Saturday, February 28, 2015

Mula sa Mambabasang si Joscelle Tan

Magandang gabi po mam Bebang. Ako po si Joscelle Tan, yung unang nagpa-autograph sa inyo kanina sa RTU po. Nag-seminar po kayo dun, at masasabi kong napakasuwerte ko kasi nakita po kita kaso wala tayong picture maam! :( Hehe. 3rd year pa po ako nung matuklasan ko po ang librong Its Mens World. Nung una, curious talaga ako sa title kasi mam kakaiba po eh. Di ako nagdalawang-isip na bilhin yun at ayun nga maam, sobrang relate po ako sa inyo. :D Kaya mam, nung nakita ko yung Nuno sa Puso, nangutang pa po ako ng pera para lang bilhin yun maam :D hehe at ewan ko mam sobrang amaze ako sa inyo, bukod sa maganda ka po eh magaling ka pa po :) sana po mag-seminar po ulit kayo sa RTU kahit na graduating na po ako :D

Sana maam, maituloy ko na po ang pagsusulat kahit nasa dugo ko na po ang katamaran. Hehehehe Ayun lang po maam :D Maraming salamat poo!! God Bless po. :)

I'm happy to meet you, Joscelle! Sana ay araw-araw ka na ngang makapagsulat. Kahit sa diary mo lamang. Magandang training na iyon.

Hanggang sa muli!

Friday, February 20, 2015

Mula sa Mambabasang si Mark Joseph Arisgado

Rebyu sa Nuno sa Puso (ni Bebang Siy)

Sa isang private message (PM) sa Facebook, sabi ni Ms. Bebang, 'wag ko raw uliting basahin ang Nuno sa Puso dahil "puro kalokohan" lang daw ang isinulat niya roon. Totoo naman! Puro kalokohang payo tungkol sa pag-ibig, relasyon, at mga bagay tungkol sa buhay ang laman ng kaniyang aklat! Subalit ang mga mapagbiro at nakatatawang payo ni "Binibining Bebang" na higit na mabisa at tumatagos, ang siyang dahilan kung bakit inuulit-ulit ko ang pagbabasa ng libro.

Kumpara sa mga librong nagpapayo sa pag-ibig at buhay na may layunin ding magpatawa, madarama ng mambabasa ang "malasakit" sa panulat (at tinig) ni Ms. Bebang. Parang kaibigan mo talaga siya. Walang panghuhusga at pangmamaliit sa mambabasa ang kanyang payo. Inuunawa niya ang sitwasyon at tinutulungan ang nanghihingi ng payo na matukoy ang "tunay" nitong problema na dapat bigyang aksiyon. May mga pagkakataon kasing dapat munang ipamulat at ipaliwanag sa sumulat ang tunay na problema nito bago ibigay ang bagay na sagot. Kaya tila iba ang nagiging payo ni Ms. Bebang sa sagot na inaasahan mambabasa sa simula.

Nakakaaliw ang mga sitwasyong isinama sa dalawang aklat (Oo, dalawa. Isang blue at isang orange, marahil ay dahil di kayang pagsamahin sa isang aklat ang wisdom at sense of humor ni Ms. Bebang). At hindi maiiwasang maka-relate ang sinumang mambabasa sa mga problemang isinama rito. Para sa mga gustong sabay na matawa at matuto, magandang babasahin ito.

PS: Sa totoo lang, maaaring gawing pelikula ang aklat (mala "Bakit Di Ka Crush Ng Crush Mo?").

Nakakaiyak naman, maraming salamat dito, Mark. Makakaasa ka na mas marami pang aklat ang kakathain ng tambalang Beb at Poy. Padayon!

Thursday, February 19, 2015

Ispesyal na Patimpalak : Pagbibigay-Payo sa Pag-ibig


Habang naghihintay ng Taunang Patimpalak ng Saranggola Blog Awards, minabuti nito na magkaroon ng maikli at naiibang patimpalak na magpapakilala rin ng mga manunulat na Pilipino.

