Saturday, December 23, 2017

werk ngayong holidaze

wala pa ang kapaskuhan sa katawan ko. bakit? me mga tinanggap akong trabaho na ang deadline ay kung hindi ngayong dec 31, 2017 ay sa January 3, 2018.

yas, kakayod ako ngayon hanggang 11:59 ng dec 24, tapos magse celebrate lang kami ng christmas tapos balik uli work around 12:01 ng dec 25.

hindi ko alam ba't ginagawa ko to sa sarili ko. definitely hindi ito tungkol sa pera. hindi kalakihan ang kita. pero kasi, ang mga trabahong ito ay ibinigay sa akin. as in, bigay. pano ka tatanggi di ba? bigay na ng langit, tatanggi ka pa? ibig sabihin, may role ang mga trabahong ito sa buhay ko.

1. proofreading ng isang massive publication
2. translation ng isang komiks from sweden
3. translation ng isang nobela from singapore

pang-international na ang beauty ko! taray!

sana makayanan kong matapos ang mga ito. nasabi ko bang nilayasan kami ng mga kasambahay? haha good luck na lang kung payagan akong magtrabaho ng mga anak ko.

o, siya, dito na muna. sana ay maging masaya ang inyong kapaskuhan at lalong-lalo na ang inyong 2018. mabuhay tayo! yes, tayo, tayong mga karaniwang mamamayan na di tumitigil sa pagkayod hindi lang para sa tiyan kundi para sa sari-sariling kaluluwa.


ideas ideas ideas

maligayang pasko!

alam ko, kasagsagan ng holidaze ngayon. at dapat ay pampasko rin ang isinusulat ko. pero hindi, e. sori. andaming pumapasok na idea sa utak ko para sa aking work!

1. naiisip kong ituloy na ang children's book corner! walang space ang ccp library for a children's corner, kaya inialok ko kay mam alice esteves, ang head ng ccp library, ang munti naming publication room. ito ay ang small room sa silangan hall, pasay side. although, medyo maliit ito at enclosed, para siyang square na kahon ng sapatos sa liit, maituturing pa rin siyang libreng space na puwedeng galawan ng mga bata. saan naman ako ngayon maghahanap ng mga gamit na ilalagay sa loob? ewan ko pa. papayag ba si papa p na dalhin ang ilang gamit ng mga anak namin doon, like toys, lalagyan ng books? i am not so sure. mag-solicit kaya ako? im sure maraming gustong tumulong, kaso di naman yata ako allowed na gawin ito nang walang permiso ng higher ups. nae-excite na ako. gusto ko me isang cozy na upuan para sa parent and child. gusto ko me maliliit na upuan for kids. at saka isang banig where kids can crawl or lie down. weee! gusto ko rin merong mga unan ang banig. gusto ko rin ng mga hat na puwedeng isuot ng kids while they are there. gusto ko rin maraming stuffed toys doon. no small toys kasi baka maubos hahaha baka iuwi ng kids. i'm so happy! sana patulan ito ng higher ups.

2. naiisip kong gawing indi reads library ang aming bagong space sa silangan hall, pasay side. magkakaroon na kami roon ng munting office, ibinigay na sa amin iyon last dec 14 ng space committee headed by sir rdr and mam tess. hinihintay na lang namin ang modular partitions with table top. sa wakas, magkakaroon na ng additional space ang ID para sa mga hiree at intern. anyway, kanina, nakabasa ako ng article tungkol sa mga children's book na tungkol sa visual arts. isa sa books na tinalakay ay tungkol sa isang lalaki na pinta lang nang pinta sa malalaking space. wala siyang pakialam, basta pinta lang siya nang pinta. gusto niya naise share niya sa publiko ang kanyang art. biglang may tumibok na ilaw sa utak ko. puwede kong i-open sa publiko ang koleksiyon naming mag-asawa ng mga indie publication! marami rami na rin ito dahil unang taon pa lang ng bltx ay bumili na kami! at taon-taon naming dinadayo ito, dati sa ilyongs, tas sa lopez museum, tas sa uno morato, tas ngayon, sa maginhawa. gusto ko na ring magdala ng mga gamit sa bahay na puwede naming ipang-decorate sa aming bagong space at siyempre sa lugar na gagawin naming indi reads library. gusto kong magdala ng book stands, book ends, mga palamuti at iba pa. gusto ko ring manghiram ng sofa sa alert, nandoon lang naman iyon sa bodega, inaalikabok! yay, ang saya. magiging cozy ang space na iyon, dadayuhin kami ng mga estudyante, at ng book lovers! ang saya!

