Monday, May 28, 2012

New Book Store

Good day Right now, Chapter IX is trying to make its presence known to all book lovers. We would like to ask your help by sharing our link (https://www.facebook.com/chapterninebooks) to all of your friends. Even if you have just a few friends who will add us and visit our store (and purchase books!), that will be a huge help in promoting our bookstore to fellow bibliophiles.

Thank you very much!

Chapter IX Books
Taking care of your bibliofix

http://www.facebook.com/chapterninebooks

Dapat suportahan ang mga ganitong book store. Hindi lahat ng aklat ay matatagpuan sa mga higanteng book store. At para mabuhay tayong lahat, dapat talaga me equal distribution of wealth. Kaya bili-bili tayo sa alternatibong mga source ng ating mga pangangailangan, pangangailangan man yan ng bituka o kaluluwa.

Go go go, chapter nine books!

Mens sa Shelfari

Thank you po kay Bb. Honeylein de Peralta sa paggawa niya ng page ng mens sa Shelfari.

Di ako marunong nito hahahaha kaya friends kung sino man ang maalam sa inyo, kindly na lang. pakisuyo lagyan natin ng laman hahahaha

go go go

http://www.shelfari.com/books/26480172/Its-a-Mens-World.

Thursday, May 24, 2012

From Danielle Robert Orias

ang liit lang pala ng Robinsons Otis. wala masyadong tao hindi katulad ng kahit saang Robinsons sa Metro Manila. kakaunti lang din ang mga stores dito. hindi mabibilang sa kamay pero hindi naman nakakapagod kapag inikot. mata mo lang ang mananawa sa paulit ulit na tindahang nakabalandra.

puro pagkaen pa ang tinda. hindi ko na matandaan kung anu anong mga pangalan. hehe. nasa isang daan lang halos mga bumibisita ngayong oras na nandito pa ako.

tumungo nga pala ako sa Robinsons Otis para kumuha ng NBI clearance. sa katangahang palad, sarado ang agency kapag weekends. hindi ko naitanong kay google, kausap ko pa naman siya kahapon.

dalawang baitang lang ang taas ng buong gusali. walang sinehan. balak ko pa namang tignan ang mga bagong indipendent film ngayon. sa Robinsons mall daw kasi madalas pinapalabas ang mga pelikulang ganoon.

pagkababa ko ay naalala ko ang nabasa ko sa Discover Magazine ng Robinsons, magkaibigan pala ang National Book Store at ang Robinsons. kaya dali dali kong hinanap ang pwesto ng NBS sa mall na ito. mapalad ako at bungad lang ito.

pumasok ako. kaunti lang din ang mga libro, pero siksik. hinanap ko kaagad ang Filipino Section, wala. pero nakita ko naman ang it only hurts when i pee, macarthur , pati ang ligo na u, lapit na me. alam ko kasi na magkakasama lang ang mga librong natin sa isang shelf kaya tumambay na rin ako.

ipinangako ko sa sarili ko na sa oras na mapadapo ako sa kahit saang book store, haharbatin ko na agad ang libro ni eros atalia. syempre babayaran ko naman. pero iba ang pinunta ko dito, sayang nga eh. bawal kasi gumastos ng hindi nakaplano ngayon. marami pa namang pagkakataon, hayaan na muna natin itong makalagpas.

dahil ayaw ko pang umuwi, naghanap hanap muna ako ng mga librong pupuwedeng ipila sa pagkakagastusan. gapo, bata bata paano ka ginawa, young blood, at napakarami pang iba.

sa bandang ibaba ng shelf, nagpumiglas bigla ang wallet ko nang makita ko ang its a mens world! 180 lang ata? kikislot kislot na ang mga pera para lumabas ngunit napigilan ko pa naman. muli, hindi nararapat ang mga side trip ngayon. higpit muna ng bulsa.

dahil bukas ang librong nakita ko, (patawarin ako ni bebang siy), binasa ko ang chapter 1. wala akong masabi sa sobrang ganda ng pagkakalahad ng kwento. nakakakilig, nakakatawa, at nakakatuwa. batang bata ang nakukwento. para akong nakikipag usap sa isang batang bago pa lang sa pagdadalaga. balak ko pa sanang i-extend ang pagbabasa hanggang susunod na chapter, kaso nakakahiya na talaga sa mga tao doon.

in conclusion, i will definitely buy that book. quesera sera. haha

nangangalay na ako dito sa pagkakaupo sa tapat ng citibank savings. nakikita ko pa ang reflection ko sa salamin. nababanas pa ako kasi ang gwapo ko sa salamin. wag ka nang kumontra! haha

uwi na nga ako. ingat ako!

