Saturday, May 20, 2023
plot twist ng 2023
Ilang tala sa Asia Pacific Committee Meeting ng International Federation of Reproduction Rights Organization (IFFRO).
Noong April 12 to 14, 2023 ay dumalo ako sa Asia Pacific Committee Meeting ng International Federation of Reproduction Rights Organization (IFFRO).
Tuesday, May 16, 2023
Character development (sanaysay)
Noong Sabado, May 13, 2023, nagdesisyon akong isuot ang damit kong pula. Luma na ito, regalo sa akin ng bff kong si Eris more than a decade ago. Mahaba, plain, gown ang peg.
Sa pagdalo ko sa National Book Awards 2023 sa Manila Metropolitan Theater, pinili ko ito for one major, major reason.
I wore the dress for the first time noong November 17, 2012. National Book Awards din ang okasyon. Pero sa National Museum siya ginanap. Kaka-resign ko lang that time sa National Book Development Board, ang main organizer ng patimpalak. Nominated at finalist ang libro kong It’s A Mens World. Nonfiction sa Filipino ang category. I had to resign as editorial consultant of the NBDB, dahil ayokong may sabihin sa akin ang mga tao manalo man o matalo rito ang libro ko.
Noong araw ay sa mismong event malalaman kung sino ang winner at sino ang uuwing luhaan. So, on the awarding night, nagpunta ako bilang guest. Bilang finalist. Kasama ko ang jowa kong si Poy Verzo, ang anak kong si EJ Siy, at ang aking nanay.
Si Tisay.
Sobrang kapal ng mukha kong mag-assume na mananalo ako. Nag-make up ako’t nagbihis ng maganda, long gown na pula, kuntodo perlas pa ako at bagong sapin sa paa.
Pagkatapos ay kinaray-karay ko ang nanay ko sa awarding night na iyon. Gusto ko siyempre na naroon si Tisay kapag nanalo ang kauna-unahan kong libro na may pangalan ko as byline. Gusto kong naroon ang tao na nagturo sa aking kumilala sa mga titik, ang tao na nagturo sa akin kung paanong magbasa, na siyang dahilan ng pagiging mapagmahal ko sa libro, na siyang dahilan kung bakit ako naging manunulat.
Sa aking pagtatagumpay, gusto kong naroon ang aking nanay.
Si Tisay.
Kaya imagine kung paano akong binagyo ng panlulumo nang ibang libro ang tawagin sa entablado.
What were you thinking, Bebang?
Door stopper ang nanalo. Samantalang kulangot ang libro ko. Magkaibang magkaiba rin ang paksa ng mga ito.
Nakakaloka.
Nakakaawa, rather. Na nakakahiya. Lalo na kay Tisay.
Karay-karay the nanay pa more.
Hindi namin pinagkuwentuhan ito ni Mami Tisay pagkatapos ng awarding night. Ang naalala ko’y masaya na siya na makakain sa pa-buffet ng NBDB at Manila Critics Circle. Happy rin siya na makilala in person si Jullie Yap Daza, isa sa mga Pinoy author na dumalo sa National Book Awards 2012. Iyan lang ang kanyang mga bukambibig. Never niya akong tinukso sa aking pagkatalo, kahit na may star awards siya sa field ng pang-aasar.
Kaya ngayong National Book Awards 2023, after eleven years, I decided to wear the same dress on that fateful night. Kako, sa wakas ay makakabawi na rin.
Muli ay kasama ko sina Poy at EJ. Dumalo ako hindi bilang contestant o finalist.
Dumalo ako bilang judge.
Para sa kategoryang nonfiction, sa Filipino.
Taas-noo, bumulong ako sa langit.
“O, Ma, nandito tayo uli. Same time, same dress, same event. Nahuli lang nang kaunti, ito na ang ating pagwawagi. Happy Mothers' Day.”
Wednesday, February 1, 2023
LITERATURE PROGRAM NG PASINAYA 2023
LITERATURE PROGRAM NG PASINAYA 2023
Pagkatapos ng tatlong taon na pagdaraos sa online na paraan, muling nagbabalik ang Pasinaya Festival!