3. excited na ako sa saranggola blog magazine. it will really compel me to write about creative writing. i am thinking of turning it into a magazine about the book industry in the Philippines. parang book watch ganon. pero mas light, mas madaling basahin. i have a list of topics already. ito yung list of topics that i submitted to nbdb when i applied as editor of book watch in 2014. eto, i-update ko lang ang iba rito, oks na:

1. Poetry reading projects at literary scene sa Naga, Bicol;
2. Pagtulong ng book industry sa rehabilitasyon ng mga bayang
nasalanta ng bagyong Yolanda;
3. Copyright corner;
4. PUP Creative Writing Center na pinangungunahan ngayon ng batikang
manunulat at propesor na si Jun Cruz Reyes;
5. Mga bagong palihan para sa kabataang manunulat tulad ng Palihang
Rogelio Sicat, writers workshop ng UP Departamento ng Filipino at
Panitikan ng Pilipinas, at Gipawan, isang island wide na workshop para
sa kabataan ng Lalawigan ng Quezon, at ang KABANATA ng PBBY;
6. Mga bagong aklat na isinulat ng mga scientist at NGO (mula sa iba’t
ibang larangan);
7. Kung bakit patok ang mga aklat tungkol sa financial wellness at management;
8. Mga bagong akademikong journal tulad ng Hasaan ng Unibersidad ng Sto. Tomas;
9. Mga bagong aklat ng salin o hinggil sa pagsasalin;
10. Mga bagong publikasyon ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno tulad
ng KWF, NCCA, CCP at IPOPHL;
11. Mga akda sa Wattpad at ang mga awtor nito;
12. Independent Publishing sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas;
13. Dagdag Dunong Reading Center sa San Andres, Maynila;
14. Tatlong lunan para sa mga book lover sa Baguio; at,
15. Mga aklat tungkol sa journalism lalo na ang tungkol sa
investigative journalism (ito ay para sa napapanahong pagtalakay sa
mga isyung kaugnay ng Napoles scam at katiwalian).

sabi nga pala ni blue, baka mas maaga ang sba 2018 para may panahon pang ma-include ang winning entries sa collection of winning works ng sba year 1-year 10. hmm hindi ako sure kung kakayanin pa rin namin na mailabas ang sba book sa 2018. kasi napakatagal ng preparation para sa isang publication. since wala pa kaming masyadong napag-uusapan tungkol dito, wala pang nagagawa na kahit isang hakbang para sa ilalathalang libro. hmmm... sige, basta tingnan natin!

4. bltx or zine fest sa tiaong, quezon. kinausap ko na si jord dito, ok daw sa kanya. kinausap ko na rin si ina, go daw sa bahay nila sa tiaong. engrande ang bahay nina ina doon, nakita ko sa pic. nice! pag-uusapan pa ang details. sa summer ang target date. one day affair. all over quezon ang mga magbebenta ng akda.

5. bltx or zine fest sa cavite. kinausap ko na si karl dito, ok daw sa kanya. nag-post na siya tungkol dito. ang suggestion ko ay sa kawit shrine ganapin, para may historical field trip ang mga dadayo, for free! at kakilala ni poy si angelo aguinaldo, baka ilibre ang space!

6. bltx or zine fest sa tarlac. kinausap ko si bayani dito, interesado siya. sabi ko, involve niya ang samanta. samahan ng mga manunulat sa tarlac. may napagsabihan na raw siya at ok naman daw.

7. bltx or zine fest sa butuan. kinausap ko si kurthny dito, interesado siya. sabi ko kontakin ko siya uli pag nakausap ko na si adam

so far, sabi ni adam, need lang niyang makausap ang mga point person kahit through fb group chat. since di ako marunong gumawa ng group chat, am waiting for jord to do it. siya na bubuo nito.

mukhang magiging mabunga ang 2018 natin, ano? patak-patak pa lang ang ideas sa lagay na iyan, ha? go go go!

Thursday, December 14, 2017

Ang Regalo (Isang Dulang Pangradyo ni Beverly Siy)

This is the 2nd draft. I revised the first draft after the reading during the production meeting.

Ang Regalo

Scriptwriter: Beverly Siy

8321125 Local 1706, 0919-3175708, ccpintertextualdivision@gmail.com, 5515959

SFX: MTRCB sound bite- piano

RECORDED: Rated SPG. Estriktong patnubay at gabay ng magulang ang kailangan. Para sa kaalaman ng lahat, walang hayop na nasaktan sa produksiyon na ito. Wala ring bata na inabuso o pinahirapan. Lahat ng tauhan ay kathang-isip at kung may pagkakahawig man sa mga tao sa tunay na buhay, ito ay hindi sinasadya. Ang pikon, talo. Lahat ng gaganap sa produksiyong ito ay sumalang sa matinding physical, psychological at, higit sa lahat, musical analysis to prevent damage to property and to the rest of humanity.

