Friday, September 11, 2020

Ang Teorya ng Malapit (Sanaysay)

ni Beverly Wico Siy


Introduksiyon para sa librong Silat ni Adelma Salvador

Madalas na kung ano o sino ang malapit sa atin ay siya nating nababalewala, hindi naidodokumento, hindi naitatampok. 


Nitong mga nakaraang taon, napansin kong bihira ang mga akdang tungkol sa pagiging nanay. Di ko alam kung bakit.

 

Dahil ba kakaunti ang manunulat na babae?

 

At mas kakaunti ang manunulat na ina? 

 

Weird kung tutuusin, dahil ang mga nanay, kilala sa pagiging matalak, masalita. Pero bibihira ang akda na sila mismo ang nagsulat.

 

Nakumpirma kong kakaunti nga talaga ang akdang tungkol dito at isinulat mismo ng mga ina noong Mayo 2020, noong ako ay inimbitahang maging guest editor ng Ina Issue ng Dapitan Literary Folio. Inilathala ito ng The Flames, University of Santo Tomas Faculty of Arts and Letters bilang pagdiriwang ng Araw ng mga Ina. Nang makapili na kami ng co-editor ko na si Dr. Joselito delos Reyes ng mga akdang isasama sa libro, humirit ako sa coordinator na huwag munang i-layout ang manuskrito. Lumiham ako sa Editorial Board na mangalap pa kami ng mga akda na hindi lang basta tungkol sa pagiging nanay kundi isinulat din ng Tomasinong nanay. Pinagbigyan naman ito. Biláng sa daliri ang aming nasa listahan, at mas kakaunti ang nakapagsumite at naisama sa lathala.

 

Kung bibigyan ng pagkakataong magsulat, ano nga ba ang isusulat ng mga nanay?

 

Anak, asawa, tahanan, bahay, paghuhugas ng plato, paghihiwalay ng puting damit sa de kolor, pagliligpit ng kalat, pagwawalis ng sala, bayad sa upa, pagde-defrost ng ref, pagpili ng pinakamakintab na dalandan sa palengke, pagtaas ng presyo ng carrot at patatas, paghihiwa ng sibuyas. 

 

In short, ang isusulat nila ay lahat ng malapit.

 

At hindi tayo fan ng mga bagay na ito. Araw-araw na nga nating nakakasalamuha, ay, bakit pa natin iha-highlight, bakit pa nga ba isusulat, bakit pa natin babasahin? Parang hindi natin ito ikatatalino. Araw-araw na nga, ang lapit-lapit pa. Walang bago riyan. Walang matututuhan.

 

Siguro, ito rin ang dahilan kung bakit di tayo masyadong nagsusulat tungkol sa sarili nating kalye, komunidad, bayan. Sa isang writing workshop na dinaluhan ko bilang tagapagsalita ilang taon na ang nakakaraan, ang napagkasunduang paksa ay trapik. Out of 14 writers, isa lang ang nagbanggit ng pangalan ng kalye sa kanyang akda. Takang-taka ako. Bakit ayaw idokumento ang pangalan ng mga kalye? 

 

Kasi naman, ano ba ang meron sa kalye, komunidad, bayan natin kundi kapitbahay na nakakainis, tumpok-tumpok na tae ng aso, lagas at tuyot na mga dahon, ispageting kawad ng Meralco, cable, telepono, isang pirasong elementary school para sa buong populasyon, agnas nang ospital, matandang pamilyang kaytagal nang politiko? And we do not think that these are worthy to be the center of our written works. We do not believe that these are worthy of the time of the readers.

 

Para iyan lang. Maliit na bagay ang domestiko. Hindi importante ang malapit. Hindi tayo bilib sa malapit. 

 

Ito rin marahil ang dahilan kung bakit mas malaki ang paghanga natin sa mga nag-aral sa malayo. Mas malayo, mas kabilib-bilib. Gayundin sa trabaho, mas di pamilyar sa atin, mas kahanga-hanga ang ginagawa. Paniwala natin, mas marami tayong matututuhan sa mga bagay na malayo sa atin.

 

Pero sa larangan ng panitikan, ang pag-aakda ay hindi lang tungkol sa kung may matututuhan ba o wala ang mambabasa. Ito ay tungkol din sa paglalahad, sa pagbabahagi, sa pagpapahayag ng tao na nagsusulat.

 

Simple lang.

 

Ang pag-aakda ay tungkol din sa pagbibigay ng pagkakataon na makapaglahad, makapagbahagi at makapagpahayag. Sa sinumang nais magsulat. Lalo na sa mga tao na kadalasan ay binabalewala lang natin. Kasi nga, ang lapit-lapit lang nila. Masyadong karaniwan. Gayon din marahil ang kanilang papaksain sa akda. Malapit, karaniwan, pamilyar.

 

Na siyang laman ng librong Silat ni Adelma Salvador.

 

Totoong malapit, karaniwan, pamilyar ang mga paksa ng kanyang mga sanaysay at tula. Baka nabasa o narinig na ng marami sa atin ang mga ganitong salaysay: relasyon sa sariling ina, sa sariling ama, mga kaibigan, first love, dates, kasal, pag-aasawa, pag-aanak, pagpapalaki ng batang lalaki, pagpapalaki ng batang babae, paghatid at sundo ng mga anak sa eskuwela, pag-aasikaso sa tumatandang mga magulang.

 

Malapit, karaniwan, pamilyar.

 

Kaya, bakit pa babasahin ang Silat?

 

Dahil ang mga akdang ito ay hindi lang paglalahad ng danas, paglalahad din ito ng mga bagay na dapat gawin ng mga lalaki.

 

Sa madaling salita, ang nagpapaangat sa Silat ay ang talino ni Ka Ade sa pagsasabi ng solusyon para makapaglahad at para makapagsulat ng danas ang mga babae, partikular na ang mga nanay.                                                                                                                                                                                                                                                  

Sa buong libro ay kitang-kita mo ang struggle ng isang babae at ina na mabalanse ang kanyang buhay. Sa pag-usad mo sa libro, masasaksihan mong lumalaki ang kanyang mundo. Pamilya at sarili. Pamilya, sarili, at simbahan. Pamilya, sarili, simbahan, at kaibigan. Pamilya, sarili, simbahan, kaibigan, at bagong komunidad. Komunidad ng panitikan. Kitang-kita mo rin ang panloob niyang pakikipagtunggali, napakarami niyang alinlangan sa sariling kakayahan, lalo na kung ito ay tungkol sa pagsusulat. Bawat pag-usad mo sa akda, natitingkal nang paunti-unti ang mga alinlangan na ito.

 

Ano ang dahilan ng pagkakatingkal ng mga alinlangan na ito?

 

Ang talino, lakas at panahon (TLP) na ipinupuhunan niya sa mga bagay na kanyang gusto. Gaya ng pagtula. Ng pagkatha.

 

Hangang-hanga ako sa paraan ng kanyang pagsasabi na para siya ay magkaroon ng TLP sa mga gusto niyang gawin, sa sarili niyang mga pangarap, kailangang maglaan ang mga lalaki sa kanyang buhay ng TLP sa mga bagay na pansamantala niyang iiwan: pag-aasikaso ng bahay, bunsong anak, mga domestikong gawain, at marami pang iba.  

 

Naroon nga ang kanyang asawa, dalawang anak na lalaki, at sariling tatay, taga-supply ng sarili nilang TLP bilang kahalili ni Ka Ade. Mga nasa background lamang. Because they know, it is Ka Ade’s time to shine.

 

Makikita rin ang TLP nila sa pinakapaborito kong mga piyesa: ang sanaysay tungkol sa pagdalo ni Ka Ade sa LIRA workshop, ang mga struggle niya sa pagsusulat, ang love story nilang mag-asawa, ang mga challenge nila sa pagnenegosyo, at ang pangkaraniwang araw na isinabay siya ng kanyang ama papunta sa simbahan.

 

Klaro.

 

Isang mensahe sa mga lalaki ang librong Silat.

 

Sabi nito: ang TLP ninyo, guys, ay hindi lang para sa sarili ninyong mga pangarap. Ito ay para din sa pangarap ng mga babae, lalo na sa mga ina.

 

Ang smooth ng pagkakalahad. Banayad na banayad. Hindi nang-uurot ng konsensiya. Hindi nagde-demand. Hindi galit kundi tigib ng pagtitimpi.

 

Ito pa lang ay dahilan na para buklatin ang librong Silat.

 

Sa mga kapwa babae, sa mga kapwa nanay, magpatuloy tayo sa pagsusulat tungkol sa malapit. Huwag itong maliitin, huwag balewalain.

 

Para mas malayo ang ating marating.

 

Beverly Wico Siy

11 Setyembre 2020

Bacoor, Cavite

 

Ang unang bersiyon nito ay nalathala noong Mayo 2020 sa UST Dapitan Literary Folio na Ina ang tema.