Sa Pebrero 4 – 5, 2023 ay magkakaroon na uli ng face to face Pasinaya workshops, performances, film screenings, exhibitions, art market, at iba pa! Ito ay mangyayari sa loob ng Cultural Center of the Philippines Complex at selected museums sa Metro Manila.
Narito ang detalye ng literature program ng Pasinaya Multi-Arts Festival 2023.
Para sa literary workshops ngayong Pebrero 04:
Sa ganap na 8:30 n.u. hanggang 9:00 n.u. ang Storytelling Workshop ni Teacher Mars Mercado kasama ang Art Session ni Teacher Ann Millendez sa Tanghalang Ignacio Gimenez, Parking Tiangge.
Sa ganap na 11:00 n.u. hanggang 11:30 n.u. ang Kuwento, Dula, at Relikya Workshop ng Aklat Mirasol sa Liwasang Kalikasan, Tent 1.
Sa ganap na 11:30 n.u. hanggang 12:00 n.t. ang Creative Reading of Barako, Baraking Storybook workshop para sa Southern Voices Printing Press sa Liwasang Kalikasan, Tent 1.
Sa ganap na 3:30 n.h. hanggang 4:00 n.h. ang Book Talakayan ng Alon at Lila, kasama ang Pinoy Reads Pinoy Books (PRPB) Book Club sa Tanghalang Ignacio Gimenez, Parking Tiangge.
Para sa literary performances:
Pebrero 04 2023
Sa ganap na 10:00 n.u. hanggang 10:30 n.u. ang LIRAhan: Pasinaya poetry reading ng grupong Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo sa National Museum – Fine Arts, ito ay para sa kabataan at matandang manonood.
Sa ganap na 11:00 n.u. hanggang 11:30 n.u. ang Palaisipan ng mentalist performer na si Justine Piñon sa National Museum – Fine Arts, ito ay para sa kabataan at matandang manonood.
Sa ganap na 11:00 n.u. hanggang 11:30 n.u. ang LILA Poetry Reading, kasama ang mga makatang LILA sa Philippine Women’s University - SFAD Gallery, ito ay para sa kabataan, matanda, at kababaihang manonood.
Sa ganap na 1:00 n.t. hanggang 1:30 n.t. ang The Reddest Rose Unfolds ng theater actress na si Bianca Louise Gabon at Milflores Publishing sa National Museum – Fine Arts, ito ay para sa kabataan, matanda, at kababaihang manonood.
Sa ganap na 1:00 n.t. hanggang 1:30 n.t. ang Booklatan at Bahaginan storytelling ng National Book Development Board – Philippines sa Museo Pambata, ito ay para sa mga batang manonood.
Sa ganap na 2:00 n.t. hanggang 2:30 n.t. ang Booklatan at Bahaginan storytelling ng National Book Development Board – Philippines sa Museo Pambata, ito ay para sa mga batang manonood.
Sa ganap na 2:00 n.t. hanggang 2:30 n.t. ang Luna Writers poetry reading ng mga manunulat ng Luna Literary Journal at Good Intention Books sa National Museum – Fine Arts, ito ay para sa kabataan at matandang manonood.
Pebrero 05 2023
Sa ganap na 2:00 n.t. hanggang 2:30 n.t. ang Tindig, kasama ang Sining Tanghal Laboratoryo (SINTALAB), at Kapisanan ng mga Mag-aaral na Manunulat sa Filipino (KAMMFIL) mulang Quezon sa CCP – Liwasang Kalikasan, ito ay para sa kabataan at matandang manonood.
Sa ganap na 5:30 n.h. hanggang 6:00 n.h. ang Dapat Ba o Hindi Dapat Pagtiwalaan ang Social Media bilang Daluyan ng Impormasyon ng PNU Balagtasan/Kadipan sa CCP – Vicente Sotto, ito ay para sa mga bata, kabataan, at matandang manonood.
A total of 4 literary workshops and 9 literary performances! Kaya siguradong may isa kang matitipuhan diyan.
Ang ticket? 50 pesos lang as suggested donation for every session.