VOICE OVER: Inihahandog ng Team Buang, officially known as the Belen Team, ang dramang pangradyo na pinamagatang Ang Regalo.

V.O.: Isang araw, sa bahay ni Melchor.

SFX: Cellphone ringing

MELCHOR: Hello?

GASPAR (over phone): Melchor, nagpakita na! Nagpakita na ang bituin! Yehey! Tara na! matatagpuan na natin ang sanggol na si Hesus! Pero mukhang malayo at mahabang paglalakbay ito, Melchor.

MELCHOR: Ganern? Anong tantiya mo? Mga ilang araw?

GASPAR: Siguro, mga pitong araw. Lalo na ngayon, December. Grabe ang traffic. Lahat ng kalsada na katapat ng SM, barado. Christmas sale, e.

MELCHOR: Sige, agahan na lang natin ang biyahe. Si Baltazar, nakontak mo na? Hindi sumasagot sa mga tawag ko. Nag-leave din siya sa group chat natin.

GASPAR: Baka me sariling plano. Di bale, kahit dalawa lang tayo, gorabells tayo. Importanteng matagpuan natin ang sanggol na si Jesus para mabigyan natin siya ng babala tungkol sa plano ni Herodes na ipapatay siya. O,
siya, daanan kita diyan sa inyo in 10 minutes. Bye!

(ENTER DORA THE EXPLORER THEME SONG). WE MAY USE THIS: https://www.youtube.com/watch?v=rGyLz5219Lg)

MELCHOR: Uy, road trip! Dora the Explorer ang peg. Ano ba ang mga dapat kong iempake? Tubig!

SFX: Tubig na lumalagaslas

MELCHOR: Alak!

SFX: binubuksan na bote ng champagne

MELCHOR: Chichirya!

SFX: chicharon o chichiryang binubuksan

MELCHOR: For emergency cases, swiss knife!

SFX: ina-unleash na samurai

MELCHOR: Kikay kit! Toothbrush!

SFX: Toothpaste, toothbrush!

MELCHOR: Pabango!

SFX: Spray 3x

MELCHOR: For emergency cases, Diatabs!

SFX: flush ng inidoro

MELCHOR: At siyempre, para hindi boring ang biyahe, kailangan ang petmalu na soundtrack!

SFX: lumang plaka na isinasalang at pinapatugtog ang unang gap.

(ENTER CHRISTMAS IN OUR HEARTS SONG.)

(AFTER SONG, HIHINA ANG TUGTOG OR HIHINTO ANG MUSIC.)

SFX: busina ng kotse

MELCHOR: Aba, ayan na si Pareng Gaspar!

SFX: pagpihit ng door knob, pagbukas ng pinto ng bahay

MELCHOR at GASPAR (sabay): Melchor! Gaspar!

GASPAR: O, ready ka na? Naghihintay ang Uber!

MELCHOR: Yes!

SFX: Zipper ng maleta, pagbukas at pagsara ng pinto ng kotse

MANONG UBER: Magandang hapon po, Haring Melchor, Haring Gaspar. Ako po si Manong Uber at your service.

MELCHOR at GASPAR: Hi, Manong Uber. Taralets!

SFX: arangkada ng sasakyan

GASPAR: Melchor, naipasok mo ba sa maleta ang regalo mo para kay Baby Jesus?

MELCHOR: Ha? Anong regalo? Wala akong regalo! Ano ba ang regalo mo, Gaspar?

GASPAR: Heto, ginto.

MELCHOR: Wow, lodi! Ang yaman. E di ikaw na.

SFX: Biglang umiingay. Palengke noise. Under.

GASPAR: Teka, teka, nasaan na ba tayo? Bakit dito tayo dumaan, Manong Uber? Trapik po sa Divisoria!

MANONG UBER: Binulungan po ako ni Haring Melchor, change course daw po tayo. May bibilhin lang siya rito.

GASPAR: (galit na galit) Ang cheap mo, Melchor, dito ka sa Divisoria bibili ng regalo para kay Hesus?

SFX: matinding pagpreno/screech ng kotse, pagbukas ng pinto ng kotse.

MELCHOR: Ops, ‘wag ka na magalit. Tutal ito naman ang ultimate shopping destination!

MANONG UBER: E, Haring Melchor at Haring Gaspar, sasama na ako sa pagsa-shopping ninyo!

SFX: pagsara ng kotse. Louder noise from Divisoria ambience.

MELCHOR: At saka, medyo tight kasi ang budget natin, wala pa ‘yong bonus ko, e. Tara na.

GASPAR: Anong wala pa? Pumasok na sa ATM natin two weeks ago!

MELCHOR: O siya, siya, oo na! Pero dito na ako bibili ng panregalo, tutal nandito na tayo. At saka marami ding mahal dito. Hindi lahat ng nilalako dito ay mura.