Thursday, September 10, 2020

Setyembre na

helo kumusta? 

omg ngayon lang ako uli makakapag-blog mula nang magka-lockdown. iniuwi ko na ang computer sa opisina. para makapagtrabaho ako rito sa bahay. napakahirap kasi na cellphone lang ang gamit ko sa pag-coordinate, pagsusulat at sa pag-e-email. 

andito ako sa dating kuwarto ni ej. kinonvert na namin into an office cubicle hahaha saka isolation room. nagkalagnat nang ilang araw si papa p. dito siya natulog. 

ok naman na siya ngayon, medyo sira lang ang tiyan. pero dati pa niyang kaso ang pagkasira ng tiyan niya. ewan ko bakit hindi gumagaling. kaya siguro, hindi siya palalabas ng bahay e. 

pag nagkapanahon ako ay ipo-post ko rito ang mga mahaba kong akda sa fb. doon na ako naglalabas ng mga saloobin in the past few months. paminsan-minsan, nakakapagsulat din ako sa journal. inatake ako ng lungkot at sakit ng ulo, since pagpasok ng sept 1 at during papa p's sick days. di rin kasi nakapasok ang kasambahay namin, mag-isa akong nagtatrabaho sa bahay at nag-aalaga ng mga bata. pinipilit kong magtrabaho pero wala, ang hirap talaga. ang ending, akala ko, mamamatay ako sa pisikal na hirap at guilt. 

alam mo ang nangyari, nag-autopilot utak ko. i took in everything one minute at a time. 

pero grabe ang suffering ko. i was wishing for death to come and take me, mga ganyang feels. habang naghuhugas ako ng plato, habang nagpapainit ng tubig, habang nagdidilig, habang nagpapakain ng bata. sabi ko, bat ganito, bat ang lungkot, bat puro pagdurusa ang naiisip ko, bakit wala akong madamang pag-asa, bat parang walang katapusan ang kirot sa dibdib ko. naglinis ako, nagbuhat ng mabibigat. inilipat ko ang mga gamit sa garahe papunta sa space sa may pagitan ng bahay at gate. ang goal ko, naging per gamit. per box. per lalagyan ng sapatos. per square meter ng kalat. 

wala akong routine. sabog ang bawat araw namin. ang constant lang ay magdidilig ako sa umaga at hapon. hindi puwedeng maka-skip ako ng pagdidilig. 

lagi kong sinasabi sa sarili ko sa dami ng mga kailangan kong gawin, isa-isa lang. matatapos din ito. isa-isa lang. small pep talk that went a long way, tangina, thank god. 

nakaka-depress talaga noong panahon na iyon. i was like, ano pa ang silbi ng lahat ng danas na ito, kung puro hirap, asan na ang ipinapangako ng buhay na after ng paghihirap ay saya naman? na-scam ako a. hindi pala ganon. and it was such a waste of precious neurons! hahaha napaniwala ako. 

life doesnt operate that way pala. 

scam nga. 

also, ang hirap maging babae. laging fight for your space ang mode. nakakapagod. men dont give in. why would they? sila ang nakikinabang. nasa advantageous position sila, why would they care about you? sori ka na lang, ganon. 

at ang problema, they dont see this as a problem. para sa kanila, normal ang lahat ng bagay. na pa-token-token lang ang presence ng babae. hindi talaga sila naniniwala  na what we are doing is something significant. na what we are doing is something great. at makakatulong din sa kanila bilang tao. 

ngayon, poy told me to isolate. ako naman kasi ang sumakit ang lalamunan. and something else also happened to me that really made me panic. potah. 

mamamatay na ba ako? 

you know what i thought about when i thought im gonna die? 

"paano ang mga pangarap kong gawin na libro? andami pa non!" 

at

"anliliit pa ng mga anak ko!"

thank god may tungkol sa pamilya hahaha

so napa-on ako ng computer and some work got done. hay shet. dami ko backlog, so i am so happy nabawasan kahit konti. gusto kong magsumite nang magsumite ng mga akda. i want to get published. i want to write again. i want to create books again. 

at nagbabalik nga pala ang iso work namin sa ccp. we have to update our iso docs! 

so... merry christmas!

Monday, May 18, 2020

Sampung Bagay tungkol sa Pagiging Nanay (Sanaysay)

 

Sampung Bagay tungkol sa Pagiging Nanay

ni Beverly W. Siy

Ang hirap ng may maliliit na anak. 41 years old na ako, ang hirap. Physically, mentally, emotionally draining.

1. Iyong gusto mong makipaglaro sa kanila, pero may trabaho ka, and at the same time...

2. mas gusto mo palang magtrabaho na lang kaysa makipaglaro sa kanila.

3. Nakakaubos ng enerhiya ang presensiya ng mga bata, kapag kasama mo sila nang buong araw.

4. Matanda na ako para dito, ako lang ito. Masaya lang sa pictures, pero physically exhausting.

5. Pag nakatanga lang ang mga anak mo, nakaka-guilty na may ginagawa kang iba habang sila ay nakatanga. Kahit para sa trabaho o para sa sarili naman ang ginagawa mo. Ang sakit sa ulo at dibdib.

6. Pag katabi ko si Dagat, at tahimik siya, wala akong masabi. Kinukuha ko ang cellphone ko para mag-Facebook. Ampota, anong uri ako ng nanay? Nabagot sa sariling anak na autistic? Tanginang nanay iyan.

7. Pag katabi ko si Dagat, tapos para siyang bulate sa pagkilos-kilos, biglang tutuwad, magha-half tumbling, wala na naman akong masabi. Walang lumalabas sa bibig ko.

8. Alam kong mahalaga ang pakikipag-usap sa bata, normal man ang bata o hindi. Napanood ko ito sa mga video tungkol sa speech and children development, nabasa ko sa mga article. Oo, nag aaral ako tungkol sa kondisyon ng anak kong si Dagat. But does that make me a better parent? Sa tingin ko, hindi. Kasi nagbababad ako sa cellphone ko! Mas gusto ko iyon kaysa makipag-interact kina Dagat at Ayin.

Kaya, lately, inumpisahan kong bilangin ang mga pagkakataon na nakikipag-usap ako kay Dagat. Mali. Inumpisahan kong bilangin ang mga pangungusap na sinasabi ko sa kanya. Sumagot man siya o hindi. So, dati, dalawang pangungusap sa isang araw. Ngayong lockdown, tatlong pangungusap na sa isang araw. Tapos naisip ko, kasama nga nila ako buong araw, pero iniiwasan ko sila! Para sa sarili kong katinuan!

9. May naisip akong tip sa pagiging magulang ng maliliit na bata. Ito ay para sa full-time employees din. Sa opis ka man nagtatrabaho o sa bahay.

Tawagin natin itong sachet parenting.

As in, sachet ng shampoo. Kontian mo lang. Gano’n. Retail tayo. Para di ka maloka.

Kung nag-effort kang maghanda ng gawain ng bata para sa isang maghapon, tapos ginawa nga iyon ng mga bata for about 20 seconds, tapos ayaw na nila, don't explode. Ibaba mo kutsilyo. 'Wag saksakin ang sarili o ang mga bata.

E, gano’n talaga.

Kaya, huwag ka nang mag-effort.

Kung ano ang nandiyan, gamitin mo. Iyon na iyon. Mag-improvise ka ng gagawin ng mga bata gamit ang mga bagay na abot-kamay mo ngayon.

At huwag kang umasa na maaaliw sila for hours.

Fake news ang mga laruan o activity na nagsasabing "kids will be entertained for hours!" Scam 'yan.

Pag nanawa sila sa isang bagay, move sa next, isip uli ng iba. Sachet-sachet ng laro. Sachet ng time with them. Balikan mo ang tinatrabaho mo nang saglit. Tapos balik ka uli sa mga bata.

Ngayon, sachet of a good mama ka, mamaya sachet of a bad mama ka, pero good employee. Mamayang gabi, sachet ka ng good volunteer. Bukas nang madaling araw, sachet ka ng good daughter sa sarili mong nanay. sa tanghali, sachet ka ng good mama uli sa mga anak mo. Sachet ka ng good wife o co-parent sa iyong asawa. Then a few minutes later, sachet ka uli ng good officer of a writers organization.

Huwag mong abusuhin ang sarili mo.

Lalo na ngayon, may nababalitaan ka nang mga kaanak at kaibigan na nagpopositibo sa COVID, nabalitaan mo rin na namatay ang isang recipient ng relief goods na inasikaso mo sa Visayas. Aksidente daw.

Sachet ka na rin tumanggap ng balita sa inefficient at nakakalitong national government. Do not internalize. Bukas kasi, may bago na naman silang patakaran.

Ang hirap maging magulang sa panahon ngayon.

Kaya iyong mga walang anak diyan, o walang mabigat na responsibilidad na kagaya ng anak, i-maximize n'yo ang oras n'yo! Gawin n'yo na ang lahat ng gusto n'yo.

10. Because parenting may make you feel fulfilled. But it may also slow, slow, slow you down.

Tuesday, March 17, 2020

emergency break

sarado stock market starting march 17.

ang good news, mahihinto ang tuluyang pagbagsak ng mga presyo ng stocks.

ang bad news, hindi naka-pull out ng pera ang mga gustong mag-pull out.

hopefully, after all this, akyat uli ang stocks.

this too shall pass!

