kabad trip-an. tapos ngayon ay ililibre ako? yey!
at ikinuwento ko sa kanila ni ms. claire ang aking problema. sa dami ng itinugon ni paguts, andami ko ring naisip na isulat. idinagdag ko agad ang mga ito sa listahan ng aking mga to write about (actually, may mga nakalista pa doon bago kami magmeryenda nina paguts kaya lang, kamukha din ito ng mga naisulat ko na noon. walang bago kaya ayaw ko nang isulat pa.)
imagine? natanggal ang cork? minsan, isang simpleng pakikipagkuwentuhan lang pala sa mga kaibigan ang bottle opener o ang sagot sa writer's block, ang notorious na problema ng mga manunulat.
panahon na lang ang aking kailangan. panahon para magsulat.
maraming salamat sa meryenda at kuwento at pagkakaibigan, ms. claire at paguts!
ipinapangako ko, babaha ng red wine.
bottoms up!
(Ang larawan ay mula sa www.burrenwine.ie/gallery/red-wine.jpg.)
Thursday, March 11, 2010
wala
akong maisulat dito. akala ko pa naman sa blog ko ay maaari kong isulat ang anumang gusto kong isulat.
blog ko na nga, hindi ko pa mapag-express-an ng tunay kong saloobin. anak ng...
bakit? may masasaktan kasi. pati ako masasaktan sa mga sasabihin ko dito. kasi maski ako, nasasaktan sa katotohanan.
pero hello? ang katotohanan, kahit kasinsakit ng sugat sa tuhod ay kailangang tanggapin kasi hindi mo ito puwedeng takasan.
kaya may pananaliksik na nagsasabing ang taong mabilis tumanggap ng sitwasyon, iyong taong madali para sa kanya ang acceptance ay mas masaya kaysa doon sa taong hirap tanggapin ang kung ano man ang umiiral.
matagal din akong naging malungkot.
kaya nagbabawi ako.
sige, tanggap lang nang tanggap.
para masaya.
blog ko na nga, hindi ko pa mapag-express-an ng tunay kong saloobin. anak ng...
bakit? may masasaktan kasi. pati ako masasaktan sa mga sasabihin ko dito. kasi maski ako, nasasaktan sa katotohanan.
pero hello? ang katotohanan, kahit kasinsakit ng sugat sa tuhod ay kailangang tanggapin kasi hindi mo ito puwedeng takasan.
kaya may pananaliksik na nagsasabing ang taong mabilis tumanggap ng sitwasyon, iyong taong madali para sa kanya ang acceptance ay mas masaya kaysa doon sa taong hirap tanggapin ang kung ano man ang umiiral.
matagal din akong naging malungkot.
kaya nagbabawi ako.
sige, tanggap lang nang tanggap.
para masaya.
Saturday, March 6, 2010
papapapalda
ngek. pang-women's month pa naman itong entry ko tapos ang pamagat ay masculine! papa...papapapalda? hahahaha
Oy, sa 22 Marso 2010, iniimbitahan ang lahat na magbasa ng tulang ukol sa kababaihan sa Magnet Katipunan, 7:00 ng gabi. Ito ay pagdiriwang ng buwan ng kababaihan ng O.M.G (Open Mic Gig ng magnet).
kung lalaki ka at gusto mong magbasa, kelangan mong magpalda. kung wala kang palda, magsabi ka lang, dadalhan at papahiramin kita. huwag kang mag-alala, titiyakin kong asul ang isusuot mo.
kung babae ka, cheers, ate. Pagkat nanunuot sa palda mo ang kagitingan ng kasariang matagal nang nakikitunggali sa mundong anong lupit. (nakanang).
at siyempre, ate, mula sa aking ano, binabati kita ng maligayang buwan ng pagkakaroon ng pek squared!
(Ang larawan dito ay mula sa mylittlepockets.com.)
Kung Kami’y Magkakapit-bisig
IMBITASYON
Ilulunsad ang Kung Kami’y Magkakapit-bisig, edisyong multilingual ng mga tula (circa dekada 60) sa Hacienda Luisita ni Gelacio Guillermo sa Marso 10, 2010, Mierkoles, 7 n.g., sa Café 1962 (dating News Desk), ikalawang establishment mula kantong Scout Madrinan at Scout Tobias, Timog , Lungsod Quezon.