Para sa unang patimpalak, ito ay tungkol sa Pagbibigay Payo sa Pag-ibig

Maaaring lahat tayo ay umibig na; mabuti kung kinaya mo ang kilig pero kung nawindang, nagbale-balentong, napagulong at sinira nito ang balanse mo sa buhay, welcome to the club!

Hindi biro ang umibig, parang bacteria yan. Pwedeng makatulong sayo pero pwede ring makasama.

Kung magiging doktor ka ng puso at magbibigay payo sa usaping pag-ibig, ano ang masasabi mo?

1. Sumulat ng payo tungkol sa pag-ibig.
2. Tumalakay ng Romantikong Pag-ibig. Hindi tungkol sa pagmamahal ng kaibigan o magulang, pag-ibig sa Diyos at hindi rin tungkol sa Pag-ibig sa inang Kalikasan. In short, pang magkasintahan.
3. Bahala ka sa istilo at diskarte, ikaw na rin ang mag-isip ng problema.
4. Payong hindi aabot sa dalawang libong (2,000) salita.
5. Wikang Filipino ang gagamitin.
6. Pwedeng pambata, pwedeng pang matanda at pwedeng may "patnubay ng magulang ay kailangan."
7. Payo at hindi Kwento. magkaiba yun.
8. Para ito sa Labing apat (14) na taong gulang pataas.

Paano sumali?
1. Isulat ito sa iyong blog. kahit bagong gawang blog ay pwede.
2. Magcomment sa baba at ilagay ang link ng iyong isinulat.
3. Siguraduhing ikaw ang gumawa at hindi kinopya lang, tandaan: Ang mangopya sa gawa ng iba ay mawawalan ng totoong Pag-ibig sa loob ng sampung taon!
4. Sa baba ng iyong isinulat, ilagay ang link ng Saranggola Blog Awards (www.sba.ph)
5. I-share sa facebook, twitter at kung saan-saang social media.
6. Hindi ito paramihan ng likes at share. Kailangan mo lang syang i-share dahil yun ang silbi ng payo di ba? Para sa iba at hindi para amagin sa blog mo :)

Sali na!

Ano ang premyo?
1. Ang mapipiling pinakamahusay na payo ay kikilalaning "the next Charo Santos- Concio at maghohost ng Maalala ala mo Kaya. Syempre, joke to.

2. Ang totoong premyo ay P2,000 at mga aklat ni Beverly Siy. Syempre may dedication.

Ang hurado ay si Beverly Siy - ang makabagong diwata ng Pag-ibig.

Wala siyang doctorate sa Psychology at wala ring expertise sa love at hindi rin sya marriage counsellor,

Marami na syang naranasan tungkol sa usaping Pag-ibig. Hindi lahat ay naging maganda. Hindi perfect ang buhay nya lalo na ang lovelife nya. Pero perfect syang judge dito dahil tao sya, babaeng niregla (oo, totoong babae sya), nagmahal, nasaktan at nagmahal ulit. Kakakasal nga lang nya and take note, may baby na silang parating.

Mas makikilala sya sa kanyang mga sinulat na It’s a Mens World at Nuno sa Puso.

Bukas ang Patimpalak na ito mula ika 14 ng Pebrero hanggang ika 6 ng Marso.

Monday, February 16, 2015

Mula sa mambabasang si Janine Francisco

Hi Ms. Siy,

I just bought your book today. Nakakatuwa, I was searching for a Filipino novel sa National book Store. Puro classic writers, Inigo Ed Regalado, etc. Then I saw your book. Naka-plastik. Di ako mahilig sa contemporary writers, pero nang nabasa ko ang mga excerpts sa likod, natuwa ako. Made me smile. i just want to say na nakakatuwa ang libro mo, masakit ang laman, pero yung sakit na nakaka-inspire. Thank you at mabuhay ang mga manunulat na Pilipino.

You can check my blog supressednomore.wordpress.com. Puno rin ng kasawian, hahaha, pero kumakapit pa rin. Tulad ng mga tauhan sa iyong akda.

Love,

Janine


Thank you, Janine! Sa uulitin po!

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...