Posted with permission from Danielle Robert Osias. Check his website at:

http://tadongdaniel.tumblr.com/post/23340268022/ang-liit-lang-pala-ng-robinsons-otis-wala

No islip



Hindi na ako iinom ng Nescafe 3 in 1 Strong nang alas-singko ng hapon.

Hinding-hindi na po.

gising pa ako. kanina, nag-eedit ako ng notes ng bibliya, bigla akong nahikab. nag-toothbrush na ako tapos konting google-google, pampaantok. lekat, nawala naman ang antok. mga dalawang oras na akong naggo-google, wala pa rin yung antok. di na bumalik.

di bale, at least nakakapagsulat ako. antahimik sa bahay. sa sala, ako lang at konting patak ng ulan. at saka yung lamok sa kanan ko at electric fan sa kaliwa, stand by me mode sila.

for the past few days, di ako masyadong maka-concentrate sa mga bagay na dapat ay ginagawa ko. yung isa kasi tungkol sa bible. hindi talaga ako relihiyosa. tapos masyadong teknikal yung pagkakasulat kaya parang nire-reject siya ng isip ko. at kapag nire-reject siya ng isip ko, mas matagal akong magtrabaho. tipong one page per hour. e higit isandaan 'to, patay na, di ba?

isa pa, pag nahaharap ako sa computer, di ko maiwasang di mag-google ng tungkol sa kasal. 2014 pa nga kami pero sobrang excited, e. di talaga ako makapagpigil.

no'ng una, hirap na hirap kami umisip ng theme. tungkol ba sa bundok? kasi do'n siya nag-propose. tungkol ba sa pagiging chinese-filipino at filipino? kasi parehong mahalaga sa amin ang ethnicity namin. filipiniana ba? kasi bagay sa simbahan kung sa'n gaganapin ang aming big day: ang san agustin. 'yan pa lang kasi ang sigurado, ang simbahan. gusto ko rin sana, fiesta ang theme. kaya lang, parang wala namang masyadong depth. kaya ang naisip namin, sadako-themed wedding. para talagang malalim ang pinanggagalingan.

joke.

naisip ko, una, valentine's kaya ang theme? kasi valentine's day ng 2014 ang napipisil at nakukurot naming petsa. kung valentine's naman, hindi kaya OA na? kasi valentine's day na nga yon, e. paglabas ng attendees namin sa san agustin church at sa wedding reception, 'yong buong pilipinas, ka-theme namin. hearts everywhere. parang extension ng kasalang siy at verzo. OVERKILL na pag ganon. baka masuka sa puso at keso ang mga tao. pero ok din kasi tipid sa decorations. imagine, pati mall, kasama namin nagse-celebrate ng wedding ceremony yadah?

so nag-isip uli kami. sa'n ba kami mahilig? sa pagbabasa. ayun. books. mahilig kami sa books.


(ako with mam luna)


(si poy with national artist for literature bien lumbera)

meron akong maliit na library sa isang kuwarto dito sa bahay.



akala ko, ako lang ang me ganong uri ng collection. nang makita ko ang collection ni poy, potek, lampaso ako. isang buong cabinet na puno ng libro ang mga libro niya. at me isang pader pa sa kuwarto kung nasaan ang cabinet na 'yon, puno rin ng libro. siyempre nung una kong makilala ang mga libro nya, naglaway na akong talaga. ang gaganda: poetry, play, drama, script, screenplays, literature, review, theory. massive din ang collection niya ng filipiniana. laway talaga ako. want. want. want.

nang una naman akong makatapak sa bahay ng parents niya sa sta. mesa, hindi parents niya o lolo o mga kapatid niya ang pinansin ko maghapon. nakatitig lang ako sa mga libro sa harapan ko, sa may tapat ng sofa kung saan ako nakaupo. shelves ng libro, libro at libro pa.

joy

happiness

bliss

oh-oh-oh

pagbuklat ko ng isang libro, nag-good afternoon sa akin ang tatak sa unang page: Verzo Library.

at may ganyan pa? Library? ng pamilya nila? Meron?

joy

happiness

bliss

oh-oh-oh

lumunok ako at huminga-hinga nang malalim. sabay awit ng:

I wanna be a Verzo now SO FREAKIN' BAD.

akala tuloy ng parents niya, namamanhikan na ako. nang mag-isa. okey lang naman. hello, lagpas trenta na 'ko, puwede na 'kong gumawa ng desisyon para sa sarili ko. kung gusto ko makipagkasalan ngayon, puwede. legal. ba't iisipin ko pa magulang ko, e eto na nga, andaming libro, ano pa'ng hahanapin ko?

pero siyempre, hindi ako namanhikan. nakikain lang ako ng Amber's pichi-pichi.

back to preps, so there we went. Books ang naisip naming tema. since we write and design books, bakit hindi na lang 'yon ang tema? kaya mega-research na ako. at andami-dami palang idea para dito. nakita ko lahat sa net. thank you, google!

after ng theme, wedding reception na ang inisip namin. siyempre gusto namin sa library. or something like that. nag-i-scout pa kami hanggang ngayon. sa filipinas heritage library sana kaya lang ay medyo limited ang space. unless ipatibag namin ang harang dun at mag-spill kami sa ayala triangle. ay, anlaki nun. ano naman kung dun ako mag-bouquet toss? lalakad ako nang bongga palayo para makabuwelo ang mga gustong makasalo. mga isang basketball field ang layo ko. winner talaga ang makakasalo.

kinokonsidera din namin ang museo pambata. kasi may library naman sa labas ng pinakamuseo. puwede na.

plano ko ring maghanap ng mobile library. gagawin naming bridal car. ilang oras lang namang aarkilahan. baka makatulong pa ang ibabayad namin para mapondohan ang mobile library. eto ang isusulat namin sa harap:

pagkahaba-haba man ng prusisyon,
sa simbahan din ang tuloy.

tapos sa likod, eto naman:

pagkahaba-haba man ng kasal,
e, mahaba talaga,
kaya honeymoon na!

gusto ko ring may book fair sa aming wedding reception. iimbitahan ko ang publisher ko siyempre, ang anvil. si teena ng black pen, iimbitahan ko rin. ang visprint ni mam nida. si maru ng pandora's, kung kaya niya magbenta habang uma-attend ng reception, game. at mga kakilala sa bazaar pilipinas. kung gusto nilang magbenta ng books, game.

gusto ko sana may book drive din. no book, no entry. yung books ay ido-donate sa library na mapipili namin.

ang souvenir namin ay baka books din. or journal. para naman makatulong kami na ma-encourge sa pagsusulat ang mga kaibigan namin.

gusto ko sana librarian ang magkasal sa amin. joke. hindi. pari pa rin. si father vir. siya lang ang naiisip kong pari na significant sa aming dalawa ni poy. partner siya ni poy sa mga literary project niya noong presidente pa siya ng cywa. at noong maging isa kami sa mga tagapag-asikaso ng palihang rogelio sicat, isa si father vir sa recipients ng kahon-kahong libro na nakalap namin for the event. yep, magbi-bring your own pari kami sa araw ng kasal. para naman medyo personal ang sermon sa 'min ni poy kasi medyo kilala niya kami. wag kayo mag-agawan sa libro. wag kayo mag-away pag wala na kayong makain kakabili ninyo sa booksale. sabawan n'yo na lang 'yang mga libro n'yo pag gipit-gipit na kayo. organic naman yan, kumbaga laman tiyan din.

pati cake, gusto ko, me disenyo ng libro. 'yung bouquet ko kung puwede, pahina na lang ng mga libro. tipid na, di pa malalanta. para me souvenir ako, iipit ko sa libro ang mga petal ng "bulaklak". siyempre sisiguruhin ko na magaan ang pahinang gagamitin para sa "bulaklak". mahirap mag-toss nang nakangiti kung 'yong bouquet ay ga-encyclopedia brittanica sa bigat.

ano pa ba? excited much talaga, 'no? wedding ring? wala pa akong idea. e hindi naman puwedeng lagyan ng disenyo 'yon. traditional na rings pa rin ang pang-wedding.

program? gusto ko me games. buwis buhay at ubusan ng dangal na uri ng games. panahon na para i-subject sa mga ganitong karanasan ang ilan sa mga kaibigan ko/namin na kulang sa adventure ang dugo sa katawan.

uso pa kaya ang photo booth by 2014?

baka iba na itsura no'ng san agustin church, a. wag naman sana.

Good news

Magbabayad na ang DepEd sa paggamit nila ng copyrighted materials for this school year, for Grades 1 and 7 students of public schools.