Sa tangkilik ng MAKABAYAN bilang suporta sa patuloy na pagkilos ng mga manggagawang bukid para sa makatarungang pamamahagi ng lupa sa Hacienda Luisita sa pamumuno ng Central Azucarera de Tarlac Labor Union (CATLU) at United Luisita Workers Union (ULWU).
Punta tayo! Malamang pupunta ako rito. matagal na rin akong hindi nakakadalo sa ganitong pagtitipon. maghe-hello na rin ako kay sir bomen. at isa pa, dahil kailangan kong makausap si Ime para sa Mag-akyat ng Aklat. Naroon daw siya at ang isa pa naming kaibigan, si Alvin. Si Alvin ang isa sa mga may ari ng Bahandi Restaurant sa Malate. Dati ay nag-oorganisa ako rito ng buwanang pagbasa ng tula. Ngunit katulad ng maraming establishment na nagpapahalaga sa kultura at sining, bumagsak ito. Marahil, napakahaba pa ng panahon bago maging ganap ang pagtangkilik natin sa mga bagay na hindi nakakapagbigay ng pisikal at pinansiyal na ginhawa tulad na lamang nitong binanggit na paglulunsad-aklat.
(Ang larawan dito ay mula sa vincenteleazar.blogspot.com.)
Friday, March 5, 2010
isang tawag mo lang
kakaiba talaga ang powers ni god. godly powers talaga. pramis.
Kahapon, halos buong araw akong hirap na hirap mag-isip nang maayos. andami kong natuklasan at natanto sa aking sarili at sa dati kong relasyon at karelasyon. sabay-sabay akong inatake ng lungkot, pagkadismaya, poot, panghihinayang at iba pang damdaming hindi maikukulong sa anumang titik o salita.
hindi ako makaiyak. paisa-isang luha ang lumalabas sa akin. hindi kasi ako madramang tao. at ayaw ko namang may nakakakita sa akin kapag umiiyak ako.
kaya pagdating ko sa bahay, gusto kong lumabas uli. gusto ko na namang umalis, tumakas, tumakbo katulad ng ginagawa ko noon.
pero di ko na nga ginawa ang alinman sa aking nabanggit kasi alam ko naman na ang kahihinatnan nito: ang kalmado ngunit mas windang na ako.
kaya naisip kong kailangan lang talaga ng kausap.
tinext ko nang tinext ang taong gusto ko sanang mabahaginan ng aking naiisip at nararamdaman pero mukhang abala siya. kaya hindi ko na lang inistorbo at hindi ko na rin kinulit.
naroon din naman si ej. no, hindi naman siya ang kinuwentuhan ko. i mean, andoon naman siya, nagkuwentuhan na lang kami tungkol mga kaklase niyang apak nang apak sa lupang pinagtatamnan niya ng halaman sa eskuwela. naghanap pa siya ng tali para itali sa apat na barbecue stick na mataba. pinanood ko siyang isulat sa karton ang: BAWAL TAPAKAN ANG PLOT.
tapos nilabas ko ang papers ng mga estudyante ko. binantaan ko ang lahat ng nararamdaman ko nang gabing iyon (kahit na alam kong mali na hindi ko ilabas ang aking nararamdaman), sabi ko, tulad noong panahon ni Noah, you will all be washed away.
therapy sa akin ang trabaho. kaya rin siguro kung kumayod ako e walang patumangga.
anyway, check ako, check, check, check. biglang nag-ring ang aking cellphone. international ang number.
sino kaya to?
hello?
si eris!
ang aking best friend since high school! ahahaha ibang klase ka talaga, god. grabe. imagine?
ito kasing si eris ay tumatawag lamang kung narito siya sa pinas, kung paalis na siya ng pinas at kung may okasyon: pasko, birthday ko, birthday ni ej.
wala siya sa pinas, definitely. ilang taon na siyang naninirahan sa australia. at wala rin namang okasyon. so bakit siya tumawag?
magkakaroon kasi ng reunion ang high school batch namin at tinatanong niya kung para saan ang donation na hinihingi ng ilang mga kaklase namin para sa event.
