Thursday, January 12, 2017

things to consider when you are giving a price or quotation for a writing job

1. iyo ba ang byline? if yes, saktuhan mo lang ang pagpepresyo. kung hindi, as in ghost writer ka, taasan mo. kasi someone is getting the credit for your words.

2. gaano kahaba ang isusulat? pinakamababa na ang piso per word kung prosa. Kung tula, siguro mas ok kung per line o taludtod ang pagbibigay mo ng presyo. lugi ka kasi kung per word dahil paiklian ang labanan sa tula. ibang animal ang tula, at kung di ka makata, wag tumanggap ng trabahong pagsusulat ng tula, utang na loob.

3. gaano karami ang kailangang i-research? mag-charge ko ng per hour o per day bukod sa piso per word na output. puwede mo ring ipasok sa price o quotation mo ang pamasahe papunta at pauwi sa kung saan ka magri-research, gayundin ang pagkain mo at entrance fee kung may entrance fee ang lugar ng pagsasaliksikan mo.

4. kailangan bang mag-interview ng tao? tingnan ang sinabi ko sa #3 ng list na ito.

5. malalagay ba sa panganib ang buhay mo dahil sa written output mo? if yes, please charge higher than usual, please lang. i know a friend who had to go to a war torn area in mindanao just to write an article. isa sa mga naitanong niya sa sarili, may insurance na ba ako? hahaha yes kailangan i-consider iyan sa pricing/quotation kasi buhay mo ang posibleng kapalit ng pinatatrabaho sa iyo. kung hindi buhay, posibleng bahagi ng katawan!

6. rush ba iyan? if yes, times three ng usual price. kasi mape-pressure ka, kawawa brain cells mo. magpupuyat ka, 100% sure ako diyan. at higit sa lahat, ipa-prioritize mo siya kaysa sa ibang bagay na mas importante para sa iyo. example niyan, family.

7. saan ka magsusulat? sa facility nila? meaning, pahihiramin ka ng computer o laptop? that's good! kasi kuryente nila iyon, sila ang magbabayad. facility nila iyon, sila ang maaabala, gamit nila ang maluluma, hindi ang sa iyo. kung sagot mo ang place of writing, mag-charge ka ng kuryente at use of computer o laptop. kasi hello, ginagamit mo ang dalawang iyan for the client samantalang hindi mo naman binili iyan para lang sa kanila.

8. ilang revision ang puwede nilang ipagawa sa iyo? dapat may limit. typical na ang up to 2 revisions. kung sosobra diyan, mag-charge ng fee para sa bawat dagdag na revision. may komiks writing gig ako that took forever! my gad, ilang revisions, as in. noong una, ang taas ng fee pero sa dami ng pagpapa-revise nila, feeling ko, lugi na ako.

9. nature ng client-kung for charity naman iyan, you might want to give discount. pero pls, wag ka naman sanang pumayag na libre lang. posible kasing magamit ang pangalan mo when the client is dealing with other writers. sasabihin nila, si ano nga, e, libre lang. eto lang ang isipin mo, lahat ng bagay, babayaran nila for that project, example, paper clip, kuryente, etc. so bakit sa iyo, libre lang? wag papayag!

10. use of copyrighted materials of others- kung gagamit ka ng copyrighted materials ng iba, baka may kailangan kang bayaran so better kung i-charge mo ito sa client, dahil baka wala nang matira sa iyong fee kung ipambabayad mo lang ito sa copyright owners.

11. may down payment ba? dapat meron! para mai-prioritize mo sila! okey na ang one-third ng full payment. another one-third kapag naibigay mo na ang kalahati ng output mo. at another one-third pagkatapos mong isumite ang iyong final output (including revisions).

12. may tax ba? if yes, ilang percent? dapat ay i-consider mo ito dahil hindi biro ang tax. 10-18% na siya ngayon.

13. cash ba ang moda ng payment? saan pipick-up-in? baka sa malayong lupain so i-consider ang pamasahe papunta at pabalik, pati na ang time na mauubos para magawa iyon.

14. tseke ba ang moda ng payment? if yes, for deposit ba o encashment? if for deposit, may bangko ka ba? hahaha! joke lang. three days clearing yan, so kailangan i-consider mo ito: deadline of their payment, plus 3 days. kung ie-encash mo naman ang tseke, saan ba ang bangko nila, baka sa madagascar pa, patay tayo diyan. i-consider ang pamasahe papunta at pabalik, pati na ang time na mauubos para magawa iyon.

15. humihingi ba ng resibo ang client? if yes, may resibo ka ba? if yes, magdagdag ka ng 10% sa pricing o quotation. kung wala, magdagdag ng at least 10% sa pricing o quotation dahil kailangan mong makigamit ng resibo sa iba at malamang na singilin ka ng may-ari ng resibo dahil kailangan din nitong mag-remit ng tax sa gobyerno.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...