#veeruskalangfilipinokami

Monday, March 16, 2020

may withdrawal na naganap

update, guise:

may withdrawal na naganap! wagi ang lola n'yo ngayong gabi na ito!

at sinamantala ko talaga dahil minsan lang 'to. sinaid ko hanggang sa wala na siyang mailabas.

suko na, suko na!

sabi ng atm card ko.

withdrawal

nakow, kailangan kong lumabas para mag-atm!

pag-uwi ko, may magaganap na naman na hubaran at wasiwasan ng alkohol.

bale, i-update ko na lang kayo kung maka-iskor ako this time kay papa p. o kung may withdrawal na mangyayari.

#pera
#withdrawalngpera
#anube

starve them!

kumikitang kabuhayan na naman ang sitwasyon for the trolls.

ganito po iyan, kapag nagre-react kayo o nagre-reply o nagko-comment under a post or an fb page or a comment, trolls get a certain amount. ang balita ko 50 pesos ang pinakamura.

so, what do they do? mapanghamon ang kanilang mga post at comment, ipo-provoke ka talaga. to the point na tangang-tanga ka na sa kanila at sa mga pinagsasasabi nila.

natural, papatol ka. mapapa-comment ka.

cash iyan para sa kanila.

so, what to do, what to do?

huwag mag-comment under their fb posts or fb comments.

kaya ba natin ito? yes.

ang talino nila, ano? pero mas matalino tayo.

#letsstarvethetrolls

ang tv news bow

nakapag tv news kami sa kabilang bahay, bahay ng kapatid ni papa p.

napanood ko sa balita na kailangan nang pumirma ng mga pasahero sa isang papel para maitala kung sino sila at saan sila papunta.

so, pinapaikot ang papel at bolpen sa lahat ng nasa bus.

kasama ang virus!

ipinakita rin sa news na inilalapat sa noo ng mga commuter ang thermal scanner na hawak ng mga militar at pulis.

siyempre pa, kasama uli ang virus!

#antatangatalaga
#bestandthebrightestkungsinomannakaisipnito
#papatayintayonggobyernongito

Thursday, March 12, 2020

community quarantine at regional lockdown

seryoso na to! kaka-announce lang ni du30 na kailangang mag-community quarantine at mag-regional lockdown ang pilipinas.

nakakatakot na talaga ang novelcorona virus na yan. or ncov for short.

ano nga ba ang alam ko at naiintindihan sa virus na iyan?

1. novelcorona ang pangalan nito dahil novel, meaning, unique, kakaiba sa mga dati nang virus.
2. corona dahil mukhang korona ang virus na ito kapag idinaan sa microscope
3. pumapasok ang ncov sa katawan ng tao sa pamamagitan ng butas ng katawan, halimbawa, mata, ilong, bibig.
4. ito ay nagdudulot ng respiratory problem. ibig sabihin, inaatake nito ang baga at ang kaugnay na mga tissue at muscle ng baga.
5. namamatay ang tao na may ncov dahil hindi na siya makahinga.
6. mas mabilis mamatay ang tao na may ncov kapag mahina ang resistensiya niya o kaya ay may iba pa siyang sakit bago pa siya dapuan ng ncov

ano ang mga dapat gawin?

a. gumamit ng mask. kung wala nang mabiling mask, ugaliing magtakip ng ilong at bibig gamit ang towel o bimpo.
b. mag-alcohol pagkatapos ma-expose sa lugar na maraming tao. maraming germs at virus ang napapatay ng alcohol.
c. maghugas ng kamay kapag nakahawak sa mga bagay na hinahawakan ng maraming tao, lalo na at di mo kilala ang mga tao na humahawak sa mga bagay na iyan. halimbawa nito ay estribo ng dyip, handle bars ng mga pinto ng fast food restaurants, landline, mouse ng computer at keyboard sa mga internet shop, door knobs at door handles ng mga cr.
d. mag-vitamin c, kumain ng maraming prutas.
e. laging uminom ng tubig. dahil kapag tuyot ang lalamunan, mas likely na magkagasgas ito sa loob at mapasukan ng virus.
f. lumayo muna sa mga tao. iwasang sumakay sa bus at van na masikip. huwag munang sumakay sa dyip na matao. huwag munang magpunta sa mga crowded na lugar gaya ng palengke, groserya, simbahan, sinehan.

dito sa ccp, nagka-online meeting kami via the app called zoom. sabi ng vp at artistic director namin na si sir chris na nasa bahay nila dahil siya ay maysakit, cancelled na raw ang lahat ng public events namin nang buong marso. isasara na rin sa publiko ang ccp. so wala nang puwedeng makapasok for art exhibits, building tours, and the library. hinihintay na lang namin ngayon ang opisyal na announcement ng management.

nalungkot ako pero natuwa at the same time. puwede pala iyon, hahaha.

nalungkot dahil alam ko ang preparasyong ginawa para lang sa mga nakanselang event. grabehan. dugo't pawis ng mga artist, performer, writer, director at production team iyan. minu-minutong rehearsals! ahahay. masasayang pala. ang lupet mo, ncov, hayop kang virus ka.

natuwa dahil nairaos na namin ang festival of plays by women 2020. oh my fucking god. buti talaga at ginawa namin ito nang unang weekend ng marso! kung hindi, sapul na sapul kami ng ncov. andami pa naman naming performers at speakers from the regions. imagine kung di sila natuloy! napakaraming salapi ang masasayang.

anyway, sa isang banda, kahit halimbawa ay hindi ikansela ang public events sa ccp, may manonood ba? siyempre, takot na ang mga utaw sa matataong lugar!

mas masaklap naman iyong nag-rehearse ka't naghanda, go na go ka, bigay na bigay, pero... walang nanonood kundi ang nanay mo. na naka-mask.

as of this moment, i heard that 48 hrs from now, may lockdown na sa ncr. at ipagbabawal na rin ang bumiyahe sa mga rehiyon. pati flights, cancelled till april. dami talagang apektado. damay-damay na. ang silver lining na lang dito, we are all alert and aware. may panganib!!!

mabuti at gising tayo, nag-aabang sa pagsalakay nito.

Wednesday, March 11, 2020

maghubad ka na

maghubad ka na, sabi ni papa p.

dito? sa sala? tanong-sagot ko.

oo, sabi niya.

dali-dali akong sumunod. sa isip ko, aba, wild na jowa ko ngayon. sa sala na gustong makipag-chenerlu, kita ng kapitbahay.

iwinasiwas muli ni papa p ang alkohol sa akin. natamaan ang dede ko, kilikili, tiyan, pusod, pek squared, at mga hita. pinasirit niya ang alkohol sa aking mga paa. patay, pati fungi!

o, ayan, na-disinfect ka na. damit ka na uli, sabi niya sa akin, sabay abot ng daster.

ay, pakyu, love in the time of corona.

wasiwas

so, tanong ni papa p. maliligo ka ba? sagot ko, hindi. bakit, may balak ka ba or something?

iwinasiwas niya uli ang alkohol sa akin.

precautions and safety measures

sa mga nag-aalala dahil sa pagiging pulot-barya gang ko, don't worry. i take precautions naman and safety measures.

bago ko pulutin ang barya, nag-aalkohol ako. mahirap na at baka magka-virus ang barya.

manananggal

so, pagdating ko sa amin ay binuhusan ako ng alkohol ni papa p. nasa loob siya ng bahay, nasa labas naman ako.

ito pala iyong feeling ng manananggal towards the holy water of the father.

Thursday, March 5, 2020

q and a with bebang


Ano-ano ang mga nag-udyok sa ‘yo na mag-ipon?

pala ipon ako kahit noon pa. nag umpisa sa alkansiya, tapos sa bangko. noong malaki na ako, time deposit. kaya lang lagi kong nagagastos ang naiipon ko.

mahilig ako mag-ipon kasi lagi itong sinasabi sa akin ng papa ko, mama ko, at mga pinsan kong chinese, noong bata pa ako, mga starting 8 years old.

nadala ko ang habit ng pag iipon hanggang sa tumanda na ako. napakatipid ko lagi as in way if life ko ang kakuriputan hahaha. at kahit gaano kaliit ang kita, lagi akong nagtatabi ng pera. tapos noong mga late 20s ako, nagtime deposit ako, mga 200k na ang pera ko that time. i make sure kahit anong nangyayari sa buhay ko,di ko nababawasan ang ipon na iyon. (dumating kasi ang time na natanggal ako sa full time kong trabaho as a teacher sa uste dahil di ako makagraduate sa ma ko).


