Wednesday, August 5, 2015

Q and A sa Pagtuturo at sa Classroom

Para sa mga tanong na ito, salamat kay Patricia Yvonne Aguas ng BS Psychology, Cavite State University.

1. What do you like about teaching?

Iyong nakikita ko na natututo ang mga estudyante sa tinuturo ko at pamamaraan ko.

2. What are the basic needs of your students?

I am not sure. Kasi iba-iba sila, haha. Meron akong estudyanteng sobrang hirap, walang pamasahe. Pero meron din akong estudyante na may kaya. Pero sa loob ng klase, palagay ko ang basic needs nila ay iyong facilities, halimbawa, upuan na maayos, board na maayos, mga gamit sa eskuwela tulad ng ballpen, papel. Basic need din nila iyong classroom na malayo sa maingay na lugar, masyadong mainit, masyadong malamig na lugar (paano ka makaka-concentrate sa pag-aaral pag maingay, mainit o malamig?).

3. How do you motivate a student?

Inire-relate ko sa buhay at araw-araw na mga bagay ang lesson namin. Sinisiguro ko na practical ang application ng concepts. Sinisiguro ko rin na akma ang lessons namin sa pinili nilang course. That way, hindi sila tamarin na makinig sa mga sinasabi ko, that way, makita nila na ang inaaral namin, may use pa rin paglabas nila ng classroom.
I also give bonus work para magkaroon sila ng bonus points. Madadali lang ang bonus works na ito. Minsan, I ask them to look for something in a specific place tapos magse-selfie sila doon (for example, the Balangay display outside the National Museum in Manila). Minsan, I ask them to look for an author in a specific event (for example, Filipino authors sa Manila International Book Fair sa MOA), then magse-selfie sila.
I also give bonus 0.25 na grade sa final grade kapag walang absent at late sa buong semestre. I believe na mas maraming natututuhan ang estudyanteng nakakumpleto sa attendance. No excuses though. Kung totoong may sakit at um-absent, hindi na rin maa-avail ang 0.25 kasi bonus lang naman iyon.

Noong nasa UST ako, I did this. May dagdag pa (yes another dagdag bukod sa plus na 0.25) bonus points ang buong group kapag walang late, walang absent sa kanila. Ang nangyayari, sila-sila na ang nagmo-motivate sa mga kagrupo nila. Kita mo ang malasakit nila sa isa’t isa, haha!

4. How is your classroom management?

Mahina ako rito. Laging maingay ang classroom ko. Mataas kasi ang tolerance ko sa ingay. Para sa akin, walang kuwenta ang classroom na sobrang tahimik. Either, walang natutuhan ang mga estudyante o tulog sila inside their body hahaha! Pag di ko na makayanan ang ingay, inililipat ko ng upuan ang estudyante. Noong nasa UST ako, ang ginawa ko, binabawasan ko ng grade sa quiz ang katabi ng estudyanteng maingay. Sa ganong paraan kasi, hindi na ako ang nagsasaway, iyong katabi na ng maingay at makulit na estudyante ang nagsasaway. Kasi kung hindi, siya ang mababawasan ng puntos.

5. What was the worst scenario that happened in your class?

Nagalit ako, sobra, dahil harap-harapan ay may nag-present ng plagiarized work. Bago nangyari ang presentation ng estudyanteng ito, may napagsabihan na ako tungkol dito. Estudyanteng nag-plagiarize din. Nasermunan ko na ang buong klase dahil sa pagpe-plagiarize ng isang estudyante. After a few minutes, bago matapos ang klase, may nag-present nga. Isang tula na hindi kanya. Kilala ko ang sumulat ng tulang iyon at kabisado ko ang tulang iyon (maikli lang kasi). Sobrang nagalit talaga ako. Right then and there, gusto kong isingko iyong dalawang estudyante. Ipinarating ko sa dean ang ginawa nila. Automatic zero sila sa gawain, e major exam iyon. At pinatawag ko rin ang magulang nila. Sinabi ko sa mga magulang na ang mga anak nila, first year, first sem pa lang, nagnanakaw na. Pagnanakaw ang plagiarism. Hiyang-hiya ang nanay no’ng isa. Ang nanay na iyon ay isang tindera sa bangketa ng Divisoria. Dapat iyong anak niya, iyong estudyanteng iyon ay maging mas maingat at hindi na gagawa ng anumang ilegal, di ba? Sayang ang chance na makapag-aral sa kolehiyo kung sakaling na-expel siya sa ginawa niyang plagiarism!

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...