Thursday, February 19, 2015

Ispesyal na Patimpalak : Pagbibigay-Payo sa Pag-ibig


Habang naghihintay ng Taunang Patimpalak ng Saranggola Blog Awards, minabuti nito na magkaroon ng maikli at naiibang patimpalak na magpapakilala rin ng mga manunulat na Pilipino.

Para sa unang patimpalak, ito ay tungkol sa Pagbibigay Payo sa Pag-ibig

Maaaring lahat tayo ay umibig na; mabuti kung kinaya mo ang kilig pero kung nawindang, nagbale-balentong, napagulong at sinira nito ang balanse mo sa buhay, welcome to the club!

Hindi biro ang umibig, parang bacteria yan. Pwedeng makatulong sayo pero pwede ring makasama.

Kung magiging doktor ka ng puso at magbibigay payo sa usaping pag-ibig, ano ang masasabi mo?

1. Sumulat ng payo tungkol sa pag-ibig.
2. Tumalakay ng Romantikong Pag-ibig. Hindi tungkol sa pagmamahal ng kaibigan o magulang, pag-ibig sa Diyos at hindi rin tungkol sa Pag-ibig sa inang Kalikasan. In short, pang magkasintahan.
3. Bahala ka sa istilo at diskarte, ikaw na rin ang mag-isip ng problema.
4. Payong hindi aabot sa dalawang libong (2,000) salita.
5. Wikang Filipino ang gagamitin.
6. Pwedeng pambata, pwedeng pang matanda at pwedeng may "patnubay ng magulang ay kailangan."
7. Payo at hindi Kwento. magkaiba yun.
8. Para ito sa Labing apat (14) na taong gulang pataas.

Paano sumali?
1. Isulat ito sa iyong blog. kahit bagong gawang blog ay pwede.
2. Magcomment sa baba at ilagay ang link ng iyong isinulat.
3. Siguraduhing ikaw ang gumawa at hindi kinopya lang, tandaan: Ang mangopya sa gawa ng iba ay mawawalan ng totoong Pag-ibig sa loob ng sampung taon!
4. Sa baba ng iyong isinulat, ilagay ang link ng Saranggola Blog Awards (www.sba.ph)
5. I-share sa facebook, twitter at kung saan-saang social media.
6. Hindi ito paramihan ng likes at share. Kailangan mo lang syang i-share dahil yun ang silbi ng payo di ba? Para sa iba at hindi para amagin sa blog mo :)

Sali na!

Ano ang premyo?
1. Ang mapipiling pinakamahusay na payo ay kikilalaning "the next Charo Santos- Concio at maghohost ng Maalala ala mo Kaya. Syempre, joke to.

2. Ang totoong premyo ay P2,000 at mga aklat ni Beverly Siy. Syempre may dedication.

Ang hurado ay si Beverly Siy - ang makabagong diwata ng Pag-ibig.

Wala siyang doctorate sa Psychology at wala ring expertise sa love at hindi rin sya marriage counsellor,

Marami na syang naranasan tungkol sa usaping Pag-ibig. Hindi lahat ay naging maganda. Hindi perfect ang buhay nya lalo na ang lovelife nya. Pero perfect syang judge dito dahil tao sya, babaeng niregla (oo, totoong babae sya), nagmahal, nasaktan at nagmahal ulit. Kakakasal nga lang nya and take note, may baby na silang parating.

Mas makikilala sya sa kanyang mga sinulat na It’s a Mens World at Nuno sa Puso.

Bukas ang Patimpalak na ito mula ika 14 ng Pebrero hanggang ika 6 ng Marso.

5 comments:

Unknown said...

Ms. Babe ito po ang akin :) salamat po :)
https://supressednomore.wordpress.com/2015/03/04/parang-over-realistic-naman-porn/

Katrine Cates Villanueva said...

Magandang araw po, ma'am! Heto po ang aking entry. Kung palarin mang basahin ninyo ito, maraming salamat po!

http://catesvillanueva.tumblr.com/post/112776066880/pag-ibig-bawal-tanga-nakamamatay

Anonymous said...

magandang gabi mo ma'am bebs. heto ang aking entry.

https://chubibomondejar.wordpress.com/2015/03/05/hello-world/

Unknown said...

Hello Ma'am Bebang! Subukan ko hong magpasa. Salamat ho ho sa pagbasa. :)

http://thenextcerealguy.tumblr.com/post/112798341541/sangkap

Judy Pangilinan said...

Hello ma'm Bebang Siy, eto po ang entry ko. Sana po mabasa 'nyo. Salamat.

http://reynakongsablay.tumblr.com/post/112826169369/ganyan-ako-noon-katulad-mo-ngayon

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...