tuwang-tuwa naman akong ipinaliwanag sa kanya na siguro pambayad iyon sa magiging share ng mga guro naming darating sa reunion. may bayad kasi ang reunion event. pero siyempre, hindi na namin pagbabayarin ang mga teacher namin, umattend lang sila, di ba?
pero mula doon, dumako ang usapan namin sa buhay-buhay namin ngayon. at dahil wala siyang alam sa mga nangyayari sa akin (hindi ko siya makuwentuhan sa email dahil may nagbubukas ng mailbox ko), parang tubig sa san roque dam noong bagyong pepeng ang mga kuwento ko sa kanya.
whooshh...bumaha!
at sa wakas, naikuwento ko rin ang mga nangyari sa akin sa buong araw.
anong ginhawa!
hindi ako relihiyosa but god really moves in mysterious ways, alam mo?
alam ni god kung ano ang kailangan mo at kung kailan mo ito kailangan. at dahil mahal ka niya, ipadadala niya sa iyo ito nang naka-gift wrap. bonggang-bongga pa ang pagkakabalot.
hay.
so, i thank you, god. really.
that phone call was the most precious one i've ever received.
bilang pagpapasalamat, nais ko na rin ibahagi itong natanggap ko bilang forwarded message...
read on.
CHRISTIAN WAYS TO REDUCE STRESS
Author Unknown
March 2, 2010
An Angel says, "Never borrow from the future. If you worry about what
may happen tomorrow and it doesn't happen, you have worried in vain.
Even if it does happen, you have to worry twice."
1. Pray
2. Go to bed on time.
3. Get up on time so you can start the day unrushed.
4. Say No to projects that won't fit into your time schedule, or that
will compromise your mental health.
5. Delegate tasks to capable others.
6. Simplify and unclutter your life.
7. Less is more. (Although one is often not enough, two are often too
many.)
8. Allow extra time to do things and to get to places.
9. Pace yourself. Spread out big changes and difficult projects over
time; don't lump the hard things all together.
10. Take one day at a time.
11. Separate worries from concerns . If a situation is a concern, find
out what God would have you do and let go of the anxiety . If you
can't do anything about a situation, forget it.
12. Live within your budget; don't use credit cards for ordinary
purchases.
13. Have backups; an extra car key in your wallet, an extra house key
buried in the garden, extra stamps, etc.
14. K.M.S. (Keep Mouth Shut). This single piece of advice can prevent
an enormous amount of trouble.
15. Do something for the Kid in You everyday.
16. Carry a Bible with you to read while waiting in line.
17. Get enough rest.
18. Eat right.
19 Get organized so everything has its place.
20. Listen to a tape while driving that can help improve your quality
of life.
21. Write down thoughts and inspirations.
22. Every day, find time to be alone.
23. Having problems? Talk to God on the spot. Try to nip small
problems in the bud. Don't wait until it's time to go to bed to try
and pray.
24. Make friends with Godly people.
25. Keep a folder of favorite scriptures on hand.
26. Remember that the shortest bridge between despair and hope is
often a good "Thank you Jesus ."
27. Laugh.
28. Laugh some more!
29. Take your work seriously, but not yourself at all.
30. Develop a forgiving attitude (most people are doing the best they
can).
31. Be kind to unkind people (they probably need it the most).
32. Sit on your ego.
33 Talk less; listen more.
34. Slow down.
35. Remind yourself that you are not the general manager of the
universe.
36 . Every night before bed, think of one thing you're grateful for
that you've never been grateful for before. GOD HAS A WAY OF TURNING
THINGS AROUND FOR YOU.
"If God is for us, who can be against us?"
(Romans 8:31)
Ang larawan sa entry na ito ay mula sa cindykassab.com.
Tuesday, March 2, 2010
dalawang puntos
number one:
wala kang napa-publish na akda dahil hindi ka aktibong naghahanap ng mapagpa-publish-an ng akda mo.
number two:
nakaka-turn off talaga ang mga lalaking kuripot.
wala kang napa-publish na akda dahil hindi ka aktibong naghahanap ng mapagpa-publish-an ng akda mo.
number two:
nakaka-turn off talaga ang mga lalaking kuripot.
Subscribe to:
Posts (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...