Hatid ng Intertextual Division sa patnubay ng CCP Cultural Content Department, ang literature program ng Pasinaya 2023 ay naglalayon na:
1. magtampok ng iba’t ibang uri ng pagtatanghal ng panitikan;
2. at makahikayat sa sari-saring uri ng manonood na patuloy na tumangkilik at magbasa ng libro.
Tara na at i-tag ang iyong kasama sa Pasinaya!
(katuwang na manunulat ng press release na ito si Ricci Joy Santos)
Wednesday, December 7, 2022
2022 letter
hi zal
kumusta ka na
kita ko, may two small kids ka na rin, and a very, very pretty wife!
you must be so happy and satisfied with your life.
i am happy for you.
totoo iyan.
kapag nakikita kita sa social media, wala akong ibang hinihiling kundi ang makita kang masaya, kasama ang iyong pamilya.
ako, happy rin naman. may pamilya rin na kamukha ng sa iyo. di lang siguro kasing yaman ng wife mo ang husband ko, pero hindi naman kami naghihirap hahaha, marami rin kaming adventures. mahilig pa rin akong mamasyal, gusto ko pa rin ng mga bagong experience
not much has changed in me, in my core. you can say that
kaya siguro napapasulat pa rin ako sa yo hanggang ngayon.
kahit it has been what, almost 20 years? hahaha! my goodness ang tanda na natin!
id love to see you in person.
pero tamad na ako hahaha, di na ako iyong tipong mag eeffort for the sake of love. or crush or strong feelings for someone. done with that. kaya ok na akong nakikita ka sa social media. keri na yon. ganon din naman, makita kita in person wala rin naman akong sasabihin sa 'yo at ikaw sa akin. hologram lang ang peg, hahaha
alam mo, may mga gabi na naiisip ko kung naaalala mo ako. or kung gusto mo rin akong makita, ngayong matatanda na tayo.
feeling ko kasi, naibaon mo na ako sa limot. feeling ko, ako yung tao sa buhay mo na dinaanan mo lang. parang waiting shed sa isang mahabang highway, ganon. forgettable.
funny ano kasi kabaliktaran ng nangyari sa akin. ikaw na inakala kong dadaanan ko lang in my early 20s days, while enjoying the peak of my life, e eto pala, naknamputcha, nagpark sa utak ko at biglang overstaying na kotse na, hahaha! kalokang buhay to. plot twist from the wonderland!
nasabi ko na ito noon sa mga nauna kong sulat sayo. sana naaalala mo ako. sana may mga gabi rin na naiisip mo ako. parang reminiscing about better days ganon. sana i would have the chance to tell you or to inform you in this lifetime that i am doing well. na hindi ako napariwara. na matatag ang core ko. na matino akong tao, babae, asawa, ina.
gusto kong sabihin sa iyo na kahit hindi tayo nagkatuluyan or kahit hindi tayo naging tayo, at all, may umusbong sa aking pag ibig. noon. pag ibig sa konseptong "tayong dalawa"
at gusto kong sabihin sa iyo na hanggang ngayon narito sa puso ko ang pag ibig na iyan. bahagi na ng aking core.
bahagi na ng pagkatao ko.
ang ako na minsang umibig sa "ating dalawa" ang isa sa mga dahilan kung bakit matino akong tao, babae, asawa, ina.
ang haba haba. gusto ko lang talagang mangumusta. at magpasalamat.
ako pa rin,
maya
2022 check
hi there
i miss you!
iba pala talaga kapag nagbuklat ng laptop ano
mas malayang nakakapag type
mas maraming nasasabi
kaysa yung tap tap tap ng cellphone
nandito ako ngayon sa design center of the philippines, dito na ang bagong lokasyon ng aming opisina. mas maganda rito physically, mas maaliwalas. kung kasama ko pa si sir hermie matutuwa siya kasi hindi kulob. ang pinto, tuloy sa labas. kaso ang problema, masyadong mababa ang dividers, as in kitang kita kami ng lahat ng dumadaan. i am slowly getting used to it. istorbo galore din ang sinuman na dumukwang sa napakababa naming dividers. parang may ticket sila to talk to any of us. kasi nga hello, ang baba ng dividers. therefore, they have the right to talk to us anytime
hala bakit biglang naging reklamo/rant post ito? i am sorry. i did not mean it.