Yey!

Yey!

Wohooo!

Magkano ang ibabayad?

10 cents per text book or per compilation of copyrighted materials per student. Hay. I know sobrang liit. Wala na ngang halaga ang 10 cents e. Pero babawiin na lang, sige, sa dami ng gagamit na estudyante.

Ilan ba?

Apat na milyon lang naman.

So magkano lahat?

P 400,000

Paano magbabayad ang DepEd?

Through sa amin: FILCOLS.

So, ayun, magiging busy kami in the next few days dahil kokontak kami sa mga author at iba pang copyright holder para sabihin sa kanila na magkakapera sila from DepEd's use of their works. Yehes naman! May remuneration for reproduction of works. Winner!

Thank you, God. Hindi ito ang hinihingi ko pero nagbigay ka pa rin. Super thank you.

Friends, authors, magpa-member na! Libre naman, e.

filcols@gmail.com

Wednesday, May 16, 2012

The Preps

Sa 2014 pa naman. Pero nagtingin na kami.

Dream Church: San Agustin

Kasi

1. Nandito si St. Rita, ang patron saint of impossible situations. Once upon a time, naggi-give up na si Poy sa 'kin. I was matigas. (kababaeng tao, tigasin? hahahaha) Ayoko talaga. Sabi ko, hindi talaga puwedeng maging "tayo". At buti na lang, buti na lang talaga, naisip niyang bago tuluyang mag-give up ay subukang magdasal kay St. Rita.

Epektib ba?

Eto na nga, kami ay nagpunta roon this time para magpasalamat sa isang wonderful na relasyon at para sabihin sa kanya na kami po ay babalik para mag-alay ng pag-ibig sa iyong altar at siyempre, sa main altar.

2. Maganda talaga ang simbahan na 'to. Di pa uso ang 3D, me 3D na ang kisame.

3. Historical. Wala nang kailangan pang ipaliwanag.

4. Simbolo ng strength. Nilindol na, dinilaan ng apoy, dinaanan ng gera, still, nakatayo. Magandang dito lalapat ang unang hakbang namin para sa panghabambuhay na commitment.

P25,000 ang magpakasal dito. Included na ang service ng pari, choir at simpleng set up ng flowers. Maraming bawal. Andun nakasaad sa website nila, sa brochure nila at sa nguso ng snobbish na babaeng napagtanungan namin sa kanilang opisina.

P8,000 ang reservation fee. Ide-deduct na lang doon sa P25,000 kapag magbabayad na kami nang buo.

Wala pang naka-reserve sa araw na aming natitipuhan. Buti naman. Wala pa kasi kaming kahit piso pang-reserve dito.

Ang mahal, 'no?

O, Diyos ko, gusto Mo yatang magtanan na lang kami ni Poy.

HUWAT? ‘ALANG BAYAD?

Bakit kapag trabaho ng author at publisher, ayaw bayaran ng gobyerno?

Ang P200 B na allotment ng gobyerno para sa K to 12 program ay gagamitin sa implementation nito at sa pag-a-upgrade ng mga facility. Inisa-isa ang pupuntahan ng “upgrading” na ito:

Additional 200,000 classrooms
Upuan
Mesa
Blackboard
At bentilador

Dito mapupunta ang 40% ng P200 B.

Heto pa:
50,000 e-learning centers, with at least one million computers with Internet connectivity (connectivity talaga? hindi connection?)

Diyan din. Ang tanong, diyan ba sa one million computer units na ‘yan, kasama sa gagastusan ang software? Kung hindi, saan kukuha ng software ang gobyerno? Kung oo, magkano ang budget sa software? Bakit may budget para sa software, para sa authors at publishers, wala?

Nitong mga nakaraang araw, ilang publisher ang nakatanggap ng liham mula sa DepEd. Ang subject ng liham: Permission to Use Coyprighted Materials for Educational Purposes.

Dalawa ang pakay ng liham:

Una, para i-inform ang publisher na napili ang akdang natagpuan mula sa kanilang publikasyon para sa ginagawang learning packages, modules and teaching or lesson guides or instructional materials for short na pang-K to 12 program.

Ikalawa, para humingi ng permiso mula sa copyright holder na maisama ang akda ng author at/o ng publisher sa binubuong instructional materials.

