Tuesday, August 29, 2017

Pagpupugay sa Isang Guro- Sir Noni Hernandez, teacher ko sa Analytic Geometry noong High School

Average lang po ako sa math, sa English at sa iba pang subject. Palagay ko, below average ako sa Analytic Geometry, ang subject na itinuturo ni Sir Noni noon. I was just getting by. Tulad ng nangyayari sa akin sa iba pang subject.

Noong magbigay ng libreng review ang school namin para sa isang national exam para sa mga high school student, nagturo si Sir Noni ng Abstract Reasoning. Parang isanlibong bombilya ang umilaw sa utak ko sa sobrang galing niyang magturo nito. All of a sudden, nagkaroon ng sense ang mga hugis na magkakasunod, ang mga tuldok na nagbabago ng puwesto, ang bumabaliktad na mga tatsulok. Hindi siya gumamit ng kahit na anong gadget, di pa naman uso ang mga laptop at powerpoint noon, hindi siya gumamit ng kahit anong teknolohiya. Just plain words and illustrations. At malalim na malasakit na maunawaan namin ang konsepto ng trends at patterns gamit ang sari-saring hugis.

Dahil sa kanya at sa paraan ng pagtuturo niya, nagkainteres ako sa bahaging ito ng mga exam. The skills that Mr. Noni shared to us gave me the confidence to face this part of an exam. Mula noon, alert na alert ang neurons ko kapag abstract reasoning na. Mas mabilis akong nakaka-shade ng sagot. I learned to trust my perception. I learned to trust myself.

Ako po si Bebang Siy, dating student ni Sir Noni sa PCU High. Isa po akong writer ngayon. Sobra ko pong na-appreciate si Sir Noni kasi sa palagay ko, dahil sa kanya, mataas ang score na nakuha ko sa abstract reasoning part ng UPCAT. Naipasa ko ito, nakapasok ako sa UP Diliman. At dito rin ako nagtapos pagkaraan nang ilang taon.

Thank you, Sir Noni. I owe you a part of my sablay.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...