Paano ka nagsimulang mag-invest sa stock market?

nagsimula ako noong 2009 yata or 2010. nababasa ko sa books na maganda mag invest sa stock market. that time bagal na bagal ako sa growth ng ipon ko sa time deposit. hindi ako makapaniwala na kapiranggot lang ang kita ng 200k na di ginagalaw for so many years. so, sabi ko, walang asenso sa time deposit. nababanggit ko sa bf ko na interesado ako sa stock market. pinakilala niya ako sa mama niya na cpa. dati itong accountant ng isang stock broker. through her help, nagkaroon ako ng account sa human broker (kasi ngayon ay may online broker na like col financial). then paunti unti tinuruan niya ako how to read tables ng stock market sa diyaryo. wala akong background sa stock market, as in malikhaing pagsulat ang course ko sa college at filipino literature sa ma level. at lahat gn work ko ay walang kinalaman sa pera at stock market. pero sa husay niya magturo, naunawaan ko ang basics ng s.m. (ps ngayon ay husband ko na nga pala si bf).

that time ang mama ni bf ay nagwowork na sa ibang company. ang big boss ay nag iistock market din. kapag bumibili ito ng certain stock, sinasabayan ito ng mama ni bf. so ang ginawa ng mama ni bf kapag bibili ang boss niya, bibili rin siya, sasabihin niya sa akin, bibili rin ako. so nakiki ride kami sa stock market research team ng boss niya hahaha. it worked for a number of my buy and sell through human broker. kumita naman ako doon. pero sabi ko, hindi naman puwedeng lagi akong nakaasa kay muma (iyan na ang tawag ko sa mother in law ko). dapat matutuhan ko paano nakakapag buy and sell at kailan dapat mag buy and sell. so, inaral ko ito. nagbasa ako ng book ni bo sanchez, francisco colayco, nag open ako ng account sa col financial. nagbasa ako ng mga article at tutorials dito. nag experiment ako sa maliliit na amount as in 1k buy and sell, kita ng 100 pesos sell na. gusto ko lang talaga matry na sarili ko nang diskarte ang buy and sell kosa col financial. nag attend din ako ng seminars ng col financial sa tektite at sa meralco theater. nanood ako videos sa youtube nina marvin germo (muntinlupa), lloyd bazar (cebu) at alex onze (marikina). i also started following alex onze's fb page. habang nagko commute ako papasok sa work, cavite to pasay/manila, videos nila pinapanood at pinapakinggan ko.ang time ko ng commute ay umaabot ng almost 2 hrs one way, so almost 4 hrs per day

nagbabasa rin ako sa phil stock exchange website. nagbasa din ako mga forum (noong di pa uso ang mga group chat at fb page), ngayon member ako ng fb page na may kinalaman sa stock market.



Sino ang naging modelo mo para sa P1M stock investment challenge? At bakit P1M?


sa 1m sa stock market challenge, wala naman akong model. around 3 yrs ago, akala ko marunong na ako. so ang ganda ng kita ko, around10% per yr. so sabi ko, baka pag 1m na ang pera naming mag asawa sa sm, kayang kaya na namin ito palaguin via buying and selling sa sm. kaya noong nagka permanent work ako, kinompyut ko kung magkano kailangan itabi every month para maging 1m ang aming pera sa sm. then i stuck to that amount. i religiously followed my plan. bonggang bonggang pagtitipid x pagraraket ang ginawa namin ni papa p para matupad yan. and then, the realization came. na putcha di pa pala ako ganon kagaling sa sm. kasi napakarami kong maling buy. hanggang ngayon, ipit ang pera namin sa stock market kasi di ko winiwdraw pera namin don. as of.now nasa 400k ang paper lugi namin! imagine that.


wala namang special sa number na 1m. its just that theoretically, kung lalaruin ko sa sm ang 1m, at posible akong kumita ng kahit maliit na percentage for every buy and sell transaction, naisip ko na puwedeng di na ako magwork, baka puwedeng sa bahay na lang ako! hahahaha! every working parent's dream



Ano-ano ang mga ginawa mo at ang iyong pamilya para makatipid at mas mapabilis ang pag-abot sa P1M?

Napakarami. Una, laking tulong na iyong panganay ko, public school mula grade1 hanggang college. Wala akong gastos sa schooling niya. kinompenseyt ko na lang ang edukasyon niya by bringing him everywhere i go. kaya laking lira iyan hahaha. i also bought second hand books and read to him regularly (namana nina dagat at ayin ang books ni ej, the panganay!) i also traveled with him halimbawa sa biak na bato sa bulacan (mura entrance,historical yung lugar, nature tripping pa!), i also brought him to angono petro glyphs walang entrance fee. i remember this so well dahil umiiyak na si ej sa sobrang pagod dahil wala palang regular na sasakyan papunta doon at pauwi hahahaha so naglalakad kami kilo kilometro hahaha pababa ng mataas na lugar nanginginig na tuhod namin hahahahaha

i also brought him to corazOn aquino's wake sa intramuros. gusto ko, kahit public lang siya, makaranas siya ng mga bagay na higit sa nararanasan ng public school student. tapos nung nahilig siya kay jackie chan, naghanap ako ng magtuturo sa kanya ng kung fu. i forgot kung sino ang una niyang guro pero nakahanap ako ng isang maliit na temple sa harison st sa pasay. monk mula sa china ang nagtuturo. 200 per session, 2 hrs. tapos marami sila sa isang session, mga 4 to 6 pax. dalawa silang bata. he was 10 yrs old that time. commute kami every weekend sa pasay from qc just to attend kung fu lessons

those kung fu lessons eventually led us to wushu gyms and teachers na siyang nagturo at nagtrain kay ej sa wushu. nang maging wushu athlete siya, nakapag-abroad siya for free at nakapag-compete. china,taiwan, macau,etc. last yr, right after his coege graduation, nakapagrussia siya for free as leader of wushu athletes' group. ngayon, nagwowork siya sa isang bpo sa makati, sa human resources. pyschology grad siya ng pup. nung baby yan, am lang pinadede ko diyan hahahaha dahil walang financial support tatay niyan tapos breadwinner ako ng nuclear family ko, ako nagpapaaral sa mga sis ko (lahat kami girls) at ako rin nagpapaaral sa sarili ko (ba malikhaing pagsulat sa filipino, up dil). sobrang hikahos talaga kami, i swear, tipong wala kaming sariling linya ng kuryente, nagta tap kami. pinagandang term para sa jumper hahaha ang bayad namin ay sa kapitbahay dahil siya yung may legal na meralco. wala rin kaming linya ng tubig, per container ang bili namin ng tubig. di makapaniwala ang up noong nag aapply ako sa kanila ng stfap (standardized tuition fee assistance program). kasi hinihingi doon ang metro ng tubig at kuryente e wala akong mapresent kaya lagi akong narereject.


anyway, all these things made me so kuripot. nanay ko, napakatipid din, mahilig mag ipon at madiskarte. kaya niyang magpalaki ng maliit na pera. laki ng impluwensiya niya sa akin.


sa pamilya namin ni poy, towards 1m, hindi kami nag hire ng yaya. bukod sa mahirap maghanap, sayang din ang 10k na pinasahod namin sa 2 kasambahay noong bago at pagkatapos ko manganak kay ayin. so ang nagdusa dito, si poy hahaha siya kasi nagluluto at asikaso sa 2 bata dahil full time ako sa ccp.


laking suporta din ng mother ni poy sa groserya namin. kaya nakakapag invest ako regularly sa stock market (nong magdecide ako na mag 1m challenge). di na namin prob ang groserya, salamat sa diyos at sa mga in law! sa personal level naman, hindi ako palataxi kaya laking tipid sa transpo expenses ko. di rin ako mahilig magpa salon. ako gumugupit ng buhok ko, ng bangs ko hahahahaha. wala manicure at pedicure. ok na sa akin na basic, meaning malinis lang, brush brush lang pag naliligo. inaral ko mag make up dahil mahal magpa make up! sayang pera diyan. tinititigan ko mga pic ng face ng models sa magazine at display sa mga dept store, tapos gagayahin ko. bibili ako ng mumurahin na eyeliner at lipstick na ilang daang taon ko na magagamit hahaha minsan binibigyan din ako ng mga kapatid ko saka mama ko. puro kami girls sa fam. papa ko lang ang lalaki.


di rin ako bumibili ng bagong damit. mahal. saka marami nang basura sa mundo, isip ko wag na dagdagan. so ukay ukay ang mga damit ko. usually 10 to 50 pesos. beyond that price, mahal.na for me. yung mga sis at mama ko, binibgyan din ako damit. minsan ukay din, minsan bago. si papa p, binibilhan ako ng damit kahit ayaw ko. sinusurpresa na lang ako. example nito ay nung national book awards akala kasi niya aakyat din onstage ang mga finalist hahaha binilhan ako ng bonggang damit. di ko na ito naisuot. nang kunin akong ninang sa isang kasal, ska ko na lang isinuot.




di rin ako bumibili napkin. cloth napkin ang gamit ko for around 4 yrs na yata. 1x a month ko lang nagagamit each napkin bec. i have 6 pads. 1st and 2nd days lang 2x ako nagpapalit, the rest 1x a day lang. sulit na yung ibinayad ko sa cloth napkin


nagbabaon din ako ng food sa work for lunch. napansin ko kasi na kapag bumibili ako ng food, nahihiya ako na sarili ko lang ang binibilhan ko. weakness ko ito, mahilig ako manlibre ng dine out, kain sa labas. esp with my officemates. yan na ang pinakabisyo ko hehehe



nakatulong din na simple lang ang wants ko. example, pag sa pasyal, nagre research ako ng mga walang bayad na pasyalan, ok na ako doon. ilog sa bailen,cavite. falls sa amadeo, cavite. park sa dasma. playground sa luneta. mga museo na free entrance. sa food, luho ko, cheetos hahaha. siguro mga 6x a year pinagbibigyan ko ang sarili ko niyan. cravings ko, pipino,mais,singkamas sa suka, cream o. so, hindi mamahalin! hahaha!