TINDERA: Bili na po kayo, Mam, Sir. Sofa bed, bente mil lang.

MELCHOR: O, ayan! Sofa bed. Bente mil. Mura ba ‘yan? Mura?!

GASPAR: O siya, siya na! Bilisan na natin. Ito ang magandang ipanregalo: kamanyang at mira. Pero wala niyan dito sa Divisoria!

TINDERO: Bili na, suki. Anong hanap ninyo? Meron kami niyan dito sa bangketa.

MANONG UBER: Para sa bata po, kuyang tindero.

TINDERO: Ito, rattle!

SFX: rattle

TINDERO: Hello Kitty ang design niyan.

GASPAR: Pang-baby boy po.

TINDERA: Ito, dito sa akin, suki! Kotse-kotsehan!

SFX: humaharurot na kotse, busina at wangwang

TINDERA: Libre na busina at saka wangwang. At meron ding…

PLAYBACK/VOICE OF A FOREIGNER: Kuh-mah-ley-wah sah Pedrow Byu-kah-neyg Street, Pah-say Sih-tih!

TINDERA: Waze! High-tech, ano? Bili na. Wan pipti na lang sa inyo.

MELCHOR: E, bagong panganak po, baby boy. Hindi pa puwedeng maghawak ng kung ano-anong laruan.

TINDERA: A…baby, na bagong panganak, na boy? Si Baby Jesus ba iyang reregaluhan ninyo? Meron kaming … kamanyang at mira! Heto! Ipa-plastic ko na.

SFX: plastic na binubuksan

TINDERA: Two twenty lang lahat. Gusto n’yo ipa-giftwrap natin?

MELCHOR: A… hindi na po. Nagmamadali kami, ate.

GASPAR: Halika na, Manong Uber.

MANONG UBER: Ehe, bago tayo bumiyahe, itanong na natin sa aling tindera, para saan po ba iyang kamanyang at mira?

TINDERA: Kamanyang at mira? In English, frankincense and myrrh?

MANONG UBER: Opo. Iyan nga. Pero okey lang po kung di ninyo alam. I-Google ko na lang.

TINDERA (magiging super sosyal ang twang): Of course, I do know. This is called product knowledge and here in Divisoria, that is our expertise. Well, well, well, lemme see. Since the early days of Christianity, Biblical
scholars and theologians have offered varying interpretations of the meaning and significance of gold, frankincense and myrrh presented to Jesus. These were standard gifts to honor a king or deity in the ancient world:
gold as a precious metal, frankincense as perfume or incense, and myrrh as anointing oil. Frankincense, which was often burned, symbolized prayer rising to the heavens like smoke. Gets mo?

MANONG UBER: Wow, nosebleed. Pero sige bibili na rin po ako.

TINDERA: Okey, two twenty.

SFX: plastic na binubuksan

MANONG UBER: Pero wala pa kasi akong Christmas bonus. Puwede ba akong mangutang muna sa inyo, Haring Melchor at Haring Gaspar?

MELCHOR at GASPAR: Sure!

MELCHOR: Ang isang purpose ng bonus ay ang pagbabahagi sa nangangailangan!

(ENTER CHRISTMAS BONUS SONG BY NOENY)

SFX: tumatakbong kotse

V.O.: Samantala, sa ikapitong araw ng road trip nina Melchor at Gaspar…

MANONG UBER: Ayan na, mukhang malapit na tayo, guys! Ang laki-laki ng bituin na nasa tapat ng kanto na iyon! Di ba iyon ang star na sinusundan natin?

MELCHOR AT GASPAR: Sa wakas, nandito na tayo!

SFX: preno, car door opens and closes, footsteps, katok,

MELCHOR AT GASPAR: Tao po! Tao po!

SFX: door opens

MELCHOR AT GASPAR: Baltazar!

SFX: trumpet, happy sound.

BALTAZAR: Uy, mga beshie, sorry, nauna na ako rito. Hindi na ako sumabay sa inyo.

GASPAR: Ayaw mong humati sa bayad para kay Manong Uber, ano? Ang mahal nga, e. Inabot kami ng Four… forty eight thousand pesos.

BALTAZAR: Huy, hindi naman sa ganon, Gaspar. Okey lang makihati ako sa Uber! Alam ko namang madadagdagan pa ang bonus natin, di ba?

MELCHOR, GASPAR AT BALTAZAR: Apir!

BALTAZAR: Pero seryoso? Forty eight thousand pesos ang inabot ng Uber n’yo? Paano ang justification niyan? Patay kayo sa accounting! Hala!

MELCHOR: Natural, pitong araw tayong paikot-ikot sa kakasunod sa star na iyan! Meron namang resibo si Manong Uber. Tama ba, Manong?