i am a few days away from my 43rd birthday.
for this year, ang goal ay makapag ipon ng pambili ng sasakyan o property. nakapag ipon, pero wala nang ganang bumili ng kahit ano.
partly because i bike to work almost everyday. at feeling ko, anytime maaksidente ako o maoospital ako hahaha. at yung ipon ko ay gagamitin doon.
family wise ok naman kami. coping pa rin with what happened kay dagat. he got expelled at the jesus good shepherd school imus. actually walang opisyal na expulsion na naganap. kinausap lang si papa p and sinabihan ito na find another school for your son. walang ibang option.
e di expulsion nga.
opkors if i had the energy and the time, i would fight this stupid insensitive school. and i would ask for a refund. pero wala. sobrang busy. kinakarir ang mga bagay na puwedeng pagkakitaan.
torn ako siyempre. pera for family and dagat o yung pagtutuwid sa mga maling pagtrato sa tulad ni dagat?
hay
no primer for parenting this kind of kid ano
hindi kami naorient universe na ganito pala kasakit, iba pala kapag anak mo na ang narereject not because of behaviour but because of his/her disability. ala kaming kalaban laban. world vs dna!
hay
career wise i think it was a good year. i served as judge to various writing contests! winner! o di ba. but it took a lot of my time! sobrang di na ako nakakauwi sa bahay ganung level. nami miss ko na ang mga anak ko.
ang totoo gusto ko nang mag resign talaga. gusto ko nang mag concentrate kay dagat. parang something tells me, i can be of a big help to my son! bigyan lang ako ng pagkakataon na makapag concentrate sa kanya.
gusto kong magtayo ng center or school or office na mag aasikaso sa teens and adults with autism.
health wise parang ok ako. i am fitter, pumayat, lumaki muscles sa binti. madalas akong puyat dahil hindi ako agad nakakatulog kahit pagod na pagod. pero kapag nakatulog ay bawi naman.
this is a good year!
i am with family and friends. sa work, maraming backlog but i am trying to finish things according to plan. a bit late pero binabawi ko na lang sa quality lol
thank you, god, thank you, universe.
thank you sa lahat ng biyaya. thank you rin sa mga bagay na pinag pray ko pero di ko nakamit. i know may dahilan! and i know, makakamit ko ang pangarap in another shape or form
pero i am very very happy with 2022 po. my heart is full
thank you po salamat as in
Tuesday, June 7, 2022
Tintang nagpapanday sa kinabukasan: Lakas ng tumitindig na manunulat
akda nina Likee Amper at Merry Daluz, nilathala sa Ang Pahayagang Plaridel ng Pamantasang De La Salle noong Mayo 23, 2022
Anong mapapala mo diyan? Ang liit lang ng sweldo diyan! Hindi ka yayaman diyan.” Ilan lamang ito sa mga karaniwang naririnig mula sa mga taong hindi makita ang halaga ng pagsusulat. Nakapanlulumo man ngunit ito ang realidad sa pagtingin ng lipunan tungkol sa larangan ng pagsusulat. Gayunpaman, hindi naging hadlang ito para sa mga manunulat na hindi lamang nais magpasaya, kundi pati ang maikuwento, maisiwalat, at mabigyang-hustisya ang karanasan ng iba’t ibang tao sa iba’t ibang sulok ng bansa. Bukod dito, namamayagpag din sila sa pagtatatag ng demokrasya ng bansa.
Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, at Francisco Balagtas—ilan lamang sila sa mga bayaning manunulat na tumayong inspirasyon para sa pagtataguyod ng kalayaan at demokrasya sa bansa sa kabila ng panggigipit. Sa mahabang panahon, pinatunayan ng mga manunulat ang kanilang kahalagahan sa lipunan. Bukod sa matatalas na salitang iminamarka, taglay rin nila ang kagitingang ibunyag ang karahasang dinadanas ng mga tao sa lipunan; hindi sila nagpatinag sa panganib na dala ng kanilang mga hakbang.