isa pa palang weakness ko, gumagastos ako sa party ng mga anak ko saka kapamilya. yan ang pinakamalaki sa mga gastos ko na unnecessary. pero awa ng diyos, katuwang ko uli ang in laws ko rito. ambag ambag kami.




ang mga lakwatsa namin ni papa p ay laging diy. kaya nakakatipid kami kahit paano. nakakapagod nga lang hahaha hindi kami sa hotel nag iistay, sa mga inn o pension house. meron kaming isang travel, sa mt samat sa bataan, di ako makapaniwala na 400 pesos ang trike paakyat ng mt samat. kahit alam kong ayaw ni papa p, naglakad kami paakyat hahahahaha wala siya magawa e hahahahaha


hindi nga lang pala kami nagtipid, rumaket din kami nang bongga. wala akong tinatanggihan na speaking engagement, tinatanggap ko rin ang magjudge sa mga writing contest. dagdag kita rin kasi



Ano ang susunod na savings/investment challenge para sa isang Bebang Siy?

ang goal ko ngayong 2020 ay property. tama na sa sm. kasi pababa lahat ng presyo. baka dahil kay du30 hahaha. sa property, lagi ako nagtitingin ng foreclosed properties sa website ng mga bangko. maraming mura kaya lang malayo. sa 2021, ang goal ko naman ay matapos na that yr ang hinuhulugan kong insurance. para di ko na iisipin.

for 2020, i am also thinking of buying a vehicle. jeep sana kaya lang baka daw mahal din ang jeep. jeep sana kasi marami ang maisasakay! pero mas priority ang property.





Thursday, February 27, 2020

sent!

omg, natapos ko na ang pag-compile ko sa mga tula ko for submission sa lira.

38 na tula since 2003. hinati ko sa 6 na kategorya.

may mga di ako isinama dahil sa tingin ko pangit talaga hahaha namely sinauna, kontra-ruta at tula ng apat na bata. di ko rin makita ang buhay ay tulad ng padulasan. so out na muna iyon.

hay, sana matanggap for publication ito. kailangan ngayon pa lang nag-aasikaso na ako ng mailalabas na manuskrito this year.

one book a year. keep your eye on that goal, bebang.

laban.

Wednesday, February 26, 2020

podcast about bebang siy

mapapakinggan dito ang unang episode ng booklaban.

ang booklaban ay isang podcast na pinangungunahan ng mga kaibigan kong sina gege sugue at shani tan. they are book lovers and booklaban is about love for literature, reading communities, writing and all sorts of things that are related to books. ang saya, di ba? o, without further ado, heto, makinig na!

https://booklaban.com/?fbclid=IwAR3RRGBvobYSbJVZuHpOK_KBfkLnOvPBgP8o_rRIIDsakE0H9b5qYS9TJXE

overwhelming day

papunta pa lang ng work, stressed na ako. nakatayo ako sa bus!

ipinagsiksikan ko talaga ang sarili ko sa loob at nang makakita ng hagdan, kahit may nakapatong na gamit, nakiupo talaga ako. More than 1 hour ang biyahe, ayokong tumayo the entire time!

buti na lang at umabot ako sa flag raising ceremony. so may maganda namang nangyari.

next na bad thing ay nabasa ko ang email nina ms tessa at ms august, key people sa wpip. nag-email kasi si marjorie sa kanila na hindi makakarating ang pera sa performers before the event. which i thought ay malinaw sa kanila lalo na kay ms tessa dahil lagi naman niyang sinasabi na ang mga performing group na lang daw ang maghahanap ng mga pondo. ang helobung na lang daw ang kailangan naming mabigyan ng pera dahil nga hindi yata ito makahanap ng pera para makapunta rito.

nakaka-high blood ang email. pabayani ang tessa! jusko e samantalang hindi nga siya nagsa-submit ng mga requirement na kailangan namin for contracts. pinadidiretso niya kami sa mga performer! so paisa-isa ang bigay, paisa-isa ang hingi. ok na iyong magalit sila dahil talagang wala kaming magagawa, late sila nagbigay ng mga info, late ding magagawa ang mga kontrata, late ding mari-release ang mga tseke.

gumatong pa itong si august. as usual, hindi na naman sila nag-usap-usap nina tessa. hindi yata nire-report ni tessa ang mga hindi niya nagagawa for this project.

sumasakit na nga ulo ko rito. hindi naman kanila ang pondo namin. humingi na nga lang kami sa ibang proyekto, gaganituhin pa kami.

nakakalito rin ang mga pinagagawa sa aming mga kontrata. sinunod namin ang production grants na kontrata ni ms nikki, ayun, di pala ubra kina mam liebei. kasi for liquidation ang mga ito. hindi kami nagpapa-liquidate ever. so, sabi ni mam liebei, baka magkamali kami sa mga hihingiin na document sa performers. baka mapasobra ang gastos nila tapos neto pala ng amount ang matatanggap nila. so eto, consult uli kami sa budget. di na pumayag ang budget, dahil nabanggit na raw dati na for liquidation na ang lahat. o di sige, larga na ang mga naunang documents.

anyway, ngayon namang gabi, ako ay naghahalungkat ng mga tula. marami pala akong tula na wala akong kopya. kung saan-saan ko pa hinanap. sa blog, sa gmail, at sa printed na kopya na ibinigay ko kay teacher fiona noon. natuklasan kong nag-eemail pala ako sa sarili ko ng mga tula ko. buti na lang. pero natuklasan ko rin na hindi reliable ang finder box ng blog. kasi kahit anong search and find ko sa salitang tula, hindi lumalabas ang lahat ng tula ko. so, kailangan ko yatang isa-isahin ang lahat. 700+ entries.

nahalungkat ko rin sa mga dati kong email ang mga rejection sa akin. ang mga application kong hindi nakapasa. ang mga proyektong hindi natuloy. dagdag lungkot. sad feelings.

gusto kong magsumite sa lira ng koleksiyon ng mga tula. alam kong mare-reject na naman ako rito pero, sayang naman kasi. at for the first time, natipon ko ang mga tula ko, puro nga lang maiikli. eto 30+ na pala. may isa pa akong tula na hindi ko makita ang kopya. ang title nito ay ang buhay ay tulad ng isang padulasan. alam ko, korni hahaha pero nalathala ito sa isang religious na publication thru jophen baui. piniem ko na siya, tinanong ko kung may naitago siyang kopya. sana meron.

sige, saka na ako mag-blog uli. ita-type ko pa ang iba kong tula.

profile ni Bebang Siy

nakakatawa itong profile na isinulat ng highschool classmate kong si jun borre para sa website na para sa aming section noong 4th year, ang Calla Lily.

Ms. Beverly W. Siy
"Bebang"
Ikaw ba'y nalolongkot, walang magawa sa bohay at namro-mroblema? Well too bad for you, but I should say that you banged-in to the right person and that is bebang.Because she can surely make your day by letting you laugh and forget your problems for awhile. She can amaze you with her stories and funny acts that will surely leave you with tons of gas in your stomach and your throat-off, trying to laugh it all out..

Ironically, this Fil-Chi girl can oftenly be mistaken as a very sweet, mahinhin and a soft spoken girl. But wait until you hear her talk; 'coz more often than not, the first impression they had, could just be considered a big mistake. But hey... don't misjudge her yet, 'coz inspite of being so vocal and loud, bebang is really a cool companion, a true friend and a very mature person once you get to know her better. Though at times, she may sound offensive in delivering jokes, but she makes it a point that it is all for "fun's-sake" and nothing personal.
Aside from being the Class Comedian, bebang is also a very creative person in which she expresses by her writings. No wonder she is into Creative Writing or Malikhaing Pagsulat in UP. It doesn't surprise everybody 'coz she's one heck of a great writer or "powet" wayback high school specially with her famous work "The Class Prophecy". And until college, she proves to excel on her field by winning numerous literary contest citing "Kaset" as one of them which is featured in the CoOL-iTz section together with the klas propesi. ( I guess maam borja is proud of u now!).

Surely she is a work of art. From what world, that I do not know. But there is one wish that we have... sana ingatan mo na ang cellphone mo!

PLUG: Bebang would like to thank those who watched her movie, "Kampanerang Kuba 2" and "Who's feet is it ?". Thanks for your support!

matatagpuan ang profile na ito dito:
http://callayaan.20m.com/index.html

makikita rin diyan ang class picture namin at ang isinulat kong class prophecy noong graduating na kami sa highschool. mababasa rin ang profile ng iba pa naming mga kaklase. nostalgia!

Tula ng Apat na Bata

2002 ko naisulat ang mga tula na ito. Ito ang entries ko sa unang workshop na aking nadaluhan: UP National Writers Workshop 2003. May isa pang tula ito sa dulo, tula ng isang taong grasa. Dinelete ko na ang pangit na pangit ako, hahaha.



Tula ng Apat na Bata


Introduksiyon

Doon po sa amin, bayan ng Maralita,
Apat na bata ang naging makata.
Pagka’t doon po sa amin, bayan ng Maralita,
Ang sumbong ay naidadaan na lamang sa tula.