MANONG UBER: Meron po. Kung kailangan i-justify sa accounting po ninyo, handa po akong humarap sa department manager. (bubulong) Single pa ba siya? Single pa kasi ako, mga koya.

GASPAR: Sige, sige, samahan mo kami ha, pagbalik natin. Anyway, kumusta ang biyahe mo, Baltazar? Ambilis mo, ha?

BALTAZAR: Okey naman ang biyahe ko. Kasi pagkabili ko ng regalo para kay Baby Jesus, sa ASEAN lane na ako dumaan. May nakasabay pa nga ako na beauty queen!

GASPAR: E, di ikaw nah! Teka, hindi mo ba kami papapasukin? Gusto na naming makita si Baby Jesus at ang pamilya niya.

BALTAZAR: Ay, pasok! Pasok!

SFX: door opens, farm animal sounds, heavenly music na very very soft-something like this: https://www.youtube.com/watch?v=xTyp6oPQR6Q (xylophone or harp)

MELCHOR, GASPAR AT BALTAZAR: (super happy): Halleluya! (3x) Pagpalain ang sanggol na si Hesus!

SFX: atungal ng baby, super lakas, super annoyed

MAMA MARY (very mahinhin): Kayo ba sina Melchor at Gaspar?

KINGS 1 at 2: Kami nga po.

MAMA MARY: Ang ingay n’yo! Nagising tuloy ang baby ko!

GASPAR: Naku, sori po. Sori! Nice to meet you, Mam. Ay, Mama Mary pala. Narito po kami upang ialay ang mga ito.

KINGs 1 at 2: Ginto, kamanyang at mira.

MAMA MARY: Ay, grabe, salamat, nag-abala pa kayo! Sobrang thank you! Sandali at ipapakilala ko si Jose, kasama namin siya ni Hesus. Mainam nang makilala n’yo rin siya. Karangalan ng aming pamilya ang mahandugan ng ginto,
kamanyang at mira para sa aming sanggol.

SFX: pagpindot sa cellphone, cellphone rings, phone call is picked up

SFX from cellphone ni Jose: pagpukpok ng martilyo, pagwe-welding, pagdi-drill at pag-chainsaw

JOSE: Yes, Maria, bakit ka tumatawag?

MAMA MARY: Jose, may bisita tayo. Ano ba’ng ginagawa mo riyan? Gabing-gabi, nagkakarpintero ka?

JOSE: Gumagawa ako ng higanteng Christmas tree. May nakita kasi ako sa internet, ang ganda! Habi ng Pagkakaisa ang tawag sa design.

MAMA MARY: (masayang-masaya) Ay, na-Google ko rin iyan kanina! Maganda nga. Iyong pupunta ka sa ilalim para ma-appreciate mo iyong design tapos inspired by different ethnic groups dito sa Pinas ang bawat bahagi ng
Christmas tree!

JOSE: Tumpak!

MAMA MARY: (masungit, seryoso) Mam’ya na iyan. Pumarito ka muna kung ayaw mong malagot ka sa akin!

SFX: phone call ends

MAMA MARY: Pasensiya na kayo, Melchor, Gaspar, Baltazar. Artistic talaga iyang asawa ko. Me talent sa production design. Pag kailangan ninyo ng gagawa sa mga kaharian ninyo, sabihan n’yo ako, ha? Ihahatid ko siya sa inyo.

BALTAZAR: Okey po! (pabulong kina Melchor at Gaspar ) pero kailangan mag-Philgeps pa rin siya, tama ba ako, Melchor at Gaspar?

SFX: footsteps

MAMA MARY: Heto na siya, si Jose. Dyowa ko.

JOSE: Magandang gabi sa inyong lahat.

MELCHOR: Magandang gabi po, Mang Jose.

GASPAR: Congratulations po sa pagkakasilang sa inyong sanggol.

JOSE: Ay, salamat! Salamat nang marami.

GASPAR: Naroon po ang handog namin sa inyong sanggol. From Divisoria po iyan!

MELCHOR: (tatawa!)A… ang ibig po niyang sabihin ay bibili po sana kami ng gift wrapper niyan sa Divisoria! Kaso po trapik.

JOSE: Okey lang. Huwag mahiya. A shopping trip in Divisoria is part of Pinoy Christmas tradition. Muli, maraming salamat sa inyong tatlo. Naglakbay pa talaga kayo para lang makapaghandog kay Hesus. Ano-ano nga ba ang mga iyan?

MAMA MARY: Heto, o.

SFX: plastic na binubuksan

MELCHOR: Ginto.

JOSE: Wow.

GASPAR: Kamanyang.

JOSE: Wow.

BALTAZAR: At mira.