Pagkatapos, nakalagay din sa liham ang mga option na pagpipilian ng nakatanggap ng liham. Ang pambungad na option ay:

____WE ARE GRANTING PERMISSION FREE OF CHARGE FOR THE PURPOSE STATED ABOVE.

Ito ay malinaw na pambu-bully ng DepEd sa mga author at publisher.

Actually, itong option na ito ay pangalawang anyo na ng pambu-bully. Ang una ay ang tambalang petsa ng liham at subject ng liham:

May 9, 2012
Permission to Use Copyrighted Materials for Educational Purposes

The fact na Hunyo na't pasukan ng mga bata tapos ngayon pa lang humihingi ng permit ang DepEd sa mga copyright holder, it's one way of saying:

> gagamitin na namin 'to now na. U-R-G-E-N-T.

> 'wag ka nang maarte. 'wag mo na kaming pahirapan pa. ibigay mo na ang permit, puwede?

> pag di ka naka-reply agad, sorry ka na lang, gagamitin na namin 'to, kasalanan mo naman, bagal mo mag-reply, e kinontak ka naman namin.

Tahasan ding sinasabi ng DepEd na for educational purposes naman ang paggamit sa Copyrighted Materials. Para na rin niyang sinasabi sa tatanggap ng liham na hindi ka dapat tumanggi kasi:

1. For educational purposes naman ‘to.

2. Masama kang uri ng mamamayan kung tatanggi ka sa isang layong
napakataas.

3. Ang itim ng budhi mo kung hindi ka tutulong sa pagpapatalino ng future generations.

4. Since para nga sa edukasyon at hindi for commercial purposes, kung sisingil ka, mahiya ka naman.

Ang second na pambu-bully ay ang mismong act ng paglalagay ng linyang ____WE ARE GRANTING PERMISSION FREE OF CHARGE FOR THE PURPOSE STATED ABOVE sa mga option na pagpipilian ng author at/o publisher. Eto ang ibig nilang sabihin diyan:

a. Kapag nagpabayad ka, mukha kang pera.

b. Kapag mukha kang pera, mahirap kang kausap. Refer to 1,2,3,4 stated above.

c. Kapag hindi ka nagpabayad pero hindi ka rin naman nagbigay ng permit sa 'min, markado ka. At mahihirapan ka nang makipag-negotiate sa amin para sa pagbebenta mo ng aklat sa DepEd. Kami pa naman ang pinakamalaking market mo dito sa bahaging ito ng globo, ahahay. Alalahanin, ang mga kontrata with us… worth jillions and jillions of pesos.


‘Yan ang kahulugan ng mga step ng DepEd.


Dear DepEd,

Sige, balikan natin ang P 200 B na in-allot na pondo para sa K to 12 program. Magkano ang budget para sa paghingi ng permit ng mga copyright holder? Magkano? Sige, magbigay kayo ng figure at tingnan natin kung makatarungan ang naiisip ninyong amount na paghahatian ng mga awtor at publisher.

Wala? Wala, 'no?

Bakit pag intellectual work, ayaw n'yong bayaran, DepEd? Bakit kapag electric fan, ambilis n'yong dumukot sa bulsa? Bakit kapag computer, nagkukumahog pa kayong magbayad? Okey lang sana kung ang mga supplier n'yo ng mga naturang gamit at pasilidad e sasabihan n'yo rin ng...

Request for you to build 200,000 classrooms for educational purposes.

Permission to ask for 200,000 pieces of electric fan for educational purposes.

Permission to ask for 200,000 pieces of blackboard for educational purposes.

Permission to ask for 200,000 computer units for educational purposes.

At dapat ‘yong form na ibibigay n'yo sa mga contractor at supplier, mayroon ding option na:

____WE ARE GRANTING YOUR REQUEST FREE OF CHARGE FOR THE PURPOSE STATED ABOVE.

Para hindi makatanggi ang mga contractor at supplier na kokontakin n'yo. Bully-hin na ninyong lahat. Bakit naman ang mga player lang ng publishing industry ang ginaganyan n'yo?

Pero sige, I will give you the benefit of the doubt. Baka kaya n'yo inilagay ang FOR EDUCATIONAL PURPOSES sa inyong liham, e dahil hindi n'yo nauunawaan ang konsepto ng fair use.