Bago maging ganap na espada ang bakal, dadaan muna ito sa matinding proseso ng pagtutunaw, pagmomolde, at paghahasa. Tulad ng pagpapanday ng espada, hindi biro ang mga karanasang pinagdadaanan ng mga manunulat bago maging sintalas ng espada ang kanilang likha.
Buhay ng manunulat sa likod ng mga akda
Lingid sa kaalaman ng iba, kaakibat ng pagtahak sa landas ng pagsusulat ang hirap sa pagkalap ng suporta para sa mga piniling suungin ang larangang ito. Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) kay Beverly “Bebang” Siy, manunulat sa loob ng dalawang dekada at may-akda ng mga tula’t akdang pambata, mas magaan sa buhay ang pagkakaroon ng isang full-time na trabaho habang isang manunulat. Kaniya namang ibinahagi ang kalakaran sa pagprepresiyo sa mga akda noong nagsisimula pa lamang siya. Aniya, “‘Yung comic script ang bayad sa amin ‘non . . . Php400 per page, eh two pages lang. Two pages so Php800 lang kung two months, every two months lang kasi ‘yong comics noon . . .’Yung bayad sa tula, Php300 [hanggang] Php500 isang tula ‘ganon.” Sa sobrang baba ng presyuhan, ibinibaling na lamang ng ilang manunulat ang kanilang oras sa mga trabahong mas mataas ang bayad kaysa indahin ang kumakalam na sikmura.
Pareho rin ang saloobin ni Jerry Gracio, manunulat nang mahigit dalawang dekada sa larangan ng telebisyon at pelikula, ukol sa karanasan ng mga manunulat. Sa panayam ng APP kay Gracio, kaniyang inilahad na nakapagsusulat lamang siya ng mga akdang non-fictional at tula dahil sa pagkakaroon niya ng trabaho sa industriya ng sining.
Mahaba na ang kasaysayan ng pagsusulat ng mga akdang kritikal. Bilang mulat sa mga pangyayari, isinasaletra ng mga manunulat ang mga tinig na pilit tinatakpan sa lipunan. Ngunit, kaakibat ng pagsulat ng ganitong akda ang dalang pangamba sa kanilang buhay. Sa kabila ng panganib na ito, inilahad nina Siy at Gracio na hindi sila nangangamba para sa kanilang mga buhay.
Nabanggit ni Siy na nakapagsulat na siya ng kritikal na akdang sumasalamin sa karanasan ng mga biktima noong Batas Militar, ngunit hindi siya nakaramdam ng takot dahil ginamit niya ang estilong satirikal upang maisiwalat ang mga ito. Para naman kay Gracio, hindi naging dahilan ang nakaambang banta sa buhay upang lisanin ang mundo ng sining. Aniya, “Laging kasabay ng pagsusulat ang threat.” Ibinahagi naman niyang hindi pa siya nakatatanggap ng banta sa kaniyang buhay dahil sa kaniyang mga akda.
Kababaihan sa industriya ng pagsusulat
May ilang pangalan ng mga babaeng manunulat ang namamayagpag sa larangan. Sa kabila nito, batid pa rin ang realidad na laganap pa rin ang diskriminasyon sa mga gawa ng kababaihan sa industriya. Pagkukuwento ni Siy, noong sumali siya sa isang workshop, may isang beses na binatikos ang mga tula nilang kababaihan. Bulalas ng isang nakatatandang lalaki, “Bakit ‘yong mga babae paulit-ulit na tumutula tungkol sa bulaklak tsaka sa hardin? Pare-pareho na lang,” na sinagot naman ng presidente ng workshop na hindi lamang siya marunong magbasa. Sa pagninilay ni Siy sa pangyayari, natutuhan niyang may responsibilidad din ang mga mambabasa sa pagtuklas ng mensahe at simbolo ng mga akda at hindi lamang ito nakaatang sa mga manunulat.