JOSE: Wow. Salamat sa inyong tatlong hari.

MAMA MARY: May isa pang napakagandang regalo. Ang regalo ni Baltasar.

MELCHOR, GASPAR AT JOSE: Ano iyon?

SFX: drum roll to heighten excitement

MELCHOR at GASPAR: CCP Calendar of events! Mga tiket sa CCP shows!

JOSE: At mga festival pass! Meron ding baller ID sa Pasinaya!

MAMA MARY: Bongga, di ba? Bilang isang ina, importante sa akin na mamulat sa sining ang aking anak, kahit bulilit pa siya. Gusto kong makakita siya ng sari-saring art exhibit at dance concerts, makapakinig sa sari-saring
literary performances at musical concerts, at makapanood ng sari-saring stage plays at sine! Gusto ko, ngayong maliit pa lang siya ay makita niya ang husay ng mga alagad ng sining mula sa Pilipinas. Gusto ko, bilang isang
ina, maging proud siya sa sining at kultura ng ating bayan!

BALTAZAR: Masaya ako na nagustuhan ninyo ang regalo namin. Pero habang nagmumuni-muni ako kung ano pa ang mainam na regalo, isa lang ang pumasok sa aking isip.

ALL: Ano iyon?

MUSIC CUE: ENTER CCP HYMN

V.O.: At dito po nagtatapos ang pagtatanghal ng Team Buang. Ang nagsipagganap ay sina:

INSERT NAMES OF PARTICIPANTS AND THEIR ROLES

Mula po sa Office of the President, Production and Exhibition Department, Financial Services Department and Cultural Content Department, maligaya at masining na Pasko sa ating lahat.

WAKAS

Saranggola Blog Awards, Lilipad Muli

Imbitado ang lahat ng blogger, manunulat, at may hilig sa panitikang Filipino sa gaganaping Saranggola Blog Awards (SBA) sa 17 Disyembre 2017, 2:00nh-6:00ng sa Lumiere Residences Sky Lounge, Pasig Blvd. corner Shaw Blvd., Pasig City.

Sa tulong ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP) na siyang bumuo ng lupon ng mga hurado, gagawaran ang mga nagwaging akda sa iba't ibang genre. May anim na kategorya ang SBA 2017 na may kani-kaniyang tema: Tula (“Karatula”); Maikling Kuwento (“Eskinita”); Sanaysay (“Sachet”); Akdang Pambata (“Idol”); at Blog Entry (“Fake News”). Ilan sa mga hurado sina Efren Abueg, Marra Lanot, Joel Pablo Salud, at Katrina Stuart Santiago. Sa kabuuan ay 112 na bagong akda ang nalikom ng timpalak na mababása ngayon sa loob at labas ng bansa sa websayt na www.sba.ph.

Mula noong 2008, taunang ginaganap ang Saranggola Blog Awards na may layuning kilalanin at parangalan ang mga bagong akdang Filipino na katha ng mga karaniwang Filipino—mga estudyante, guro, empleado, manlalakbay, OFW—na ipinalalaganap sa pamamagitan ng Internet. Sa ganitong paraan, hinihikayat ng SBA ang mga Filipino na sumulat at maglathala ng kanilang malikhaing akda gamit ang sariling wika sa malawak na mundo ng Internet.

Ang Saranggola Awards ay sinimulan ni Bernard Umali na nagtapos sa Philippine Normal University at kasalukuyang nasa larang ng real estate. Nagpapatuloy ang timpalak taon-taon sa tulong ng mga isponsor at katuwang na ahensiya tulad ng CCP sa pamamagitan ng dibisyong panliteratura at pampublikasyon nito na Intertextual Division.

Libre at bukás sa publiko ang nasabing event. Para sa pagpapatala sa pagdalo, mag-text sa +63917 893 2583 o mag-email sa bernardumali@gmail.com.

Thursday, December 7, 2017

Ang Spotter

i have this very, very unusual skill. napakabilis kong maka-spot ng pera sa kalsada.

kaninang 7am, habang naglalakad ako mula sa bukana ng perpetual village, habay hanggang sa 711 na nasa kanto ng aguinaldo hi-way (outer part ng mariche motel), nakapulot ako ng anim na barya. sa magkakahiwalay na pagkakataon. grabe, anim. memorable sa akin ito dahil ito ang highest number of pulot sa tanang buhay ko. ang barya ay from 5 cents to 25 cents. ang saya-saya ko, so naikuwento ko ito sa office. sabi nina marj, sabay po kami sa inyo pauwi! baka makapulot kami ng 500! sabog ang tawanan namin. dahil a few months ago, sa isang spoken word event ng division namin sa intramuros, nakapulot ako ng barya, mga limang barya, sa iisang araw. ang suwerte di ba? at ang pinakahuli kong napulot sa pagtatapos ng araw na iyon ay P500 na buo. as in.