Tula ni Ningning

Ang sabi po ni Kuya,
maglalaro lang kami.
“Taguan,
hanapan
ng susi.”

Pagtalikod niya’y
inupuan ko ang susi
para hindi ito makita.

Kinalabit ko siya,
“geym na!”

Una po niyang hinawak-hawakan
ang aking batok.
Sinalat-salat
ang aking dibdib.
Tinapik-tapik
ang aking tiyan.
Saka kinapkapan
ang aking katawan.

“Nasaan ang susi?” anya,
habang hinihila
ang aking palda.

Ang pawisan niyang kamay
sa una’y marahan,
bigla pong gumaspang.

Sinubukan kong
tumadyak
tumayo
tumakbo

pero

pero
tulad po ng dati,
walang imik, walang silbi
ang aking mga binti.



Nakasara ang bulaklak
Ibubuka ang bulaklak
Pinuwersa ng hari
Bum-tiyaya-bum-tiyaya-bum-yeye
Kabum!





































Tula kay Inday

Hay, Inday,
kay hirap ng iyong buhay.

Kapalit ng
kalahating tasa ng sabaw,
isang pugot na tuyo
at sangmangkok ng tutong,
ilang maghapon kang maglilinis
ng bahay ni Aling Ines.

Kapalit ng
kupas na kamiseta,
lawlaw na salawal
at tsinelas na di magkapares,
ilang magdamag kang mag-aalaga
ng anak ni Aling Ingga.

Hindi lapis kundi walis ang hawak.
Hindi papel kundi mantel ang iniimis.
Hindi libro kundi kaldero ang inaasikaso.

Inday, Inday
Sa balitaw.
Dulang nakahapay,
Sandok nakasuksok,
Siyansi nakabaluktot,
Palayok nakataob
Sinigang na matabang
Katumbas ay isang batok.

Hay, Inday,
kay hirap ng iyong buhay.
Para kang isang aliping namamahay.
Inumid pa ng langit ang iyong dila.
Lahat ng iyong pagdurusa, tuloy ay naging luha.







Tula ni Balong

Mama, mama, namamangka,
Pasakayin yaring bata
Pagdating sa Maynila
Sa sindikato, ipagbenta.

Sabik na sabik akong makarating sa Maynila noon.
Masaya raw dito
At hindi tulad sa nayon,
na magigising ka sa tiririt ng ibon,
maaaliw ka sa lagaslas ng tubig,
makakatulog ka sa huni ng kuliglig.

Dito sa Maynila,
magigising ka sa bus na bubusi-busina,
maaaliw ka sa motorsiklong umaarangkada,
makakatulog ka saliw ng radyong de-baterya.

Ngunit lahat pala ng ito’y panaginip.

Kung sa nayon:
tilaok ng tandang,
unga ng baka.
Sa Maynila naman:
silbato ng pulis,
batuta ng guwardiya.

Pisong limos,
pisong mamon
para sa maghapon.

Sa tulad kong walang nakikita,
mas madilim sa Maynila
kaysa sa nayon.









Tula ni Pipo

Helmet ko ang butas na arinola.
Kinakalawang na tubo ang aking espada.
Isa akong mandirigmang prinsipe
(na may tahimik na buhay).
Bilad ang katawan
sa maghapong pakikipaglaban.
Ang palasyo ko’y gumigiyang na kariton.
Matibay na matibay ito
pumarito man o pumaroon.
Galising aso ang kapalit ng tapat na kabayo.
(Kailanma’y di ito kumahol).

Isa akong mandirigmang prinsipe.
Bulto ng langaw ang aking kawal.
Sa basurahan ako matatagpuan
pagkat dito iniwan ng hari at reyna
ang kayamanan ng aming angkan.

Marangya lagi ang aking hapag-kainan
(Walang ingay akong dumudulog.)
isang matigas na pandesal sa agahan,
tinik ng tilapya sa tanghalian
at bulalo menos ang sabaw sa hapunan.

Isa akong mandirigmang prinsipe.
Maliksi ako,
lalo na sa paghahanap ng bunton ng basura.
Matapang ako,
lalo na sa iba pang maton na mandirigma.
Matalino ako,
lalo na sa pagbebenta ng kapaki-kapakinabang pa.

Biyabo ka nang biyabo
Umakyat ka sa mabolo
At tanawin mo si Pipo
May hila-hilang kariton.

Ako nga pala si Pipong bingi,
Pinakatahimik ang aking buhay
Sa lahat ng mandirigmang prinsipe.








Ang mga bahaging naka-italics ay sinipi ni B. W. Siy mula sa aklat na Arimunding-munding Isang Century Book Mga Awit at Tulang Bayan sa Daantaong Tagalog ng mga Di-kilala (Anonimo) na tinipon ni Alberto S. Florentino. Ang ilan sa mga bahagi ng sinipi ay binago ni Siy.

2002


Thursday, February 20, 2020

warning sa mga manunulat na may acceptance letter mula sa mga publisher

warning sa mga manunulat na may acceptance letter mula sa mga publisher:

kung sinasabi ng publisher na ilalathala nila ang inyong manuskrito, tanungin kung kailangan mong mag-isyu ng official receipt para sa kahit na anong uri ng transaksiyon mo sa kanila. huwag munang pumirma ng kontrata hangga't hindi ito malinaw sa iyo at sa kanila.

kung wala kang o.r., huwag kang pumayag na iimprenta nila ang iyong manuskrito.

kung wala kang o.r., huwag ka munang pumirma ng kontrata.

ito kasi ang possible scenarios...

maiimprenta ang manuskrito mo at magiging libro pero hindi ka makakatanggap ng anumang kabayaran dahil ire-require nilang mag-isyu ka muna ng o.r. para sa kanila.

sila kumikita, ikaw hindi.

a big no, my friends.

ingat-ingat po tayo.

mahirap pong kumuha ng o.r. mahirap din pong manghiram ng o.r. kaya kailangan ninyo ng panahon para makakuha niyan sa BIR.

INUULIT KO: paghintayin ang publisher kung wala ka pang o.r. na maibigay sa kanila.

living document re benjamin p. pascual

ang manunulat na si benjamin p. pascual ay isinilang sa tondo, maynila.

mula kay bb. Lualhati Bautista:

Liwayway siya. Matagal siyang staff do'n. At sumusulat din. Nung magresign na siya, naging editor ng Valentine Romances. Ako ang nagrekomenda sa kanya kay Benjie Ocampo na publisher. Mahusay na writer at edutor si Ben, underrated lang

Di konmatandaan mga nobela niya pero karamihan, sa Liwayway nalathala. Naroon na siya nung una pa man akong magsulat, 1963, at umalis, o nagretire, mga 1986 na

You're welcome senyong dalawa. Kumpare ko yon kaya medyo me alam ako. Pero matanda siya nang malaki sa 'kin ha. 17 ako nung unang magsulat, staff member na siya ng Liwayway. First reader ng mga kuwento. Taga-reject

sumakabilang-buhay early 90s.

note: living document ito, meaning, as soon as makahanap ako ng mga reliable pang source ay idadagdag ko nang idadagdag dito.

Wednesday, February 19, 2020

a very unforgettable writing workshop

nangyari ang workshop noong sabado, pebrero 15, 2020, sa de la salle university manila. it was called akdaan 2020.

maliit lang na workshop. lima ang panelists. mga 8 ang fellow. may ilang kaguruan at mga estudyante ng filipino department.

akala ko'y simple lang ang palihan na ito.

pero dahil sa naranasan ko sa pagharap sa isang napakakomplikadong akda, napagtanto ko na, ito na yata ang pinakamahirap na writing workshop na napuntahan ko.

the work and its content and the author, and the situation were so complicated, napapabuntong-hininga ako hanggang ngayon.

ambigat-bigat sa dibdib.

naibuhos ko ang lahat ng naipong talino ng neurons ko sa lahat ng workshop na napagdaanan ko before. ganon katindi.

nasurot din ang budhi ko. bigla akong nagising sa katotohanan na ang pagpapakabuti bilang tao at manunulat ay napakakomplikadong bagay. di siya simple, di siya madali.

ang cryptic ba nitong post ko na ito? kasi di ko pa yata kayang isulat, e.

shocked pa yata ako. and at the same time, napapaisip pa rin ako hanggang ngayon.

naka-pm ko ang ilan sa mga fellow, ang isa sa kanila, napapaisip din. ang isa sa kanila, tulala pa after the workshop. ang isa ay nakasabay ko sa bus pauwi. mabuti at napagkuwentuhan namin ang mga nangyari dahil hindi ko kayang iproseso ang mga nalaman ko nang mag-isa.

kakapraning!

i just wish that the heavens will not allow me to be under anyone, tipong sana wag dumating sa punto ang buhay ko na iaasa ko ang mga bagay-bagay sa ilang tao. because i am cutting ties talaga. i deserve better people as friends.

god help me.

Tuesday, February 11, 2020

Valerio Nofuente


Enero 28, 1947- Abril 10, 1981

Si Valerio Nofuento ay isang aktibista, guro at iskolar. Kilala siya sa palayaw na Lerry.