Malaki rin ang impluwensya ng binuong pagtingin ng lipunan sa mga babaeng manunulat. Naging hadlang ito para sa kababaihan upang maabot ang kanilang mithiin sa karera ng pagsusulat. Pagpapaliwanag ni Siy, “For example, ‘yung mga babaeng writer hindi sila nagpu-pursue ng pagsusulat kasi ang liit-liit ng kita sa pagsusulat. So they would rather do something else na halimbawa magkaroon ng [ibang] career.” Aniya, bunsod ito ng napakaraming tungkulin ng babae sa pamilya. Bilang responsibilidad kadalasan ng babae sa pamilya ang pagluto, paglaba, at pag-alaga ng anak, hindi matutukan ng isa ang pagsusulat. “‘Yung mga babaeng writer din minsan kung wala man silang anak, sila ‘yung nag-aasikaso ng mga kapatid nila, sila ‘yung nagpapaaral ganyan. So kakainin ‘yung oras to earn,” pagsasaad ni Siy.
Malaki ang pinagkaiba nito sa pamumuhay ng isang lalaki. Mayroong pagkamangha sa tuwing nakikita ang mga nagagawa ng ibang lalaking manunulat, tulad na lamang ng pangongolekta ng mamahaling bolpen, pagbibisikleta, at iba pa. Tila napakarami ng oras ng mga lalaking manunulat at nakakaya nilang pagsabayin ang kanilang libangan, trabaho, at pamilya. Naipapakita lamang nito ang malaking agwat ng isang lalaking manunulat sa babaeng manunulat. Napatutunayan na hanggang ngayon, malaking balakid pa rin ang kasarian sa pag-unlad sa pagsusulat.
Higit pa sa paggunita ng nakaraan at pagharap sa kasalukuyan
Bilang manunulat, kanilang tangan ang responsibilidad na lumingon sa nakaraan at pagmasdan ang kasalukuyan. Ayon kay Gracio, marapat na maging kritikal ang isang manunulat sa paggunita ng nakaraan. Bukod dito, hindi lamang natatapos sa pagbabasa ng mga lumang akda ang responsibilidad ng isang manunulat, ngunit kasabay nito ang pagninilay sa nakaraan. Iginiit din ni Gracio na laging nakaangkla ang kasaysayan sa pagsusulat kahit pa sa kasalukuyan. Aniya, “Whether sa form man ‘yan o sa content. Kasi ‘di ba, halimbawa may mahaba tayong tradisyon ng pagsulat, if you’re writing a novel, parang bahagi ka ng isang mahabang kasaysayan ng pagsulat ng nobela.”
Sa pagkatuto sa nakaraan, lumalabas sa mga kasalukuyang literatura ang kaugalian ng mga Pilipino. Isang halimbawa ang pagkakaroon ng amnesia ng mga karakter sa teleserye. Inilarawan niya ang bansa bilang “Nation of Short Memories.” Aniya, “. . . Nakakalimot naman talaga ‘yung buong sambayanang Pilipino. Several decades ago, pinatalsik natin ‘yung halimbawa isang buong pamilya—’yung diktador. Pero ngayon, pinabalik natin sila.” Sa pagsusulat ng katha, mahalagang magbalik-tanaw upang matutuhan ang mga aral na maaaring isapuso sa kasalukuyan.
Usaping demokrasya at katotohanan
Hindi mapipigilan ang bugso ng damdaming dumadaloy sa manunulat lalo na’t kapag nakikita ang kasalukuyang kalagayan ng bayan. Panlulumo, pagkagalit, at pagkamuhi–ilan lamang ito sa mga damdaming lumalabas sa mga sinusulat. Sa kabila nito, hindi maikakailang may nakaambang na takot para sa mga manunulat sa kasalukuyan. Bunsod din ito ng nagsusulputang trolls sa social media at ang pangambang dulot ng Anti-Terrorism Law. Sa pagpasa ng batas, pinaigting nito ang pag-aalala sa mga buhay ng kritikong manunulat. Bunsod nito ang pangamba sa estado ng demokrasya sa Pilipinas. “Pwede kang kasuhan kapag may sinabi ka na mali, so in a way parang mayroong espada[ng] naka-hang [sa] ulo mo o sa leeg, [na] any moment [pwedeng] tapyasin ‘yung leeg mo.” Paglilinaw ni Gracio, hindi namamatay ang demokrasya, ngunit umuusbong ang takot na isiwalat ang katotohanan bunsod ng batas na ito.