so, anyway, okey na ako sa anim na barya.

pero ansabe ng tadhana? wait, there’s more.

noong naglakad na ako pauwi kanina, around 11:50 ng gabi, same stretch, same street, same day, nakapulot naman ako ng limang barya! sa tatlong magkakaibang lokasyon. omg. a total of 11 coins in one single day.

ako na. ako na ang reyna ng barya.

ikukuwento ko na rin ang iba ko pang memorable pulot-pera moments:

1. isang valentine’s day noong magboypren pa lang kami ni poy, nagkasundo kaming gawin ang isang 500-peso challenge valentine’s date. challenge kuno pero ang totoo, wala kaming kapera-pera nang february 14 na iyan. nag-umpisa ang araw namin sa pag-attend sa isang event ng buddhist temple sa san juan, nagme-meditation class kasi kami doon noon. free! pagkatapos ng event, nagtig-isang slurpee kami para hindi mauhaw sa paglalakad papuntang greenhills shopping center. pagdating doon ay kumain kami sa KFC, iyong pinaka-cheap nilang meal. nakalimutan ko na ang iba pa naming pinagkagastusan that day. basta ang ending, nagpasya kaming maglakad mula sa mall na iyon hanggang edsa para sumakay ng MRT sa Ortigas Station dahil pang-isang sakay na lang ng dyip ang natira sa aming P500. may MRT card naman kaming dalawa, so bababa lang kami sa GMA Kamuning MRT Station at makakapagdyip pa kami hanggang sa bahay. paglabas namin ng mall, naglakad kami sa bangketa sa may connecticut street para makarating ng ortigas. anong bumungad sa amin sa bangketa? isang tower ng piso. twenty-nine lahat! sinurvey namin ang paligid at baka sa street children iyon o kaya sa mga sidewalk vendor, pero kami lang ang nasa vicinity. ang pinakamalapit na tao ay isang traffic enforcer na nakatayo sa kanto ng ortigas. kaya kinuha na lang namin ang mga barya, ipinamasahe namin ang sixteen pesos papuntang edsa, at itinago namin ang natira. ang coins na iyon ang ginawa naming aras sa aming kasal.

2. noong malapit na akong manganak kay ayin, isang umaga ng september 2016, sumubok akong sumakay mula sa cubao papuntang work sa ccp. umaambon noon, katatapos lang ng magdamag na ulan, napakaputik ng mga kalsada. habang hinahanap ko ang terminal ng FX na biyaheng Cubao-Buendia, patawid-tawid ako sa mga kalsada along aurora boulevard. napakaraming tao sa cubao kahit alas-sais pa lang. sa isip-isip ko, di na ako uli sasakay dito. stressful. tapos, bigla, sa gitna mismo ng kalye, may napansin akong orange na papel na puro putik. yumukod agad ako para pulutin ito, akala ko kasi, bente. ay hindi, P500 pala! ang saya-saya kong pumasok ng office. agad ko itong ikinuwento kina sir hermie, mam bing at sir nes. tuwang-tuwa kaming lahat. siyempre, nanlibre ako ng lunch sa buffeteria.

3. this year naman, isang gabi ay nanood kami ni papa poy ng wonder woman sa sm bacoor. walking distance lang ito sa bahay namin kaya nang pauwi na, sabi ko ay huwag na kaming mag-sidecar. sayang lang ang benteng pamasahe sa sidecar. pagtapat namin sa napakadilim na bahagi ng tirona hi-way, sa tapat ng sarado nang tindahan ng tiles, huminto ako sa paglalakad. may nakita kasi akong piso sa kalsada. sabi ni poy, bakit? sabi ko, ayan o, piso. yumukod siya. ha? asan? itinuro ko, ayan, o. mas malapit ang piso sa paa niya. asan, sabi ni poy. wala talaga siyang makita kaya ako na ang yumukod at pumulot. saka lang niya nakita ang piso. sabi ni poy, nakita mo yon? ang dilim-dilim. ‘yan ang wonder woman! tawa kami nang tawa hanggang makarating sa bahay.