Siya ay naging miyembro ng UP Writers Club at nagtapos ng kursong AB Political Science noong 1968 sa UP Diliman. Naging Resident Assistant siya sa Filipiniana section ng University (Main) Library noong 1969-1971. Ang kanyang tesis para sa kursong MA Pilipino sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ay Ang Paghihimagsik ni Alejandro G. Abadilla sa Tradisyon ng Panulaang Tagalog. Bilang assistant professor, siya ay nagturo ng PI 100, Tradisyon ng Panulaan sa Pilipinas/Panitikang Pilipino, malikhaing pagsulat at iba pang kaugnay na subject sa nasabing departamento na nasa patnubay ng noo'y College of Arts and Sciences sa UP Diliman. Ang inclusive years nito ay 1972-1974. Kasabayan niyang naging guro doon sina Pamela Cruz-Constantino, Lilia Quindoza-Santiago at Rosario Torres-Yu. Naging estudyante ni Lerry sa UP ang ilan sa mahuhusay na manunulat at mandudula ngayon gaya nina Joaquin Sy, Reuel Aguila, Chris B. Millado, Amante del Mundo at Oliver Teves.

Ayon kay Dr. Teresita "Tet" Maceda ng UP Filipino Department sa interbyu ng guro din doon na si Schedar Jocson, naging miyembro si Lerry ng Cultural Research Association of the Philippines kasama siya (Mam Tet), Sir Bienvenido Lumbera, at iba pa. Siya rin ang naging editor ng publication nito na Cultural Research Bulletin. Si Lerry ay naglingkod bilang tagapayo ng Kapisanang Pampanitikang Pilipino o KPP noong 1974-76.

Siya ay isa ring makata. Nalathala ang kanyang mga tula sa Collegian Folio 1975-1976, at sa Kamao, Mga Tula ng Protesta, na inilathala ng Cultural Center of the Philippines (CCP). Isa siya sa mga tinawag ng manunulat at kritikong si Bienvenido Lumbera upang bumuo ng unang isyu ng Diliman Review na lumabas noong Oktubre-Nobyembre 1978. Kasama niya rito ang mga manunulat na sina Ricardo Lee, Aida Santos, Flor Caagusan, Jesus Manuel Santiago, at Rene O. Villanueva. Si Lerry ay naging business manager ng Diliman Review. Noong 1981, makalipas ang 14 issues at kasagsagan ng batas militar, noong siya ay pa-resign na sa nasabing post at tine-train na ang manunulat na si Herminio Beltran, Jr., siya ay brutal na pinaslang.

Nang panahong iyon, si Lerry ay aktibong tumutulong sa unyon ng isang malaking pabrika ng sigarilyo sa Marikina. Si Lerry ay pinatay sa loob ng sariling sasakyang Beetle, nilaslas ang kanyang leeg. Ang pinaghihinalaan ay ang caretaker ng kapitbahay na nakiangkas lamang sa kanya. Iniwan ang Beetle at ang bangkay ni Lerry sa ilalim ng isang tulay. Hindi nalutas ang kaso na ito. Kapapanalo pa lamang noon ni Lerry sa patimpalak sa tula ng Surian ng Wikang Pambansa, karangalang-banggit para sa tulang Haplusan ang Lungsod ng Sinag ng Takipsilim. Nasa kotse pa ang kanyang tseke.

Isang awit ni Heber Bartolome ang pinamagatang Lerry at ito ay alay sa kanyang alaala. Isa sa mga nagbigay ng pagpupugay sa kanya ay ang Concerned Artists of the Philippines.

Naulila ang kanyang asawang si Evelyn at dalawang anak na lalaki.

Narito ang tentatibong listahan ng mga akda ni Valerio Nofuente:

Awit sa Agila-tula
Sa Makati at Dibisorya, Denims ang Hanap Nila- sanaysay
Ang buhay at Panahon ni Alejandro G. Abadilla-meron sa Filipiniana library ng UP Diliman
Ang Paghihimagsik ni Alejandro G. Abadilla sa Tradisyon ng Panulaang Tagalog- tesis niya sa masters, meron sa Filipino Department, UP Diliman at sa University Archives nito
Haplusan ang Lungsod ng Liwanag ng Takipsilim -tula, nalathala sa Kamao, Mga Tula ng Protesta, CCP
Kailangan ko pa bang sagutin -tula, nalathala sa Kamao, Mga Tula ng Protesta, CCP
Sa Gabi ng Paglisan -tula, nalathala sa Kamao, Mga Tula ng Protesta, CCP
Saglit na Gunita sa Isang Namayapang Makata - tula para sa kapwa aktibistang si Lorena Barros, nalathala sa Kamao, Mga Tula ng Protesta, CCP, nalathala din sa Collegian Folio l975-1976
Alisin 'Ka Mo ang Dyipni? -mukhang sanaysay, nalathala sa magasing Sagisag noong 1978 o 1979, mahahanap din ito sa internet, lalo na ang Ingles na version nito, sino kaya ang nagsalin?
Ang Epikong Labaw Donggon - buod ng epiko, mga guide question para sa pag-unawa sa teksto
“Portrayals of Life and Reality in Radio and Television Drama” in Philippine World-View. Virgilio G. Enriquez, ed. Trans. Christopher Gonzaga. Singapore: Institute of Southeast Asian Studies, 1986
Ang Tulang Pasalaysay sa Panahon ng Amerikano, 1898- 1928." Ito ay nalathala sa Nationalist Literature: A Centennial Forum. Ed. E. A. Ordonez. Quezon City, Philippines: U of Philippines P and Panulat, 1995

Ang larawan ay mula kay Evelyn Nofuente sa pamamagitan ni Dr. Reuel Aguila.

Saturday, February 8, 2020

lunes pagkatapos ng therapy

ito ang mga ginawa namin ni dagat noong lunes pagkatapos ng kanyang therapy:

nagpunta sa palengke ng imus para magpagawa sana ng bag strap, sandals at magbayad ng meralco sa lbc. wala akong makitang lbc, pero nakakita ako ng logo ng meralco sa sanglaan na cebuana. pagpasok namin, napakahaba ng pila,kaya lumabas din kami agad. alam kong maiinip si dagat.

tapos nakita ko ang imus terminal mall. umakyat kami at bumungad sa amin ang mga motorsiklong pambata na narerentahan ng 20 pesos for 5 mins. sakay agad si dagat at dinala kami ng babaeng bantay sa ride sa gilid ng mall. aba, ang laki pala ng bakanteng space doon, tiles pa ang sahig. dadalawa ang grupong naroon, parehong nanonood ng nagche-chess na matatandang lalaki.

paikot ikot doon si dagat sakay ng motorsiklo. napagod ako sa kahahabol sa kanya dahil tumatakbo ako nang nakayuko at awat-awat ang likuran ng motorsiklo. kaya after 5 mins, ako na mismo nag-guide kay dagat papunta sa ate na nagbabantay. isinoli na namin ang motorsiklo.

pumasok kami sa main mall. walang masyadong makikita kundi cellphone accessories shops at mga damit. sa gitna ng mall ay playground na nababakuran ng plastic fence. pinapasok ko agad si dagat, saka ako nagtanong sa ate na bantay ng playground. 60 pesos daw ang 30 mins.

iisa lang ang bata sa playground at di sila masyadong naglaro ni dagat. di kasi nakakapag-communicate pa si dagat. naghagis-hagis siya ng mga plastic ball,sumakay sa plastic na see saw na hugis buwaya, nagslide sa plastic na maliit na plastic slide, at magbukas-sara ng plastic na fence, iyong bahagi na nabubukas-sara.

after 30 mins, lumabas na kami at naglakad pa kami ni dagat palalim sa mall. napatigil kami sa isnag food court. nakakita kasi siya ng potato corner. fries daw, sabi niya. pero inilabas ko na lang ang spanish bread na binili namin sa bakery sa may therapy center niya. paborito iyon ni dagat. iyon na lang ang ipinakain ko, kasi mahirap na pagkamayin si dagat doon. baka makakain pa siya ng virus. ang tinapay naman ay ibinalot ko sa tisyu kaya di niya nakakamay.

nang makakalahati ng spanish bread ay pinainom ko na ng tubig si dagat at naglakad uli kami, sa dulo pala ay pure gold. sa kaliwa ay... isa na namang playground! ang laki laki nito. lumapit ako't nagtanong. aba, 60 pesos lang din ang 30 mins. pero kailangan daw ay may bantay si dagat kasi below 6 yrs old ito, kaya napilitan akong bumili ng medyas na bente.

mas nag-enjoy siyempre si dagat dito. nag-slide siya sa mataas na slide, nag-swimming sa mga plastic ball, umakyat sa mga foam na hagdan, tumawid sa beam na nasa gitna ng mga tali, umakyat-baba sa tube na gawa sa lubid, naghagis ng mga dice na gawa sa malaking foam, nagpagulong ng mabigat na barrel, nanggulo ng mga foam sa shelves, nag-swing, sumakay sa merry go round.

ako, napagod, siyempre.

pero ok lang. dalawa lang kaming magkasama nang maghapon, at ang mga pinuntahan namin that day ay walang masyadong tao.picture lang din ako nang picture. at naoobserbahan ko ang anak ko.