Inilahad din ni Gracio ang isa sa mga tungkulin ng isang manunulat. Aniya, “Ang tunay na manunulat ay laging kinukuwestiyon kung ano ‘yung status quo.” Mayroong malalim na dahilan sa pagpapatuloy sa pagsusulat sa kabila ng espadang nakatutok sa mga manunulat. Dagdag niya na hindi pa siya pinagbantaan sa kaniyang buhay dahil sa pagsusulat, ngunit ipinahayag niyang mas maraming magbabanta sa kaniyang buhay kapag sa Facebook siya nagsusulat.
Sa pagpapanday ng espada
Hindi baril at balisong ngunit lapis, tinta, at salita ang mga naging sandata nila. Paano hahasain ang talentong taglay sa pagpapabuti ng bansa?
Para sa paghahasa ng kakayahan, parehas na naniniwala sina Siy at Gracio na mahalaga ang pagbabasa ng iba’t ibang akda. Bilang payo, iminungkahi ni Siy na maging unpredictable ang mga bagong manunulat, at susi ang pagbabasa upang makamit iyon. Para naman kay Gracio, mahalaga ang pagbabasa ng ibang akda at hindi lamang ng sariling likha, dahil mas pinayayabong nito ang kaalaman at kakayahan ng isang manunulat ngunit hindi lamang sa pagbabasa nahahasa ang kakayahan sa pagsulat. Sa papel, Facebook, o blog man ‘yan, importante na patuloy pa ring nagsusulat ang isa. Hindi lang nito hinahasa ang kahusayan sa pagsulat, nagsisilbi rin itong pagtanaw sa nakaraan. Bilang higit sampung taon nang nagsusulat sa kaniyang blog, nakita ni Siy ang kaniyang pag-unlad sa pagsusulat dahil sa mga gawaing ito.
Hindi magagamit na sandata ang lapis kapag hindi mulat ang isa sa realidad. Hinihikayat ni Gracio ang mga manunulat na makihalubilo sa iba’t ibang danas ng tao. Sa pakikihalubilo, matututuhan at maisusulat nang may sineseridad ang mga karanasang gustong isiwalat. Kaakibat din ng pagiging mulat ang paggamit ng angkop na wika sa mga panulat. Dagdag ni Siy, malaking responsibilidad ang ginagampanan ng wika upang maging epektibo ang akdang susulatin. Mahalagang gamitin ng isang manunulat ang wikang ginagamit ng kaniyang target na mambabasa. Panghuli, para kay Gracio, mahalaga para sa isang manunulat ang mabuhay upang makalikha pa ng mga akda at laging lagyan ng puso ang mga katha.
Para sa mga manunulat sa kasalukuyan at kinabukasan, ika nga ni John Arcilla, ating punahin ang dapat punahin sapagkat dito nakikita ang iyong sigasig sa paglilingkod at pagmamahal sa bayan. Magpumiglas sa panggigipit. Kasama ng iba’t ibang alagad ng sining, ipagpatuloy ang pagpanday sa sari-sariling taglay na sandata. Ipakita sa lahat ang kapangyarihan ng sining. Laging tandaan na kasalanan na ang pumikit kapag namulat na sa katotohanan.
Note ni Beverly Siy: Nagpapasalamat ako kay Merry Daluz na na-meet ko virtually para sa panayam na ito. Narito ang link ng artikulo:
https://www.plaridel.ph/index.php/2022/05/23/tintang-nagpapanday-sa-kinabukasan-lakas-ng-tumitindig-na-manunulat/?fbclid=IwAR3s5n-D4XHnuakwL9OP51B7HhMWq5rrxvcuE-XbdpfeVbq1QfDySe0ZVp8
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
Di ko na alam ang gagawin kay Colay. Huli kaming nagkita noong October 31 hanggang umaga ng November 1, dinalaw namin si Dadi sa sementeryo....
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...