4. noong october 2017, may spoken word performances ang division namin sa intramuros, bahagi ito ng isang cultural event na inorganisa ni carlos celdran. bago ako mag-intramuros, nag-talk ako sa PNU. doon kami nag-meet ng kaibigan kong si emeng , tapos sinamahan niya ako hanggang intramuros. hapon pa lang, napansin na ni emeng na lagi akong nakakapulot ng barya. piso sa loob ng baluarte de san diego sa intramuros. tapos noong nagpunta kami sa ccp para kunin ang compli copies ng Ani para sa spoken word performers, nakapulot naman ako ng bentsingko along vito cruz, malapit sa bakod ng bangko sentral. naikuwento ko tuloy na lagi talaga akong nakakapulot ng pera kakatingin ko sa kalsada. ikinuwento ko ang P500 noong buntis ako. anong tawa ni emeng. akala niya yata, nagjo-joke ako. during the event sa intramuros, nakita ko ang friend kong si joshel. after the event ay ayaw pang umuwi ni joshel, si emeng ay libre din. ako naman, uwing-uwi na pero ayaw ko namang iwan si joshel kay emeng dahil hindi naman magkaibigan ang dalawa. naglakad-lakad kami sa malate, naghahanap kami ng lugar na makakainan at matatambayan. nakapulot na naman ako, diyes. tawa na naman si emeng. na-amuse na talaga siya. naikuwento ko na rin kay joshel ang pagiging reyna ko ng barya. tawa rin si joshel. nang makakita kami ng mapag-iiwanan kay joshel, isang place na may ino-offer na promo sa kanilang menu, umalis na kami ni emeng para ibalik ang ibang libro sa ccp, saka kami bumiyahe uli pa-malate para kay joshel. pagbalik, umaatikabong kuwentuhan, tapos inom nang konti, tapos mamya ay kape na. nakadalawang kape ako. sinusulit ko ang promo. pero biglang lumapit sa amin ang manager at ang sabi ay may limit daw ang kanilang promo. asar na asar ako kasi nang kuwentahin namin ay napamahal pa kami! e, ako ang nangakong magbabayad dahil treat ko iyon kina joshel at emeng, sinamahan kasi nila ako buong gabi sa intramuros. tumulong din sila sa egress at sa pag-asikaso sa mga performer. anyway, di na kami nakipagtalo sa manager tungkol sa deceiving nilang pakiyeme. let’s call it a day, sabi na lang namin. uwian na, tutal naman medyo late na nang time na iyon, around 2am. paglabas namin, idinaan na lang namin sa joke ang kaengotan namin sa promo. halos isumpa namin ang establishment at ang manager. habang nagtatawanan kami at naglalakad along mabini street approaching quintos street, may namataan akong kalat sa kalsada. parang sachet ng coffeemate. isang hakbang pa, mas malapit na ako, aba, hindi kalat! agad ko itong itinuro kina emeng at joshel. Uy, P500, sigaw ko. yuko agad si joshel sabay pulot. P500 nga. sabog ang tawa namin sa kalsada. aba, bawi agad ang nagastos ko! umuwi silang masaya. umuwi akong nalulunod sa pagkamangha.

college ko na-pick up ang habit ng pagpupulot ng barya sa kalsada. ang kaklase kong si dennis ortega ang nagpayo sa akin nito. “pulutin mo ang barya sa kalsada, bebang. ke maliit ang halaga, ke malaki, pulutin mo. ang bawat barya ay ituring mong opportunity. kung di mo pupulutin, may ibang pupulot niyan” sabi ni dennis. nang time na iyon, working student si dennis. estudyante sa araw, tutor siya ng piano sa gabi. halos wala siyang time sa ibang bagay, wala kasi siyang tinatanggihan na tutorial. mula nang marinig ko iyon sa kanya, naging habit ko na ang magpulot ng pera sa kalsada.

mula nang lumipat kami sa cavite, nilalakad ko araw-araw ang haba ng kalsadang nabanggit ko kanina papunta sa sakayan at pagkababa ng bus
pauwi sa amin. would you believe, araw-araw din akong nakakapulot ng barya? minsan isa, minsan dalawa. pinakamarami ay lima, as in limang magkakaibang pagkakataon. kasabay ko papasok noon si bianca, ang pamangkin kong 6am ang klase. di siya makapaniwalang andaming perang ppakalat-kalat lang sa kalsada. at kahapon nga, iyan na ang record-breaking. siyam na magkakaibang pagkakataon/lokasyon. total of eleven coins. in one single day.

dati, inihuhulog ko lang ang napupulot kong barya sa bag ko. kasehodang madumi 'yan, sige, shoot lang sa bag. pero ngayon, ibinabalot ko na muna ang barya sa tiket ng bus para hindi madumihan ang iba pang laman ng bag ko. siyempre, galing sa kalsada, e di napakarumi nga niyan. alikabok, putik, dura, tae. so, ganito ang nagiging routine ko araw-araw: maglalakad ako, pupulot ng barya, maghahanap ng tiket ng bus, ibabalot ang napulot na barya sa tiket ng bus, saka ko isisilid sa bulsa ng aking bag.

pero lately, binago ko ang routine ko. palagay ko kasi, mas tama ito: bago pa ako maglakad, may hawak na akong mga tiket ng bus.

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...