Bagama’t wala pang tinutuntungang guidelines ang Pilipinas tungkol diyan, malinaw na nakasaad sa fair use portion (sa ating IP Code of the Philippines, puwede itong i-Google, of course) na maituturing lamang na fair use kung ang mismong paggamit sa copyrighted material ay compatible sa normal na paggamit dito. E, ang paggamit po ninyo para sa milyon-milyong users ay hindi na po normal exploitation of the work. Kasi po tinatanggalan ninyo ng chance na kumita ang copyright holder, ang author, ang publisher mula sa kanilang akda.


DepEd, tinatanggalan n’yo po sila ng pagkakataong kumita mula sa kanilang trabaho! Tinatanggalan n’yo po sila ng pagkakataon na mabili ng users!
May budget naman kayo for text book. Magkano ba? Di ba, milyon-milyon? Ba’t hindi ‘yon ang gamitin? Hindi porke wala kayong magamit na text book ngayon for the incoming Grade 1 at Grade 7 ay may karapatan na kayong tipirin ang budget na ‘yan. At huhugot na lang kayo ng mga akda specifically for these users!

Kung gusto ninyo talagang gawin ‘yan, kahit na wala naman ‘yan sa inyong takdang gawain (will explain later), aba’y magbayad naman kayo. Kung makakatipid pala kayo sa ganyang paraan, magbabayad pa kaya kayo sa susunod? Hindi kaya i-suggest ninyo sa presidente na magganito na lang sa lahat ng level at huwag nang mag-text book at all? Nakikita n’yo ba ang implikasyon nito sa publishing industry ng bayan natin?

Isa pa, kung kayo nga, hindi nagbibigay-galang sa copyright, ang private sector pa kaya?

Hay.

Anyway, ‘yong sinasabi kong hindi ito kasama sa inyong takdang gawain, eto ‘yan. 'Yang aktibidad kasi n'yong 'yan ngayon ay paggawa ng sariling “text book” na itinatago ninyo sa katawagang instructional materials. Kayo ba dapat ang gumagawa niyan? Ano ba kayo? Publisher? Hindi naman, di ba? Ba’t kayo ang nagko-collate ng materyales? Hindi ba trabaho ‘yan ng publisher?

Eto ang nakasaad sa Republic Act 8047 (bale hindi ko kayo hinahabla o anuman. Pinapaalalahanan ko lang kayo.)...

Ay, teka, ang title ng RA 8047 ay An Act Providing for the Development of the Book Publishing Industry Through the Formulation and Implementation of a National Book Policy and National Book Development Plan. (In short, paano at sino ang gagawa ng mga libro sa Pilipinas para mapayabong ang book publishing industry.)

...sa Section 10 nitong dokumentong ‘to, sabi:

The DECS (ngayon, DepEd na) shall confine itself to:

a. Preparing the minimum learning competencies and/or prototypes and other specifications for the books and/or manuscript called for;

b. Testing, evaluating, selecting and approving the manuscripts or books to be submitted by publishers for multiple adoption;

c. Providing assistance in the distribution of text books to the public school systems; and

d. Promulgating with the participation and assistance of the Board rules and regulations for the private book publishers in the call, testing, evaluation, selection, approval, as well as production specification and acquisition of public school text books.

O, may nakalagay ba na kayo mismo ang gagawa ng text books/ instructional materials? WALA.

Hindi n'yo kasi trabaho ‘yan. Kaya get yer derty hends off, please!

Dito nagtatapos ang liham ko.

Love,
Bebang

Eto naman ay patuloy lamang na pagmumuni-muni ko. Bakit ayaw gastusan ng DepEd ang intellectual work/copyrighted materials? Bakit gusto nilang makuha nang libre ang mga ‘to? E, sila nga, lahat me bayad!

Me suweldo kinsenas-katapusan. Me Christmas bonus. Me 13th month pay. Me uniform allowance. Me mid-year bonus. Me RATA. Me pakotse.

At ang pag-e-evaluate ng text book, may bayad din! Tumataginting na P25,000-P35,000 sa bawat aklat! Ibinabayad daw ito sa evaluator.

Tapos ayaw ng DepEd magbayad sa content na siya namang ie-evaluate?

Ano ‘yan, joke?

Akala ko, ako na ang pinakamatinding joker ng taon, ang DepEd pala. I’m so sorry, hindi ako natatawa. Ang lousy lang ng joke. At ang oppressive. Bully pa ang nagde-deliver. Puwes, isang matigas na haha.



Dito makikita ang balita tungkol sa P200 B na pondo para sa K to 12 program.
http://newsinfo.inquirer.net/184287/p200b-will-be-available-for-k-to-12-program-says-solon

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...