1. mahilig siya sa physically challenging na parts ng playground. natuwa siya nang malaman na mabigat ang barrel. binabalik balikan niya ang tube na gawa sa lubid. naalala ko sa ironman race niya, hindi siya natakot sa final at isa sa pinakamahirap na parte ng race, ang pyramid na gawa sa lubid. inakyat niya ito nang walang tulong, nakababa din siya nang mag- isa. ang tapang.

2. minsan, di pa rin niya kayang magsabi ng gusto o ayaw. hihiyaw lang siya sabay tulak kapag may nais paalisin na bata. que horror nang gawin niya ito sa dalagitang nakasakay sa merry go round. napa-sorry tuloy ako.

3. gustong-gusto niya nang may ginugulo o pinababagsak. may isang bahay bahayan na puwedeng lagyan ng bata ng bricks na gawa sa foam. makakabuo ng pader ang bricks na ito. tyinaga kong buuin ang pader habang si dagat ang tagaabot ko ng bricks. right after kong matapos ang pader, sinalya ito ni dagat at tumawa siya. natuwa siyang nasira ang pader. pagkatapos niyon, umakyat si dagat sa bahay bahayan. dumapa siya sa bubong, na eye level ko lang. doon na kami sinita ng mga ate na bantay. binuhat ko si dagat at muling ibinalik sa parang maze na structure ng playground.

nagpa extend ako ng 30 mins pa. akala ko ay gusto pa ni dagat na maglaro doon. pero pagkaraan na palitan ko siya ng diaper at shorts (tumagos ang wiwi sa shorts niya), nagyaya nang lumabas si dagat. mag-isa itong nagpunta sa exit at hinanap ang sapatos niya. pinigilan siya ng mga ate na tuluyang makalabas. nasa loob pa kasi ako, binubuhat ang sariling bag at bag ni dagat.

after that ay pumasok kami sa dry goods section ng palengke ng imus. naghahanap ako ng pagawaan ng sapatos para sa aking sandals. actually, naturingan na iyon sa palengke ng binakayan. 200 pesos daw dahil bukod sa tatahiin ay papalitan na ang suwelas. namahalan ako dahil kung bibili ng bago ay baka 100 lang ang sandals kong iyon, hahaha. so nag imus ako sa pag-asang baka mas mura ang repair dito. kaso wala naman kaming makitang shoe repair shop. ang nakita ni dagat ay isang ternong sando at short na lightning mcqueen ang disenyo.

aru,kahit anong distraction na gawin ko kay dagat ay ayaw nang umalis nito sa tapat ng terno. marami pang bagong damit sina dagat, mga regalo noong pasko, kaya ayaw ko sanang bilhan pa siya ng bago na namang damit. nag-ingit na at nag-inarte si dagat lalo na nang lumapit ang babaeng muslim na nagtitinda niyon. agad kong pinababa ang terno,at nang mahawakan ito ni dagat ay di na ito binitawan.

180 ang turing.tawad ako ng 150. sabi ng babae, hanggang 170 lang. sabi ko, 160 po. 170, ang giit ng babae. titig na titig si dagat sa drowing na lightning mcqueen.so, babae wins.

pagkabayad ay ipinasuot ko na ang terno kay dagat. ang saya ng anak ko. akala mo ay ngayon lang nagkaroon ng bagong damit. naglakad kami palabas ng palengke, papunta sa lotus mall. sabi ko, tiyak, may lbc dito.

nagtanong agad ako sa guard ng entrada ng mall. oo daw, meron, sa may pagkaliwa lang namin. ayun nakita ko agad ang lbc, nasa kaliwa nga. at ano ang nasa kanan?

arcade at kiddie rides!

sumakay agad si dagat sa merry go round na tren ang disenyo. hinila ko siya palayo para makabili muna kami ng mga token sa vending machine. inabot ko sa kanya ang bente at siya ang nagpasok nito sa vending machine. siya rin ang kumubra sa inilaglag na tokens ng machine.

ang sinakyan niya ay ang tren- tren, isang kotseng dilaw at isang pabilog na sasakyan na paikot-ikot at umaalog. isa pang bente ang nagastos namin doon at naglaro kami ng mga claw games. wala kaming nakuha kahit man lang payat na kendi o tsokolate. scammer talaga ang mga game na iyan, peste.

all the while, pasulyap-sulyap ako sa lbc. napakaraming tao sa loob nito. at nang maubos na ang tokens namin, pumasok na kami sa lbc. sabi ko sa teller na babae, puwede ba kaming magbayad ng meralco dito? opo, sagot nito. ang tuwa ko. napahawak agad ako sa zipper ng bag ko para buksan ito at kunin ang bill at pambayad. pero quarter to 6 na po, cut off na kami, sundot ng teller.

ek. mission abort, abort mission. labas kami ni dagat at naglakad uli paloob ng mall. mas diverse ang mga paninda rito kaysa sa naunang mall, dito ay may damit, furniture,school suplies (may pandayan bookstore!), sapatos. may salon din. nagtanong ako sa guard kung may groserya doon. oo raw, waltermart. ayun, sigurado akong may business center ito na parang sm supermarket, tatanggap ng pagbabayad ng bills. pagbaba namin sa basement, ayun, may bayad center nga sa tapat ng entrada ng waltermart. anak ng tipaklong, ang haba naman ng pila. siguro, 15 ang nakapila.

sigurado akong maiinip si dagat, masasayang lang ang pagpila namin. hihilahin ako niyon kung saan-saan. kaya nag-decide akong huwag na doon magbayad. pero sa exit ng mall sa bandang iyon, may nakita akong mr quickie!

agad kaming nagpunta doon ni dagat. inilabas ko ang bag strap ko at tinanggap naman ito agad. ambilis ng staff at trabahador! napalitan ang isang buckle ng bag strap ko at natahi ito in less than 10 mins. 100 pesos. i like it!

inilabas ko na ang sandals ko at ipinakita sa kanila. ang turing? 230 pesos. mas mahal kaysa sa turing sa binakayan. so sa isip isip ko, sa binakayan ko na talaga iyon ipapagawa. suki ko naman ang sapatero doon. at hindi ito kumpanya, gaya ng mr quickie. naisip ko rin na ipapagawa ko pa rin iyon kahit mas mahal dahil ayokong basta na lang itong itapon. dadagdag lang ito sa basura ng mundo. might as well repair it, then use it.

bumalik kami sa loob ng mall at umakyat sa lbc at arcade at um-exit sa lugar kung saan kami pumasok. pag -exit namin ay may nakita akong fountain sa tapat na kalsada, sa likod nito ay signage na terminus plaza ang sabi. tumawid kami at nagpicture picture. sa gilid nito ay... cebuana lhuillier! na kakaunti ang tao. na-excite ako! makakabayad na kami ng meralco.

pagpasok namin ay binigyan agad ako ng number ng guard. 13. umupo kami ni dagat habang inaasikaso ng isang teller ang naunang customer sa akin. hinanda ko ang pera ko at bill.

ang pakshet. short ako ng around 60 pesos. kakaloka. sabi ng teller, 13, 13. sabi ko, teka po. binilang ko na lahat ng barya ko, wala. di talaga aabot. at aabot man ay paano naman kami uuwi? alangan namang mag 1,2,3 kami ni dagat ? looord. nakakahiya. tinitingnan na kami ni kuyang guard. paulit ulit ako ng bilang sa mga barya ko. putcha baka kinaaawaan na kami. hagardo verzosa na ako, maputim na ang bagong terno ni dagat.

suko na.

tumayo ako at nagsabi,kuya di na po kami makakabayad. nagkulang na ang pera ko. isinoli ko ang 13 sa guard, na nakatingin lang sa akin. mukha namang wala siyang judgment sa akin. sabagay, sanglaan iyon. malamang na sanay na siyang makakita ng napapahiyang mukha, mukha ng nagkukulang sa pera, mukha ng gipit, mukha ng napa-overspend!

paglabas namin ng cebuana ay naglakad na kami papunta sa aguinaldo highway. pero naisip kong bumili ng pasalubong. tutal naman, hindi na ako makakapagbayad ng meralco nang araw na iyon! might as well spend some money. bibili kami ng something para kina papa p at sa pamilya nito na naroon sa cavite that weekend, dahil nagpunta ng sementeryo para sa pagdiriwang ng birthday ng kanilang haligi ng tahanan.

pumasok kami sa tindahan na simply chef, walang tao doon kundi isang babaeng cashier na naka-mask at nakasumbrerong pang-chef. bumili ako sa kanya ng dalawang tasty (buy 1 take 1 kasi) at isang naka plastic na tinapay na nabubudburan ng keso at ube bits. 200 something. tapos naglakad na kami ni dagat papunta sa sakayan ng dyip. para makauwi na. pagsakay namin ng dyip ay saka ako nagpm kay papa p. nag aalala pala ito, halos awayin na ako. akala kasi niya ay natuloy kami ni dagat sa binakayan. bakit daw antagal namin doon. takot na takot pala si papa p, at baka magka-corona kami sa binakayan. andami kasing chinese sa island cove, na napakalapit sa binakayan. oo nga naman. namamalengke rin ang mga virus.

o, ayun lang. what a day, ano? nakakapagod. pero sulit naman. sana laging ganito ang mga day off ko.

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...